Hindi ko na naitanong kung paano niya nalaman ang bansag saakin nung biglang umambon.
"May payong ka diyan, Ricah?" Ang tanong ko sakanya habang nakatitig sa taas, pinagmamasdan ang bawat pagpatak. Kinalkal niya ang bag niya at mukhang wala nga siyang dalang payong, "Uhm.. pasensya na Roger, nalimutan ko ito!".
Hinawakan ko bigla ang kanyang pulso nung sinarado niya na ang kanyang bag at tumakbo ng mabilisan.
"Roger... teka lang! Bawal ako mapagod" Ang hingal na hingal niyang pagka sabi at tumigil ako.
"Lika.." Ang sabi ko sakanya habang naka posisyon ako para buhatin siya "Pero Roger, ayos lang ba?" Mahiyain naman pala ito.
"Bilis na Ricah, malayo-layo pa ang silong" Ang mabilisang pagka sabi ko sakanya at napilitan na siya sumakay sa aking likuran, napaka gaan niya. Hindi ko alam ano pumasok sa isipan ko bakit ko ginawa to!
"Hawak ka sakin ng mabuti" Ang sabi ko sakanya bago ako tumakbo ng mabilisan. Naramdaman ko ang mahigpit na kapit niya sakin, natatakot ba siya?
"WOHOOO!"
Nawala ang pag-aalala ko sa kanyang masiglang pagsigaw habang tinatangay ang kanyang buhok ng mabilis na hangin, nag eenjoy naman pala siya.
Malapit na ang silong pero bumuhos na ang malakas na ulan! Agad tumaas ang tubig at pumasok ito sa aking sapatos, binagal ko ang aking pagka takbo na nauwi nalang sa lakad dahil sa takot na madulas, hindi ko siya pwede ibaba baka pumasok din ang tubig sa kanyang sapatos mukhang mamahalin pamo.
"Pasensya na Ricah, nabasa pa ikaw" Ang sabi ko sakanya nung nakarating na kami sa silong
"Ayos lang, dapat nga pasalamatan kita sa pagbuhat sakin" Ang masaya niyang pagkasabi saakin at nag ngitian nalang kami.
Nanlaki ang mga mata ko nung dahan-dahan niyang inalis ang butones ng kanyang school blouse at ipiniga ito. Sinusubukan ko labanan ang bulong ni Satanas pero hindi ko kaya hindi sumulyap kahit sandali, sobrang puti niya at bagay na bagay sakanya ang kanyang purple na sando. 'Kapag pinapakita dapat tinitigna--' Tama na Satanas! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!
Pinang takip niya ang blouse sa kanyang harap at umupo siya sa tabi ko sabay pinag masdan ang malakas na buhos ng ulan at mukhang matagal-tagal pa bago ito tumila.
"Gusto ko sana maglaro sa ulan kaso bawal"
Nakapag sisi bakit ko tinanong bakit bawal siya maglaro sa ulan, nag mukha tuloy akong tanga at 'un ngisi tuloy ang kanyang naging reaksyon.
Tatanungin ko sana kung paano kami ni Ricah makakauwi sa kabila ng malakas na ulan na ito nang may tumawa sa pangalan namin at kami'y napatingin sa likod
"Oi Pedro! Ricah! Anong ginagawa niyo dito?!"
Lumapit siya samit at binitawan ang kanyang malaking payong sa baba.
"Ako nga dapat magtanong niyan saiyo Pedro eh sabi mo kanina uuwi ka na" Wika ko
"May inasikaso lang" Tugon niya at nabigla kami ni Ricah sa paglabas ni Pedro ng dalawang payong sa kanyang bag, may dalawa pa yata natitira.
"Oh 'eto, uwi na kayo. Sainyo na yang payong" Ang sabi niya sabay ang pag bigay niya samin ng mga 'to.
Nagtaka ako bigla saan niya nakuha ang ganitong karaming payong, tinanong ko siya at napatawa nalang ako sa pagngiti niyang tugon... ung ngiting nag kukumpirma siya pala ang taga nakaw ng payong sa room piste.
Nagpasalamat kami sa paglilitas ni Pedro saamin bago siya lumisan.
"Ano sinasakyan mong jeep?" Ang tanong ko kay Ricah habang ako'y nakatalikod at sinusuot niya ang kanyang blouse. "Sumasakay lang ako trike"
"Hatid ko na ikaw baka mapano ka pa"
Ang sabi ko sakanya at bigla nalang siya ngumiti at sabi "tara na nga"
Nung dumating na kami sa TODA ay namaalam kami sa isa't isa
"Kita tayo ulit bukas"
Sabi niya sakin at sumakay na ng tricycle. Naka ngiti na pala ako bago ko ito namalayan.
"Jowa mo yun, boy? Swerte mo naman ah"
Sabi ni manong driver at tinanggi ko kaagad ito sabay sa pagsabi ng
"Mag kaibigan lang po hehe"
Pero sana hindi hanggang magkaibigan lang. Hindi ko na kaya itago pa kaya itong nararamdaman ko. Binunot ko ang phone ko sa aking bulsa at tinawag si Pedro
"Hello, Roger? Ano mayroon bakit napa tawag ka?"
"Pedro... gusto ko na umamin kay Ricah bukas"