Chapter 6 - Chapter 4

KAKATAPOS lang ng 'moving up' ceremony sa school ni Victor at kumain silang tatlo ng Boss nya sa isang sikat na restaurant bilang pagce-celebrate.

Habang naghihintay ng mga in-order nila ay panay ang chat sa kanya ni Peter tungkol sa magiging ka-blind date nya mamaya. Naiinis na sya dahil kanina pa sya nito kinukulit at naniniguradong sisipot nga sya.

"You look upset." Puna ng boss nya sa kanya. "Sino ba yang ka-text mo."

"Wala po Boss." Kaagad nyang in-off ang screen ng phone nya. "Kinukulit lang po ako ni Peter." Bigla ay may naalala sya. "Nga pala Boss, hindi pa po ako nakakapag-paalam sayo diba? Balak ko po kasing umuwi ng maaga mamaya. May pupuntahan lamg po akong importante."

Tumango ito. "Okay. Ikaw ang bahala. May dinner meeting din ako mamaya kaya hindi na ako makakasabay sayong mag-dinner kaya okay lang."

Napangiti sya. "Thank you Boss. The best ka talaga!" Nag-thumbs up sya dito at muling dumutdot sa phone nya. Ngunit bago iyon ay nahagip ng tingin nya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. She just ignored it and continued chatting with Peter. Nairita sya dahil patuloy pa rin ang pangungulit nito sa kanya.

Maglalagay na talaga ako ng tigre sa tapat ng bahay para hindi ka na makapasok at makahiram ng laptop na demonyo ka!! Gigil na gigil na reply nya kay Peter. Ang kulit kasi nito at paulit-ulit syang kinukulit na dapat makarating sya sa Blind date.

"Mommy what's wrong? You look upset." Tanong ni Victor sa kanya. Victor gave her a confused look.

"Wala beh. Okay lang ako. Play ka lang muna dyan at may re-reply-an pa akong kumag." Mabilis pa sa alas kwatrong binulyawan nya si Peter through text kaya mabilis at nanggigigil ang mga naging galaw ng hinlalaki nya sa pagtitipa.

"You're scaring me, Mommy. You look very upset."

Kaagad nyang ibinaling ang tingin nya kay Victor at ngumiti. "See? Hindi ako galit. Gusto mo i-kiss kita sa cheecks para maramdaman mong hindi ako angry?" Tanong nya dito. Tumango ito at inuwestra ang pisngi para mahalikan nya. Kaagad nya iyong dinampian ng halik at ibinalik ang atensyon sa pagtitipa ng keyboard sa cellphone nya. Bumalik ulit sa beastmode ang awra nya.

"You look scary, Candy." Anang Boss nya.

"Hindi po ako galit Boss." Nag-angat sya ng tingin at ngumiti. "See? Hindi ako galit."

"Prove it."

Napasimangot sya. Alam nyang ginagaya nito ang style ni Victor kanina. Gusto nito ng Kiss!

Isa pa to eh! Porke't alam ko ng may pagnanasa sya sakin ay lantaran naman ang pagpapahayag ng kagustuhan!

"Hindi ka bata, Boss. Dapat maging kasing cute mo si Victor para makatanggap ng Kiss sakin."

"I'm his father, so yeah. Im cuter than him."

Napairap sya sa hangin dahil sa sinabi nito. Kahit may kaunting kayabangan ang sinabi ng Boss nya ay alam nyang totoo iyon. He's cute. No! Scratch that, he's handsome! Drop-dead handsome!

Napailing sya at muling itinuon ang pansin sa pagdutdot ng cellphone.

"Demonyo ka Peter!! Tigilan mo na ako sa mga tanong mo! Sisipot nga ako sa date!!" Nanggigigil nyang tinype sa phone nya.

"Tigilan mo na yan." Nagulat sya nang biglang hablutin ng boss nya mula sa kamay nya ang phone at mabilis na binasa ang conversation nila ni Peter. Napakunot noo ito sa mga nabasa at muli syang binalingan. "Makikipag-date ka?"

Natigilan sya. Hindi nya alam kung paano sasagutin ang tanong ng boss nya. "Ahmmm..." she cleared her throat. "Ahmmm..." she cleared her throat once again. "Ahhhmmm..."

"Barado ba ng plema yang lalamunan mo at hindi ka makapagsalita?" Seryoso itong nakatingin sa kanya. Mukha tuloy syang kriminal na ini-interrogate ng pulis. "Sinong ka-date mo?"

"B-Blind date pa lang naman Boss eh. Hindi ko pa kilala."

"I changed my mind. Sumama ka sakin sa meeting ko kay Mr. Chua. Sandali lang tayo doon at may pag-uusapan lang kaming mga terms sa bagong kontrata. May imi-meet din sya doon kaya magiging mabilis lang ang pag-uusap namin."

"Pero Boss! Magagalit sakin si Peter-----"

"No buts, Candice! Sinong mas importante? Date o ako?"

Natigilan sya sa tanong nito. Aba! Kung makapag-demand ito akala nya boyfriend ko sya!

Mukhang natauhan din ang Boss nya sa sinabi nito kanina. "I mean..." he cleared his throat. "Unahin muna natin ang trabaho. Huwag kang makipag date mamaya."

"Pero Boss, may usapan kami-----"

"Basta mamaya sumama ka sakin. You can do whatever you want after the meeting. Basta huwag ka munang sumipot sa blind date mo."

Nanlumo sya sa sinabi nito. Pumadyak-padyak sya sa sahig at napasimangot. Ano pa ba ang magagawa nya? Alam nyang magtatampo ang boss nya sa kanya kapag hindi nya sinunod ang gusto nito.

She heaved a sigh as a sign of defeat. Bahala na si Batman. Siguro ay sa susunod na lang nya paplanuhin ang Blind Date nya.

Nang matapos na silang kumain ng tanghalian ay dumiretso kaagad sila sa bahay ng Boss nya para iwan si Victor kay Manang Ester. Bibisitahin pa kasi nila ng Boss nya ang taniman para kamustahin ang mga trabahador nila doon at kailangan din nilang pumunta sa Poblacion Wet Market para kuhanin ang kabuuang renta ng mga tindero at tindera doon sa pwesto. Magta-takipsilim na nang matapos nila ang mga gagawin sa araw na iyon at sakto lang para sa meeting na pupuntahan ng Boss nya. Nagpunta sila sa isang fine-dining restaurant sa Poblacion. Pagpasok pa lang nila ay kaagad silang iginiya ng staff papunta sa isang table kung saan naroon ang isang lalakeng tantya nya ay nasa mid-30's ang edad. Nang makita sya nito ay kaagad itong tumayo at inalok ang kamay sa kanya.

"Hi, Ms. Lassiter. Im Ken Chua. Ako ang ka-Blind date mo."

Nalaglag ang panga nya sa sobrang gulat. Pinaglalaruan ba sya ng tadhana? Bakit sya kilala ng lalake? Bakit alam nito na sya si Ms. Lassiter? Bakit coincidence pa iisang tao lang ang imi-meet nilang dalawang Boss nya? Ibig sabihin ito ang tinutukoy ng Boss nya na sinu-supply-an nito ng Bigas sa karatig bayan?

"You know her?" Tanong ng Boss nya sa lalakeng kaharap nya.

"Yeah i know her. Sya yung isinet-up sakin ni Peter para i-date. Peter is one of my close friends way back in highschool. Nang magkita kami noong nakaraang linggo ay tinanong nya kaagad ako kung interesado daw ba ako sa blind date." Bahagya utong natawa. "He showed me Ms. Lassiter's pic earlier. Natipuhan ko sya kaagad kaya pumayag akong makipag-blind date." Tumingin ito sa kanilang dalawa ng Boss nya. "Dont tell me sya yung sinasabi mo sakin na employee mo na almost 8 years na nagtatrabaho sayo?" Tumawa ito. "What a coincidence, man!" Binalingan nito ang Boss nya at tinapik ang braso nito. "I never knew that you have a stunning hot lass beside you for almost 8 years! Tsss... Mahina ka pare. Kung ako sayo niligawan ko na yan."

Nag-init ang mukha nya sa sinabi ng kaharap. "Thanks for the compliment, Mr. Chua."

Ngumiti ito sa kanya. "Call me Ken." Inalok nito ang kamay sa kanya para makipag-shakehands.

"Candice Lassiter. Nice to meet you." Tinanggap nya ang pakikipag-shakehands nito. Nanatili lang syang nakatitig dito habang magkadaop ang mga kamay nila. Kung pagmamasdan mabuti ay napaka-masculine ng lalakeng kaharap nya. His chiseled and well-tanned body emphasizes his tantalizing and chinky sky blue eyes that could instantly make a woman's knees tremble... but not her. Oo nga at gwapo ito pero hindi hamak na mas gwapo ang Boss nya.

Napailing-iling sya. Bakit ba nya biglang naisip ang Boss nya?

And then it hit her. Nakalimutan nyang nasa tabi lang pala nila ni Mr. Chua ang Boss nya!

She immidiately diverted her gaze at Hector. She gasped when she saw his deadly gaze on her and Mr. Chua's entwined hands. Kaagad nyang hinablot ang kamay nya mula sa pagkakahawak doon ni Mr. Chua. Nakahinga sya ng maluwag nang biglang nawala ang galit sa mga mata ng Boss nya nang gawin nya iyon.

"Have a seat, Candy."

"Have a seat, Candy." The two said in unison. Sabay din ang mga itong humila ng upuan sa magkabilang side para i-alok sa kanya.

Natawa sya. "Pwede na kayong mag-choir." Kaagad nyang nilapitan ang Boss nya at tinanggap ang upuang inalok nito. She saw a smile of triumphant formed on her Boss's lips while staring at Mr. Chua. Para itong batang nagwagi sa pogs.

"Okay." Umupo si Mr. Chua sa upuang inalok nito sa kanya kanina sabay lapag ng isang folder sa table at inabot iyon sa Boss nya. "Na-revise na yan ng abogado ko at abogado mo. Pirma mo na lang ang kailangan."

Kaagad iyong kinuha ng Boss nya at nagmadaling pinirmahan saka inabot kay Mr. Chua. "There. You can leave now. Kakain pa kaming dalawa."

Napailing-iling ito sa kanya at kinuha ang folder sa mesa bago tumayo. "A green-eyed monster is the scariest montster i've ever seen." Ani Mr. Chua at binalingan sya. "Kaya Candy, huwag kang basta-bastang lalapit sa mga lalake. Natatakot akong maging endangered species ang mga kalalakihan dahil sa isang halimaw na berde ang mata."

Napakunot-noo sya. Bakit sya nadamay? Ano namang kinalaman nya sa halimaw na berde ang mata? Meron ba non sa probinsya nila? Ang akala nya nasa wild lang yon o sa amazon makikita? At isa pa, bakit sya ang mag-a-adjust? Anong kinalaman nya at ang pakikipaglapit nya sa mga lalake sa panganib na mauubos ang mga kalalakehan sa mundo?

Naguguluhan sya pero hindi nya magawang magtanong dahil magmumukha syang tanga at bobo sa harap nito. Kaya ngumiti na lang sya bilang pagtugon.

"Salamat sa payo, Mr. Chua. Hayaan mo at susundin ko." Kinindatan nya ito.

"Candy!" Narinig nyang saway sa kanya ng Boss nya. Hindi nya ito pinansin at mas lalo pang nginitian si Mr. Chua.

"Give me your phone."

Napakunot-noo sya sa sinabi ni Mr. Chua. Gayunpama'y inabot nya dito ang cellphone nya. Kinuha din nito ang phone nito mula sa bulsa ng slacks nito at ni-tap ang phone nya gamit ang phone nito. In an instant, biglang umilaw ang phone nya at may nakalagay na pop-up window sa screen nya.

Ken Chua

09*********

Add to Contacts?

Yes       No

Nanlaki ang mga mata nya. "Wow! Hightech!"

"Yeah. It's the newly-launched app by Trivano Tech. It lets you share your number to others or vice versa in just one physical tapping of two or more phones." Inangat nito ang phone nito at ipinakita sa kanya ang pop-up window sa screen ng phone nito.

Candice Lassiter

09*********

Add to Contacts?

Yes      No

"Ang galing! Alam nya kung ano yung pangalan at number ko!" Napasapo sya sa noo at halos hindi makapaniwala sa nakita.

"Our phones has a built-in app that saves the name and number of the owner. It let's us share our numbers with the community in the fastest and most convenient way possible. Thanks to Trivano Tech."

"Grabe! Hindi ko alam na may ganito palang features ang phone ko."

Ngumiti si Mr. Chua sa sinabi nya. "So, let's catch up some other time? Let's have a date next week?"

She was about to nod and say yes when suddenly, her Boss's voice intruded. "No thanks, Ken. She's not free to date you." Hector's baritone voice is cold with a hint of anger. When she diverted her gaze at him. She gasped silently when she saw her Boss's eyes shooting daggers at Ken.

Hindi na nya talaga naiintindihan ang mga kinikilos nito kanina pa. He acts like a jealous boyfriend----No, scratch that! Umaakto itong parang batang takot maagawan ng kendi.

Ay wait? Candy nga pala ako. Maybe that's the reason?

"Sige Ken. Tatawagan na lang kita." Tugon ni Candy sa binata habang hindi inaalis ang tingin sa galit na mukha ni Hector.

Problema nito?

"Okay Ms. Lassiter. Text na lang tayo. For now, pakalmahin mo muna ang halimaw na berde ang mata." Bahagya itong tumawa bago umalis. Kahit hanggang sa pag-alis ni Ken ay masama ang tingin ng Boss nya sa papalayong bulto nito.

Nanatili syang tahimik at pinagmasdan ang galit na mukha ng Boss nya. Hindi nito tinatagpo ang titig nya at animo'y nagtatampo.

"Boss, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nya.

"You called him Ken." Anito saka tinagpo ang mga titig nya. "You called him by his first name earlier samantalang ngayon lang kayo nagkita. You're unfair."

"Bakit ako unfair Boss? Ano ba dapat itatawag ko sa kanya?"

"You call me 'Boss' all the time. It pisses me off, you know?" Pag-amin nito sa kanya.

Napakunot-noo sya. "Hindi ba Boss naman talaga kita, Boss?"

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at ibinaling ang tingin sa menu. Buong magdamag sya nitong hindi pinansin hanggang sa matapos silang kumain at hanggang sa makauwi sila sa bahay nito.

"Boss mauna na ako. Lalakarin ko na lang yung bahay ko."

Wala pa rin itong imik. Tumango lang ito at umakyat papunta sa kwarto nito.

Ano yun? Bakit ba sya nagkakaganon?!

Kung dati ay tatapikin pa sya nito sa balikat at magba-babay ng maayos, ngayon ay wala itong imik at tinalikuran lang sya.

Bihira lang iyon gawin ng boss nya. As in BIHIRA lang!! Last time na ginawa nito iyon ay noong hindi sya nakapunta ng maaga sa Birthday Celebration nito sa mansion ng mga Del Fierro.

It irritates her. Kung hindi sya nito papansinin edi wag! Pake nya?

KINABUKASAN AY pumasok sya sa opisina. As expected, hindi pa rin sya pinapansin ng Boss nyang parang bata. Kapag nagtatagpo ang mga mata nila ay kaagad itong mag-iiwas ng tingin at hindi ulit sya papansinin.

Wala syang marinig sa opisina kundi ang maingay na ugong ng aircon. Maging ang bago nyang kasama sa trabaho ay napansin ang katahimikan sa pagitan nila ng Boss nya.

"Ang tahimik po no, Mam Candy? Ang ingay pala ng aircon." Anang bagong empleyado na tutulong sa kanya na si Len.

"Oo nga eh. May isa kasi dyan na parang bata kung magtampo!" Sinadya nyang lakasan ang boses nya para marinig iyon ng Boss nya. Mukhang gumana naman ang pagpaparinig nya dahil narinig nya itong tumikhim habang nagtitipa sa laptop nito.

Ngumiti si Len sa kanya. "Mam, mukha pong malaki yung away nyo ni Sir. Lalabas po muna ako." Yumuko si Len at lumabas ng opisina. Naiwan silang dalawa ng Boss nya sa opisina at wala pa ring imik sa isa't-isa. Inirapan nya lang ito at nagpatuloy sa ginagawa.

Sa sobrang pagkalunod nya sa trabaho ay hindi nya namalayang magta-takipsilim na pala. As usual, nalipasan na naman sya ng gutom. Kaya ang nangyari, lumikha iyon ng ingay.

"Hindi ka pa kumakain? Diba sinabi ko sayo na huwag kang magpapalipas ng gutom?"

"Sorry Boss. Nalunod ako sa trabaho eh."

"Tsss..." may kinuha itong biskwit sa mesa nito at inabot sa kanya. "Here. Eat."

Napangiti sya. Kahit nagtatampo sa kanya ang Boss nya ay may concern pa rin ito sa kanya.

Tumayo sya at hinila ang swivel chair nya papunta sa tabi ng Boss nya. Umupo sya sa tabi nito at hinarap ito ng maayos. "Bago ako kumain Boss, Mag-usap muna tayo." Humalukipkip sya. "Bakit ka ba nagtatampo ha?"

"Tsss... I'm not." Nag-iwas ito ng tingin at muling ibinaling ang atensyon sa laptop nito.

"See? Guilty ka eh! Nag-iiwas ka ng tingin!"  Dinuro nya ito. "Kilala kita Boss! Huwag mong i-deny." Bumuntong-hininga sya. "Kausapin mo ako Boss. Alam mo namang hindi ako sanay na nagtatampuhan tayo diba? Okay naman tayo diba? Wala namang problema. Bakit ka ba kasi nagtatampo?"

"Call me Hector. Hindi ako magtatampo." Muli nitong tinagpo ang mga titig nya.

She gulped. She felt her heart jolted in her ribcage as soon as he met her gaze. His gaze diverted at her lips, then back at her eyes.

Those eyes! Those eyes never fails to make her system go nuts! Nakakainis!

"H-H-Hector." Bigkas nya sa pangalan nito. "There. Tinawag na kita sa pangalan mo. Okay ka na ba?" She tried to act and sound normal despite of her haywired system.

Ngumiti ito sa kanya. "Who's more handsome? Me? Or Ken?"

Napakunot-noo sya sa tanong nito. "Bakit mo natanong Boss? Syempre pareho kayong pogi sa paningin ko."

Napasimangot ito sa sinabi nya. And then it hit her. Siguro ay gusto nitong marinig mula sa kanya na mas gwapo ito kesa kay Mr. Chua.

"Pero mas gwapo ka Boss." Kinindatan nya ito. Kaagad namang nawala ang pagka-busangot ng mukha ng Boss nya at napalitan iyon ng ngiti.

"Dahil dyan, may increase ka sakin."

She literally felt her heart jump because of excitement. Finally! Nagkaroon rin sya ng increase after 1728282 years!

"Tapos ang talino mo pa, Boss. Pogi, Mabango, Math wizard, Hot, Tapos cute kapag nakangiti." Nilubos-lubos na nya ang pag-compliment sa Boss nya. Baka naman may pag-asa pang magkaroon ng another increase sa sweldo ko!

"Im not gullible, Candy." Napailing-iling ito. "Okay. May bonus ka sakin this month." Nakangiti ito at namumula ang pisngi.

Napailing-iling sya habang nakangiti. He's actually blushing! At hindi makapaniwala si Candy na dahil iyon sa kanya!

"Kinikilig si Bossing! Kinikilig si Bossing!" She singsang. Minsan talaga masarap tuksuhin ang Boss nya kapag mga ganoong sitwasyon.