DAYS AND WEEKS PASSED BY IN A BLUR. Isang araw ay nagising na lang sya na kinailangan na nyang mag-empake para sa outing ng pamilya Del Fierro sa isang Isla. Hindi na natuloy ang balak ng mga ito na pumunta sa US dahil biglang naisipan ng mga ito na pumunta sa Isla. Sinama sya ng Boss nya dahil gusto syang isama ni Victor at magwawala ang bata kapag wala sya doon. Kaya kahit ayaw nyang sumama ay napilitan sya. Mukhang hindi naman yata sya mag-e-enjoy sa beach. Hindi kasi sya mahilig mag-bilad sa araw. Ini-imagine nya pa lang ang itsura ng Isla Anubis ay napapangiwi na sya. A picture of an abandoned island flashed in her mind. Kaagad syang kinilabutan at nandiri. Isla Anubis was named after the Egyptian Guardian of the Underworld, Anubis. Kaya hindi nya mapigilang mag-overthink ng kung anong hitsura ng lugar base sa pangalan nito.
Wait, binabawi na nya ang sinabi nya. Dahil pagdating nila sa Isla Anubis ay napanganga sya sa ganda ng lugar. The Island is picture-perfect. Malaki ang pagkakahawig ng naturang Isla sa Boracay pero hindi hamak na mas malinaw ang tubig ng Islang ito.
Sakay sila ng isang speedboat kasama ang Boss nya at ang anak nitong si Victor at habang papalapit sila sa Isla ay mas lalo syang nae-excite na magtampisaw sa dagat.
"Wear a sunblock, Candy. Masama sa balat yang ginagawa mong pagbilad sa araw. At least wear your sunglasses. Masyadong masakit sa mata ang araw."
Hindi nya pinansin ang Boss nya. Nanatili lang syang nakanganga at tuwang-tuwa habang papalapit sila sa Isla Anubis. Balita nya kay Sir Charles ay Isla daw iyon ng mga mangingibig. May pamahiin daw kasi sa islang iyon na kapag in love daw ang dalawang tao sa isa't-isa at nagpunta daw sila sa Islang iyon ay magkakatuluyan daw ang mga ito. Kung friends or mag-barkada naman ang pumunta sa isla, magiging matibay daw ang bond at pagkakaunawaan ng mag-tropa. Kung family naman, mas lalong magiging close ang mga ito sa isat-isa at hindi basta-basta masisira o matitibag kahit marami pang pagsubok ang dumating. Iyon ang pamahiin sa isla.
Paano kung Boss-Employee? Ibig sabihin ba non magtatrabaho ako habangbuhay kay Bossing? Tanong nya sa sarili.
Mabilis nyang nilapitan ang Boss nya na nakaupo sa bench at nasisilungan ng isang mini-roof kasama si Victor. "Bossing nabalitaan mo ba ang tungkol sa pamahiin?"
Hinawakan sya ng boss nya sa bewang at pinaupo sa tabi nito. "Huwag kang tumayo ng walang alalay. Malalakas ang alon at baka matumba ka." Bulong nito sa tainga nya.
She literally felt her body tingled to his closeness. An unfamiliar electric current spread like a wildfire in her system, making her system go haywire and her knees weak.
Dahil nga malalakas ang alon ay biglang umuga ang speedboat at napasubsob sya sa dibdib ng Boss nya. Mabilis na napayakap sa kanya ang Boss nya dahil muntik na syang sumubsob sa sahig.
"Santisima!" Gulat na usal nya. Kaagad syang lumayo sa Boss nya at inayos ang sarili. Nakakahiya ang ginawa nya! Bakit ba kasi masyado syang clumsy?
"You don't have to be shy, Candy. You can hug me whenever and wherever you want. Okay lang basta ikaw."
She literally heard her heart bang like crazy. Damn! Bakit napaka-open naman yata ng Boss nya sa kanya?
Nang makadaong na sila sa Isla Anubis ay nawala ang mga kakaibang emosyon na naramdaman nya kanina at napalitan iyon ng excitement. The Island is pure paradise. When her feet landed on the warm, white sand, she instantly felt serene and sated. Now she knows why the island is called "Anubis Island". Sa sobrang ganda nito ay parang isa lang itong kathang isip. It's like an underground-like illusion!
"Wow! Hindi ko akalaing partial owner nito si Sir Barry at si Sir Charles, Boss." Aniya sa Boss nya na ngayon ay hinihila sya at ginigising sa pagde-daydream nya. Mukha syang batang first time na nakapunta sa amusement park.
Iginiya sila ng isang tour guide papunta sa Aristocrat's Village----na nasa tabing dagat lang-----para pumunta sa isang bahay-bakasyunan ni Sir Barry doon. Pagdating nila ay kaagad silang sinalubong ni Sir Barry at Sir Charles.
"Welcome to the popular Island of Fire, Candy. Enjoy the heat." Ani Sir Charles sa kanya at niyakap sya.
"Island of Fire?" Napakunot-noo sya. Bakit Island of Fire?
"Yeah. Island of Fire because the temperature here is humid when it's daytime. Kapag gabi naman ay napakalamig at magnanais kang makaramdam ng isang mapusok na init mula sa kasintahan mo." Tugon ni Sir Charles sa kanya. "Island of Fire is full of darkest and wildest secrets that only two naked bodies will understand, babe.
"Charles Gabriel!" Galit na saway ng Boss nya kay Sir Charles. Maging sya ay nagulat sa sinabi ni Sir Charles sa kanya.
Humiwalay sya sa pagkakayakap nito. "Kung ganoon Sir, puro lovers lang ang nagpupunta dito? Walang families? Walang friends?"
Sir Charles chuckled with amazement. "Ang cute mo tingnan kapag confused, Ms. Lassiter." Hinawakan sya nito sa bewang at iginiya papasok sa loob ng bahay. Naiwan ang Boss nya, Si Victor, at si Sir Barry sa labas. Sanay na sya sa mga 'da moves nito.
"Tito CG! Let go of Mommy Candy!" Ani Victor na ngayon ay nasa harap na nila at sinubukang pumagitna sa kanilang dalawa ni Sir Charles. Victor then tried to pull Sir Charles' arm from her waist.
"Bakit Victor? May problema ba?" Kaagad nyang inalis ang kamay ni Sir Charles sa bewang nya at lumuhod para maka-eye level ang bata.
Tumango si Victor. "Yeah. Mommy. Look at Daddy. He wanted to eat Tito CG alive." Tinuro ni Victor ang Daddy nito na nasa labas at masama ang tingin kay Sir Charles.
Anong problema no'n?
"Baka may nakaing masama ang Daddy mo kanina." Nginitian nya si Victor bago tumayo at inakbayan si Sir Charles. "Halika na Sir, ituro mo na sakin kung saan ko ilalagay yung mga gamit namin."
Close talaga sila ni Sir Charles at parang nakatatandang kapatid na ang turing nya dito at ganoon din ito sa kanya. Kaya kahit anong pagpulupot ng kamay nito sa katawam nya ay hindi nya binibigyan ng malisya.
Nang maituro na sa kanya ni Sir Charles ang magiging kwarto nila ng Boss nya sa bahay ay kaagad nyang inilagay doon ang mga bagahe. Sanay na syang iisang kwarto lang ang ginagamit nilang tatlo ng Boss nya at ni Victor sa tuwing mag-a-outing ang mag-ama kasama sya. Simple lang naman ang rules, sa kama ang boss nya at si Victor at sa sahig naman sya matutulog. Nakasanayan na nya iyon sa loob ng halos walong taong kasama nya ang mag-ama.
Nang makababa sya ay naabutan nya ang Boss nya sa sala kasama mga kapatid nitong si Sir Barry at Sir Charles at may kausap na babaeng naka-salakot. Nang titigan nya ang babae ay napanganga sya.
That's Corinthine Goldstrom! Isa itong kilalang fashion designer sa Asia!
Nang dumako ang tingin sa kanya ni Ms. Goldstrom ay tila natulala ito saglit sa kanya. "Oh my god, Is she your acquintance here? She's so pretty!" Tumili ito at nagmamadali syang nilapitan. "Pwede ba kitang maging model?"
"Mangarap ka, Corinne! Forever loyal kay Kuya Hector yan!" Pahabol na sigaw ni Sir Charles sa gawi niya. Naiilang man ay nginitian nya ang dalaga sa harap nya. Puriin ba naman sya ng isang sikat na Fasion Designer eh!
"Oh my god! Im so sorry. It's just that... i find you perfect for my lingerie collection. You look simple yet sultry. Maganda ang curves ng katawan mo."
Mabilis nyang tinakpan ang dibdib at tyan nya para itago ang sinasabi nitong 'Kurba' ng katawan nya. Naiilang sya sa mga compliments sa kanya kaya sya nagkakaganon.
"Ano ka ba? You're pretty. Don't hide it." She offered a hand for a handshake. "I'm Corinthine Goldstrom. Isa akong Fashion Designer. Nice to meet you." Nginitian sya nito.
The woman in front of her is sophisticated in every tiny detail. From the strands of her hair to the nail polish on her hand. All of her shouts "Sophistication" and "Class" to the highest level. Nagmukha itong modern-day dyosa!
Napalunok sya. Bigla syang naintimidate sa presensya nito. "Hehe." She cleared her throat. "N-nice to meet you. I'm Candice Lassiter."
Nanlaki ang mata nito. "Ikaw ba yung crush ni Hector? Kyaaahh! I knew it! Sinasabi ko na nga bang maganda ka eh!"
Bigla syang namula sa sinabi nito. "C-crush?" Tumawa sya ng peke. "Empleyado nya po ako at hindi crush."
Ngumisi ito ng nakakaloko. "Hindi mo yata alam eh. Mukhang hindi pa nasasabi sayo." Tumikhim ito. "By the way, enjoy your stay. Kapag kailangan mo ng Fashion Advice, feel free to call me. Nandoon lang ako sa bahay ko sa pinaka-dulo ng Village."
Tumango sya. "Sige po. Thank you Ms. Goldstrom-----"
"It's Corinne, Ms. Candy." Ms. Goldstrom corrected.
"Paano mo nalaman ang palayaw ko?"
"I told you, Ms. Lassiter. Wala ka pang alam. It's a secret for now. I'll tell you the gory details once your dumbass Boss is back at his true self. As i can see, hindi pa bumabalik ang dating Hector na kilala ko kaya hindi ko pa masasabi sayo ang dahilan." Bulong ng babae sa kanya kapagkuwa'y ngumiti.
Nawe-weirduhan talaga sya sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid nya umpisa ng dumating siya kanina sa isla. Hindi na lang nya iyon pinansin. She has an attitude na kapag hindi nya maintindihan kung minsan ang isang walang-kabuluhan bagay ay kaagad na lang nya iyong inaalis sa isip nya. She's good at blocking unwanted thoughts from waking her curiousity. Specialty nya iyon.
Umupo sya sa tabi ng Boss nya at kaagad na nilagyan ng towel ang likod nito. Pawisin kasi ang Boss nya at si Victor kaya palagi syang may dalang towel sa sling bag nya.
"Boss, magpalit ka na kaya? Basa na ang T-shirt mo eh." Aniya nang makapa ang pawis sa likod nito.
"Okay then. Maiwan ko muna kayo." Tinapik nito ang braso nya at umakyat na sa second floor ng bahay. Sinundan nya ang papalayong bulto ng Boss nya bago binalingan ang tatlong bisitang nasa harap nya ngayon. Napakunot-noo sya nang makitang nakanganga ang mga ito ng bahagya at hindi makapaniwala.
"Did you just ordered him to go upstairs?" Tanong ni Sir Barry sa kanya.
Tumango sya. "Bakit parang nagulat kayo? May problema ba?"
"She's a legend." Mahinang bulong ni Corinne kay Sir Barry na narinig naman nya. Tumango ang magkapatid na Del Fierro bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Corinne.
"Bakit naman ako naging Legend? Ano yun Mobile Legends lang?"
Umiling si Sir Charles sa kanya. "Don't mind us, Candice. Kung ikaw ang nasa posisyon namin, siguradong mabibigla ka din."
Hindi na lang nya ito pinansin. Natuon ang pansin nya kay Victor sa tabi nya. Maging si Victor ay hindi rin makapaniwala sa nangyari kanina.
Ano bang nangyayari?
NANG SUMAPIT ANG TAKIPSILIM ay kumain ang buong pamilya Del Fierro sa isang restaurant na malapit lang sa beach. It's a typical coconut hut restaurant and is Hawaii-themed because of the ambiance, plus the fact that the waiters and waitresses wears a long flower necklace and dances a Hoola Dance as the familiar Hawaii music engulfed the place. She closed her eyes for a while as she indulged herself from the cold, freezing wind blowing from the beach which is silently caressing the whole place. She inhaled the calming breeze of fresh air as if she was inhaling the most addictive drug she ever inhaled. She could say that it is the most satisfying and calming experience she'll ever have. The place is so serene and peaceful. Totoo nga ang sinabi ni Sir Charles na malamig ang simoy ng hangin sa beach kapag gabi.
"Enjoying the ambiance, Candy?" Tanong sa kanya ni Madam Helen habang ngumunguya ng kinakain nitong vegetable salad.
Tumango sya at iminulat ang mata. "Ang sarap sa pakiramdam, Maam. Para akong dinuduyan."
"I know." Tugon sa kanya ni Madam Helen. "Kaya gusto kong nagpupunta dito sa Isla. You can do nightswimming here if you want. Magpasama ka kay Barry o kay CG." Anito at binalingan ang dalawang anakna tinutukoy nito sa magkabilang tabi nito.
"No need, Ma. Madaling sipunin si Candy kaoag nakakaramdam ng kaunting lamig. Bukas na sya magsu-swimming kasama ako at si Victor." May diin ang bawat salitang binitawan ng Boss nya.
"So possessive." Narinig nyang bulong ni Sir Barry sa hangin habang naghihiwa ng pork cutlet.
Nagpatuloy sya sa pagnguya at hindi na lang pinansin ang mga naging pag-uusap ng mga tao sa paligid nya. Nang matapos sya ay kaagad nyang nilantakan ang dessert na in-order nya. It's a Vanilla-flavored ice cream---her all time favorite.
Busy sya sa pagkain nang biglang may isang bulto ng lalake ang pumasok sa restaurant. Nang i-angat nya ang tingin ay napanganga sya.
"Alexander Trivano." Napasinghap sya. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa lalakeng nag-imbento ng pinakasikat na smartphone sa buong bansa at buong asya? His eyes instantly landed on hers and a devilish smirk formed on Mr. Trivano's lips. Mabilis itong lumapit sa table nila at kinalabit ang dalawang magkapatid na Del Fierro sa harap nya.
"What the heck man! You scared the hell out'a me!" Inis na asik ni Sir Charles kay Mr. Trivano at mabilis na tumayo para kabigin ito ng maikling yakap. Sumunod naman si Sir Barry sa ginawa ng kapatid nito.
"Akala ko hindi ka lalabas sa lungga mo?" Tanong ni Sir Barry dito at ibinalik ang atensyon sa kinakain.
"Good evening Tita, Tito." Bineso-beso ni Mr. Trivano si Mam Helen at Sir Conrad at muling binalingan si Sir Barry. "Nagutom ako kaya ako lumabas. And besides, i heard from Corinne na may bisita kayong dalaga. You know me. I like women." Binalingan sya nito ng tingin. Sinuri nito ang kabuuan ng mukha nya at muling tinagpo ang tingin nya. "You're pretty. What's your name, Miss?" He smiled, revealing a complete set of white teeth and cute dimples.
Bigla syang pinamulahan ng mukha. "Candice po." Inilahad nya ang kamay nya para makipag-shakehands. He was about to accept it when suddenly, his eyes landed on her Boss Hector. Binalingan nya rin ang Boss nya at napakunot-noo sya nang makitang halos patayin ng mga titig nito si Mr. Trivano.
"Oops. Someone is grumpy. Mukhang nakasagi yata ako ng isang bagay na pag-aari na ng iba." Hindi na nito tinanggap ang kamay nya, bagkus ay nginitian na lang ulit sya. "Sorry Miss. Ayaw kong makaaway si Hector."
Napakunot noo sya. Bakit ba napakaweird ng mga tao dito? Lagi na lang may pinapahiwatig sa akin na mga bagay na alam namang walang katotohanan!
"Naku! Hindi ko sya Boyfriend. Boss ko po sya." She smiled. Bigla ay may naisipan sya. Mabilis nyang kinuha ang phone nya at ibinigay iyon kay Mr. Trivano.
"Anong gagawin ko dito?" Nakakunot-noong tanong nito sa kanya.
"Pwedeng pa-autograph? Kahit yung protective case lang nung phone yung pirmahan mo, Sir. Okay lang sakin." Nae-excite na wika nya. Hindi nya pwedeng palampasin ang pagkakataon na iyon na makahingi ng autograph sa taong naka-imbento ng phone na hawak nya.
"Okay then." Kinuha nito ang phone nito sa suit nito at tinap ang phone nya dito. Nang ibalik nito ang phone nya sa kanya ang may naka-pop up ng window sa screen non.
Congratulations!
You are one of the VVIP member and a valued customer of Trivano Tech!
As we give you the best of our services, we are granting you an exclusive membership for an all-access pass to the TriApp Store and exclusives. Enjoy!
"Woah!!!" Napasapo sya sa noo at hindi makapaniwala. "VIP na ako?! Yes! Makakanood na ako ng libre at walang bayad sa Netflix!!" Napatalon-talon sya sa tuwa.
"Salamat at na-appreciate mo ang services ng Trivano Tech. As a way of saying thank you, i gave you a VIP Pass. You can now enjoy the exclusives from us."
Napanganga sya at tumango-tango. "Thank you po!!" She's literally fangirling right now. Talagang impressive ang innovation na ginagawa ni Mr. Trivano sa teknolohiya. He can turn you into a VIP in just one tap! ONE F*CKIN' TAP! He's a legend!
"If you still want my autograph, you can visit me anytime at my house. Im always free specially for women like you." Kinindatan sya nito.
Nagulat sya nang bigla syang makarinig ng malakas na pagkabasag ng isang baso sa sahig. Napapitlag at napasinghap ang lahat sa gulat at biglang nabaling ang lahat ng atensyon ng mga tao sa pinanggalingan non. It was no other than her Boss. Nang lingunin nya ito ay nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin kay Mr. Trivano.
"Stop it, Lex. I'm warning you. Don't make me pull out all my shares in your company." Anang boss nya sa nanghahamon na tinig. His eyes were shooting daggers at Mr. Trivano.
Wait...what? May shares si Boss sa Trivano Tech? Bakit hindi ko alam yon? Pero teka? Bakit naman pinipigilan ni Boss si Mr. Trivano? Wala naman syang ginagawang masama ah!
Mas lalo syang nalito sa sitwasyon. Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong hapagkainan. Kaya kahit gusto nyang magsalita ay pinigilan nya ang sarili. Galit ang boss nya, at walang makakapagpahinahon dito kahit sya. Alam nyang kapag galit na galit ang boss nya ay sarado ang isip nito sa mga kumo-kontrol dito. Pero bakit sya nagagalit?
Mr. Trivano smirked. "Tsk! Tsk!" Napailing-iling ito. "Poor you, Hector. You're once a cassanova and women will do everything for your bidding. Pero bakit ngayon hindi mo makuha ang isang bagay na pinagpantasyahan mo sa loob ng maraming taon? I can't believe it. Totoo pala ang nabalitaan ko. Nagbago ka na talaga. So, you're planning to be a romantic fella, arent you?"
Nagtagis ang mga bagang ng Boss nya. "Shut up, Trivano! Dont make me do things that i don't wanna do so shut up!"
Mabilis nyang tinakpan ang tainga ni Victor dahil sa pagmumura ng Boss nya. "Boss mamaya na kayo mag-away. Nandito si Victor."
"Come on, Hector. Sabihin mo na sa kanya. What? Cat got your tongue?" Mr. Trivano dared.
"Lex, come on. Hayaan na natin si Kuya Hector. It's up to him, you know? Next time na lang natin pag-usapan to." Ani Sir Charles at inakbayan si Mr. Trivano. "Chill lang tayo, okay?"
Biglang bumaling ang tingin ni Mr. Trivano sa kanya. "Candy, you're free to visit me anytime you want. Wala ka namang boyfriend diba?"
Umiling sya. "Wala. Bakit mo natanong?"
"I said shut it!" Inis at galit na sigaw ng Boss nya kay Mr. Trivano.
Hindi na nya talaga maintindihan. Bakit ba ito galit na galit?!
Mabilis syang tumayo. "Hindi ba talaga kayo titigil, ha?!" Nagtaas na sya ng boses. "Ikaw Boss, nandito ang anak mo oh! Ano ba kasing pinag-aawayan nyo?! Pwede naman kasing pag-usapan yan ng maayos, diba?! Bakit kailangan mong magalit?! Ano ba kasing rason?! Mukha na akong tanga kakaisip kung bakit kayo nag-aaway!"
Biglang natauhan ang Boss nya sa sinabi nya. "C-Candice.." He tried to reach her hand pero iniwas nya iyon. Tila nagsisi ito sa ginawa kanina.
"Ikaw Mr. Trivano?! Bakit mo ba kasi inaaway si Boss?! Ano ba kasing pinag-aawayan nyo?!!" Galit na tanong nya sa lalakeng kaharap. She gritted her teeth and clenched her fists. Iyon ang iniiwasan nyang maramdaman. Galit.
She have a hard time managing her anger kaya minsan ay hindi na nya pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay na alam nyang kaiinisan o kagagalitan nya lang pero once na napuno na sya ay para syang bombang sasabog.
"It's for you to find out, Sweetie." Umayos ito ng tayo at ibinulsa ang dalawamg kamay nito sa pocket. "By the way, Ms. Lassiter. May itatanong lang ako." Umikot ito sa table para makalapit sa pwesto nya. Nagulat sya nang biglang tumayo ang Boss nya at hawakan sya sa bewang. Napailing-iling si Mr. Trivano sa ginawang iyon ng Boss nya.
"Relax, Hector. May itatanong lang ako. Hindi ko sya aagawin." Nakangising wika nito. She felt her cheeks reddened. So takot si Boss na mawala ako? Kaya ba nagagalit sya kanina kay Mr. Trivano? Kasi akala nya kukunin ako ni Mr. Trivano?
Sa isang iglap ay nawala ang galit na naramdaman nya kanina at napalitan iyon ng tuwa at galak. Pakiramdam nya ay nanalo sya sa isang sugalan.
"Knock it off, Trivano. Im warning you. Huwag mong paglaruan ang empleyado ko."
Pakiramdam nya ay para syang binuhusan ng malamig na tubig. Sa isang iglap ay nawala ang saya na naramdaman nya kanina at napalitan iyon ng lungkot. Akala ko pa naman takot syang mawala ako. Bakit ba kasi ako umasa?
"Are you free tomorrow night? Can i ask your opinion for the new app? May nire-revise kasi akong app eh. Gusto ko sanang hingiin ang opinyon mo since you're now our VIP." Tanong ni Mr. Trivano sa kanya.
"No. Hindi sya pupunta------"
"Sige. Pupunta ako. Hihingiin mo lang naman ang opinyon ko, diba? Walang problema." Putol nya sa mga sasabihin pa sana ng Boss nya. Ayaw na nyang umasa pa sya sa mga kabaitan at concern na ipinapakita nito. Nagmumukha lang syang tanga.
"Good. Ipapasundo na lang kita bukas ng gabi." Hinawakan nito ang kamay nya at inangat iyon para dampian ng halik. Napapitlag sya sa ginawa nito pero hindi nya iyon pinahalata. Sa gilid ng mga mata nya ay nakita nyang nagtagis ang bagang ng Boss Hector nya at parang handang manlapa ng tao.
Bakit ba sya ganon?!
Hindi na lang nya iyon pinansin. Nginitian nya si Mr. Trivano at mabilis na binawi ang kamay nya. "Salamat po sa paanyaya, Sir. Kitakits na lang po." Muli nyang binalingan ang mga tao na nakaupo sa dining table at umaakto ang mga ito ng normal at parang walang napapansing alitan sa pagitan ng Boss nya at ni Mr. Trivano.
Umupo na sya sa kinauupuan kanina at gayon din ang Boss nya. Nang makaalis si Mr. Trivano ay muling tumayo ang Boss nya at hinila sya patayo at palayo sa mesa.
"Boss saan mo ako dadalhin?" Nag-aalalang tanong nya. Hindi nya makita ang ekspresyon nito dahil nauuna itong maglakad sa kanya at tanging likod lang nito ang nakikita nya. Nang mapadpad sila sa tabi ng dagat ay kaagad itong humarap sa kanya ng may galit sa mukha.
"Bakit ka pumayag?!" He shouted. Masyado kasing maingay ang alon at kailangan pa nilang sumigaw para marinig nila ang isat-isa.
"Eh Boss hihingiin lang daw nya yung opinyon ko-----"
"Kahit na, Candy!" He interjected. "Ni hindi mo kilala ang lalakeng yon!" Inis itong napasabunot sa buhok nito.
"Mabait naman po sya eh! At saka isa pa, kilala po sya ng pamilya nyo kaya hindi na ako nakatanggi!" Napakunot noo sya. "Bakit ka po ba nagagalit?! Kanina ka pa Boss ah!"
Nagtiim bagang ito sa sinabi nya. "Wanna know why? Because he's a predator! And you!.... you're a willing and clueless prey! Alam mo bang babaero ang lalakeng yon?! Natatakot akong baka pati ikaw ay isali nya sa kalokohan nya!"
Natigilan sya sa sinabi nito. She? A willing prey? For what? For Mr. Trivano's needs as a man? Ganoon ba talaga kababaw ang tingin ng Boss nya sa kanya? Sa tingin ba nito ay iyon lang ang habol sa kanya ng mga lalake at wala ng iba? Bakit? Hindi ba sya kamahal-mahal?
"Huwag kang mag-alala Boss. Kaya ko ang sarili ko. Kung ano man ang gusto kong mangyari ay wala ka na doon. If i want to give him what he wants, wala ka na doon. Kung iyon nga talaga ang habol sakin ni Mr. Trivano, wala ka ng pake doon. Hindi naman kasi ako kamahal-mahal diba? Iniwan nga ako ng tatay ko eh!" Her voice trailed off at that part. Parang biglang hinati ang puso nya sa sobrang sama ng loob. She wanted to cry but she stopped herself, but damn her eyes to the depths of hell because a lone tear escaped from her eye.
Tila natauhan ang Boss nya sa sinabi nito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin----"
"Eh ano?!" She interjected, letting her tears drip freely on her face. "Ano ang ibig mong sabihin, Boss?! Na iyon lang ang habol ng mga lalake sakin?! Kaya ba sila lumalapit kasi gusto lang nila ng paparausan? Kaya ba nilalayo mo ako sa kanila?! Paano naman ako?! Gusto kong bumuo ng pamilya pero sa tuwing lumalapit ako sa mga lalake ay nagagalit ka! Sa loob ng halos walong taon ay lagi ka na lang ganyan! Hindi ko na nga lang pinapansin at binibigyan ng kahulugan dahil ayokong mag-assume! Ano ba kasing problema mo!?" Naiiyak sya sa sobrang frustration.
"Kapag sinabi ko sayo ang dahilan, hindi ka ba aalis sa tabi ko?"
Tumango sya at marahas na pinunasan ang luha sa pisngi. "Bakit ko gagawin yon! Tanga ka rin Boss eh, no?"
Napasinghap sya nang biglang hapitin ng boss nya ang batok nya at siniil sya ng halik. She literally felt her heart bang like crazy inside her chest, making a strange sensation engulf her being. Her knees trembled in shock and her eyes widened when her mind began to process what's going on.
Santisima! Hinahalikan sya ng Boss nya!
Hindi nya alam kung ano ang gagawin. She stood there like a block of ice. Nasa-state of shock pa rin ang buong pagkatao nya.
"I tried to control it, Candy. But i can't. Im fond of you. Ayokong may lalakeng umaaligid sayo kasi nagseselos ako. The fond feelings that i have for you is uncontrollable. I tried to hide it but i can't. I can't control it. Nagseselos ako."
Napasinghap sya sa sinabi nito. There! Walang pa petiks-petiks! Dineretso na talga ng Boss nya ang feelings! Pero imbes na matuwa sya ay nag-alinlangan sya. Baka jino-joke lang ako nito! Sya? Magugustuhan ng Boss nya? Naman! Too good to be true!
Unti-unting nabura ang kalungkutan sa mukha nya. She smiled then faked a happy laugh. "Grabe Boss nakakatawa yung joke mo. Hahahaha!"
"That's why i kissed you earlier. Alam kong hindi mo ako papaniwalaan kapag sinabi ko. I expressed my feeling with my kisses. Naramdaman mo hindi ba?"
Biglang nawala ang ngiti nya sa mga labi dahil sa sinabi nito. Kung ganoon ay totoo nga!
Hindi pa rin mapigil sa pagtibok ng mabalis ang puso nya. Mas nakadagdag pa iyon sa mga kakaibang emosyon na nararamdaman nya. She felt happy, Yes. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag may nag-confess sayo ng feelings?
"Ahmm... Eh..." she cleared her throat. "...ano....ahmmm....kase----"
"You don't need to give me a reply, Candy. Alam kong nabigla ka. It sounds like a joke, right? Me? Having romantic feelings for you? I thought it was silly. I thought it was just mere attraction and lust. Matagal ko ng tinalikuran ang pagiging babaero simula ng pinanganak si Victor. Alam mo yan." He heaved a sigh. "Akala ko hinahanap lang ng sistema ko ang pagiging babaero ko dati kaya kita nagustuhan. But everytime i saw you talking to a guy, parang gusto kong manapak ng tao. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi ma-realize kung ano ang nararamdaman ko, Candy. Im jealous because i have fond feelings for you."
Natameme sya. Wala syang makapa na salitang pwedeng sabihin o itugon sa kaharap. Mistula syang bloke ng yelo at walang kakurap-kurap. She just stood there and tried to read his emotions through his grey, tantalizing eyes. Pero hindi iyon nakatulong dahil mas lalo pa syang nalunod sa titig nito.
"Kaya ayaw kong makikitang may kasama kang ibang lalake lalo na si Lex. Makakapatay ako ng kaibigan, Candy "
Hindi pa rin sya nagsasalita. Nanatili lang syang mistulang estatwa sa kinatatayuan.
"Let's finish eating dinner. Hihintayin kita doon sa table." He planted a quick peck on her forehead and immidiately ran his way back at the restaurant.
Sinundan nya ng tingin ang papalayong bulto ng Boss nya.
Santisima! Anong kababalaghan itong nangyayari sa kanya?