NAPABALIKWAS ng bangon si Candy kinabukasan. Kaagad nyang binalik ang picture frame sa side table na niyakap nya sa pagtulog at nagmadaling pumunta sa CR para maligo. Matapos nyang mag-agahan at magbihis ay kaagad syang nagtungo sa Wet Market at kinamusta ang mga tindera at tindero doon. Maraming natuwa nang makita sya ulit makalipas ang dalawang taon. Maging ang mga trabahador sa palayan at koprahan ay natuwa nang bumusita sya. She was happy and sated, knowing that she's in the place where she worked her ass off all her life. Pakiramdam nya ay nanariwa ang mga panahong nagtatrabaho pa lang sya kay Hector.
Takipsilim na nang makarating sya sa bahay nya. Lupaypay syang pumasok sa bahay nya at binuksan ang ilaw. Tila nagising ang puso nya sa sobrang gulat at tuwa nang makita kung sino ang nasa loob ng bahay nya at nakaupo sa sofa na nasa living room.
He still look handsome and manly as ever, enough to make her system go wild and her heart pound in a gallop. Damn!
Bakit ito nandito sa bahay nya?
Halos gusto nyang lapitan ito at kabigin ng yakap pero hindi nya ginawa. Alam nyang nandoon lang ito para sa kasagutan sa mga tanong na hindi nya nasagot tatlong taon na ang nakakaraan. Maliban doon ay wala syang makita ni isang emosyon mula sa mukha nito. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya at tila hindi nagulat sa biglaang pagdating nya.
"Hi Ms. Lassiter. Sorry for barging in." Tumayo ito at nilapitan sya para paliitin ang distansya sa pagitan nilang dalawa. His eyes is still tantalizing and expressive as ever, but sadly, all it expresses was hatred and pain. "Lahat ng tao binisita mo pagbalik mo. Lahat ng tao maliban sakin." Pain is crystal clear in his voice. "Tell me, kasuklam-suklam na ba ako ngayon sayo?"
Nilunok nya ang lahat ng mga gusto nya sanang sabihin kanina. Hinayaan nya lang itong magalit at maglabas ng sama ng loob sa kanya. Alam nyang deserve nya ang pagalitan o saktan nito.
Yumuko sya at hinintay ang mga susunod nitong sasabihin. Kahit gaano nya pa ito na-miss ay wala syang karapatan na makipaglapit sa binata at yakapin ito. When she left the philippines, she also left the title as his girlfriend. Wala man silang pormal na breakup pero hindi na sya nag-a-assume na 'in good terms' pa rin sila ni Hector at itinatak nya sa isip nyang huwag ng umasa na tatanggapin sya kaagad ng binata pagkatapos ng ginawa nyang pag-iwan dito.
"Why Candy? Cat got your tongue?" He asked in a cold, formal tone. Hearing her name from her lips makes her heart fill with longingness. She bit her lower lip trying to stop her eyes from moistening and dropping even a single drop of tear from it. Heaven knows how she misses him. Pero nanatili na lang iyong bulong ng damdamin dahil alam nyang hindi sya paniniwalaan nito kung sakali mang sabihin nya iyon.
They say that distance can make the heart grow fonder. Totoo iyon para sa kanya. Dahil simula nang malayo sya kay Hector ay doon na nya na-realize na mahal na mahal nya ang binata. She misses every inch of him, even his voice.
"Magpaliwanag ka ngayon. Makikinig ako. You didn't leave me for 8 years noong nagtatrabaho ka pa lang sakin kaya alam kong may mabigat kang dahilan. Tell me, makikinig ako. Ill give you the benefit of the doubt."
Nag-angat sya ng tingin at umiling. "Kapag sinabi ko sayo, masasaktan ka..." Bigla syang nilukob ng takot sa puso nya. "... at ayaw kitang makitang nasasaktan."
"F*ck!" Nagulat sya nang bigla sya nitong isandal sa pader at itinukod ang magkabilang braso sa magkabilang gilid nya. Wala na syang kawala. Ikinulong na sya nito. "Sa tingin mo hindi mo ako nasaktan noong umalis ka?! Wala ng mas sasakit pa doon, Candy! Even if you tell me that the world is going to end soon, hindi iyon mas masakit kumpara sa naramdaman ko noong iniwan mo ako!" He shouted angrily, making her heart shatter into pieces. Hindi na nya napigilan ang mga luhang kanina nya pa pinipigilang kumawala. She thought that hiding the truth from him can protect him from heartache, but what did she do? She hurt him even more... broke his heart more than his ex-wife did.
Malaking katangahan ang naging desisyon nya. Masyado syang natakot. Nagpadala sya sa takot na baka masaktan lang ito pero sa huli ay sya pa ang naging dahilan kung bakit ito mas nasasaktan.
She stared into his eyes trying to find if there's a single speck of love left there, but to her disappointment, all she see was hatred, pain, and sadness.
"Sabihin mo please... parang awa mo na." He begged. A lone tear escaped from his eye, making her heart tighten. Napakasakit non para sa kanya, ang makita itong umiiyak at nagmamakaawa. Pakiramdam nya ay nagkasugat-sugat na ang puso nya sa sobrang sakit at hapdi na nanggagaling mula roon at nagdudulot ng pag-agos ng napakaraming luha mula sa mga mata nya. She's in pain but her pain is nothing compared to what he feels. Dahil nakikita nya sa mga mata nito kung gaano ito nasaktan at tumatagos iyon sa kaluluwa nya sa tuwing tinititigan sya nito.
Huminga sya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili. "S-Si Daddy..." she swallowed the lump formed in her throat. "S-si Daddy ang dahilan kung bakit ka iniwan ng asawa mo dati. G-gusto kong sabihin sayo yon dati pero alam kong masasaktan ka lang. Kaya ayaw kitang pasamahin sa Australia dahil ayaw kong makita ka ulit na nasasaktan. Ayaw kong manariwa sayo yung sakit na naramdaman mo noon. Alam kong napakababaw ng dahilan ko pero ayaw kong makita kang nasasaktan. Ayaw ko. Hindi ko kaya." Her voice went coarse as tears streamed down her face. Nanatili lang itong tahimik at pinapakinggan ang paliwanag nya.
"Aaminin ko, masakit para sakin na malamang ipinagpalit ako ng asawa ko para sa ibang lalake. Pero mas masakit ang ginawa mong pag-iwan sakin." Puno ng hinanakit na tumingin ito sa kanya. "Wala ka bang tiwala sakin? Wala ka bang kumpyansa na kakayanin kong tanggapin iyon? Ha? Hindi mo man lang naisip na baka mas masaktan mo ako kapag iniwan mo ako? I am hurt for the second time but you're not there to help me mend it!" Sinuntok nito ang pader sa gilid nya. Frustrated, he strangled his own hair with his hands. "F*ck this feelings!"
Nakita nyang medyo nagalusan ang kamay nito dahil sa pagsuntok nito sa pader. Sinubukan nyang abutin ang kamay nito, pero ikinuyom nya ang sariling kamay at mabilis na binawi. Ayaw nyang dagdagan pa ang sakit na nadarama nito kapag lumapit sya. Masasaktan lang ito dahil sa confusion at frustration. She knows how it feels like to miss and hate somebody at the same time, at napaka-frustrating non. She should know because that's what she felt towards her father 2 years ago.
"S-sorry-----"
"No." He interjected. "Wala ng magagawa yang Sorry mo. The damage has been done. Tapos na. Hindi mo na maibabalik ang oras. Hindi mo mararamdaman kung gaano kasakit iyon para sa akin dahil parang hindi mo naman yata ako minahal. Ako lang yata ang umasa." His voice is now calm.
Napayuko sya ulit at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi nya. "Mali ka. Minahal kita."
"And then you had the guts to leave me?" He faked a laugh. "Pagmamahal ba iyon para sayo, Candy? Mas nangibabaw ang takot mo kesa sa p*tang*nang pag-ibig na sinasabi mo!"
Napahikbi sya sa sinabi nito. Ganoon ba talaga kababaw ang rason nya para hindi sya nito maunawaan? "Tama ka! Natakot ako. Duwag ako, oo! Ang tanga ko no? Nagpadala kasi ako sa takot na baka makita kitang nasasaktan ulit kagaya ng dati. I've seen you hurt and broken before, trying to pick up your shattered heart back in place. Nakita ko ang sarili ko sayo noong mga panahong iniwan ako ni Daddy at nagpakamatay si Mommy. I know how you feel, Hector. Kaya huwag mong sabihin na nagpadala ako sa takot dahil lang sa ayaw kitang masaktan. Ginawa ko iyon dahil ayaw kong maranasan mo iyon ulit! Ayaw kong maramdaman mo ulit yung sakit! Masama bang maghangad akong huwag ka ulit masaktan?" Sumbat nya sa binata. "Masama ba?" She cleared her throat. "Kaya sorry kung nasaktan ka. Im sorry kahit wala ng magagawa ang sorry ko. Sorry kasi napakababaw ng dahilan ko kung bakit kita iniwan. Oo mababaw iyon para sayo pero para sakin hindi! Sino ba ang gustong makakita na nasasaktan yung mga taong mahal nila?!" She sobbed. "Kaya saktan mo na ako para makabawi ka!" Kinuha nya ang kamao nito at iginiya iyon para saktan ang sarili nya. "Ano! Saktan mo ako para makabawi ka! Iparamdam mo sakin kung gaano kasakit! Ano!?"
"Stop." Mabilis nitong binawi ang kamay nito mula sa pagkakahawak nya. "My question have been answered. Kaya hindi na kailangan yan." Ibinulsa nito ang kamay at tinagpo ang tingin nya. "Give me time to heal, Candy. Pagkatapos non siguro ay maibibigay ko na ang forgiveness na hinihingi mo." He stormed out of her house after that.
Naiwan syang humihikbi at nakatingin sa kawalan. Hinayaan nyang lamunin sya ng sakit at lungkot sa mga oras na iyon. She cried her heart out until she slept on the floor. Siguro ay mas okay na rin na natulog sya habang umiiyak para kahit paano ay tumigil sya sa sobrang pag-iyak.
"CANDY! HOW are you?" Masayang bati sa kanya ni Mam Helen nang minsang bumisita ito sa bahay nya.
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang magkaroon sila ng komprontasyon ni Hector. She temporarily forgot the pain she felt these past few weeks and tried to enjoy her stay. Mas makakasama sa kaniya na palaging nalilipasan ng gutom sa sobrang pagse-senti niya.
"Hija, are you okay? Bakit mugto yang mga mata mo? Don't tell me inaway ka ni Hector? Alam mo naman ang anak ko, masyadong nasaktan noong umalis ka." Anang ginang sa kanya at sumimsim ng kape na tinimpla nya. Kasalukuyan silang nasa sala ng bahay nya at nag-uusap.
"Hindi po kayo galit sakin? Sinaktan ko po si Hector."
"Bakit naman ako magagalit? I know ypu had reasons, Candy. Hindi ko man alam ang mga rason na iyon pero alam kong sa ikabubuti iyon ng lahat. Walong taon kang nanilbihan kay Hector kaya alam ko na ang takbo ng utak mo at decision-making."
Napangiti sya. "Salamat po."
"And oh, Nalaman ni Victor na umuwi ka na at excited syang makita ka ulit. Can you come to our house in Corazon for dinner later? For old time's sake?"
"Sorry po pero may susunduin po ako sa airport mamaya. Wrong timing po kayo."
Naintriga si Mam Helen sa sinabi nya. Umayos ito ng upo at mas lalo pang lumapit sa kanya. "Sino? Boyfriend mo ba? Dont tell me may boyfriend ka na?"
Natawa sya at umiling-iling."Naku wala po! Kuya ko po yung susunduin ko mamaya. Balak nya po kasing gumala dito sa Poblacion at dito po sya sa bahay maninirahan ng mga ilang linggo at babalik din po sya ng Australia." She smiled. Her Kuya Drake really loves travelling and Adventure. Natatawa sya kung minsan dahil ayaw ng Kuya Drake nya na tawagin nya itong 'Kuya' dahil tumatanda daw ang tingin nito sa sarili. Kaya kahit naiilang sya ay tinatawag nya itong Drake. Weird.
"May Kuya ka pala? I guess he's handsome. Maganda ka eh." Mam Helen chuckled. "Close ba kayo?"
"Opo. Halos ako ang nagsilbing nanay ni Drake sa Australia. Matigas po kasi ang ulo. Hindi po masyadong kumakain ng gulay."
Natawa si Mam Helen. "Then invite him to dinner later. Aasahan ko yan."
"Pero------"
"Basta maghihintay ako, okay?" Tumayo ito at ngumiti sa kanya. "Magpaganda ka mamaya kasi nandoon si Hector." Kinindatan sya nito.
"Pero Mam-----"
"Bye Candy!" Nagmadali itong lumabas ng bahay nya bago pa nya matapos ang mga sasabihin at pagtutol. She heaved a sigh. Aaminin nyng gusto nyang makita si Hector pero masasaktan lang ito kapag nakita sya ulit. Pero magtatampo naman sa kanya si Mam Helen kapag hindi sya pumunta.
Ginulo nya ang buhok sa sobrang frustration. "Waaah! Ayaw ko na!" Inuntog nya ang noo sa table na nasa harap nya.
MATAPOS NYANG sunduin ang Kuya nya sa Airport ay kaagad nya itong sinabihan na may Dinner invitation sila kaya umidlip lang ito sa bahay nya sandali at nagbihis para sa Dinner nila kasama ang mga Del Fierro. Napangiti sya at nag-thumbs up nang makita ang porma ng Kuya nya. He looks so manly with his facial hair and semi-formal attire.
"Wow Kuya. You know how to ayos-ayos your porma na ha? Alam mong were going to a bonggang house." Napahagikgik sya. Nasanay na syang mag-taglish sa Kuya nya dahil tinuruan nya itong mag-tagalog dati sa Brisbane. Nakakaintindi ito ng simple tagalog sentence at phrases kaya hindi na sya masyadong hirap sa pakikipag-communicate dito.
"I said don't call me Kuya. I feel matanda." Anito na may accent sa tagalog."
Natawa sya. "Yup. You're matanda."
"Candice!"
"Okay! Fine! Ill call you Drake na, okay? Feelingero karin no?"
"I can understand you, lady." He wrinkled his nose, which had her dying of laughter.
Nag-commute sila gamit ang Bus papuntang Corazon, pagkatapos ay sumakay sila ng isang trysikad patungong mansyon. Literal na napanganga ang Kuya nya nang makita ang napakalaking mansyon ng mga Del Fierro.
"God! Is that a palace?"
Napangiti sya sa amusement na halata sa mukha ng Kuya nya. Ganoong-ganoon ang reaksyon nya nang unang makita ang Del Fierro Mansion.
Nang makapasok sila sa gate ay kaagad silang pinapasok ng mga gwardya dahil kilala na sya ng mga ito. Nang makarating sila sa main door ay iginiya sya ng Mayordoma sa Dining Area. Naabutan nya doon si Mam Helen, Sir Conrad, Victor, at Hector. Nang dumako ang tingin nya kay Hector ay halos lumundag ang puso nya sa sobrang saya. She missed him to distraction! Napadako lang ang tingin ni Hector sa kanya at nag-iwas kaagad ng tingin.
Ouch! Talagang galit pa rin ito at nasaktan sa ginawa nya. Nagulat sya nang bigla itong mag-angat ng tingin at masamang tiningnan ang Kuya nya na nasa tabi nya.
"Ahmm.. Kasama ko nga pala yung Ku-----"
"I don't care. Just sit down." Pagputol nito sa mga sasabihin pa nya at nag-iwas kaagad ng tingin.
Maybe this is not the right time to introduce her brother. Mukha namang hindi na ito interesado sa buhay nya. That thought made her heart bleed a little... figuratively. Please naman, heart. Tumigil ka na sa pagdugo at pagwasak oh! Ang sakit na eh! Santisima ka naman oh!
"Candy, who's that guy? He's so masama ang look to me."
Binulungan nya ang Kuya nya. "He's just like that always. He's always galit kaya dont pansin-pansin him, okay?" Kinindatan nya ang Kuya nya. Napapitlag sya nang makarinig ng malakas na pagkabasag ng isang babasagin sa sahig. Nang hagilapin nya kung saan iyon nanggaling ay nagulat sya nang mahagip ng mata nya ang galit na mukha ni Hector sa kanya.
Anong ginawa ko at ganyan sya makatitig? Tanong nya sa sarili.
"Hi Mommy Candy, i missed you." Bigla syang niyakap ni Victor na ngayon ay nasa tabi na nya. Tumangkad na ito kaya yumuko na lang sya para mayakap ito.
"Namiss din kita beh." Niyakap nya ito ng mahigpit.
Habang nililigpit ng mga kasambahay ang nabasag na pinggan sa tabi ni Hector ay umupo na sila ng Kuya nya sa bakanteng upuan sa harap nito. Si Victor naman ay naka-kandong sa kanya at hinahalik-halikan ang pisngi nya.
"I love you Mommy Candy."
"I love you too beh." Nginitian nya si Victor at pinupog ito ng halik sa pisngi. "Baby ka pa rin eh, no? Gusto mo pa rin ng kiss."
"So, he's your alaga before?" Tanong sa kanya ng Kuya nya.
"Yup. He's the kid im talking about before in Brisbane while were at the hospital. He's adorable right?" Binalingan nya ang Kuya nya at nginitian. Na-kwento nya kasi sa kuya nya ang naging buhay nya sa pilipinas kaya alam nito ang tungkol sa bagay na iyon.
"Hospital?" Narinig nyang tanong ni Hector nang marinig ang usapan nila ng Kuya nya. Noon nya lang napagtantong hindi nya pa pala naku-kwento ang tungkol sa operasyon ng Daddy nya.
Akmang tutugon na sana ang Kuya nya sa tanong ni Hector nang takpan nya ang bibig nito. "Wala iyon. Kalimutan mo na." Tugon nya kay Hector. Nang lingunin nya ang dating kasintahan ay nagulat sya nang makita ulit itong galit habang nakatingin sa kamay nyang nakatakip sa bibig ng Kuya nya.
Ano bang problema niya?
HECTOR gritted his teeth when he saw Candy talking and laughing with the guy beside her. Ni hindi man lang nito in-introduce sa kanila ang kasama nitong lalake. And damn him to the depths of hell because he's jealous! Naiinis siya sa closeness ng dalawa.
Masayang nagku-kwentuhan ang dalawa at parang may sariling mundo. Habang kumakain ang mga ito ay nakikita nyang hinihimayan ng dalaga ang lalake at nilalagyan ng chopsuey ang plato nito.
Is he her boyfriend?
"Okay ka lang ba anak? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." Puna ng Mama nya sa kanya. He was so focused at Candy and the guy beside her that he almost forgot that he's eating.
"Okay lang ako, Ma. Wala akong ganang kumain." Tugon nya habang hindi inaalis ang masamang tingin sa lalakeng foreigner.
Starting from today, ill ban the foreigners from coming to Poblacion. Hindi na nakakatuwa.
He promotes tourism in his homeland, pero kapag iyon ang nagiging dahilan kung bakit may kapiling na ibang lalake si Candy ngayon ay parang gusto nyang mag-backout. He changed his mind. He doesn't promote tourism anymore.
When the guy's hand wrapped around Candy's shoulders and whispered something in her ear, his anger rose to it's maximum level, making him clench his amd grit his teeth. At mas lalo pa syang nainis nang makitang tumatawa si Candy sa ginagawa ng lalake.
Mindlessly, he stood up and walked his way around the table just to grab the guy's collar and punch him right on the face. Lahat ay napasinghap at nagulat sa ginawa nya maging si Candy.
"Anong ginawa mo?!" Galit na sigaw ng dalaga sa kanya at inalalayang tumayo ang kasama nitong lalake. Kaagad nyang hinila ang dalaga palayo sa kasama nito at dinuro ang lalakeng sapo ang pisngi at nakaupo sa sahig. "Kanina mo pa ako ginagalit!" He gritted his teeth in anger.
"Hector ano ka ba? Bakit mo sinuntok ang Kuya ni Candy?!" Nag-aalala at balisang tanong ng Mama nya sa kanya at nilapitan ang lalakeng nakaupo sa sahig at tumulong kay Candy para hilahin iyon patayo.
What? Kuya? Ni Candy?.
Gusto nyang sapakin ang sarili dahil sa ginawa. He let jealousy consume him. I hindi sya nagtanong bago manghusga. Mierda!
"What's your problem, man?!" Galit na tanong ng lalake sa kanya. Ibinaling nya ang tingin kay Candy na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.
"Kung galit ka sakin, sakin ka lang magalit! Huwag mo naman sanang idamay ang Kuya ko! Bakit mo sya sinuntok!? Baliw ka na ba?!"
"Why? Sinabi mo ba sakin na Kuya mo sya? Wala akong naging balita sayo. Sa tingin mo, kung ikaw ang nasa posisyon ko, hahayaan mo bang may lumilingkis at umaaligid sa taong hindi nagkaroon ng pormal na pakikipaghiwalay sayo?" He asked coldly. "We didn't have any formal break-up or some shit, Candy. Umalis ka nga ng walang paalam, hindi ba?"
Nakita nya ang sakit na gumuhit sa mukha ng dalaga. A lone tear escaped from her eye before walking out of the mansion. Sumunod ang Kuya nitong sapo parin ang pisngi dahil sa suntok nya.
It hurts him to see her cry and in pain. Mahal nya pa rin ito, oo. Pero galit at hinanakit para sa dalaga ang nangingibabaw sa puso nya ngayon. Hindi nya ito magawang patawarin kaagad. He wanted to see her suffer first just like what he felt. Pero nasasaktan naman sya kapag nakikita nya itong nasasaktan at umiiyak.
Damn him!
Napasabunot sya sa sariling buhok sa sobrang frustration. Heaven knows how much he misses her. Nang makita nya ito ulit makalipas ang ilang taon ay gusto nya itong ikulong para hindi na ito muling makatakas mula sa kanya. He wanted her locked up in a room with him, naked all over and making love with him, screaming his name over and over until they ran out of breath. Gusto nya iyong gawin pero pinigilan nya ang sarili. He wanted her to beg for him to come back. Gusto nyang magmakaawa ito na bumalik muli sa buhay nya, because heaven also knows that he wanted that... badly.
Kung hindi ito ang kikilos para mapalapit muli sa kaniya, siya na mismo ang gagawa ng paraan para bumalik itong muli. He will make sure that she'll beg on her knees for him to come back. Dahil nakakasigurado siyang hindi magiging madali para sa kaniya na tanggapin ang simpleng paghingi nito ng tawad.