Chapter 14 - Chapter 12

ILANG LINGGO na rin ang nakalilipas simula ng dumating sila sa Australia. Pagdating nila ni Drake ay kaagad nilang pinuntahan ang Daddy nya sa ospital. Nakahinga naman sila ng maluwag nang malamang nagkaroon lang ng Fever ang Daddy nya at idinischarge din kinabukasan. Masyado lang silang nag-alala para lang sa wala. Natatakot lang kasi sila na baka magkaroon ulit ito ng malubhang sakit kagaya ng dati.

Kasalukuyan silang nasa sala ngayon ng Daddy nya kasama si Annie na ngayon ay niyayakap ang Daddy nya mula sa likuran. She smiled when she saw love sparkled on Annie's eyes as she look to her Dad's. Talagang nagmamahalan ang dalawa. She smiled and rested her back on the soft, comfy couch.

"Candy, kung gusto mo umakyat ka muna doon sa kwarto mo. Malamig dito sa sala kasi hindi ko masyadong nilakasan ang heater. Gusto kasi ng Daddy mo na malamig eh. Sigurado akong nilalamig ka na dito sa sala. Naka-nightgown ka pa kasi eh. Ang ikli ikli pa nyan at napakanipis. Mabuti na nga lang kulay itim yang nightgown mo kung hindi siguro ay baka kitang-kita na ang underwear mo."

She smiled back at Annie. "Sige." Nang tumayo sya ay kaagad syang napakapit sa upuan nya dahil muntik na syang mabuwal sa kinatatayuan.

"Okay ka lang ba?" Inalalayan sya ni Annie na makatayo ng maayos. "Ilang araw na yan ha? Naduduwal ka tuwing umaga at pihikan sa pagkain. Huwag mo sabihing buntis ka? May nangyari ba sa inyo ni Hector noong umuwi ka?" Hinila sya ni Annie palayo sa sala at hinila sya papunta sa kusina.

Pinamulahan sya ng mukha sa tanong nito sa kanya. Nai-kwento na nya dito dati pa na naging magka-relasyon sila ng ex-husband nito. Nai-kwento nya rin dito kung paano nya nakilala si Hector. Wala yatang isang bagay na tungkol sa kanila ni Hector na hindi nya naikwento dito. Annie is like a sister and mother to her, not bad for a stepmom. Kaya wala siyang naging problema sa paninirahan sa Brisbane.

"Uy!" Annie snapped her out of her reverie. "Im asking. May nangyari ba sa inyo? Kasi kung oo, malaki ang chansang buntis ka. You have to go back to the philippines and tell him the news. Siguradong matutuwa yon."

Napayuko sya. "Pero Annie, hindi na nya ako mahal. Hindi nya pa rin ako napapatawad. Tapos iniwan ko pa sya ng walang paalam sa Isla." Napahikbi sya sa sobrang lungkot. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin nyang napaka-emosyonal na nya kahit sa mga maliliit na bagay. Last time, she cried a river over a spilled orange juice.

"Tahan na. Baka mamaya makita ka ng Daddy mo na umiiyak. Mag-aalala lang yun sayo eh."

Suminghot-singhot sya. "Nga pala, Annie. Bakit mo nga pala iniwan si Hector dati? May pormal naman kayong hiwalayan diba?"

Tumawa si Annie sa tanong nya. "Oo naman. Nagpa-annul ako ng kasal sa kanya legally. Nasaktan ko sya dati and i dont deny it. Pero mas pinili kong sundin yung puso ko eh. Minahal ko talaga ang Daddy mo. At alam kong mas lalo lang siyang masasaktan kapag nakita nya akong hindi masaya sa piling nya at naibigay ko na ang puso ko sa iba kaya kahit masakit man ay nakipaghiwalay ako."

Napatango-tango sya. "Kaya pala."

"Hindi ka galit? Hindi ba nagalit ka sakin dati noong unang beses mo akong nakita? Nagalit ka kasi sinaktan ko si Hector pero kalaunan ay napatawad mo na rin ako sa ginawa ko."

"Oo. Nagalit ako sayo pero alam ko namang may rason ka kung bakit mo iyon nagawa. Kaya kung ano man ang rason na iyon, siguro sapat na yon para ma-deserve mo ang kapatawaran. Sometimes, we make mistakes striving to follow and to do what's right. Minsan kasi ay hindi natin namamalayan nakakasakit na pala tayo ng damdamin ng iba in the process. Pero hindi pa naman huli ang lahat para magsisi hindi ba? At nakita ko naman na nasaktan ka din dahil sa ginawa mo noon kaya sapat na iyon. Tiniis mong mawalay ng ilang taon kay Victor kahit na masakit iyon para sayo bilang Ina nya""

Napailing-iling si Annie sa sinabi nya, bakas sa mukha ang paghanga. "Nagmature ka na talaga. Iba talaga ang nagagawa ng Love no?"

Tumango sya at tinapik ito sa balikat. "Oo. Tama ka dyan. Kaya kung mahal mo ako, lutuan mo ako ng napakaraming pagkain. Aakyat muna ako sa kwarto."

"Ikaw talagang bata ka. Abusada ka rin eh no?"

Kinindatan nya ito. "Malaki ang chansang magkaka-apo na kayo ni Dad kaya dapat lutuan mo ako para maging malusog si Baby."

"Well then." Itinuro nito ang isang emergency kit sa ibabaw ng cabinet sa Sala. "May pregnancy test dyan sa kit. Gamitin mo."

Nagtataka syang tiningnan si Annie. "May pregnancy test sa emergency kit?" Napakunot noo sya. "Ang weird."

"Yup. Ilang piraso kasi ang nabili ko dati. Akala ko nagdadalang tao ako pero hindi pala. Kaya yung sobra ay nilagay ko dyan. Feel free to use it."

Excited nyang kinuha ang pregnancy test sa kit at nagmamadaling umakyat ng kwarto nya para gamitin iyon. Habang nasa CR sya ay hinintay nya ang magiging resulta ng test. She almost cried when she saw two visible red lines.

She's pregnant!

Naluha sya sa sobrang saya. Heto ang ginusto nya dati, ang magkaroon ng anak. At masaya sya dahil natutupad na iyon ngayon.

Pero bakit feeling nya namatayan sya?

Oh! She knew. Nagluluksa nga pala sya dahil hindi sya mahal ni Hector. Hindi sya mahal ng ama ng magiging anak nya.

Nagmadali syang lumabas ng CR at humikbi habang nakatihayang nakahiga sa kama. Nasa first trimester palang sya kaya alam nyang emosyonal talaga ang mga buntis sa stage na iyon. She's been researching about pregnancy and family planning kahit dati pa kaya alam nya ang tungkol sa bagay na yon. Alam nya ring mabubuntis sya kapag nagpaangkin sya kay Hector tuwing wet days nya kaya buong puso nyang isinusuko ang sarili. This is what she wants, ang mabuntis. Pero nalulungkot sya dahil hindi nga pala sya mahal ni Hector.

But she have to tell him the good news. Wala syang pakealam kung hindi sya nito mahal. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay ang malaman nitong nagdadalang tao sya.

She was about to storm out of her room when suddenly, the door opened. Iniluwa non ang gwapong mukha ng lalakeng mahal nya.

She froze and let the information sink in her mind before speaking. "Bakit ka nandito-----" Her eyes widened when he shorten the distance between them and ravishly kissed her lips. He pinned her to the nearby wall as his hands travelled all the way to her taut nub. Lango man sa mga sensasyon ay nagawa nyang mag ipon ng lakas para bahagya itong itulak palayo at harapin ito ng maayos.

"Bakit ka nandito?"

She saw sadness crossed his eyes. "You left."

Parang dinurog ang puso nya sa sinabi nito. "Babalik naman ako eh. Na-ospital lang si Dad noong nakaraan kaya napasugod kami ng alanganin ni Drake dito. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kaya sana patawarin mo ako."

"Matagal na kitang napatawad so just shut up and kiss me. I missed ravishing you, you know?" He claimed her lips once again, making her system wild and haywire and her heart gallop. Damn this man for making her feel that way. Bawat bilis ng tibok ng puso nya ay dahil kay Hector.

She returned his kisses with equal ferocity, just enough to show how much she misses him. Damn! She's longing for him.

His kisses were passionate and savoring every moment. Almost making her believe that he loves her. Pero alam nyang kasinungalingan lang iyon.

She's happy dahil sa wakas ay napatawad na rin sya nito. Pero mas higit na nais nya ay ang pagmamahal nito kesa pagpapatawad.

"I followed you here because i missed you. There, nasagot ko na ang tanong mo. Now, can we make love in your old four-poster bed?" Ngumisi ito sa kanya at tiningnan ang kama nya.

Napangiwi sya sa sinabi nito. She forgot to mention that she loves buying something from the thrift store. Mas gusto nyang gumamit ng mga segunda mano dahil masyado syang kuripot sa pera. "Kahit luma na yan ay okay pa rin naman! Kung makainsulto ka! Kahit ganyan yang kama na yan ay malambot at komportable yan----"

"Let me guess, binili mo yan sa isang antique store no?"

Iningusan nya ito at itinulak. "Heh! Umalis ka at nabi-bwisit ako sayo." Inis na wika nya. Moodswings. Normal lang iyon sa mga buntis. Nagulat sya nang bigla itong naging malungkot dahil sa sinabi nya. "Sorry. Emosyonal lang ako ngayon." Niyakap nya ito. "I missed you."

Napangiti sya nang maramdaman ang mahigpit na yakap nito sa kanya. "I know. That's why we needed to change your bed because it cannot handle my plans later. Baka masira yan mamaya."

Kaagad syang pinamulahan ng pisngi at tinampal ang balikat nito. "Manyak ka talaga no? Kung hindi lang kita mahal." Ngumiti sya. "Nga pala, paano mo nalamang nandito ako? Bakit mo ako sinundan?"

"Thanks to Lex and his Techy company. May GPS ka at registered sa network nila since you're a VIP. Kaya nalaman kong nandito ka sa Brisbane."

Marahan syang tumango. "Kaya pala." She cleared her throat. "Ngayong alam mo na nandito ako. Pwede ka ng umalis at umuwi ng pilipinas. Huwag kang mag-alala at susunod din ako kaaagad. May aasikasuhin pa ako dito eh."

"Sa tingin mo ba pakakawalan ulit kita? No fuckin' way." Bakas ang galit sa tinig nito.

Napayuko sya sa sinabi nito. "Akala ko ba napatawad mo na ako? Hindi pa ba tapos yang galit mo sakin? Hindi ka pa rin ba tapos na pahirapan ako? Sorry ha pero hindi ko na kasi kaya eh. Hindi na ako mag-isang maaapektuhan ng mga emosyon ko kaya hindi nakabubuti sakin ang palaging umiyak." Nangalay ang panga nya dahil sa pagpigil ng mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata nya. Hindi sya kumurap dahil alam nyang tutulo iyon mula sa mga mata nya. Pero sadyang taksil ang mga mata nya dahil umagos na ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan.

"Sshh... stop crying. Hindi na ako galit sayo, okay?" His finger held her chin and lifted it up to lift her gaze. "Im sorry. It took me a while to realize. Akala ko kasi mawawala ang sakit na nararamdaman ko kapag nakita kitang nagdudusa pero mali ako. Masyado akong nasaktan noon at noong bumalik ka ay gusto kong bumawi. Gusto kitang saktan. Pero yung puso ko yung kinakalaban ko sa tuwing ginagawa ko yun, alam mo ba? Mahirap para sakin na makita kang umiiyak sa tuwing sinasabi ko na hindi kita mahal. Im sorry. I just tried to protect my heart from breaking again but failed. Dahil ikaw ulit yung dahilan kung bakit ako sumaya. You mend my broken heart and put it back together again when you made love with me. Isang halik mo lang, nawala na kaagad ang galit ko. That's your charm, Candy. Only you could do that."

"Simula nang i-explain mo ang side mo sakin ay napatawad na kita." He smiled at her as if he was longing to that for so long. "May galit pa rin ako sayo noon at inaamin ko yon. Pero anong magagawa ng galit na iyon kung sa tuwing ngumingiti ka ay nawawala kaagad? Im frustrated. Napaka-unfair mo. You managed to hurt me for how many years and it only took one smile to make all the sad memories go away like it never happened. Napaka-unfair mo at naiinis ako doon. Why do you have that effect on me? Bakit ganoon na lang kabilis para sakin na patawarin ka?" He caressed her cheeks with his thumb. "I want to punish you for that. Pero ginawa ko lang tanga ang sarili ko. Kasi sa tuwing umiiyak ka at nasasaktan, mas lalo akong nasasaktan. You're so unfair. Kaya ano pang sense na sasaktan kita kung gayong sa tuwing umiiyak ka ay ako ang mas nasasaktan? You turned me into a needy without me knowing about it, Candy. Im a beggar for your love and that irritates me."

Napayuko sya at muling napaluha sa mg sinabi nito. It's so heartwarming but she doesn't need that. She badly wanted to heat him say 'I love you'. Handa syang kalimutan ang nakaraan at magsimula ulit kasama ito basta marinig nya ang ang mga salitang iyon.

"Mahal mo ba ako?"

"Are you that dumb? Akala ko sa math ka lang mahina? Pati rin pala sa pag-ibig wala kang muwang?" He cupped her face once again and find her gaze with his eyes. Nang magtagpo ang mga mata nila ay ngumiti ito. His eyes, it expresses a different kind of emotion this time. "I travelled miles just to get here and suffered a lot in this cold weather and you know how much i hated cold places. So yeah, i love you."

She felt happiness coated her being in a blink, leaving her happy and complete. Bakit ba ang swerte nya sa lalakeng nasa harap nya ngayon?

"Akala ko hindi mo na ako mahal. Akala ko---" She was left hanging by Hector when he suddenly dived and ravished her lips. Shutting her mouth from blabbering.

"You talk a lot," Anito nang maghiwalay ang mga labi nila. "Now, let's make love here until we can't walk anymore and get married later. Para wala ka ng kawala kahit umalis ka ng ilang ulit dahil alam kong nakatali ka na sa'kin."

Pinalo niya ito sa braso. "Magpapakasal kaagad? Wala ka ngang dalang singsing tapos ang lakas ng loob mong mag-propose?"

May kinuha itong kwintas sa bulsa nito. Naluha sya nang makitang iyon ang kwintas na ni-regalo nito sa kanya noong birthday nya. Naalala nyang naiwan nya iyon sa bahay ng binata dati noong huling beses nilang nagniig bago sya umalis papuntang Australia.

"I kept this for 2 years, hoping that the rightful owner will come back. And you did. Now let me wear it to you as a promise that ill keep on waiting for you even if you leave me countless times. Handa akong maghintay para sayo."

She felt her heart was drowned by his sweet words. Santisima. Hindi nya naimagine dati na aabot sila sa ganitong level ng Boss nya.

"Let's get married." May kinuha itong pulang loom band sa sahig at isinuot sa ring finger nya. It fits perfectly like it was made just for her ring finger.

Natawa sya sa ginawa nito. "Seryoso ka? Loomband talaga? Ang cheap mo naman. Sana man lang nilagyan mo ng mamahaling bato."

She saw him remove the hooked pendant from the necklace and hooked it in the loomband on her ring finger. "There. A million-dollar loomband ring. Happy?"

Nanlaki ang mga mata nya. "Million dollar? Ano to? Real pink diamond?"

Tumango ito sa kanya. "Yup. I won it at an auction in Dubai. Natorpe akong ibigay sayo yan dati dahil baka bigyan mo ng kahulugan. Pero noong na-realize kong mahal nga talaga kita ay nagkaroon na ako ng lakas na ibigay sayo yan noong birthday mo. Excuse ko lang na birthday gift ko sayo yan dahil alam ko namang hindi ka basta-bastang tumatanggap ng regalo kapag walang okasyon. In our family, we must give our loved ones a very expensive jewelry as a symbol of Love. That's our family's rule. Kaya binigyan kita ng mamahaling kwintas."

How could she forget about that rule? Alam nya ang tungkol sa bagay na iyon dahil ilang taon syang nagtrabaho sa binata.

"Now, let's kiss and make up, shall we?" Hinapit sya nito sa bewang, dahilan kung bakit nabiwatan nya ang pregnancy test na hawak nya sa kanang kamay nya. Nagmadali iyong pinulot ni Hector at kitang-kita nya kung paano ito nagulantang sa nakita.

"Two lines." Mahinang bulong nito. "Two f*ckin' red lines!! Yes! Magiging tatay ulit ako!" He immidiately grabbed her hand and pulled her to his embrace.

Ah.. it feels like home. Knowing that Hector is her home sweet home.

Naiyak sya sa sobrang saya. Wala ng mas sasaya pa sa kanya sa mga oras na iyon. She felt happy, contented, and complete. Sa wakas ay magkakaroon na rin sya ng pamilyang matatawag nyang 'kanya' kapiling ang lalakeng mahal nya.

And then it hit her. Kung nandito si Hector sa loob ng kwarto nya ay malamang nakita nito si Annie sa sala!

"Nakita mo na ba si Annie?" She asked out of the blue. Tumango ito sa kanya at hinaplos ang pisngi nya. She can feel his love and compassion with his touch, making her close her eyes and wipe her worries away.

"Huwag kang mag-alala. Nag-usap na kami kanina. Were in good terms now. After all, magiging Mother-in-law ko na sya." He giggled. "It's weird."

Maging sya ay natawa na rin. "Yup. Ang weird nga. Imagine-nin mo, yung ex-wife mo dati magiging mother-in-law mo na."

"Yeah. My life became weird eversince you came into my life. Those weird things that i encounter only makes my mundane life colorful. All thanks to you." He smiled then his hands gently caressed her shoulders then grabbed the thin spaghetti strap of her nightgown and gently ripped it off.

"Bakit mo ba palaging pinupunit ang mga damit ko? Pwede namang hubarin na lang eh!"

"Im sorry, love. You look so hot everytime i rip your clothes off. Ibibili na lang kita ng mga damit.

She smiled at his endearment. So, she looks hot, huh?

She bit her lower lip and began to rip her dress herself, staring seductively at him. Nakita nya ang pagnanasa sa mukha ng kasintahan bago muling angkinin ang mga labi nya at maglumikot ang kamay sa kabuuan nya.

Moments later, ecstatic cries, erotic and delirium moans filled the whole room. Not to mention the creaking noise of the old bed.

Sa baba ay naiiling na nagluto si Annie ng masaganang tanghalian para sa lahat. Alam nyang kakailanganin iyon ng dalawa sa taas. Napangiti sya habang umiiling na napatingin sa second floor. Mukhang walang balak ang mga ito na bumaba.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Author's Note: Well, in-introduce ko na po dito yung Isla Anubis kaya sana ay may idea na kayo kung ano ang Next series na isusulat ko. Hehe.

Siguro ay uumpisahan ko ng isulat ang next series next month. Sana.

I dedicate this story to my FB readers. Thank you for supporting and praising my stories guys! Kahit na napaka-amateur!😍 You inspire me to strive and work hard on pursuing my passion. Kayo talaga ang dahilan kung bakit nagpapatuloy kaming mga writers na magsulat.

-Bella Vanilla