Chapter 4 - Chapter 2

"KAMUSTA KA NA, anak? Na-miss ka namin ng Papa mo." Ani Doctora Helen, ang Mama ni Hector. Nakaupo si Hector ngayon sa swivel chair nya at kaharap ang Mama nya nakaupo naman sa visitor's chair sa harap nya.

"Okay lang ako, Ma. Bakit bigla kang dumaan dito sa Poblacion?" His brows furrowed at his mother.

"Nothing. Gusto ko lang sanang bisitahin si Candy. Na-miss ko kasi ang batang yun."

Napailing na lang sya. Wala ng bago doon. Gustong gusto ng mga magulang nya si Candy at mas itinuturing ng mga ito na anak ang dalaga kesa sa kanya.

"Day off nya ngayon, Ma. Kung gusto mo syang makita ay dapat bumisita ka doon sa bahay nya." Walang gana nyang tugon habang binabasa ang mga dokumento'ng kailangan nyang basahin.

"I did. Bumisita ako kanina sa bahay niya eh. Kaso may kasama syang lalake dun kaya hindi na ako nagtagal.

His brows furrowed at that. Kaagad syang nag-angat ng tingin sa ina. "Lalake?"

His mother smiled. "Oo. Mukhang close nga sila anak eh. Biruin mo sila lang dalawa ng lalakeng yun sa bahay niya?"

He felt irritated at that. Bakit nagpapapasok na lang basta-basta si Candy ng lalake sa bahay nito?

"Wala ka bang gagawin, anak? Pi-piratahin na ng ibang lalake si Candy. Kung ako sayo ibabakuran ko na si Candy. Mahirap na't maraming nagkakandarapa sa batang iyon."

Napaisip sya sa sinabi ng Mama nya. It's true. Marami talagang nagkakagusto kay Candy. Kahit ang mga trabahador nya minsan ay humahanga sa kagandahan ni Candy. She has this amazing brown eyes that could easily attract the attention of anyone without even trying. Dahil nga half-aussie ang dalaga kaya maputi ang complexion nito pero walang duda na ang physical features nito ay nagmana sa ina nitong dating beauty queen sa lugar nila. Candy is a combination of a filipina and australian beauty that's why she looks like a doll in it's human form. Sa unang tingin mo pa lang ay mapagkakamalan mong manika ang dalaga pero kalaunan ay mas lalo itong nagiging cute sa paningin mo. That's her charm. Kaya lahat ng trabahador nya ay madali itong makagaanan ng loob. She looked so fragile that you won't even dare to make her cry. Yung tipong kapag pinaiyak mo ang dalaga ay parang ikaw na ang pinakamasamang tao sa mundo.

"Anak? Ligawan mo na kaya si Candy." Her mother said that snapped him out of his reverie..

"That's impossible. She's like a sister to me. Malapit na sya sa pamilya natin kaya naman hindi ko na hinahangad pa na magkaroon ng relasyon sa kanya. Come on, Ma. Ikaw lang naman ang may gustong maging in-law si Candy."

"Bakit? Masama ba? Lalake ka at Babae sya. Single ka at single din sya. Anong masama kung liligawan mo sya? At isa pa anak, buo na ang tiwala ko sa kanya na hindi ka nya pababayaan kung sakali mang magkatuluyan kayo kaya sya ang gusto ko para sayo. Kung hindi rin lang si Candy ay huwag kang magpapakasal sa iba kundi hindi ako dadalo sa kasal mo.".

Sumandal sya sa swivel chair nya at humalukipkip. "Im not planning to get married anyways. Kontento na ako sa anak ko. Victor is my life, Ma. I love my son to distraction kaya hindi ko na kailangan ng asawa. Candy is there to help me and she promised that she will never leave me unless i wanted to."

"Paano kung isang araw ay magdesisyon si Candy na mag-asawa?"

He stopped signing papers for a while and lifted his gaze to meet her mother's gaze at him. Sa totoo lang ay ilang buwan na ding gumugulo sa isipan nya ang bagay na 'yon. Nasanay na syang nandyan palagi si Candy sa tabi nya at umaalalay sa kanya. Hindi nya ma-imagine kapag nawala ang dalaga sa tabi nya. He's used to being with her all the time. Bawat galaw nya ay hindi pwedeng wala si Candy. All of him requires Candy kaya hindi nya lubos maisip kung sakali mang dumating ang araw na may kahati na sya sa atensyon ng dalaga.

Maybe his mother got a point. He needs Candy. Pero sapat na ba iyon para pigilan nyang hindi maging masaya ang dalaga? Candy wanted to have her own family so bad. Kaya naman parang puputulan nya ng pakpak ang dalaga kapag pinigilan nya itong magpakasal o bumuo ng sarili nitong pamilya.

"Wala na po akong magagawa kung sakali mang magdesisyon si Candy na mag-asawa, Ma. Basta kung sakali mang umalis sya ay nakakasiguro akong ite-train nya muna ang papalit sa kanya. Kung sakali mang mahati ang time nya sa pamilya nya at sakin, it's okay. Basta masaya sya." He faked a smile. Gusto nyang batukan ang sarili dahil sa nasabi. He doesn't mean that. Heaven knows how selfish he is when it comes to Candy. Gusto nya sa kanya lang ang dalaga. Gusto nya sa kanya lang ibibigay ni Candy ang lahat ng atensyon at oras nito.

"You're inlove with her, Nak." Anang Mama nya.

He faked a laugh. "Come on Ma. Candy is just my very trusted employee and a close friend kaya imposible yang sinasabi mo."

"Im a psychologist, anak. I should know. Judging the look on your face, alam kong hindi mo gustong ipamigay si Candy sa iba. Trust me, Hector. You are in love with her. Hindi mo pa namamalayan kasi wala pang nagti-trigger ng mga emotions mo eh. In short, kung ihahalintulad natin sa basic needs ng tao ang love, para iyong pagkain. Wala pa kasing umaagaw sa pagkain mo kaya hindi mo pa nare-realize na gutom ka na. Nasanay kang palaging may nakahain na pagkain sa mesa kaya hindi ka nakakaramdam ng gutom. Nasanay ka sa presensya ng pagkain sa harap mo. Kapag nawala iyon, doon mo malalaman na gutom ka pala at kailangan mo ng pagkain sa buhay mo. Doon mo mare-realize na importante ang pagkain sa buhay mo. Parang ganon ang nararamdaman mo, anak. Malalaman mo na lang na importante ang isang bagay sayo kapag nawala na ito sayo. Ngayon pa nga lang na iniisip mo na balang araw ay may magiging kahati ka na sa oras nya ay halos malukot na iyang mukha mo. Kaya huwag kang magsalita ng tapos." His mother stood up. "Mauna na ako, anak. Imbitahan mo si Candy na kumain sa bahay namin ng Papa mo. Your Papa missed her so much, you know? She's the daughter we wish we had."

Mabilis nyang nilapitan ang ina at hinalikan ito sa pisngi. "Okay Ma. Take care. Pupunta kami ni Candy at Victor doon bukas para mag-dinner."

Nang makaalis na ang Mama nya ay napaisip sya bigla.

Him? In love with Candy? "Tssss... silly."

He admits that he has fond feelings for her. Yeah, he has a crush on her. Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na nya hihilingin pa na maging higit pa iyon sa inaasahan nya.

Men are attracted to beautiful women. That's all. Simpleng paghanga lang ang nararamdaman nya kay Candy, wala ng iba.

KINABUKASAN AY maagang nagising si Candy para tapusin ang mga dapat nyang tapusin sa trabaho. Ang araw na iyon ay pay day ng mga trabahador nila sa taniman kaya naman iyon lang ang tinrabaho nya. Pagsapit ng gabi ay dumiretso na sila ng Boss Hector nya at ni Victor sa mansyon ng mga Del Fierro sa Corazon na karatig bayan lang ng Poblacion.

Nang makarating na sila doon ay kaagad na bumungad sa kanya ang mala-palasyong ambiance ng lugar. Kaagad silang iginiya ng mayordoma papunta sa dining table kung saan naabutan nyang naroon ang dalawang nakababatang kapatid ng Boss nya sa sila Barry Del Fierro at Charles Gabriel Del Fierro. Ang panganay sa mga ito ay ang Boss nya na si Hector Del Fierro, sumunod naman si Barry, at ang bunso ay si Charles Gabriel. Halatang-halata sa tatlo ang pagiging mga espanyol dahil sa kulay ng mga mata ng mga ito.

"Hello there, Ms. Candice Lassiter. Eres muy guapa." Kinindatan sya ni Sir Charles habang ngumunguya ito ng steak.

Pinamulahan sya ng pisngi dahil sa conpliment nito sa kanya. She understands a liitle bit of spanish kaya naintindihan nya ito.

"Shut up CG. Kumain ka dyan." Anang boss nya sa bunsong kapatid nito at hinila ang upuan sa tabi nya para makaupo sya. Kaagad syang nag-thank you sa boss nya at inalok itong umupo sa tabi nya sa kanan. Si Victor naman ay umupo sa tabi nya sa bandang kaliwa.

"So..." It was Mam Helen's voice. "...kamusta naman kayong magkapatid sa manila?" Tanong nito sa dalawang lalakeng kaharap nya sa mesa. It was Barry and Charles Gabriel Del Fierro, her Boss's little brothers.

"Manila is exhausting, as always. Isla Anubis is fine. Kaya doon muna kami tumambay ni Kuya Barry sa Isla together with the gang." Tugon ni Sir Charles sa Mama nito. Ang itinutukoy nitong Isla ay ang pag-aari nito at ni Sir Barry.

"How about you, Hector? Sigurado ka bang ayaw mong mag-expand ng business sa syudad? I mean, you're capable of handling our conglomerate." Ani Sir Barry sa Boss Hector nya at itinutok ang tinidor na hawak nito sa huli.

"No thanks, Barry. I like it here. Masyado ng masikip ang manila at mas masaya ako sa Poblacion. Lumalago ang negosyo ko sa buong probinsya kaya naman hindi na ako naghahangad pa ng mas malaking kumpanya. Sapat na ang kinikita ko sa negosyo ko at sa mga investments ko." Anang boss nya sa kapatid nito habang naghihiwa ng steak. Nakinig na lang sya sa usapan ng mga ito habang hinihiwaan ng steak si Victor. Matapos nyang hiwaan ng steak ang bata ay kaagad syang sumandok ng gravy sa bowl at nilagyan ang steak ng boss nya. Her boss is a gravy addict kaya naman gustong-gusto nito ang steak nito na nalulunod sa gravy at mashed potatoes.

Nakita nyang ngumiti si Madam Helen sa gilid ng mata nya at para bang tuwang-tuwa ito sa ginawa nya.

"How about you, Candy? Kamusta ka na? Ilang taon din tayong hindi nakita, hija." Mam Helen smiled at her. Kahit nasa 60's na ang ginang ay napakaganda pa rin nito at hindi halatang senior citizen na ito. Mukha pa rin itong dyosa.

"Okay lang po ako, Madam. Wala pa ring pinagbago. Kung ano ako nung huli nyo akong nakita, ganoon pa rin po ako ngayon. Lamang nga lang ako ng ilang paligo." She smiled.

Nagtawanan ang mga tao sa hapagkainan dahil sa sinabi nya. Maging sya ay natawa na rin. Minsan talaga ay hindi nya mapigilang magbiro.

"You're so funny, Candy." Ani Sir Conrad, ang asawa ni Mam Helen. "Tell me, may nobyo ka na ba? Tatlo ang anak kong lalake, pwede kang mamili sa kanila." Sir Conrad winked  at her, na naging dahilan ng pamumula ng pisngi nya.

"Oh Conrad, you're making her blush." Muli syang binalingan ni Mam Helen. "I agree with my husband, hija. You can marry into our family."

Nabulunan sya sa sarili nyang laway dahil sa sinabi ng Ginang. Kaagad syang inabutan ng isang baso ng tubig ng boss nya at tinapik-tapik ang likod nya.

Talagang gustong-gusto sya ng mag-asawang Del Fierro na maging parte ng pamilya ng mga ito! I-reto ba naman sya sa mga anak nitong lalake!

"Thank you Boss." Tinapik nya ang braso nito para tigilan na ang pagtapik sa likod nya.

"Lola, kapag nagpakasal po ba si Mommy Candy kay Daddy, magiging totoong Mommy ko na sya?" Biglang tanong ni Victor sa Lola nito.

Binalingan nya ang bata. "Beh, kahit hindi kami mag-asawa ng Daddy mo, mommy mo pa rin ako. Forever mo akong magiging mommy kahit na magkaroon ka pa ulit ng bagong mommy. Promise ko yan." Kinindatan nya ito, na naging dahilan naman ng pagngiti ng bata. Nagpatuloy na sya sa pagkain habang pinakikinggan ang mga naging pag-uusap ng pamilya Del Fierro. Puro negosyo na ang pinag-usapan ng pamilya Del Fierro at hindi na sya naki-usyoso pa sa usapan ng mga ito.

Eksaktong natapos ang usapan ng mag-pamilya nang dumating ang mga kasambahay na may dala-dalang dessert na fruit salad at binigyan sila isa-isa. Kaagad nyang kinuha ang fruit salad ng boss nya at kinuha doon ang pinya. Her boss doesn't like pineapples kaya sya ang kumukuha noon sa pagkain nito at sya na mismo ang kumakain. Ang boss naman nya ay kinuha ang mga nata de coco sa fruit salad nya at inilagay iyon sa baso nito. Ganoon ang nakagawian nila kapag kumakain ng fruit salad. She doesn't like nata de coco just as he doesn't like pineapples. Kaya magkasundo talaga sila sa mga ganoong bagay.

Narinig nya ang eksaheradong pag-ubo ng mag-asawang Del Fierro dahil sa ginagawa nila ng Boss nya.

"What?" Napakunot noo na ang boss nya sa mga magulang nito. Mukhang napansin din nito na binibigyan ng mga magulang nito ng malisya ang simpleng gesture nila sa pagkain ng fruit salad.

"Nothing. Napansin lang namin na wala kayong ilangan sa isat-isa. You two were a natural. Para kayong magkasintahan." Excited na wika ni Madam Helen.

Napailing-iling na lang sya at sumubo ng fruit salad. Sanay na sya sa mga panunukso ng mga ito sa kanilang dalawa ng boss nya.

"Ms. Lassiter, how old are you?" Biglang tanong sa kanya ni Sir Barry.

"28 po. I mean, magtu-twenty eight pa lang. Bakit po?"

Umiling ito. "Curious lang ako. Mahigit isang taon na rin tayong hindi nagkita diba? Dont mind me." Sumubo ito ng fruit salad at lumunok. "By the way, may regalo ako sayo. Hindi kita nabigyan ng regalo noong nakaraang birthday mo. Consider this as my advance birthday gift for you. Malapit na nga pala ang birthday mo." May kinuha ito sa tabi nitong paperbag at binigay sa kanya. "Happy birthday. It's a small token of appreciation. Salamat sa pag-aalaga mo ng mabuti sa kapatid at pamangkin ko."

She wanted to cry. Parang may palad na humaplos sa puso nya. Napaka-sweet talaga ni Sir Barry sa kanya. Talagang na-a-appreciate nito ang mga taong mahalaga sa pamilya nito kaya naman nata-touch sya. "Thank you po." Kinuha nya mula dito ang paperbag. Nang buksan nya iyon para tingnan kung ano ang laman ay nanlaki ang mga mata nya sa sobrang gulat.

"Oh my god..." Hindi makapaniwalang nag-angat sya ng tingin kay Sir Barry. "No way."

"Yes way. Go on. Touch it, Darling. It's all yours."

Napakagat labi syang bumaba ulit ng tingin at hinawakan ang mga signed books ng paborito nyang Author.

"Oh my god!!" Napaluha sya sa sobrang saya nang makita ang pitong libro na hardbound. Her heart is literally flying in cloud nine in pure bliss. She's a sci-fi fanatic kaya natutuwa sya at halos lumundag sa tuwa dahil sa librong natanggap nya. Isang boxed set kasi iyon ng complete sci-fi books na gusto nya.

"Do you like it?" Tanong ni Sir Barry sa kanya.

Umiling sya. "I don't like it. I love it. I mean, this is awesome!" Napasapo sya sa noo sa sobrang tuwa. Hindi sya makapaniwala na hawak na nya ngayon ang isang bagay na pinangarap nya lang dati.

"Can i receive a hug for that?"

"Knock it off Barry." Biglang singit ng Boss nya sa usapan nila ni Sir Barry pero hindi na lang nya iyon pinansin. Minsan talaga ay ganoon ang Boss nya sa mga kapatid nito. Kaagad nyang pinuntahan si Sir Barry at niyakap ito.

"Thank you Sir! Sobra!" Tuwang-tuwang wika nya matapos humiwalay sa pagyakap nya dito. "Hindi mo alam Sir kung gaano ako kasaya."

"Well... you earned it. Walong taon ka ng naninilbihan sa Kuya ko kaya naman thank you gift ko yan. I really admire your patience, you know? Ikaw lang ang nagtagal sa Kuya ko ng walong taon." Pinunasan ni Sir Barry ang luha na tumulo mula sa mata nya.

"I said knock it off, Barry." May bahid na galit na wika ng boss nya. Nang balingan nya ito ay madilim na ang anyo nito at parang papatayin sa titig ang kapatid.

Anong nangyayari?

"Your fault, Kuya. Masyado kang mabagal gumalaw. Let me show you how it's done." Ngumisi si Sir Barry sa Kuya nito at binalingan ulit sya.

"Im sorry, Candy. Medyo naiiirita na ako sa pagpapakipot ng Kuya ko eh. Can i give him a little headstart? Masyado syang mabagal gumalaw."

Nagtaka sya sa sinabi ni Sir Barry. Headstart? Anong ibig sabihin nito? Ano naman ang kinalaman ng boss nya sa usapan nila? Wala naman silang ginagawang masama ah! Pakipot? Sino? Ang boss nya? Saan?

Napuno ng tanong ang utak nya. Naguguluhan sya sa mga nangyayari.

"Can i give him a little headstart, Candy?" Tanong ulit sa kanya si Sir Barry. Naguguluhan man ay tumango na lang sya. Nagulat sya nang bigla syang hapitin ni Sir Barry at dinampian ng halik sa pisngi. Napasinghap sya. What the heck?!

Nagulat sya nang biglang may humatak sa kamay nya at hinila sya palayo kay Sir Barry. Nang lingunin nya ito ay ang nagdidilim na mukha ng Boss nya ang tumambad sa kanya.

"I said knock it off! I warned you! Don't make me break your jaws, Barry Del Fierro!" Galit na wika nito sa kapatid at hinila sya papunta sa likod nito.

Ngumisi si Sir Barry sa kuya nito. "Im sick of watching you act like a retard, Kuya. Obvious namang may gusto ka sa kanya. Pinipigilan mo lang."

"Don't talk back! Kuya mo ako! Respetuhin mo ako sa harap ng ibang tao! Don't make me break your bones, Barry. You know i can." Tumaas na ang boses ng Boss nya at mas lalong humigpit ang hawak nito sa braso nya.

Mas lalo syang naguluhan sa mga nangyayari. Bakit may komosyon na sa hapagkainan? Sino ang pinag-aawayan ng dalawa? Sya? Pero bakit sya? Wala naman syang ginagawang masama. At isa pa, bakit ni wala man lang pumipigil sa pag-aaway ng dalawa??!

"Wake up, Kuya. Baka paggising mo isang araw wala na siya sa tabi mo. If i were you, i'm going to make a move already. Sawa na akong makita kang torpe sa loob ng maraming taon. You have to face it, you know? Halata na kasi eh. Kayong dalawa na  lang ang masyadong pakipot sa isa't isa."

Bigla syang pinamulahan ng mukha sa sinabi ni Sir Barry sa kanya. Ano? Pakipot? Kami ni Boss Hector? Pakipot? Wala naman syang gusto sa Boss nya ah! At mas lalong walang gusto sa kanya ang Boss nya! Kaya imposible ang binibintang nito sa kanilang dalawa ng Boss nya!

"Sir Barry, wala pong gusto sakin si Boss. Mali po yata kayo." Huminga sya ng malalim. "Ang mabuti pa, kalimutan na lang natin to. Huwag na kayong mag-away sa isang bagay na walang katotohanan."

Eksaheradong umubo ang mag-asawang Del Fierro dahil sa sinabi nya. Si Sir Charles naman ay ngumiti ng nakakaloko na para bang joke lang ang sinabi nya.

Hindi na nya talaga maintindihan ang mga ikinikilos ng mga tao sa paligid nya. Itinaas nya ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko at umupo na lang sa kinauupuan nya kanina. Masyado ng magulo ang sitwasyon para intindihin pa nya.

"Ano pang ginagawa mo Boss? Kumain ka na." Alok nya sa Boss nya at ipinagpatuloy ang pagkain. Lahat ng inis na inipon nya ay ipinukol nya sa pagkain ng fruit salad. Nafu-frustrate sya dahil hindi nya maintindihan kung bakit iginigiit ng mga tao sa paligid nila na may nararamdaman sila ng Boss nya sa isa't-isa? She'll bet her life, ni hindi nga sya ang tipo ng Boss nya kaya hindi pumasok sa isip nya ni minsan na may gusto ito sa kanya.

Naramdaman nyang umupo sa tabi nya ang boss nya at ipinagpatuloy na rin ang pagkain ng fruit salad na para bang walang nangyari. Naging matahimik ang hapagkainan dahil sa biglaang pag-aaway ng Boss nya at ng kapatid nito.

Matapos nilang kumain ay nagpaalam na silang uuwi. Bago sya lumabas ng mansyon kasama ang boss nya at si Victor ay hinatak ulit sya ni Sir Barry at may ibinulong sa kanya.

"Im sorry earlier. Alam kong alam mo na gusto ka ni Kuya. I triggered jealousy in him earlier, you know?"

Napakunot noo sya. "Sir Barry ano po bang pinagsasasabi mo? Wala pong gusto sakin si Boss."

"Okay, yakapin mo ako. Kapag hinatak ka nya palayo at galit ang mga mata, ibig sabihin ay nagseselos sya. Game?"

Na-challenge sya. Gusto nyang patunayan dito na mali ang iniisip nito. Kaya kaagad nya itong niyakap ng mahigpit. Nanatili lang syang nakayakap dito ng ilang segundo dahil naramdaman nyang may kamay na biglang humatak sa kanya palayo. Before she knew it, nasa sahig na si Sir Barry at sapo ang pisngi dahil sa lakas ng pagkakasuntok ng Boss Hector nya.

She felt her heart thumped like crazy. Kung ganoon ay totoo nga! Totoo ang sinabi ni Sir Barry sa kanya na may gusto sa kanya ang Boss nya. But a part of her didn't really believe Sir Barry. Baka lang pino-protektahan sya ng Boss nya mula sa kapatid nito kaya nagawa nitong suntukin si Sir Barry. Sir Barry is a known cassanova kaya naman hindi malayong tama ang iniisip nya.

"I warned you Barry! Stay away from her! Huwag mo syang itulad sa mga babae mo!"

So totoo nga ang iniisip nya. Pino-protektahan lang sya ng boss nya mula sa kapatid nitong playboy.

Pero bakit feeling nya parang may namatay? Na-disappoint sya bigla sa realization nya kanina.

Kaagad syang hinila ni Boss Hector palabas ng mansyon habang hawak nito ang kamay ng anak sa kabilang kamay nito. Sumakay sila sa kotse ng Boss nya kasama si Victor at pinaharurot iyon ng binata palayo. Ilang minuto ang nakalipas ay natutulog na si Victor habang nakapatong ang ulo sa kandungan nya habang sya naman ay pinakikiramdaman ang boss nyang busy sa pagda-drive.

"You should stay away from my brother, you know. He's a playboy. He's no good for you." Biglang wika ng boss nya habang hindi inaalis ang tingin sa madilim na daanan habang nagda-drive.

"Pero Boss-----"

He interjected. "Call me Hector, Candy. Wala tayo sa trabaho kaya tawagin mo ako sa pangalan ko. Ilang ulit ko ng sinasabi sayo yan."

"Pero Boss, sanay na akong tawagin kang Boss eh. Nakakailang kapag pangalan mo lang yung itatawag ko sayo."

"Then how about this. Mula ngayon ay Hector na ang itatawag mo sakin. Since hindi ka na iba sa pamilya namin, just call me Hector."

She pouted. "Pero Boss... mahirap tanggalin ang isang bagay na nakasanayan na."

"Edi magsanay ka ulit. Hindi kita kakausapin kapag tinawag mo akong Boss."

She gulped. Sa loob ng halos walong taon ay ngayon lang ito nag-utos sa kanya na tawagin nya ito sa totoong pangalan nito.

This is weird.

"Boss, bukas nga pala early dismissal ni Victor. Hindi kita masasamahan sa pagpunta sa farm."

Nanatili itong walang imik at hindi tumugon sa kanya. Bigla nyang naalala ang sinabi nito kanina.

"Ahmmm.... H-Hector... E-early dismissal bukas si Victor-------"

"Yeah i heard it. I know."

Nakahinga sya ng maluwag. Salamat namab ay hindi nito nahalata ang pagkautal nya kanina.

"And...Candy? I like you calling me by my first name. Ngayon ko lang nalaman na mas okay pala kung tatawagin mo ako sa pangalan ko."

Her heart did a summersault. Santisima! Bakit ba sya nagkakaganito? Lagi silang nag-uusap mg boss nya sa loob ng halos walong taon nyang pagtatrabaho pero ngayon lang sya nailang ng ganito!

"Boss-----este... H-H-Hector." She cleared her throat once again, trying to act normal. "N-Na-impake na ang mga baggage na dadalhin nyo ni Victor papuntang US next month. Sigurado ka ba na okay lang na hindi ako sasama? Baka mahirapan ka kay Victor."

"Ang sabihin mo gusto mo lang ma-libre."

Napahagikgik sya. Kahit paano ay nawala ang ilang na nararamdaman nya.

"Baka lang naman magbago ang isip mo, Boss. Sayang din yun no? Malay mo doon pala ang Soulmate ko sa US tapos hinihintay lang pala akong dumating." She chuckled at that thought. "Tapos kaya pala hindi pa ako nagkakaroon ng asawa hanggang ngayon kasi yung lalakeng may hawak ng dulo ng red string na nasa daliri ko ay nasa ibang bansa pala. Kaya Boss, huwag kayong mahiya na isama ako kahit saan. Baka pinagtagpo po yung landas natin kasi ikaw ang magiging tulay ko."

"What if pinagtagpo tayo dahil tayo ang para sa isa't-isa?" Biglang tanong nito sa kanya.

Nanatili syang walang imik at pilit na pinapahupa ang abnormal na pagpintig ng puso nya. Bakit ba sya nagkakaganito?

"Boss------"

"Hector." Pag-correct nito sa kanya.

She cleared her throat. "H-Hector. Wala namang imposible sa sinabi mo. Pero hindi ba napaka-unrealistic nun? Ano yun romance books? Na yung boss mahuhulog sa employee nya? I mean, don't get me wrong. Alam ko namang posible iyon pero pagdating sa ating dalawa, parang imposible. Masyado na akong nasanay na laging nasa tabi mo. Nasanay ako sa presensya mo at umabot sa puntong parang isa ka na lang importanteng cast sa story ko. Alam mo yun boss? Este... Hector?"

"Yeah. I know. Maging ako ay hindi ko inisip na maging higit pa sa kung ano ang meron tayo ngayon. Gusto ko ang relationship na meron tayo ngayon. Kaswal lang, walang ilangan, walang problema at walang heartache kasi walang strings na naka-attach. Kaya sana huwag kang magbago."

Dapat ay matuwa sya sa sinabi ni Hector. Dapat ay magdiwang sya dahil tama ang hinala nyang wala itong espesyal na feelings para sa kanya. Pero bakit feeling nya parang namatayan sya?

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako magbabago. Friends pa rin tayo slash workmates diba?" She tried to act normal amd jolly despite of the sadness she felt earlier.

Tumango na lang ito sa kanya bilang pagtugon. Kahit paano ay ngumiti sya dito nang makita nya itong nakatingin sa kanya sa rearview morror. Nag-iwas sya kaagad ng tingin at tumingin na lang sa labas ng bintana ng kotse at hinayaang lamunin sya ng antok.