Chapter 3 - Chapter 1

"NASAAN NA ang mga resibo na hinihingi ko?" Tanong ng boss ni Candy sa kanya. She immidiately pointed out the white, odd file folders placed on top of his desk.

"Nandyan na lahat Bossing. Pati yung paycheck na pinirmahan mo." May itinuro syang blueprint sa bandang kanan ng desk nito. "Ayan na po yung blueprints na ipinadala ng Mama mo. Sabi nya daw po ayan daw ang gusto nyang sundin na floor plan sa bagong building na itatayo."

Napatango-tango ang boss nya matapos nyang magsalita. Mabilis nitong binuksan ang file folder. Her Boss is a math wizard kaya alam nyang kino-compute nito sa utak nito kung tama ba ang computations nya sa mga resibo na ginawa nya kanina. She smiled when she saw satisfaction in his eyes after reading the files. Ibig sabihin kasi no'n ay tama ang nagawa nya.

"You're improving." Papuri nito sa kanya dahilan kung bakit mas lalo pang lumapad ang ngiti nya sa sobrang saya. She really likes compliments, lalo na kapag tungkol sa performance nya sa trabaho.

"Thank you po, Boss Hector."

"Gumamit ka ba ng calculator?"

"Po?" She furrowed her brows. "Hindi po ah!"

"Are you sure?" He met her gaze. Napalunok sya nang maramdaman na naman ang mabilis na tibok ng puso nya. Nai-intimidate na naman sya sa pagtitig sa kanya ng Boss nya.

"Yeah... I..." she cleared her throat. "...I'm sure. Sinunod ko po yung payo mo na hanggat maaari ay huwag akong aasa sa calculator para mahasa ang utak ko sa math." Napatingin sya sa wristwatch nya. "Mauna na po ako. Kailangan ko pang sunduin si Victor sa school." Nagmadali syang kunin ang sling bag nya at lumabas ng opisina ng boss nya.

Isa syang dakilang Alalay na taga-gawa ng lahat ng bagay na kailangan ng boss nya. Naging secretary, treasurer, at kasambahay sya ng Boss nya dahil sa tiwala nito sa kanya. Pati nga ang anak nitong si Victor ay ipinagkakatiwala sa kanya. She worked for Hector Del Fierro for more than 8 years.

Her Boss is anulled to his ex-wife dahil daw iniwan sila ni Victor para sa isang foreigner. Her Boss is really afflicted by Victor's mother. Ilang araw pa lang ang nakalilipas simula ng maghiwalay legally ang Boss nya at ang totoong mommy ni Victor noong ni-hire sya ng Boss nya bilang Yaya kaya saksi sya sa mga sakit at lungkot na pinagdaanan ng Boss nya. Hanggang sa unti-unti na itong maka-move on at nag focus na lang sa pagpapalago mg negosyo nito sa Poblacion.

Noong una ay naging Yaya sya ng anak nitong si Victor noong baby pa lang ang huli, pero kalaunan ay pinaaral sya ng Boss nya sa college at nakapagtapos sya sa kursong Accountancy-----na naging dahilan kung bakit naging isa syang Treasurer slash secretary slash alalay ng boss nya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nya magawang umalis sa pagtatrabaho dito. Maliban sa mataas ang sweldo na ibinibigay nito sa kanya ay malaki na ang naging utang na loob nya sa pamilya Del Fierro at halos kamag-anak na ang turing sa kanya kaya ni minsan ay hindi nya naisipang umalis at iwan ang mga ito.

Nang makarating na sya sa eskwelahang pinapasukan ng alaga nya ay kaagad nyang nakita ang anak ng boss nya na si Victor na naghihintay na sunduin nya. Mabilis syang nag-park sa gilid ng gate. Nang makalabas na sya sa kotse na dina-drive nya ay ipinakita nya ang fetcher's ID nya sa mga guard na nagbabantay sa waiting area at kinuha si Victor.

"Mommy Candy!!" Tumalon-talon ang pitong taong gulang na si Victor at mabilis na tumakbo para salubungin sya ng yakap. Dahil nga single parent ang Daddy nito ay sya na ang tumayong ina ni Victor. Hindi na nya naiwasang tawagin sya nitong Mommy dahil sya ang halos kasama ng bata simula noong sanggol pa lang ito. Maliban doon ay sya na ang taga-asikaso ng mga pangangailangan nito sa lahat ng oras kahit sa pagtulog. Kapag nag-o-overtime sya minsan ay sa bahay ng boss nya sya natutulog kaya minsan ay tumatabi ito sa kanya. As she said earlier, she's like a part of Del Fierro family.

"Kamusta school mo? Okay lang? May bumu-bully ba ulit sayo?"

Umiling si Victor. "Wala po Mommy Candy. Mababait na po yung mga classmates ko sa'kin."

Umupo sya para maka-eye level nya ito. "Good." She pinched his nose. "Nasa opisina pa ang Daddy mo eh. Gusto mo bang kumain muna tayong dalawa sa bahay nila lolo at lola? O sa bahay na lang ng Daddy mo?"

"Sa bahay ni Daddy!"

"Okay." She smiled. Naglakad sila papuntang parking lot at sumakay sa kotse. Oh! She forgot to mention na isa nga rin pala syang dakilang driver ng mag-ama. See? All in one ang drama nya.

Nang makarating na sila sa opisina ng boss nya ay kaagad na lumapit si Victor sa Daddy nito at naglambing.

"How's your day, baby boy?" Kinandong ng boss nya ang anak nito at masaya namang yumakap ang bata sa ama nito.

"I have a new crush Daddy! Her name's Pamela!"

"Ikaw ha. Masyado ka pang bata para sa 'crush' 'crush' na yan."

"But Daddy! Im turning 8 next month! So im no longer a kid."

Natawa na lang sya sa usapan ng mag-ama. Minsan ay masaya na syang nakikita ang dalawang nasa harap nya ngayon na nag-uusap, lalake sa lalake. Kaya rin minsan ay hindi maiwasan na mainggit sya sa mag-ama. She wanted to have her own family too. Kahit baby lang, okay na sa kanya. Kahit gustuhin nya pang makipag-relasyon ay wala syang time para gawin ang bagay na yon. Sa trabaho nya pa lang ay kulang na ang oras nya. Maliban doon ay wala syang gaanong interes sa pakikipag-date.

"Biruin mo? Walong taon ka na palang nagtatrabaho sakin?" Her Boss said that snapped her out of her reverie. Napatingin sya sa Boss nya na ngayon ay nakatingin na sa kanya.

"Sorry po... ano po yun Boss?" She smiled awkwardly. Sa sobrang pag-iisip nya ay hindi na nya namalayang kinakausap na pala sya ng Boss nya.

He laughed at her. "You're spacing out again."

"Yeah Daddy. Mommy Candy always does that." Pagsang-ayon ni Victor sa Daddy nito.

Tumigil na sa pagtawa ang boss nya. "So tell me, anong iniisip mo kanina? Care to share it with us?"

Umiling sya. "Wala po yun boss. May bigla lang ho akong naisip." She smiled.

Saglit sya nitong tinitigan na para bang binabasa ang utak nya, kapagkuwa'y nakipaglaro na ulit ito sa anak nito.

Isang oras ang nakalipas ay dumiretso na silang tatlo sa bahay ng mag-ama. Doon sila kumakain ng pananghalian pagkatapos ay balik-trabaho ulit. Sya naman ay papalitan ang school uniform ni Victor ng panglakad at isasama nya ito sa pagpunta nya sa Poblacion Wet Market.

Isa ang Boss nya sa mga mayayamang negosyante sa buong Poblacion. Sa totoo lang, samu't sari kasi ang negosyo nito. May malawak itong taniman ng palay, mais, at singkamas na nagsu-supply sa lugar nila maging sa manila. Maliban doon ay pag-aari din ng Boss nya ang Poblacion Wet Market kaya ito ganoon kayaman. At the age of 34 ay napaka-successful na nito. Nasaksihan nya kung paano nito patakbuhin ang negosyo nito at nasaksihan nya rin ang unti-unting pag-unlad non sa loob ng halos walong taong kasama nya ito kaya naman hindi nya rin magawang umalis. Hindi kasi agad agad na nagtitiwala ang Boss Hector nya sa ibang tao lalo na kung pagdating sa negosyo nito kaya sya ang halos pinagkatiwalaan nito sa lahat----ganon sya ka-halaga para sa Boss nya at lagi iyong sinasabi ng Boss nya sa kanya, na huwag syang aalis ng basta-basta dahil siguradong magkakanda-letse letse ang takbo ng negosyo nito.

Nasa opisina sya ngayon ng Boss nya at magkatabi lang ang desk nya sa desk nito, kaso nga lang ang desk nya ay nasa sulok samantalang ang desk ng boss nya ay nasa pinaka-sentro ng room. Hindi sya maka-focus sa ginagawa dahil naglalaro ang alaga nya habang naka-kandong sa kanya. Maya't maya rin ang halik nito sa pisngi nya at yakap sa bewang nya which is nakasanayan na nya. Kaso nga lang minsan ay hindi na sya maka-focus kapag naglulumikot ito.

"Beh, doon ka muna maglaro sa couch. Hindi ako maka-focus eh." Aniya habang hindi inaalis ang tingin sa desktop computer nya.

"But Mommy Candy! I want to play here. I promise hindi na ako maglilikot. Can i sit beside you?"

"Of course." Tugon nya saka hinaplos ang pisngi ng bata habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen ng computer. Inaasikaso nya kasi ang payroll ng mga trabahador at chine-check na lang nya kung tama ba ang computations nya. Nang matapos na sya sa ginagawa ay mabilis nyang binalingan ang boss nya sa desk nito para sana sabihing magwi-withdraw na sya ng pera para sa sweldo ng mga trabahador pero nahuli nya itong nakatitig sa kanya na para bang pinagmamasdan sya kanina pa.

"Bakit po?" She asked politely. Mukhang natauhan naman ang boss nya sa tanong nya kaya tumikhim ito at umayos ng upo.

"Wala, may iniisip lang ako." Nag-iwas na ito ng tingin sa kanya at nagbasa ng files sa ibabaw mg desk nito.

Ano nangyari dun? Ang weird nya ha!

Hindi na lang nya iyon pinansin."Nga pala, Bossing. Magwi-withdraw na ako. Payday sa susunod na bukas hindi ba?"

"Go ahead. Iwan mo na lang muna sakin si Victor." Anito at hindi tinatagpo ang tingin nya.

"No! I wanted to go with Mommy Candy!" Biglang singit ni Victor sa usapan nila.

Kaagad nyang binalingan ang bata na nasa tabi na nya ngayon at nakayakap na sa kanya na para bang hindi na sya papakawalan. Sinapo nya ang pisngi nito gamit ang palad nya at nginitian ang bata. "Magwi-withdraw lang ako, beh. Babalik din ako kaagad."

Nag-pout ito sa kanya. "Pero-----"

She interjected. "Hindi ba nag-promise ka sakin na hindi ka na makikipagtalo?" Nginitian nya ito.

Padabog itong humiwalay sa kanya. "Fine."

"Hep! Hep! Ano yan? Nagdadabog ka ba?"

"Hindi po." Nakasimangot na ito sa kanya. Spoiled kasi kaya kapag hindi nakuha ang gusto ay nagdadabog. Pero hindi iyon uubra sa kanya.

"Talaga lang ha? Hindi ka pa nagdadabog sa lagay na yan? Hmmm.." Naningkit ang mga mata nya. "Hindi kita tatabihan sa bed mo mamaya."

"No mommy! Im just joking. Sige po, alis ka na. I'll wait for you here. Ingat po." Kaagad sya nitong niyakap at umupo na sa sofa kung saan ito naglalaro kanina.

A smile of triumphant formed on her lips. Hindi talaga uubra sa kanya ang pagiging brat nito. Takot lang nitong hindi nya tabihan mamaya sa kama. Medyo clingy kasi si Victor sa kanya at gusto nito lagi na katabi sya nito hanggang sa makatulog. Hindi kasi ito sanay na matulog ng hindi sya katabi o ang Daddy nito.

Her Boss is a womanizer before and tend to do intimate things with his flings out of wedlock, kaya siguro nabuo si Victor at kaya rin siguro biglaan ang kasal nito sa ex-wife nito. Mukha naman kasing hindi ito minahal ng dating asawa. Hiniwalayan nga ito kaagad ng nanay ni Victor noong kakapanganak pa lang nito kay Victor.

She pulled herself out of her own reverie and cleared her throat. Kaagad syang lumabas at ginawa ang mga dapat nyang gawin. Matapos nyang dumaan sa bangko ay binisita nya muna ang mga trabahador sa palayan at inanunsyong sa opisina ulit ipamimigay ang kinsenas na sweldo ng mga ito bago sya bumalik ulit sa opisina ng boss nya. Magta-takipsilim na at kailangan na nilang umuwi dahil maaga pa ang pasok ni Victor bukas.

Sinundo na nya ang mag-ama at dumiretso na sila sa malaking bahay nito. As usual, naabutan nyang nakahanda na ang mga pagkain kaya kaagad nyang inasikaso ang mag-ama.

"Bihis ka na ng pambahay, Boss. Ako na ang bahala kay Victor." Utos nya sa boss nya. Tumango ito at dumiretso na sa ikalawang palapag ng bahay nito.

Napakunot-noo sya. Kanina nya pa napapansing kakaiba ang pakikitungo nito sa kanya. Minsan ay nahuhuli nya itong nakatitig sa kanya pero hindi na lang nya iyon pinapansin. Kaninang umaga ay parang naiilang ito sa presensya nya at para bang umiiwas na makausap sya.

Alam na nya kung ano ang ibig sabihin ng mga  ikinikilos nito. May problema itong kinikimkim at gusto nitong sabihin iyon sa kanya pero hindi lang ito makahanap ng magandang timing.

Kaya nang matapos na silang kumain ay kaagad nyang inasikaso si Victor para makatulog ito ng maaga. Pagkatapos ay kaagad syang nagtungo sa kwarto ng Boss nya at kumatok sa pintuan nito. Nang buksan iyon ng Boss nya ay kaagad na tumambad sa mukha nya ang topless na katawan ng binata. Mukhang bagong ligo ito dahil sa fresh na amoy ng sabon na ginamit nito sa katawan. Nginitian nya ito at kaagad na pumasok sa kwarto nito. Sanay na sya na makita itong topless kaya wala na lang sa kanya iyon. Minsan nga ay nakita na nya ang hubo't-hubad na katawan ng boss nya kapag nakakimutan nyang kumatok sa pintuan.

"What brings you here? Tulog na si Victor?"

Tumango sya at umupo sa gilid ng kama nito. "Boss may problema ka ba?"

Tila natigilan ito sa sinabi nya. "You really do know how to read my actions, don't you? Alam mo talagang may gusto akong sabihin sayo kanina?"

Tumango sya. "Kaya Boss, sabihin mo na sakin. Ano ba yun? Kanina ka pa balisang-balisa eh."

Tumikhim ito at naupo sa tabi nya kapagkuway nagsuot ng T-shirt. She almost drooled when she saw his biceps and abs moved as he wear his shirt. Her boss's body is really the epitome of a greek god body. Kaagad nyang itinikom ang bibig at sinubukang mag-focus sa magiging usapan nila ng Boss nya.

Candy! Focus! Huwag kang magpadala sa tukso! Sigaw ng isip nya. Minsan kasi ay hindi nya maiwasang pagpantasyahan ang Boss nya sa isip nya. Well, siguro hindi lang naman sya nag-iisa dahil halos lahat ng mga babae sa lugar nila, may asawa man o wala, ay humahanga sa ka-gwapuhan ng boss nya. He looks like a greek god in it's human form. Handsome, sexy, and hot. His cleft chin suited his contoured-like face. His thin, reddish lips looked so edible and sweet in her own perspective. As he look at her, his grey eyes wanted to enter her eyes as if it's a doorway to see her heart and soul. Those eyes were tantalizing, making her feel like the room is too small for them. Pakiramdam nya ay napakaliit ng kwarto nito at lumiliit ang distansya sa pagitan nila.

Kaagad syang tumikhim para ibalik ang sarili sa realidad. "Ahmm..." she paused for a while, trying to revive her state of mind back to normal. "M-may sasabihin ka diba boss?"

Bumuntong-hininga ito. "Sa totoo lang, ikaw ang iniisip ko kanina. I mean, ikaw lang ang taong pinagkamatiwalaan ko ng sobra at napansin kong halos hindi ka na nagpapahinga. Imbes na ipahinga mo ay gagamitin mo na lang ang time na yon para sa pakikipaglaro kay Victor. Kaya naisip ko na kumuha ng taong tutulong sa trabaho mo. Kaso parang hindi ako kampante sa magiging desisyon ko. Trust is really hard to find nowadays. Money can buy anything except trust."

Tumango sya. "Feel ko kayo Boss. Kahit ako nahihirapang maghanap ng mapagkakatiwalaan."

His brows furrowed at her. "What do you mean?"

Natawa sya. "Slow ka rin Boss eh no? Ang tinutukoy ko, yung taong makakasama sa buhay. Syempre hindi naman pwedeng habangbuhay na lang akong walang asawa. Syempre darating din po yung time na maghahanap ako ng lalakeng mapapangasawa. Darating ang araw na bubuo ako ng sarili kong pamilya. Kaso, naglipana ang mga manloloko sa earth, boss. Mahirap talaga maghanap ng taong pagkakatiwalaan ko ng buong buhay ko."

"I see. You're planning to get married?"

"Wala pa akong balak, Sir. Konti pa lang ang ipon ko. At saka isa pa, hindi po biro ang pag-aasawa. Kailangan ko po munang mag-ala Sherlock Holmes sa pagkilatis ng mga lalakeng balak akong ligawan."

"May nanliligaw ba sayo?"

Tumango sya. "Marami po. Kaso yung iba, may hidden agenda at yung iba naman gusto lang ng pampalipas-oras. Kaya hindi ko na ine-entertain bossing."

"Hidden agenda?"

"Opo. Ang ibig kong sabihin, sa isang tingin pa lang ay alam ko na ang habol nila sakin. Hindi lang po pakikipagrelasyon ang habol nila sakin, Boss. May gusto pa silang mahuka."

Marahan itong tumango sa sinabi nya. "May plano ka palang mag-asawa. Akala ko ay kuntento ka na sa buhay mo? Don't get me wrong, Candy. Akala ko kasi ay kuntento ka na sa buhay single dahil hindi ka naman nagpakita ng interes sa pakikipag-relasyon. Simula 19 years old ka pa lang ay nagtatrabaho ka na sakin at ni isang beses ay hindi kita nakitaang nagkaroon ng interes sa pagkakaroon ng sariling pamilya."

Tumawa sya. "Porke't hindi ko sinasabi, ibig sabihin wala na kaagad Sir? Magbe-bente otso na ako sa susunod na buwan, Sir. Ilang taon na lang ay mawawala na ang edad ko sa kalendaryo. Sabi ng pinsan kong OB-Gyne, mas maganda daw magbuntis kung nasa 20's ka pa lang daw kasi doon daw mas malaki ang chansang mabuntis ang isang babae. Kapag 30's na daw kasi ang isang babae ay lumiliit ang chance ng isang babae na magbuntis. Tapos malaki rin daw ang chance na mahina ang magiging kapit ng baby."

"I can't believe you're saying that." Napailing-iling ito habang napapantastikuhang nakatingin sa kanya. "You're literally planning on leaving me?"

"Sir hindi naman kita iiwan eh. Mag-aasawa lang ako nun! Duh!" She rolled her eyes.

"Still, iiwan mo pa rin ako. Kami ni Victor." Giit nito. Bakas sa mukha ang pagtatampo.

Napakunot-noo sya. "Ano pong ibig mong sabihin?"

"Kapag nag-asawa ka na, mahahati ang oras mo samin at sa magiging pamilya mo. Kapag nangyari yon, mas pipiliin mo ang pamilya mo kesa samin. Things will never be the same again kapag nagkaroon ka na ng pamilya. I should know. I am a single father and Victor grew up without his mother by his side. Ikaw ang naging kasama ko sa mga oras na nahihirapan akong pagsabayin ang pagma-manage ng negosyo ko at si Victor kaya alam mo kung gaano kahirap."

Tumango sya. "Tama. Mahirap nga." Nagpangalumbaba sya. "Pero sir, hindi po ba masaya maging isang magulang? Kasi po gusto kong malaman kung ano yung feeling ng magkaroon ng sariling pamilya. Hanggang ngayon po kasi hindi ko maintindihan kung bakit kami iniwan ng Papa ko para lang sa ibang babae." Nalungkot sya sa huling sinabi nya. Nanariwa na naman sa kanya ang araw na iniwan sila ng Australian nyang ama 10 years ago para lang sa isang babae. Dahil do'n ay nagpakamatay ang Mama nya sa sobrang depression at naiwan siyang mag-isa. Dahil nga nag-iisang anak lang sya ay wala syang karamay sa mga pinagdadaanan nya noon. Mabuti na lang at kinupkop sya ng matalik na kaibigan ng Mama nya na si Tita Paula hanggang sa makahanap sya ng trabaho. Dahil nga underage pa lang sya non, naghintay pa sya ng ilang taon para makahanap ng mapapasukan hanggang sa napadpad sya sa bahay ng Boss nya ngayon at kinuha syang Yaya ni Victor. Kaya malaking-malaki talaga ang utang na loob nya sa boss nya.

"Tandaan mo, Candy. Walang magulang na hindi minahal kahit konti ang anak nila. Minsan kasi, natatakpan lang ang pagmamahal ng kung ano-anong emosyon at mas nananaig iyon sa mga puso nila kaya nakakagawa sila ng mga bagay na alam nilang nakakasakit ng iba. Try to get your father's side of the story. Baka sakaling maunawaan mo ang mga rason nya. Huwag kang magkimkim ng sama ng loob sa kanya hanggat hindi pa sya nakakapag-explain sayo."

Tumango sya. "Alam ko po."

Iyon ang mga pagkakataong nagagawa nyang i-open up ang tungkol sa buhay nya sa ibang tao. Hindi sya open tungkol sa pagku-kwento ng buhay nya pero sa hindi malamang kadahilanan ay nagagawa nyang sabihin sa boss nya ang lahat ng iniisip at nararamdaman nya. Siguro nga ay matindi na ang bond na nabuo nila sa isa't-isa at hindi iyon mawawala basta-basta.

Kapag wala na silang trabaho ay kadalasang ganoon ang mga nagiging pag-uusap nila. Nagku-kwentuhan sila at humihingi ng payo sa isa't-isa bilang magkaibigan. Para sa kanya kasi, parang nakatatandang kapatid na nya ang Boss nya.

"Salamat sa pakikinig Boss ha? Dahil sakin nawala na tayo sa main topic natin kanina." Napahagikgik sya. "Tungkol nga pala doon sa balak mo na kumuha ng tutulong sakin, Boss. Huwag kang ng mag-alala. Ite-train ko naman eh. At isa pa,  hindi naman natin kailangan na kaagad na magtiwala kung sa tingin natin ay hindi mapagkakatiwalaan yung taong kukunin natin. Bigyan po natin sya ng chance para patunayan ang sarili nya na worthy sya sa tiwalang ibibigay natin sa kanya, Boss."

Napaisip ang Boss Hector nya sa sinabi nya. "That is brilliant. Basta ipangako mo saking tututukan mo ang bago mong kasama sa trabaho. Ituro mo sa kanya ang lahat ng dapat nyang matutunan. As for you, ikaw na lang ang mag-asikaso ng mga resibo at kay Victor, the rest, ang bagong employee na ang magha-handle no'n."

Napangiti sya sa tuwa. "Thank you Boss." Niyakap nya ito sa sobrang tuwa pero agad syang humiwalay nang maalala nyang nasa kwarto nga pala sila ng binata. "Sorry Boss."

"No it's okay." He cleared her throat before speaking. "Gusto mo dito ka na matulog? Pwede kang humiga ulit dyan sa sahig kagaya ng dati. Day-off mo naman bukas kaya okay lang na matulog ka dito sa bahay.

Tumango sya at kinuha ang extrang comforter sa closet nito. Pagkatapos ay inilatag nya iyon sa sahig at pagod na humiga doon.

"Goodnight Boss." She whispered before closing her eyes. Bago pa sya tuluyang lamunin ng antok ay parang nakita nya itong sumilip sa kanya mula sa kama nito bago nya tuluyang naipikit ang mata.

KIMABUKASAN ay nagising si Candy. Naramdaman nyang may mabigat na bagay na nakahiga sa tyan nya. Inangat nya ang ulo nya para makita kung ano iyon at nanlaki ang mga mata nya nang makitang nasa kama sya ng Boss nya at nakadagan ang braso nito sa tyan nya.

Paano ako napunta dito??!

Ang naalala nya kagabi ay natulog sya sa comforter sa sahig. Pero anong nangyayari ngayon? Bakit sya nandoon? At katabi pa nya ang boss nya!

Pinagmasdan nya ang gwapong mukha ng binata. Napangiti sya. Hawig na hawig talaga ni Victor ang Daddy nito. Maliban doon ay parehas ang mga ito na medyo dilat ang mata kapag natutulog.

Kaagad nyang inalis ang kamay ng binata sa tyan nya at inilagay iyon sa tabi nya pero napasinghap sya sa gulat nang bigla itong gumalaw at niyakap sya ng mahigpit. Isiniksik pa nito ang ulo nito sa badang leeg at halos mahalikan na nito ang parteng iyon ng katawan nya.

Santisima! Anong nangyayari!!??

Magkadikit na magkadikit ang katawan nila ng binata at halos pinipigilan nyang huminga ng malalim dahil baka magising ito ng dahil sa kanya. Napalunok sya nang biglang dumampi ng bahagya ang labi nito sa leeg nya. In an instant, an unfamiliar tingling sensation spread vastly in her body like a wildfire in the forest field. Naramdaman nyang bumilis ang tibok ng puso mya dahil doon.

No! Hindi pwede to! Hindi ako pwedeng maglagay ng malisya dito! He's asleep! He's asleep!!! Sigaw ng isip nya. Kailangan nyang umaktong normal at manatili muna sa ganoong posisyon para hindi ito magising. Kahit na nakikiliti na sya at naiilang ay hinayaan nya muna itong matulog habang yakap-yakap sya. Nagulat sya nang may maramdamang isang bagay na biglang tumusok sa hita nya. Hindi nya alam kung ano yon pero hula nya ay parte iyon ng katawan ng binata.

Mahaba eh! Imposibleng kamay iyon o daliri!.

Napaisip sya kung ano ang bagay na iyon. Napasinghap sya nang ma-realize kung ano yon.

"Santisima! Santisima! Santisima!" Mahinang usal nya. Nagpa-panic na sya at hindi alam kung anong gagawin. This is her first time getting close like this to a guy, getting kissed on her neck, and being poked by men's private part. At lahat ng iyon ay nangyayari sa mismong oras na iyon.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso nya nang mas lalo pang humigpit ang yakap sa kanya ng Boss Hector nya at tila pinanggigigilan sya.

Hindi na nya kayang tiisin. Kailangan na nyang gisingin ang binata. Hindi na nya kaya ang samut saring sensasyon na nararamdaman nya.

Hinarap nya ito at marahang inalis ang kamay nitong nakayakap sa kanya at inalis nya ang ulo nitong nakapatong sa balikat nya. Nakahinga sya ng maluwag nang hindi ito nagising sa ginawa nya. Bumangon sya kaagad at iniligpit ang comforter na ginamit nya kagabi. Lumabas sya ng kwarto nito at dumiretso kaagad sa kusina para hanapin si Manang Flor, ang kasambahay ng Boss nya. Nang makita nya itong nagluluto ay kaagad nya itong nilapitan at binilin na asikasuhin si Victor pag-uwi nito galing eskwelahan. Kaagad syang lumabas ng mansyon pagkatapos non.

Nang makauwi sya sa bahay niya ay naabutan nyang nanonood ng anime ang anak ng Tita Paula nya na si Peter gamit ang laptop nya. Mukhang Day-off din ng mokong dahil naisipan nitong tumambay sa bahay nya at maki-share ng internet connection habang gamit ang laptop nya. Isa itong manager ng fastfood chain na nasa lugar nila kaya bihira lang ito kung tumambay sa bahay niya at manghiram ng laptop nya at maki-share ng internet.

"Hoy! Saan mo nakita ang spare key ko? Bakit ka nandito sa bahay ko?"

"Tahimik ka lang muna dyan, Dulce. Nanonood pa ako ng Attack on Titan. Kasalanan mo kung bakit nasa ilalim pa rin ng mat ang spare key mo."

Napairap sya sa endearment nito sa kanya at hinayaan na lang itong manuod sa sala nya. Sa mahigit walong taon na pagtatrabaho nya ay nagawa nyang makabili ng sarili nyang lupa at bahay na walking distance lang sa bahay ng Boss nya kaya hindi na nya kailangan ng public transpo para makauwi galing sa trabaho.

Nagbihis sya ng pambahay pagpasok nya sa kwarto nya. Kapag nasa bahay sya mag-isa ay nakagawian na nyang magsuot ng bestidang maikli pero dahil nasa bahay nya ang anak ng Tita Paula nya ay nagsuot sya ng jogging pants. She's not used on showing too much skin.

Humiga sya sa kama nya at ninamnam ang comfort na dulot non. Habang nakahiga sya ay biglaang pumasok sa isip nya ang nangyari kanina sa bahay ng boss nya. She bit her lower lip as soon as the strange sensations she felt earlier ripped through each and every fiber of her being. Pakiramdam nya ay biglaang nag-init ang katawan nya sa hindi malamang kadahilanan.

Ano ba kasing nangyayari sakin?

She hated to admit that she likes the sensations she felt earlier. The heat... her body likes it. Kaya nagtataka sya kung bakit dahil bago pa lang sa kanya ang mga sensasyong iyon.