NAPAHILAMOS ng palad si Grego nang matanggap ang files na ibinigay sa kaniya ni Mr. Patrimonio. It is in document format. At nanlulumo siya dahil sa mga nadiskubre.
Kaya pala napatawag si Mr. Patrimonio ng alanganing oras dahil may mga nakalap muli itong impormasyon. Kahit hatinggabi siya ay napasugod siya sa bayan para buksan ang laptop at tingnan ang mga dokumentong ipinadala ng P.I. niya via email.
"Sino itong babaeng ito na nasa page three?" Nanatiling naka-pako ang mga titig niya sa litrato ng babaeng nasa screen ng laptop niya. The woman looks exactly like Pauline! In every angle! At alam niyang hindi iyon si Pauline. He knew Pauline inside and out. Kilala niya ang asawa niya at nakakasiguro siyang hindi iyon si Pauline.
"She's Evangeline Pablo. Ang kakambal ng asawa mo, Mayor. She grew up alone after her parents died. Matapos no'n ay nagtrabaho si Ms. Pablo sa isang strip club."
Nanlumo siya at nagulantang sa mga narinig. His wife has a twin sister! At hindi man lang nila nalaman ang tungkol sa bagay na iyon!
"At the age of thirteen, Ms. Pablo was forced into prostitution after her and your wife's biological parents died. Pagkatapos no'n ay wala ng naging balita sa kaniya."
Napamura siya. "Anong kinalaman niya sa aksidenteng nangyari sa asawa ko?"
"Malaki, Mayor. She's the one who posed as your wife. Noong mga panahong iyon, pinaniwala niya kayong siya si Pauline at okay lang siya matapos ang nangyaring car accident sa bangin. She used Ms. Pauline Samonte's identity to file an annulment. Para makuha niya ang kalahati sa mga conjugal properties niyo at ang ibang mga properties mo na ipinangalan mo sa kaniya. Pagkatapos no'n ay nawala na siya ng parang bula."
Napamura siya. A lone tear fell from his eyes. "Then how about Rin? May nakalap ka bang impormasyon sa kaniya?"
"Please proceed to page 7, Mayor."
He obliged. Nang makarating siya sa naturang pahina ay ini-scan niya bg mabuti ang mga dokumento. It was Rin's hospital files three years ago.
For the first time in his lifetime, he sobbed. Nanlumo siya sa mga nabasa. Rin suffered a lot from her head injury. She had a major concussion on her forehead and some of her cerebral nerves are severely damaged dahil sa pagtama ng ulo nito sa isang malaking bato. Then, she also had bruises all over her body. Na-confine si Rin ng mahigit isang buwan dahil sa nangyari at lahat ng expenses ay sinagot ng Nanang Marta nito.
"What have they done to you, baby?" nagpupuyos na tanong ng kaniyang damdamin. Pamiramdam niya ay para siyang kandilang nauupos dahil sa mga nadiskubre.
"Hello, Mayor? Are you still there?"
He cleared his throat and wiped his tears from his cheeks. "Yes. I-I'm here." pinilit niyang magtunog-ormal ang boses para hindi mahalata ng kausap ang pait doon.
Mr. Patrimonio sustained. "Okay po. Rin was diagnosed with selective amnesia. Mukhang alanganin pa ang doktor ni Rin sa diagnosis dahil kakaiba raw ang mga ipinapakitang sintomas ng amnesia ni Rin, Mayor. The doctor also said that maybe Rin's amnesia is a rare case. Although, sinabi naman ng doktor na may pag-asa pang bumalik ang mga alaala ni Rin pero huwag na raw tayong umasa dahil maliit lang ang chansang mangyari iyon dahil sa tinamong injury ni Rin. Bawal sa kaniya ang ma-stress ng husto, Mayor dahil naging mas sensitive si Rin dahil sa tinamong injury sa cerebral nerves na maaaring maka-apekto sa emosyon at pandama. Huwag din daw ipilit ang mga mga memorya niya na bumalik dahil kusa lang daw iyong babalik sa tamang panahon..."
"...All she needed right now is a part of her past kung gugustuhin niyo raw talagang mapabilis ang pagbalik ng mga memories ni Rin, Mayor. Kailangan niya lang makasama ang mga tao o bagay na naging parte ng nakaraan niya to trigger her memories. Pero huwag daw tayong umasa na babalik kaagad ang memorya ni Rin. Maaari daw na hindi na iyon bumalik kailanman," he heard Mr. Patrimonio heaved a sigh. "Ngayon lang ako nakapag-imbestiga ng ganitong uri ng fraud sa buong buhay ko, Mayor. Kadalasan ay sa mga palabas ko lang napapanood ito. I can't believe that someone can pull Evangeline Pablo's stunt. Magaling at planado, Mayor. Maging ang aksidente na nangyari kay Maam Pauline ay planado." Tumikhim ito. "Well, I've gathered enough evidence to imprison her. Maaari niyo siyang sampahan ng patong-patong na kaso kung gugustuhin niyo. The decision is up to you and your wife, Mayor Perez."
Napatango-tango siya at muling napahilamos ng palad sa mukha. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at pinigilan ang mga luhang muling nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata. He can't believe that all these years, his wife suffered a lot!
He ended the call with Mr. Patrimonio with a heavy heart. Napahigpit ang kapit niya sa bluetooth mouse dahil sa mga nabasa at nalaman. He's useless! Bakit ang tanga-tanga niya? He saw the signs before! Nararamdaman niyang hindi si Pauline ang babaeng nagpa-annul ng kasal nila. Hindi rin si Pauline ang nagkaroon ng mental illness para gawing grounds ng annulment. Alam niya sa sarili niya na mahal siya ni Pauline kaya hindi nito magagawang makipaghiwalay sa kaniya ng walang dahilan.
Wala silang naging pagtatalo ni Pauline na hindi naso-solusyonan ng masinsinan at mahinahong usapan. She's a people person. She always talks about the matters at hand and how to solve them, kaya nagtagal sila ni Pauline ng anim na taon bilang magkasintahan bago tuluyang magpakasal. Kilalang-kilala na niya si Pauline, inside and out. But why didn't he believe his instincts that day? Alam niyang may mali kay Pauline noong nakipag-hiwalay ito sa kaniya ng biglaan pero hindi siya nakinig.
He was blinded by his love for Pauline. Natakot siya sa banta nitong papatayin nito ang sarili kapag hindi siya pumayag na magpa-annul ng kasal. He should've known better! Dapat ay hindi siya pumayag! Tapos ay naniwala pa siyang kaya siyang ipagpalit ni Pauline sa ibang lalake. Nagbaon pa siya ng galit at hinanakit kay Pauline dahil doon at labis siyang nagsisisi dahil kaagad siyang naniwala sa mga kasinungalingang ngayon pa lang nabigyang-linaw sa kaniya.
Napahilamos siya ng palad sa mukha at paulit-ulit na sinisi ang sarili dahil sa naging katangahan. Anong mukha ang maihaharap niya sa totoong Pauline ngayon? Siguradong sasama ang loob nito sa kaniya kapag nalaman nitong hiwalay na sila sa mata ng batas. Alam niyang mapapatawad siya ng asawa dahil sa mga nangyari pero hindi pa rin maiiwasan na baka masaktan ito kapag nalaman ang totoo.
On the other hand, matagal na siyang may hinala na si Rin at Pauline ay iisa. He knew his wife better more than anyone else. Kaya noong nakita niya ang peklat nito na nasa kaliwang palad ay kaagad siyang kinutuban. Alam na niya sa sarili na si Rin ang kaniyang asawa pero nagkaroon pa rin siya ng pagdududa dahil sa mga kasinungalingang ginawa ng kakambal nito. He should've followed his heart that day. Dapat ay naniwala siya kaagad sa kutob niya tungkol sa pagkatao ni Rin.
And earlier, Rin just proved her identity to him sa pamamagitan ng mga yakap at halik nito sa kaniya. Sa bawat damdaming nabubuhay mula sa kaniyang puso sa tuwing nararamdaman ang init na hatid ng katawan ni Rin. Sa bawat pagsuyo at lambing... Lahat ng iyon ay tanging si Pauline lang ang nakakapagparamdam sa kaniya.
Rin is Pauline Samonte-Perez. His wife… his beloved…
Nagpupuyos ang kaniyang kalooban. Hindi siya makapaniwalang pinakawalan niyang muli ang asawa sa ikalawang pagkakataon. He knew it! Alam na ng sistema niya sa umpisa pa lang na si Pauline ang nakahiga sa hospital bed at may peklat sa noo. Alam niyang si Pauline ang nanirahan ng ilang linggo sa bahay niya at binulabog muli ang mga damdaming akala niya ay ibinaon na niya sa limot.
He knew right there that Pauline is Rin. Pero hindi siya nakinig sa isinisigaw ng kaniyang damdamin.
Naisip niya na wala na siyang mapapala kung paulit-ulit na sisihin ang sarili dahil sa mga katangahang nagawa kaya muli niyang kinausap si Mr. Patrimonio para i-iwas ang atensyon niya sa labis na pag-iisip.
"Mr. Patrimonio. Mag-imbestiga ka pa sa aksidente. Maghanap ka pa ng ebidensya na nagpapatunay na si Ms. Pablo ang may pakana ng aksidenteng nangyari sa asawa ko. Magbabayad siya sa ginawa niya. Make sure you find enough evidence to imprison her for life. Leave no evidence behind." Kaagad niyang binaba ang tawag. Nanlulumo siya sa ngayon dahil sa ginawa niyang katangahan at kailangan niya munang mapag-isa. He needed time to think. Kailangan niyang makasiguro na ligtas si Pauline bago niya ito iwan sa San Rafael. Napapabayaan niya na ang mga trabaho bilang alkalde ng bayan ng Poblacion dahil sa biglaang pagdating ni Rin sa buhay niya.
First, she bothered him with the thought that she acts, talks, and made him feel certain kinds of emotions like Pauline does.
Second, he even left his four-year old daughter behind just to check on Rin. Hindi kasi siya mapalagay nang isang buwang hindi makita ang dalaga lalo na't binubulabog siya ng kaisipang may posibilidad na si Rin ay si Pauline.
Third, ang katotohanang nabigyang-linaw ng mga ebidensya na nagpatagpi-tagpi nila ng P.I. niya na si Rin ay walang iba kundi ang asawa niyang si Pauline.
Napamura si Grego. Kung matagal niya lang alam na si Rin pala ay si Pauline eh di sana ay hindi na niya ito hinayaang umuwi pa ng San Rafael. He couldn't believe that he let her go just like that. Ayaw niya lang kasing nakikitang nasasaktan si Rin. It's like hell inside his chest. Talagang alam ng isip at puso niya na si Pauline at si Rin ay iisa. Of all the women he met, si Pauline lang ang nakakapagparamdam sa kaniya ng ganoon.
He threw a deadly gaze on Eve's photo on his laptop. She looked exactly like Pauline but he feels nothing towards her but anger and rage. Doon rin niya napatunayan na ang pagmamahal na mayroon siya para kay Pauline ay hindi dahil sa pisikal na kagandahan ng asawa kundi dahil sa kalooban at pagmamahal nito sa kaniya.
Mahal niya ang asawa, at hindi niya papalampasin ang nangyaring ito. He'll make sure that Pauline's twin will have hell ahead of her.
Muli niyang naalala ang mga katagang sinabi ni Rin na puno ng hinanakit...
"I just wanted to live, that's all. Kahit huwag na bumalik yung mga alaala ko. Pero bakit gano'n? Bakit pinaparusahan ako ng mga alaaalang iyon?"
...
He felt a pang of pain inside his chest. Umigting ang mga panga niya at pinigilan ang pagsidhi ng kirot no'n sa buo niyang pagkatao. Pauline doesn't want to remember everything anymore. Naaawa siya sa asawa. Alam niya kung gaano kahirap para rito ang makaalala lalo na't may kaakibat iyon ng pananakit ng ulo. Kung ang kapalit nga ng mga magagandang alaala nito kasama siya ay ang sakit na nararamdaman ni Pauline sa tuwing nakakaalala ay mas gugustuhin niya pang lumayo at hindi na ipaalala ang mga iyon kay Pauline. Mas mabuti pang siya ang masaktan at hindi si Pauline.
A lone tear escaped from his eye. Muling bumalik sa mga alaala niya ang unang pagkikita nila ng asawa. The reason why Rin had that scar on her left palm... Their first kiss… their first love-filled night together… the fruit of their undying love, Erin… Their marriage. Handa niya bang kalimutan ang lahat ng iyon para sa ikatatahimik ni Pauline? Is he willing to let her go for good? Pati ba siya ay kayang kalimutan ang matatamis na mga alaalang nakalimutan na at maaaring hindi na muling maalala ni Pauline?
He threw a glance on his wristwatch. Napasandal siya sa couch at bumuntong-hininga. Tumingala si Grego sa kisame at muling inisip ang asawa.
Malapit nang mag-tanghali at sigurado siyang naghihintay na sa kaniya si Rin. May usapan silang dalawa kagabi.
Kahit paano ay nabawasan ang lungkot na nadarama ni Grego. He just remembered how wild they've been yesterday. Pinagod niya ng husto si Rin at sigurado siyang tulog mantika pa rin ito sa mga oras na iyon. Kilalang-kilala niya ang asawa. Kapag napapagod ito sa kahalayang gingawa nila ay babawi ito ng lakas at matutulog ito buong maghapon.
Maybe he could take her out for dinner. Na-miss niya ang asawa at deserve niya ring sumaya kapiling ito.
Kasabay ng plano niyang iyon ay ang pagbuo ng pinal na desisyon sa isip niya.
Buo na ang kaniyang pasya. He'll never let her go again. He lose her once. At wala na siyang balak ulitin pa ang katangahang iyon.