Chereads / Something about her (Completed) / Chapter 24 - Chapter 20

Chapter 24 - Chapter 20

"HEY! Hayaan mo akong gamutin 'yan!"

Sapo-sapo ni Pauline ang sugat niya sa palad. This is what she gets for helping a man from being robbed. Tuloy ay nasugatan siya ng kutsilyo sa palad. Besides, ayaw niya sa kulay ng boses nito. She hates the weird color combinations everytime he shouts.

Bago pa siya makalayo ay hinapit na siya nito sa bewang at iginiya papunta sa clinic ng eskwelahan nila. "By the way, I'm Grego. In short for Gregorio. Pero pwede mo akong tawaging 'babe' kung gusto mo. Consider it as a 'thank you' from me." He winked at her.

Inirapan niya ito. "Ampangit ng pangalan mo. And please, leave me alone. Ayaw kong mapag-initan ng mga babaeng nahuhumaling sa'yo." That's a lie. Ayaw niya lang talagang mapalapit sa lalake. She's supposed to stay away from him! Dapat ay nang-ii-stalk lang siya kanina pero heto siya at iniligtas pa ito sa magnanakaw na mukhang drug addict.

He chuckled and smiled at her. His eyes sparkled with happiness. Tila ba na-amaze ito sa sinabi niya. And probably, that is the most sweetest smile she had ever seen.

"So, kilala mo na pala ako, baby?" His smile widened. Kaagad siyang pinamulahan ng mukha. Of course she knew him! Anak ito ng isang senador kaya sikat ito sa loob ng campus nila. Maliban doon ay active din ang binata sa mga fund-raising activities para tumulong sa mga nangangailangan. Isa iyon sa mga katangiang nagustuhan niya dito. Unlike others, si Grego 'yung tipo ng taong ipinapakita ang tunay na hangarin. If he wanted to help, ipapakita iyon ng binata ng walang pag-aalinlangan. He's a goodwill ambasador at a very young age. Kaya lahat ng mga binata sa school ay role model siya.

Matagal na rin siyang nakakarinig ng usap-usapan tungkol sa kabaitan at ka-gwapuhan ng binata sa loob ng campus nila at na-intriga siya kaya noong araw na iyon ay sinundan niya ito palabas ng gate. Late na rin ng mga time na 'yon at wala ng estudyante kaya napakadali lang para sa isang magnanakaw na magtangka sa harap mismo ng gate nila. Batid niya ay drug addict ang magnanakaw na naka-sugat sa kaniya kanina dahil halos mabaliw na ito para lang makakuha ng pera. Maliban doon ay may nahagip siyang drug paraphernalias sa bulsa ng pants nito. Foil and lighter.

Grego was cool and composed. Ni hindi man lang ito natinag sa magnanakaw. Mukhang naghahanap lang ng tiyempo ang binata na atakehin ang magnanakaw kung hindi lang siya dumating at inagaw ang kutsilyo mula sa huli. Kaya ang nangyari, nagdurugo ang kamay niya ngayon dahil sa lalim ng sugat.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng binata sa kaniya habang hawak-hawak ang palad niyang nagdurugo pa rin. Napairap siya dahil alam naman niyang alam na nito ang kanyang pangalan. She's the school's SSG president at halos makikita sa lahat ng tabloids sa school ang kanyang larawan. And last month, nanalo siya ng isang prestihiyosong award para sa musika dahil marami na siyang na-compose na mga tugtugin at na-publish na iyon para sa publiko. The book is entitled "A synesthete's music" at bestseller iyon. Kaya imposibleng hindi nito alam ang pangalan niya.

He pressed a clean white towel on her wound para mapigilan ang labis na pagdurugo.

"H-hindi mo na kailangang malaman ang pangalan ko kasi alam kong alam mo na," she shrugged. "And besides, ngayon lang tayo nagkita kaya hindi na importante ang kilalanin ako," she bit her lower lip when she felt a pang of pain from her wound.

He stopped walking and faced her. "I doubt that, baby. Kanina pa kita nakikitang sinusundan ako, alam mo ba?

Gusto niyang tumakbo palayo sa binata dahil sa labis na kahihiyan. So, alam pala nito na kanina pa siya nang-ii-stalk?

"I'm sorry. Na-curious lang ako kaya kita sinundan. Sikat ka sa buong campus and I wanted to find out why," she faced him with such confidence. "Ngayong alam ko na na tama naman ang sinasabi ng lahat ay hindi na kita gagambalain."

"Why are you saying sorry?" He furrowed his brows at her.

"I'm sorry kasi… kasi ini-stalk kita. I shouldn't have done that. Tuloy ay naabala pa kita."

Tila nasaktan ito sa sinabi niya. "So, you mean to say, nagsisisi ka na nakilala mo ako at nakilala kita? Because I don't."

Her heart went nuts because of that Curse him for being sweet-tongued! Tuloy ay nabulabog ang sistema niya. Her body became sensitive. Maging ang abnormal na paghinga niya dahil sa matinding kaba ay napapansin na niya dahil sa titig ng binata. Even his simple touch can make her whole body melt. His touch is like a live wire— a wire that conducts an electric-like current through her nerves. At kanina pa siya naiilang sa pakiramdam na iyon kaya gusto na niyang kumawala sa hawak nito pero hindi niya magawa.

He held her hand tight. "Look at you, baby. You're blushing," he chuckled.

Mas lalo pang nag-init ang pisngi niya dahil sa endearment nito sa kaniya. He just stood there and suddenly, she forgot reality. She forgot that her hand was bleeding and in need of first aid. Dahil ang isip niya ay literal na nakagapos kay Grego. He just stood there and suddenly, everything about him matters even his steady breathing.

She licked her lower lip subtly, wondering how sweet his lips would be inside her mouth. Wala pa siyang unang halik kaya gusto niyang si Grego ang magbibigay no'n.

A silly idea came into her mind.

"Nasugatan ako dahil niligtas kita. You owe me one."

His right brow raised. Mukhang nagtaka ito sa bigla niyang pag-open ng topic na iyon pero ang mga mata nito ay puno ng kyuryosidad.

"Tell me what you want, baby." Grego smirked, his eyes glistened in anticipation. Binitawan na rin ng binata ang kamay niyang tumigil na sa pagdurugo kanina pa at humalukipkip.

She tiptoed and kissed his lips. Saglit lang iyon pero pakiramdam ni Pauline ay parang lumutang siya saglit sa alapaap. His lips tastes so edible and sweet! And ending the kiss was like a torment in her heart, mind, and soul. She wanted more.

Nanatiling kalmado ang ekspresyon ng mukha ni Grego. Slight shock was evident in his eyes but he handled it well. Tuloy ay nagmukhang walang epekto ang halik na ginawa niya rito gayong batid naman niya na tumugon ito kahit saglit.

Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa. Her first kiss was worth remembering. Kaya hindi siya nahiya sa ginawa kanina.

"N-Nakuha ko na ang kapalit ng ginawa kong pagtulong sa'yo. Mauna na ako." She was about to turn around and head to the clinic all by herself pero napasinghap siya nang bigla siyang hinawakan ng pamilyar na kamay ni Grego sa braso at hinatak papalapit dito.

Their bodies were so close. Nakapulupot ang braso ng binata sa kanyang baywang at hinapit siya palapit. Sa sobrang lapit ay naaamoy na niya ang hininga nito. Nagulat siya nang maramdaman ang kamay ni Grego na gumapang papunta sa batok niya.

"Baby, if you're going to kiss, you should do it like this…" he dived into her face and captured her lips. Natigilan siya sa biglaang paghalik sa kaniya ni Grego pero kalauna'y tumugon na rin siya.

His lips tasted way sweeter the second time around. It moved skillfully and taught her the basics of kissing. Natuto siyang tumugon sa pangangailangang hindi niya batid kung saan nanggagaling… natuto siyang tumugon ng buong suyo at lambing para sa isang bagay na noon niya lang natikman. And it feels so good to be wild and reckless once in a while. Dahil natitiyak niyang habangbuhay niyang maaalala ang ilang-minutong halik na pinagsaluhan nila.

When their lips parted, they were both breathless. Satisfaction was written all over his face. He cupped her face with his right palm and caressed her swollen lips with his thumb. She leaned her face on his palm and closed her eyes. Waves and waves of sweet sensations lingering in her being. Aftershocks of the strange sensations made her body burn and ache. Tila ba maging ang katawan niya ay nag-init at nais pang mapalapit sa katawan na nakayakap sa kanya.

"Hindi ito ang huling araw na magkikita tayo. Tandaan mo 'yan."

>>>

ILAN LANG iyon sa mga alaalang bumaha sa memorya niya. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni Grego noong makita nito ang peklat niya sa palad.

The scar on her palm is the remembrance of their first meeting. Ang peklat na iyon ang palatandaan na nagkakilala sila ni Grego. Ang peklat na iyon ay ang nagsisislbing palatandaan na itinadhana silang magtagpo. Kaya kahit marami ang nagsasabing ipatanggal na niya iyon ay hindi niya magawa. Removing that scar means removing the remembrance of her first meeting with Grego. Saksi ang peklat na iyon sa damdaming sumibol sa kanilang mga puso nang araw na iyon.

"So, Grego knew…" anang isip niya.

Alam na pala ni Grego na siya si Pauline. Alam na nito ang katotohanan sa simula pa lang. Pero bakit hindi nito sinabi kaagad ang mga iyon sa kaniya?

Her head hurts a lot pero ininda niya iyon. Unti-unting pumatak ang kaniyang mga luha dahil sa mga alaalang unti-unting nanunumbalik. She's going to fight. Titiisin niya ang sakit kung ang kapalit no'n ay ang mga alaalang unti-unting bumabalik sa kaniya.

She remembers all of it now. She's Pauline Samonte-Perez, Grego's wife. Not until the woman in front of her messed it all up and stole her identity.

Kaya pala. Kaya pala nagulat si Grego nang makita ang peklat na iyon sa palad niya. Kaya pala maraming mga bagay na ipinaparamdam o sinasabi ni Grego sa kanya na parang may malalim na kahulugan. Kaya pala pamilyar si Grego sa kanya.

Kasalanan niya. She should've asked him. Sana ay tinanong niya si Grego sa tuwing may mga alaalang sumusulpot sa kaniyang isipan. Sana ay nalaman niya kaagad na siya si Pauline. Sana ay ipinaalam na niya kaagad kay Grego ang mga hinala niya. Sana ay hindi na humantong sa ganito ang lahat kung nagtanong siya kay Grego. Sana kahit ma-frustrate siya ay inalam niya ang katotohan sa kanyang tunay na pagkatao.

Naiinis siya sa sarili dahil mas pinili niyang huwag mag-overthink kesa sa alamin ang katotohanan. She should've asked. Sana ay hindi na niya iniwan ang kaniyang mag-ama kung alam niya ang katotohanan. Pero batid niyang ang inis na kanyang nadarama sa tuwing nag-o-overthink ay resulta ng brain injury na kanyang tinamo kaya hindi niya rin lubusang masisi ang sarili.

Siguro ay mas pinili ni Grego ang tumahimik dahil ayaw nitong naiinis o nasasaktan siya. Knowing Grego, handa itong saluhin ang libo-libong palaso o di kaya'y tumawid sa isang nagbabagang tulay para lang sa kanya. At inabuso iyon ng babaeng nasa harap niya ngayon.

Umusbong ang galit mula sa kanyang dibdib. Just the thought of her impostor putting her beloved on his knees while begging for a second chance makes her heart clench with anger. Nagagalit siya dahil pinaglaruan nito si Grego... si Erin... lahat. Lahat ng tao sa paligid niya ay niloko ng babaeng ito.

She slapped the woman right on the face. Dahil sanay siya sa mabibigat na gawain sa probinsya, nakakasigurado siyang malakas ang naging impact ng sampal niya sa babae. Galit siya dito dahil sa pagtangka nitong pagpatay sa kanya at dahil sa ginawa nitong pagpapawalang-bisa ng kaniyang kasal kay Grego.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa'kin 'yan!" She shouted, her head held high. Napatiim-bagang siya at pinigilan ang sarili na suntukin ang babaeng kamukha niya. Baka mapatay niya pa ito sa tindi ng galit. "Patawarin mo ako kung naging miserable ka dahil hindi ikaw ang inampon ng mga tumayong magulang ko. Pero hindi tamang angkinin mo ang buhay na pinaghirapan kong buuin para sa sarili ko!" Dinuro niya ito. "You messed it up! Everything! You messed everything up pero wala kang narinig sa'kin!"

The woman glared at her. Bakas ang galit sa mukha nito. "Wala akong narinig sa'yo dahil may amnesia ka!" The woman faked a laugh. "Tapos ngayon babalik ka at guguluhin mo ang lahat ng mga plano ko?!" Umiling ito. "Hindi. Hindi ako papayag!" Mabilis itong tumayo at walang pasintabing sinakal siya at isinandal sa pader. "Hindi ko hahayaang mabawi ang kayamanang pinaghirapan kong makuha sa'yo! Hindi!"

Hindi siya makahinga ng maayos dahil sa pananakal nito sa kaniya. "N-nababaliw ka na…" she struggled to speak. Sinubukan niyang alisin ang kamay nitong nakapulupot sa leeg niya pero hindi niya magawa. She's too weak to even move a muscle. Maliban doon ay kanina pa niya iniinda ang pananakit ng ulo niya. Waves and waves of memories flooded in her mind. Naaalala na niya ang lahat.

She was about to lose her consciousness any minute now. Nahihirapan na siyang huminga. Her eyesight getting blurry.

She closed her eyes, trying to accept death coming for her. Pero napaluha siya nang maalala ang nag-iisang anak na si Erin at si Grego.

No. She will not let this woman take her life from her again.

Inipon niya ang natitirang lakas para suntukin ito ng pagkalakas-lakas sa tiyan.

Namilipit sa sakit ang babae. Pagkakataon na niya iyon para maitali ito. Pero bago pa siya makatayo ng maayos ay naramdaman niyang nagdilim ang paningin niya.

"No! Not again!" her mind protested.

She bit her lower lip. Humawak siya sa mesa para masuportahan siya sa pagtayo. She needed to make sure that the woman will go to jail for all the damages she have done. Hindi niya hahayaang makatakas ito sa batas.

Pabiling-biling siyang naglakad at kinuha ang lubid na nakasabit sa pader at muling binalikan ang babae para itali. Namimilipit ito sa sakit. And then she realized, the woman is bleeding! Umaagos ang dugo sa pagitan ng mga hita nito. At dahil nagmamay-ari siya ng chain of hospitals, pamilyar na sa kaniya ang ganoong sitwasyon.

The woman is pregnant!

Nataranta siya. Humahangos siyang lumabas ng bahay para humingi ng tulong sa mga kapitbahay pero bago pa siya makatakbo ay nakita na niya sa di-kalayuan si Cholo.

"Ch-Cholo!" Nanghihina niyang sambit bago tuluyang bumagsak sa damuhan at mawalan ng malay.

_____

Updated na sila Grego at Pau! Yaaayyy! Nakaalala na ang loka ahahahhahaha! Wats next?😂😂

-Bella Vanilla