Chereads / Something about her (Completed) / Chapter 20 - Chapter 16

Chapter 20 - Chapter 16

Okay everyone! 6 remaining chapters left at isang epilogue! Yaaayyy! Malapit nang matapos ang story ni Grego hehehhehe. Salamat sa mga nag-abang!

-Bella Vanilla

______

NAKATULOG na si Grego habang yakap-yakap siya pero hindi maunawaan ni Rin kung bakit hindi siya makatulog. Hindi naman siya natatakot na baka mahuli siya ng Nanang Marta niya na nakasandal sa matitipunong dibdib ni Grego at yakap-yakap siya ng binata mula sa likuran habang ito nama'y nakasandal sa dingding at mahimbing na natutulog. Ang inaaalala niya lang ay ang pinag-usapan nila kanina.

"May inutusan akong mag-imbestiga sa nangyaring aksidente sa'yo tatlong taon na ang nakalilipas. We found out the main reason why you're here and suffering. Makikilala mo rin siya. And I'll make sure that you're ready to face her when the time comes. Ayaw kong biglain ka at pwersahin ang utak mo na maalala ang lahat pero baka bumalik sa mga alaaala mo ang nangyaring aksidente sa'yo kapag nakita at nakausap mo na siya. May nagtangkang pumatay sa'yo, Rin. Hindi aksidente ang dahilan kung bakit ka nandito."

"Pumatay? Sino naman ang gustong patayin ako? H-hindi ako masamang tao, Grego." Mangiyak-ngiyak na tugon ni Rin.

"I know, Rin. Pero huwag mo munang isipin ang bagay na iyon. Nandito ako. Po-protektahan kita sa mga taong gustong manakit sa'yo..."

MAS LALO niyang isiniksik ang katawan kay Grego. Sino ang tinutukoy nitong taong nagtangkang patayin siya? Is she a bad person in her past? Bakit may isang taong gusto siyang burahin sa mundong ito? At saka isa pa, kung alam ni Grego kung sino ang taong nagtangkang pumatay sa kaniya, ibig sabihin ba no'n ay alam din nito kung sino siya? May alam kaya si Grego sa totoo niyang pagkakakilanlan?

Napa-isip siya. It is possible.

Kaya ba pakiramdam niya ay matagal na siyang kilala ni Grego? Eh, bakit parang wala naman itong sinasabi sa kaniya?

Marahan siyang umiling para iwaksi ang mga katanungan sa isip. Or maybe she's just overthinking. Hindi naglilihim si Grego sa kaniya. He's expressive. Lagi nitong ipinaparamdam o sinasabi ang mga nararamdaman o gusto nitong sabihin. Siguro naman ay hindi ililihim ni Grego sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon. Wala naman siyang nakikitang rason para maglihim si Grego sa kaniya.

He's expressive, yes... at parang lagi nitong ipinaparamdam sa kaniya na matagal na siya nitong kilala. She feels comfortable with him. Pakiramdam niya kasi ay alam na alam na ni Grego kung paano siya iha-handle kapag nagiging emosyonal siya. Katulad kanina, he knows exactly how to comfort her. Alam nito kung ano ang mga bagay na gusto niyang marinig upang mapanatag ang kalooban niya. He also knew the right words to let her know that he cared for her... that he is always there for her. At ni minsan ay wala pang nakakapag-paramdam sa kaniya ng ganoon simula nang magka-amnesia siya.

Gayunpama'y natatakot siya hindi lamang para sa sariling kaligtasan kundi sa kadahilanang baka may madamay sa gulo ng buhay niya. Ang nanang Marta niya, si Grego, si Erin...

Niyakap niya si Grego ng mahigpit at ibinuro ang mukha niya sa dibdib nito. Grego subconsciously wrapped his arms around her and secured her. Kahit natutulog ang binata ay tila nararamdaman nitong kailangan niya ng isang bagay na makakapagparamdam sa kaniya na ligtas siya. And his embrace is enough to make her feel safe and secured. Napangiti siya bago tuluyang lamunin ng antok.

Nagising si Rin kinabukasan na wala si Grego sa tabi niya. Nakahiga na rin siya sa kama at may kumot pang nakatakip sa kaniya. Humahangos siya na bumangon at lumabas ng kwarto. A sigh of relief escaped her mouth when she saw Grego in their kitchen. Nagluluto ito kasama ang Nanang Marta niya.

"Bilisan mo diyan, hijo at ipapahiwa ko pa sa'yo yung kalabasa." Utos ng Nanang Marta niya kay Grego.

Teka? Akala ko ayaw ni Nanang kay Grego?

"Sige po, Nay. I already finished cutting the onions. Where's the squash?"

"Huwag mo akong i-english-in at hindi kita maintindihan!" Mataray at pabirong sagot ng Nanang Marta niya. "Nandoon yung kalabasa sa lamesa. Kunin mo na lang."

"Opo." Grego walked towards the table. Pero nagulat ito nang makita siyang nakatayo sa doorway at nakatingin dito.

"Hey there, beautiful. Mind helping us prepare for lunch?"

"Tigilan mo ang anak ko, Grego at napagod iyan noong nakaraang araw! Akala niyo hindi ko malalaman ang pinaggagagawa niyo?"

Natawa na lang si Grego. He winked at her. Kaagad na namula ang pisngi niya nang makitang sinuri nito ang kabuuan niya bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa.

Sana man lang ay nagbihis muna siya ng damit bago lumabas ng kwarto. She should've worn the sexiest outfit she has. Gusto niyang maging kaaya-aya sa paningin ng binata.

"Matulog ka lang doon, anak. Kami na ang bahala ni Grego dito sa kusina."

Napakamot siya sa batok. "Pero Nanang akala ko-"

"Akala mo ano? Na ayaw ko sa kaniya? Bakit? May sinabi ba akong gusto ko na siya para sa'yo? Kailangan niya munang patunayang mabuti siyang tao bago ka niya pakasalan."

Natawa siya at kinilig sa sinabi ng Nanang niya. Just imagining herself marrying Grego makes her heart flutter.

Sana hindi na ito matapos. Sana lagi na lang akong maging ganito kasaya. Sana...

Sa kabila ng kilig ay napaisip siya. Ano kaya ang sinabi ni Grego para mapapayag ang Nanang niya na pumasok ito sa pamamahay nila? Ang buong akala pa naman niya ay ayaw ng nanang Marta niya kay Grego.

MATAPOS kumain ni Grego ng tanghalian kasama si Rin at Nanang Marta ay siya na ang naghugas ng pinggan. He doesn't like seeing the love of his life doing the household chores although gusto naman niyang pinagsisilbihan siya nito. Ayaw lang naman niyang mahirapan ito lalo na't naging masakitin ito nang ipanganak si Erin. Maliban doon ay muntikan nang mawala sa kanila si Erin dati noong nasa sinapupunan pa lang ito dahil sa stress. Kaya hangga't maaari ay hindi na niya hinahayaang gumawa ng mabibigat na gawaing bahay ang asawa.

Napangiti na lamang siya nang maalala ang naging matagumpay na pakikipag-usap niya kay Nanang Marta. Kanina ay halos patayin na siya nito sa talim ng pagtitig nito sa kaniya dahil naabutan siya nitong nakayakap sa natutulog na si Rin. Pero lumambot din ang ekspresyon nito sa kaniya nang makita nitong hindi siya basta-bastang binibitawan ni Rin kahit na natutulog ito. Pauline always loves to hug him at nakasanayan na nitong nakayakap sa kaniya habang natutulog kaya sanay na siya na nakakatulog minsan habang yakap-yakap ang asawa. Wala nang nagawa si Nanang Marta kundi ang tanggapin siya sa pamamahay nito nang makita si Rin na mahigpit siyang niyayakap.

"Buhatin mo na lang ang anak ko at ihiga mo sa kama. Tulungan mo akong magluto." Tanging nasabi ni Nanang Marta kay Grego kanina.

Nagpapasalamat siya at napunta si Pauline sa isang mabuting tao kagaya ni Nanang Marta. Halatang-halata sa matanda na mahal na mahal nito ang asawa niya at gusto lang nito na mapabuti ang kalagayan ni Rin.

Nang matapos siyang maghugas ng pinggan, nagmadali siyang lumabas at hingilap si Rin. He smiled when he saw her talking to the chickens. Tila nag-e-enjoy itong pagmasdan ang mga manok sa paanan nito at nag-aabang ng matutukang mais mula sa buslo na nasa kandungan ng dalaga. How could she sit there doing nothing but talk to those chickens and look so beautiful at the same time? Wala pa rin itong pinagbago. She was still the old Pauline he once knew. Simple, sweet, caring, and beautiful kahit na manipis na fitted shirt at lumang skirt lang na lampas sa tuhod ang suot nito kagaya ng nakagawian nitong suotin sa San Rafael. Mukhang minana niya pa ang mga damit na iyon sa nanang nito.

"Mamaya pakakainin ko kayo ng maraming mais! Malapit na kasing maubos itong stock natin eh. Baka mamaya ay hindi ako makapunta sa bayan kaya magtitira muna ako ng kaunti para sa pagkain niyo bukas. Pero kapag nakabili na ako ng pagkain niyo, patatabain ko kayo." She giggled as if the chickens would thank her for feeding them. Bahagya rin nitong hinawi ang itim na itim na buhok na lampas hanggang bewang at umaalon-alon ang iilang buhok nito na nililipad ng hangin na para bang mga alon sa dagat. Mahangin sa San Rafael kaya kahit maaraw ay malamig sa labas.

"Hindi 'yan sasagot sa'yo."

Nilingon siya ni Rin. She smiled at him and invited him to sit beside her on the wooden bench. Bahagya pang naningkit ang bilugang mga mata ni Rin dahil sa pagngiti.

Tinanggap naman niya ang alok ng dalaga.

"Alam ko namang hindi sila sasagot eh." Hinarap siya nito at ngumuso. "Mukha ba akong tanga?"

Grego can't help but laugh. Dinampian niya ng halik ang labi nitong naka-nguso. "Of course not, Pau. Ang cute mo nga eh."

Nagulat si Rin sa sinabi niya. Maging siya ay nagulat din dahil sa pangalang nai-tawag niya sa dalaga.

Shit!, he cursed under his breath. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Rin. Kung bakit ba naman kasi nadulas siya at tinawag niya ito sa totoong pangalan nito! Kung hindi ba naman siya tanga!

Bakas sa mukha ng dalaga na nasaktan ito. She looked away. Nakita niya rin kung paano magtagis ang bagang ng dalaga dahil pinipigilan nito ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata nito. "Bakit mo ako tinawag na Pau? Umamin ka nga sa'kin. Nandito ka ba kasi nag-i-ilusyon ka na ako ang ex-wife mo? Nandito ka ba kasi feeling mo bumalik na ulit siya sa buhay mo? S-Sabihin mo..." her voice was coarse. Tila maluluha na ito anumang oras. "Nandito ka lang ba sa tabi ko dahil kamukha ko si Pauline?"

He cussed. "No, baby. That's not what I meant-"

"Eh ano?" Puno ng hinanakit siyang tinitigan ni Rin. "Bakit hindi ka na lang kasi umamin na mahal mo pa rin siya!" She sobbed.

Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa ginawa. He just made his beloved cry. Hindi siya makapaniwala. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa niya napapaiyak si Pauline ng dahil sa selos.

Nagmartsa ito paalis. Naririnig niya ang marahang paghikbi nito habang papalayo ito sa kaniya.

Napahilamos siya ng palad sa mukha. How could he explain to her that she and Pauline are the same? Na iisang tao lang ang tinawag niya kanina. Pero katangahan na lang kung mag-e-explain siya ng katotohanan kay Rin lalo na't may amnesia ito. Mas lalo lang maguguluhan si Pauline. Who knows? Baka siya pa ang maging dahilan ng tuluyan nitong paglayo sa kaniya.

Great! Just great!

Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo siya at sinundan si Rin. Natanaw niya ito mula sa malayo na nagtungo sa isang abandoned chapel kaya tumakbo siya para makasiguradong hindi ito malayo ulit sa kaniya. Natigilan siya sa paglalakad palapit sa chapel nang makarinig ng tugtog ng piano na nagmumula roon.

Nanlamig siya sa kinatatayuan. Rin is playing her favorite classic song. But this time, may halo iyong pagmamadali at gigil.

Alam na alam niya ang galawang iyon. Rin is angry with him. Nararamdaman niya iyon sa bawat pagtugtog nito. Pauline always loves to burst her anger out while playing the piano. He should know. Kapag nag-aaway sila ni Pauline minsan ay iyon ang ginagawa nito. She's the only one who could turn a beautiful piece into something scary.

He was hesitant to enter the chapel at first. Pero naglakas-loob siya na pumasok at pakalmahin ang dalaga. Mukhang naramdaman naman nito ang presensya niya sa loob ng chapel kaya mas diniinan pa nito ang pagtugtog ng piano. Mas mabilis at mas gigil.

Oh no. This is not good.

Pinagmasdan niya itong tumugtog. Her eyes were closed and her head is literally following the imaginary chords inside her head. She enjoys music when her eyes are closed dahil mas nakikita daw nito ng klaro ang mga kulay ng bawat nota sa isip niya. It's a synesthete thing, he wouldn't understand.

"Hey, baby. Care to talk to me for a second?"

Nanatili lang na nakapikit ang dalaga at hindi siya pinapansin. Mas naging madiin pa ang pagtugtog nito sa piano.

Napabuntong-hininga siya. Alam niyang hindi niya makukumbinsi ang dalaga sa pakikipag-usap sa kaniya. He knew his wife better than anyone else. Gusto nitong mapag-isa muna at ilabas ang galit bago siya ulit kausapin nito ng mahinahon. Kaya nagtagal ang relasyon nilang dalawa dati ay dahil magaling si Pauline sa pagha-handle ng relasyon. Hindi muna siya nito kakausapin hangga't mainit pa ang ulo nito.

"Baby, I know you're upset. Uuwi muna ako sa condotel ko sa bayan."

She didn't mind him. Nagpatuloy na ito sa pagtugtog at hindi siya pinansin.

Napabuntong-hininga ulit si Grego. He hates this feeling! Pakiramdam niya ay wala siyang halaga sa mundo dahil hindi siya kinakausap ni Rin. He feel neglected.

Hinila niya ito palayo sa piano at marubdob na hinalikan sa labi. Nanatili lang itong parang bato at hindi tumugon.

When their lips parted, he cupped her face. Nakita niyang may namumuong luha mula roon.

It hurts him to see her crying. Kung pwede lang sana niyang sabihin ang totoo dito ay ginawa na niya pero hindi pa iyon ang tamang oras. Ayaw niyang ma-confuse si Rin sa katotohanan at ayaw niya ring ma-stress ang dalaga, lalo na't kabilin-bilinan ng mga doktor na huwag pilitin makaalala si Rin.

"Look, baby. Nagkamali lang ako kanina. Hindi ko sinasadya iyon. I'm sorry."

Umiling si Rin. "No. You meant it. You meant to call me 'Pau'. Nakita ko sa mga mata mo na kumportable kang tawagin akong Pauline. You used to call me Pauline kahit noong nasa Poblacion pa lang tayo. Sabihin mo nga sa'kin, ginagamit mo lang ba ako para hindi mo ma-miss ang ex-wife mo?" Puno ng hinanakit itong tumingin sa kaniya. "Kaya ba nagpunta ka dito? Kasi nami-miss mo siya?" At kaya kong tanggalin ang pangungulilang nararamdaman mo kasi kamukha ko siya?" She let out a sarcastic laugh. "Who knows? Baka nga siya ang ini-imagine mo sa tuwing inaangkin mo ako."

"Of course not." He wiped the tears on her cheek. "Look, Rin. May mga bagay na hindi ko masasabi sa'yo ngayon pero balang araw mauunawaan mo rin ako." He gave her a reassuring smile. "Kahit kailan ay hindi ko magagawa sa'yo 'yon, Rin. I-I vowed to be devoted to you at all times. To love and... and to cherish..." hindi na niya maituloy ang mga sasabihin. The chapel reminds him of their wedding. Ipinangako at isinumpa niya noon sa harap ng tao at ng diyos na si Pauline lang ang tanging mamamhalin niya, at gusto niyang manumpa ulit kasama ito sa harap ng altar. God gave him another chance to be with Pauline. Hindi niya iyon sasayangin.

A tear fell from his cheek. Desperado na siyang gawin ang lahat para hindi siya layuan nito. "Rin. I know I'm going too fast but... will you marry me in this place?"

Na-shock si Rin sa mga sinasabi niya. "S-Sigurado ka?"

He smiled. "Of course. Hindi ako magsasawang pakasalan ka kahit ilang ulit. Gano'n kita kamahal."

Napaawang ang labi ni Rin sa sinabi niya. "M-mahal mo ako?"

Napakunot-noo siya. "Hindi mo alam?" Noon niya lang napagtantong hindi pa pala siya nakakapag-'i love you' ulit sa asawa niya simula nang magka-amnesia ito. Pauline or Rin will always be his wife, hindi man sa mata ng batas pero alam ng diyos na hindi nila winakasan ang pag-iibigang sinumpaan nila.

Rin's eyes released a couple of tears before speaking. "I love you, too, Grego. Natatakot lang akong sabihin kasi akala ko... akala ko nabubulag lang ako ng kabaitan na ipinapakita mo. Pero nang masaktan ako nang maisip ko na mahal mo pa rin si Pauline, pakiramdam ko ay para akong pinapatay, Grego. H-hindi ako makahinga ng maayos kapag naiisip kong may mahal kang iba. Ako lang ang mahalin mo Grego. Ako lang. Please..." Rin sobbed. "I-Ipangako mo sa akin, please." Her voice was begging. Kulang na lang ay lumuhod ito sa harap niya para um-oo siya.

Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. Alam naman niyang mahal siya ng asawa. Rin never fails to make him feel loved every single day. Pero hindi niya inakalang masarap pala'ng pakinggan muli ang mga katagang iyon mula rito. At mas lalong nagagalak ang kalooban niya kapag nakikita ang asawang nagseselos. Buong buhay niya ay siya ang palaging nagseselos sa mga lalakeng lumalapit kay Pau. Hindi niya akalaing napakasarap sa pakiramdam na makitang magselos ang babaeng mahal niya. It gives him an assurance on what she really feels towards him.

He offered his hand, inviting her to be in his arms, and she gladly accepts it without hesitations. Kasabay ng malakas na kulog ng kidlat ang pagdadaop nila ng palad.

Inakay siya ni Grego papuntang altar. Naupo sila sa isang malapad na marmol na nasa harap ng altar at doon taimtim na nagdasal para sa presensya ng diyos bago harapin ang isa't-isa.

"Rin, I knew from the very moment I laid eyes on you that you were my forever. Someway, somehow, I was determined to make you mine. And from this day forward my heart is entirely yours." Hindi niya mapigilang mapaluha. He's completely nostalgic. Buong puso niyang inulit na sabihin kay Rin ang mga katagang ipinangako niya noon sa harap nito at sa harap ng diyos.

"As we continue to grow in our lives together, I promise to give you all of my words when needed, and to share in the silence when they are not, to pick you up if you are down, to love you unconditionally, to lay my bare skin on you when needed most, to care for you and our families for as long as we live, to adventure with you always, to say I love you before falling asleep each night, to be the best father I can be as we grow a family together, and to always know in the deepest part of my soul, that when challenges arise we will always find our way back to one another..."

Hindi na niya mapigilang mapahikbi. Tanging hagikgik lang ang naisagot sa kaniya ni Rin pero alam niyang nato-touch na rin ito sa mga pinagsasasabi niya dahil naiiyak na rin ito.

"Why are we laughing? This is supposed to be a promise of love, not a promise of laugh." Maging siya ay natawa na rin. His vow was so cringey. He gets that now.

Ngumiti si Rin at pinunasan ang mga luha niya. "Bakit ba napaka-emosyonal mo? Daig mo pa ako sa pag-iyak."

He shrugged his shoulder. "Because I love you?" It sounded like a question rather than a statement. Natawa silang pareho.

Sumeryoso si Pauline at ito naman ang nanumpa sa harap niya at sa harap ng poong maykapal. "Alam mong hindi ko naaalala ang nakaraan ko. Alam kong kung ano mang sabihin ko ngayon ay pagtataksil sa mata ng lahat dahil hindi ko alam kung kasal na ba ako o hindi. Ewan ko... it's like everytime I look at you, it feels right. Lahat nagiging tama. I have inhibitions, yes, but everytime you kiss me, it is like I am doing the right thing. Maybe because I feel complete whenever you're around."

Grego smiled at her and mouthed 'thank you'. Hinaplos ng dalaga ang pisngi niya. "Wala akong pinagsisihan sa mga gagawin o sasabihin ko ngayon. When the time comes that I will exhale my last breath, I will close my eyes, smile, and in my thoughts, I will thank God that I have lived my life happily ever after with you. Wala na akong pake sa nakaraan. You are my onwards, my future, and most importantly, my lifetime. I love you so much."

Tears fell from her cheeks after saying those. Hindi niya na ring mapigilang mapaluha. Her eyes were evident with overflowing love and joy for him. Mabilis niyang hinapit ang asawa sa bewang at buong pagmamahal itong hinalikan sa labi. He made her feel that their love for each other was never forgotten. They just sealed it once again with the skies as their only witness and the old abandoned piano.

He lay her down on the marbled altar and started kissing her neck. Naramdaman naman ni Rin ang gusto niyang gawin kaya nagpaubaya na rin ito. Batid niyang iyon din ang gustong gawin ng kabiyak sa mga oras na iyon.

Today, they will let the sky witness their love for each other, in the most passionate and lewd way possible.

______

Author's Note:

Rated SPG na ang next chapter hahahahhaha! Umpisa na ng madugong bakbakan hahahahha! (Insert evil laugh here). Ngayong alam na nila ang maiinit na damdamin para sa isa't-isa ay magsisimula na ang mga nagbabaga at nag-aalab na mga kaganapan. Hahahahaha! Paano na lang kaya kapag nalaman ni Rin ang truth and nothing but the truth? Well, we're going to find out! Hehehehe. Babawi ako sa next chapters. Bwaahahahahhaha!

Note: This story is already completed on booklat kaya you can read it there. hehehe. just search my story in their searchbox at makikita niyo iyon. And also, every other day po ang updates ko kaya sana subaybayan niyo. I have accounts in wattpad and booklat @missbellavanilla and my other works are posted there. :) See you later everyone!