Chereads / Something about her (Completed) / Chapter 5 - Chapter 1

Chapter 5 - Chapter 1

NGITING-ASO lang ang iginawad ni Rin sa kaibigang si Cholo nang mailapag niya ang kahuli-hulihang move na gagawin niya sa nilalaro nilang chess.

"Boom! Check!" Masaya niyang anunsyo. Napangiwi naman ni Cholo nang makitang wala nang malulusutan ang King nito.

"Ang daya mo naman, Rin! Porque expert ka sa paglalaro ng chess ay binu-bully mo na ako!"

She smiled. Inilahad niya ang kamay niya para makipag-handshake. "I enjoyed playing chess with you."

Mas lalo siyang natawa nang makitang mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Cholo. "Sigurado ka bang may amnesia ka? Bakit ang galing mo naman maglaro sa chess?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Siguro ay mahilig talaga ako maglaro ng chess. Alam mo kasi, sabi ni Nanang Marta, baka sakali daw na bumalik ang alaala ko kapag ginawa ko ang mga bagay na hilig ko." Napayuko siya. "Baka sakaling unti-unti kong maalala yung nakaraan ko." Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Mukha namang napansin ni Cholo ang lungkot na gumuhit sa mukha niya kaya kaagad siya nitong tinapik sa balikat.

"Rin, huwag ka nang malungkot. Sigurado akong hinahanap ka na ng mga kamag-anak mo. Sigurado din akong gumagawa na ang mga iyon ng paraan para hanapin ka." Cholo gave her a reassuring look. "Tiwala lang."

Ngumiti siya ng mapakla. "Paano kung hindi na pala nila ako gusto kaya hindi na nila ako hinahanap? Alam mo yun? Good riddance kumbaga." She heaved a sigh. Muli siyang napa-sulyap sa mga bundok na sumisilip mula sa mga kabahayan sa maliit na bayan ng San Isidro. Malayo sila sa lungsod ng Maynila at tipikal na probinsiya ang lugar na kaniyang kinagisnan matapos ang isang trahedyang nangyari sa kaniya.

Natagpuan siyang walang-malay ni Nanang Marta sa isang bangin. Ang kwento pa ng kaniyang Nanang Marta ay kaagad siyang sinugod ng mga ito sa ospital nang makitang nagsasalita pa siya. Ang kwento pa ng mga ito ay ang mga huli niyang salita ay "Rin" bago siya mawalan ng malay,kaya iyon na ang ipinangalan sa kaniya ng kaniyang Nanang Marta hangga't hindi pa bumabalik ang kaniyang mga alaala.

Walang TV o gadgets sa kanilang lugar dahil na rin sa malayo ang kanilang bayan sa lungsod na kinabibilangan nito. Ang tanging source of entertainment ng mga taong naroon ay radyo. Gayunpama'y hindi naman sila mangmang sa teknolohiya. One thing she loves about the place is, the people around her is not fond of mobile gadgets. Masiyadong mahilig ang mga tao na naririto sa pakikinig ng radyo o musika. That's why the people loves her. She can play piano. Araw-araw ay nagtutugtog siya ng piano sa covered court ng Baranggay San Rafael o di kaya'y sa isang abandonadong chapel na medyo malapit lang sa bahay nila at magiliw naman siyang pinakikinggan ng mga tao roon, bata man o matanda. She realized that piano could make her feel serene and peaceful. Nakapagtataka nga dahil kusa na lang tumutugtog ang mga daliri niya ng mga tugtog na hindi niya maalala kung ano ang pangalan. Ayon sa kaniyang Nanang, siguro ay hindi nakalimutan ng kaniyang isip ang mga bagay na matagal na niyang nakasanayan. Kagaya ng pagsasalita ng ingles. She's fluent. Hindi niya rin nakalimutan ang hilig niya sa Chess. Kaya nagkakaroon siya ng pag-asang maaalala niya rin ang lahat.

Kinupkop siya ng byudang si Nanang Marta nang makita siya nitong nag-aagaw buhay sa ilalim ng bangin. Sinadya talagang i-dispatsa ang kaniyang katawan. She heaved a sigh. Was she really a bad guy? Bakit may mga taong gusto siyang patayin?

She immediately closed her eyes and let her mind play her favorite piece. May naaalala siyang isang tugtugin na kapag pinakinggan niya iyon sa utak niya ay nakakakita siya ng mga kulay. It calms her down. Nakisabay ang kaniyang mga daliri sa musika na nasa kaniyang isip na animo'y alam ng mga daliri niya kung paano iyon tugtugin gamit ang isang imaginary piano.

"Okay ka lang ba, Rin?" Ang pamilyar na boses ni Nanang Marta ang pumukaw sa kankya mula sa malalim na pag-iisip. All of a sudden, biglang nawala ang mga kulay na nakikita niya kanina kasabay ng pagtigil niya sa pakikinig ng musika sa utak niya. Ang sabi naman ni Cholo, baka isa siyang "synesthete". Ibig sabihin, nakikita niya ang mga musika bilang mga kulay. Sabi din ni Cholo, marami daw'ng synesthete ang naging successful musicians at artists. Siguro ay magaling nga siya sa pagtugtog kung pagbabasehan ang kaniyang mga talento. Siguro nga…

"Okay lang ako, Nanang." Ngumiti siya ng tipid. She shook her head, waking herself from her reverie.

Nanang Marta gave her a questioned look. "Sigurado ka ba, anak? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag mo nang problemahin ang dati mong buhay? Masaya ka na dito sa San Rafael. Ligtas ka dito. Mahal ka ng mga tao dito."

Napayuko siya. Talagang kabisado na ni Nanang Marta kung paano siya mag-isip. "Pero Nanang. Gusto kong malaman. Bakit nila akong gustong patayin? Ni hindi ko nga kayang makakita ng mga manok na nagsa-sabong."

Tila alam ni Cholo na malalim ang pag-uusapan nila ni Nanang Marta kaya nagpaalam na itong uuwi muna. Naiwan sila ni Nanang Marta na nakaupo sa isang malapad na bench na nasa tabi lang ng pinto ng bahay nila. "Anak. Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba?"

Ngumiti siya. "Siyempre hindi, Nanang. Mahal ko kayo eh." She placed her hand on Nanang Marta's hand to convince her in a way.

Ngumiti si Nanang Marta sa kaniya. "Salamat, anak."

Sinundan niya ito sa loob ng bahay nila at tinulungan itong magluto ng kanilang pananghalian. Kahit paano ay masaya siya dahil mabubuti ang mga tao sa paligid niya. Barangay San Rafael welcomed her with an open arms.

Lumipas ang mga oras ay lumabas na siya ng bahay nila matapos kumain at umupo mag-isa sa bench kung saan siya palaging nakatambay. Kaharap niya ay ang mga manok na alaga ng Nanang Marta niya. Iyon ang negosyo ng kaniyang Nanang Marta— Nag-aalaga ang kaniyang Nanang Marta ng mga native na manok at ibinibenta nila iyon sa bayan na ilang oras pa ang layo mula sa kanilang mumunting barangay. Mayroon ding lupang sakahan ang kaniyang Nanang Marta kaya hindi sila masyadong namo-mroblema sa pinansyal. Maswerte pa rin siya kahit paano dahil napunta siya sa isang mabuting tao.

Pinagmasdan niya ang mga daliri niya habang binubudburan ng mais ang mga manok na umiikot-ikot sa paanan niya. Kaagad naman iyong tinutuka ng mga manok. Napangiti siya. Then, her gaze landed on her ring finger. Mahigit isang taon na pero hindi pa rin nawawala ang marka ng isang singsing doon. Hindi niya maiwasang isipin na baka may naiwan siyang pamilya at patuloy pa rin ang paghahanap ng mga ito sa kaniya ngayon. Hindi malabong mangyari iyon. Or maybe, she just fancied wearing rings. She's fond of rings. Feeling siya ay hinahanap-hanap iyon ng pala-singsingan niya kaya bumili siya sa bayan ng isang plain, stainless ring na saktong-sakto sa ring finger niya para lang ma-kalma ang uneasiness na nararamdaman ng ring finger niya.

"Rin!" Napapitlag siya sa pamilyar na boses ni Cholo na tumawag sa kaniya. Kaagad siyang nag-angat ng tingin at nakita niya itong tumatakbo palapit sa kaniya. "Huwag mong sabihing gusto mo ulit makipaglaro ng chess? Pwede bang bukas na lang? Busy ako ngayon eh."

Ngumiti ito at kinurot ang ilong niya nang makalapit ito. "No. Not that. Gusto sana kitang ipasyal sa bayan kung gusto mo."

Napabuntong-hininga siya. Talagang hindi titigil si Cholo sa panliligaw. Matagal ng nagpahayag ng nararamdaman si Cholo sa kaniya at matagal na rin niyang tinanggihan ang nararamdaman nito. "Cho. Alam mo namang hindi ako interesado sa pakikipag-relasyon, hindi ba?"

"Alam ko naman eh. I just wanted to be with you today. Please? Aalis na ako bukas papuntang Maynila. Gusto lang kitang makasama pansamantala. Huwag kang mag-alala. Libre ko."

Napabuntong-hininga siya. Mahirap tanggihan si Cholo lalo na't naging mabait ito sa kaniya sa mahigit tatlong taon niyang paninirahan sa Barangay San Rafael. Isang Engineer si Cholo sa isang kumpanya at bumibisita lang ito sa San Isidro tuwing katapusan ng buwan. Siguro ay wala namang masama kung pagbibigyan niya ang gusto ng binata. "Sige. Sasama ako. Magpapalit lang ako ng damit."