Chereads / Something about her (Completed) / Chapter 7 - Chapter 3

Chapter 7 - Chapter 3

ILANG araw ang lumipas simula nang kupkupin si Rin pansamantala ni Mayor Gregorio Perez. Hindi niya ma-kontak ang ina-inahan niya dahil hindi naman niya kabisado ang cellphone number nito. Maliban doon ay hindi siya makakauwi dahil sunod-sunod ang bagyong naitala ng PAGASA at masyadong delikado kung magdedesisyon siyang umuwi kaagad. Masyading maputik ang daanan sa San Rafael kapag umuulan kaya walang masyadong nagba-byahe mula sa bulubundukin papuntang bayan kapag ganoong mga panahon. Kaya rin siguro wala siyang natatanggap na balita na hinahanap na siya sa kanila. Mahirap ang mag-commute lalo na't sinabi ni Grego na milya ang layo niya mula sa San Rafael. Maliban doon ay masyado pa siyang mahina para b-um-yahe mag-isa kaya sinabihan siya ni Grego na manatili muna sa bahay nitong mukhang palasyo sa sobrang laki.

Sa totoo lang ay nahihiya na siya kay Grego. Ni hindi naman siya nito kaano-ano pero heto siya ngayon at nakikitira sa bahay nito. Maliban doon ay ibinigay na rin ni Grego sa kaniya ang mga lumang damit ng ex-wife nito dahil wala siyang masusuot na damit. Kung tratuhin din siya ng mga kasambahay doon ay parang prinsesa.

You should take a rest. Kailangan mong magpagaling kung gusto mong makauwi na.Naalala niyang wika ni Grego sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.

She felt a sudden burst of joy in her heart. Ang simpleng pagpapakita nito ng concern sa kaniya ay ikinatutuwa niya. Maliban kasi kay Nanang Marta niya ay ito lang ang nagpakita ng concern at malasakit sa kaniya sa oras na walang-wala siya. His hometown is so lucky to have him. Napakabait na Mayor ni Grego at ma-swerte ang Pilipinas dahil nagbabalak daw na tumakbo ng binata bilang senador. He really loves helping people. Kaya labis ang pagtataka niya kung bakit hiniwalayan ni Pauline si Grego. He seems like a really nice guy. Kung sa kabaitan ang pagbabasehan ay wala siyang masasabi. He's kind… polite… and somewhat… handsome.

Napailing-iling siya at iwinaksi sa isipan ang iniisip. Nagpatuloy siya sa pagkain sa hapagkainan mag-isa. Ilang saglit pa ay may napansin siyang isang maliit na bulto na nagtatago sa likod ng pader na papuntang hagdanan. Nang lingunin niya iyon ay namataan niya ang nag-iisang anak ni Grego na si Erin. Apat na taong gulang pa lamang ito at medyo mailap sa mga tao. Sa ilang araw na paninirahan niya sa mansyon ni Grego ay pansin niyang curious sa kaniya ang bata. Siguro ay dahil sa kamukhang-kamukha niya ang ina nito.

She smiled at Erin. "Hali ka. Kain tayo." Sinenyasan niya itong lumapit. The kid instantly hid behind the wall. Napangiti siya. Mahiyain din pala katulad niya si Erin. Maybe it runs in our blood?

Malaki ang hinala niyang kakambal niya si Pauline. Ayon kay Grego, ampon lang daw ng pamilya Samonte si Pauline kaya hindi malayong totoo ang hinala niya. She have to know the truth. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman ang totoo.

Kaya hindi rin niya magawang umuwi pa sa probinsya ay dahil gusto niyang malaman ang katotohanan kung sino nga ba talaga siya. Bakit niya kamukha si Pauline? Bakit nagkahiwalay sila ni Pauline kung totoo ngang kakambal niya ito? Ilan lang iyon sa mga katanungang bumabagabag sa isipan niya araw-araw simula nang ma-aksidente siya.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip niya, hindi na niya namalayan na nakalapit na pala sa kaniya si Erin. The kid placed her tiny little hand on hers and looked at her with sympathy. Tila alam nito na bothered siya.

"Huwag ka na pong malungkot, Tita. Hindi po bagay sa inyo ang sad."

Her brows wiggled in awe. "Ang sweet mo naman," She smiled. "Kumain ka na ba?"

Tumango ang bata sa kaniya. "Opo, Tita. Hinihintay ko na lang po si Daddy. Sabi niya raw po, pupunta kami sa restaurant ngayong araw."

"Talaga?"

Tumango ang bata sa kaniya. "Opo. Birthday ko po ngayon eh."

Natigilan siya. Bigla ay sumakit ang ulo niya. Kasabay no'n ay ang pag-agos ng mga alaalang hindi niya batid kung saan at kung kailan nangyari.

"Look at her, Baby. She's cute."

"Yeah. She looks like you, Honey. Nagmana sa'yo ang anak natin."

"Let's save this date. September 09, 2014."

Namilipit sa sakit ng ulo si Rin. Hindi niya rin mapigilan ang mapasigaw. The pain in her head is excruciating. Napaiyak si Erin sa biglaang pamimilipit niya sa sakit at naramdaman niyang kinuha ito ng yaya nito para mapalayo sa kaniya. Kasabay ng papalayong tinig ni Erin ay ang mabibigat na yabag na papalapit sa kaniya.

"Rin! Are you okay?" Ang pamilyar na tinig ni Grego ang bumalot sa kabuuan ng bahay. He sounds so worried. Seconds later, she can't hear nothing except his voice. Tila nag-e-echo ang boses ng binata mula sa malayo kaya alam niyang mahihimatay siya anumang oras. It happens to her all the time kapag nakakaalala siya, at madalas na mangyari iyon dahil kay Grego.

Naramdaman niyang inalalayan siya nito para makaupo ng tuwid sa upuan niya.

His voice! His voice resembles the voice she heard in her mind earlier. Tila ba nag-uusap sila ni Grego sa isang parte ng memorya niyang matagal na nabaon sa pinakamadilim na bahagi ng isip niya.

Simula nang makilala niya si Grego ay sunod-sunod ng umaahon ang mga alaalang akala niya ay tuluyan ng nakabaon sa isipan niya at hinding-hindi na mahuhukay pang muli. His face… his voice… his scent. Everything about him seems so… familiar.

Before she knew it, she fell on the floor and everything went black.

NAGISING si Rin sa isang hindi-pamilyar na kwarto. The room is very familiar. Everything about the room looks so familiar yet she knew she've never been there before. Even the bed.

The bed…

It feels so comfortable and soft… and delicate. Tila masarap humiga doon.

She bit her lower lip as her mind instantly imagines Grego's handsome facade. Napangiti siya sa biglaang pagsulpot ni Grego sa isip niya. Then, her smile faded away by an unwanted thoughts.

She… lying down on the bed… making love with him.

Pinamulahan siya ng mukha. She can literally picture her having an intimate moment with Grego. Not just picture! Nai-imagine niya talagang gumagawa sila ni Grego ng milagro sa naturang kama.

She blushed and shook her head sideways in a vigorous manner. Bakit ba niya biglang naisip ang ganoong bagay? Why is the imagination in her mind felt so real? Na para bang may namagitan na talaga sa kanila ni Grego. She can literally feel the delicious sensation lingered in her being. Na tila ba alam na ng katawan niya ang ganoong masarap na kilabot.

She bit her lower lip and closed her eye shut, trying to erase the unwanted thoughts out of her mind. Pero sadyang taksil ang kaniyang isip! She can now imagine her and Grego making love right on the very floor!

Hindi niya maiwasang mapasigaw nang makaramdam ng sakit sa ulo niya. The pain is bearable this time but it makes her feel weak all over. Mabilis siyang humiga sa kama at bumaluktot ng higa, nagbabaka-sakaling mabawasan ang sakit kapag humiga siya.

As if on cue, Grego entered the room, panting. Tila nataranta ito sa naging pagsigaw niya. "What happened?" Mabilis itong tumabi sa kaniya sa kama at inalalayan siyang umupo. Isinandal nito ang likod niya sa matipuno nitong dibdib. He then massaged her temples with his thumbs. It eased the pain, yes. But somehow, the pain is being replaced by a delicious sensation. The sensation she felt earlier while imagining her making love with him.

"There. Feeling better?" He whispered against her ears. His hot, minty breath sent a thousand volts of delicious sensations down her spine, almost making her shiver. Mabilis pa sa alas kwatrong umalis siya sa tabi ng binata at hinarap ito ng maayos.

"O-Okay na ako," Aniya nang hindi tinatagpo ang tingin ni Grego. Nahihiya siyang tingnan ang binata dahil sa kababuyang nilalaman ng isip niya. Hindi naman siya ganoon mag-isip kaya nagtataka siya kung bakit bigla siyang nakakakita ng mga imahe sa isipan niya. She… making love… with him.

It felt so real.

A/N: Please vote or leave a comment if you liked this chapter. See you on the next page!

-Bella Vanilla