MATAPOS nila maglaro ay nagpasya si Rin na bumaba na para maghapunan sila ng bata. Maghapon silang naglaro ng bata sa loob ng kwarto nito at masyado silang nag-enjoy kaya hindi na niya namalayan ang oras. Maliban doon ay nakipagkwentuhan pa siya sa mga kasambahay tungkol sa naging asawa ni Grego na si Pauline.
"Totoo! Noong una kitang makita ay akala ko ikaw si Maam Pauline. Magkamukhang-magkamukha kasi talaga kayo. Kung hindi lang siguro sinabi ni Sir Grego na hindi ikaw si Maam ay baka sinugod ka na namin ng yakap noong unang dating mo dito," Anang mayordoma sa kaniya. "Mahal na mahal kasi naming lahat si Maam. Wala kang makikitang kapintasan doon. Ni hindi niya kami inuutus-utusan lang dito sa bahay. Katulad mo rin siya. Mahilig siyang makisabay sa amin kumain." Saad pa nito.
Napangiti na lamang siya nang sumang-ayon sa mayordoma ang iba pang kasambahay na kasabayan nilang kumain.
"Kaya hindi namin maintindihan kung bakit biglaan ang paghihiwalay nila ni Sir Grego. Mahal na mahal ni Sir si Maam, eh. Mahal na mahal din naman ni Maam si Sir dati. Ewan ko ba," anang isang kasambahay na si Aling Mercy. "Halos araw-araw naman silang nagtatalik ni Sir doon sa itaas kaya imposibleng nagkulang si Sir."
"Uy!" Saway ng mayordoma sa kasamahan nito. Nagsitawanan ang mga kasambahay na kasama nila sa hapagkainan. Kaagad niyang tinakpan ang tenga ni Erin para hindi nito marinig ang pinag-uusapan nila.
"Totoo naman ah! Ang ingay kaya ni Maam! Sarap na sarap eh! Kaya sigurado akong malaki ang ano ni Sir."
"Tumahimik ka Mercy! May kasama tayong bata dito. Dalaga si Rin at hindi niya dapat marinig iyang mga kabastusang lumalabas sa bibig mo."
"Totoo naman ah? Hindi ba minsan nahuli mo rin silang nagtatalik sa sofa?" Ayaw magpatalo ni Aling Mercy kay Aling Tess.
Bigla siyang namula. Nahihiya siya sa mga pinagsasasabi ng mga ito at hindi niya maintindihan kung bakit.
And then it hit her. Iyon naman pala eh. Mukhang maayos naman ang pagsasama ng dalawa pero bakit naghiwalay ang mga ito?
Iwinaksi niya iyon sa isipan. Ayaw niyang mag-isip ng malalim. Isa iyon sa mga ayaw niya. Ayaw niyang nafu-frustrate, lalo na't naiinis siya kapag nai-imagine na may kasiping si Grego.
Pagkatapos nilang kumain ay inaya siya ni Erin na pumunta sa music room kung saan daw laging tumatambay ang Mommy nito dati.
"Daddy said that Mommy used to play here with that piano." Itinuro nito ang piano sa badang sulok ng puting music room. The room is all white. Plain and simple. At ang tanging mga kasangkapan lang na naroon maliban sa piano ay ang mga music instruments kagaya ng gitara, violin, at drum set. Maliban doon ay wala ng ibang music instruments na matatagpuan doon sa lugar.
May mga music albums din ng mga sikat na mga classic songs na maayos na naka-hilera sa shelf at may mga moderno ding mga gadgets kagaya ng Flat screen TV at dalawang medium-sized speaker na nasa corner ng kwarto. This room is literally what she pictures in her mind as her future music room she'll build for her self. Seeing a place like this reaaly makes her heart beat in its fast rate. Ang maka-apak sa isang totoong music room ay langit na para sa kaniya. Siguro nga ganoon ang pakiramdam kapag nakakaapak ka sa isang lugar na gustong-gusto mong mapuntahan. Excitement is literally rushing through her veins now.
She immediately ran towards the piano and sat down to the chair nearby and began to play a familiar song in her mind. Then, suddenly, the white room was filled with kaleidoscopic orange and light peach colors. Napakaganda niyon sa paningin.
Pumikit siya at tinugtog ang bawat nota na nasa isip niya. The best thing about being a synesthete is she can memorize musical notes fast because she sees notes as colors. Sa tuwing makakarinig siya ng tugtugin ay nakakakita siya ng mga kulay na akala niya noon ay normal lang na nakikita ng mga tao.
Nang matapos niya ang tugtugin ay pumalakpak si Erin. "Wow, Tita. I love that song. It is Beethoven's Fur Elise."
Napakunot-noo siya. "Fur Elise? Iyon ba ang pangalan ng kantang iyon?"
Nagtatakang tumango ang bata sa kaniya. "Why, Tita? Bakit hindi mo po alam? You knew how to play the whole piece. Is that even possible?"
She laughed and pinched Erin's cheeks. "Did you forget? May amnesia ako, hindi ba? It means i can't remember a lot of things but sometimes, there will always be a part of them that i'll never forget. Kagaya ng pagtugtog. I can't clearly remember them but their colors makes me remember them." She smiled. "Like your voice. It's color pink. Kaya everytime you talk, i can see pink all over your face."
Erin giggled. "Like a photo filter?"
She grins. "Yep. Like a photo filter."
"How about Dad's voice?"
Napaisip siya. Grego's voice is sometimes blue but when he shouts, the color of his voice was tinted with light grey. Medyo weird ang mga kulay ng boses nito kaya minsan ay napapangiwi siya kapag nakikitang nagiging gray ang kulay ng boses ng binata. Not that she doesn't like grey. Medyo nawe-weirduhan lang talaga siya kapag nakakakita ng gray sa paningin. Most kasi ng mga kulay na nakikita niya ay mga bright colors at tanging kay Grego niya lang nakikita ang boses na may blend ng gray.
Ilang araw na rin siyang naninirahan sa bahay ng mga Perez at halos lahat ng mga kasambahay ay may sari-sariling kulay ang mga boses. Kaya minsan ay umiiwas siya sa kusina lalo na kapag chismis-session ng mga ito dahil nagkakandahalo-halo yung mga kulay ng mga boses ng mga uto at hindi kaaya-aya sa paningin. Like, sometimes, it creates a weird color combination. Kapag bulungan o kapag mahinang boses ay wala naman siyang nakikitang kulay kaya mas preffered niya na nasa loob siya ng isang tahimik na environment. Minsan kasi, kapag pumunta siya sa isang mataong lugar, naghahalo-halo ang mga kulay dahil sa dami ng tunog na naririnig niya kaya ang ending, naging introvert siya. Naging mapili siya sa mga naging kaibigan nang tumitira pa lamang siya sa San Rafael. Si Cholo nga lang ang hinayaan niyang kumausap palagi sa kaniya. She likes his voice. Kulay pink kasi ang boses ni Cholo at nagiging red iyon kapag kumakanta ito kaya gusto niyang palagi itong kausap. Red is her all-time favorite color.
Nakarinig sila ng mga yabag na paaakyat sa second floor ng bahay kung saan sila naroroon ni Erin. Halos sabay silang dalwa ng bata na lumingon sa pintuan ng music room nang may biglang pumasok doon. Her heart beats faster when she saw Grego walking towards their direction, his gaze were fixed at her and it makes her feel uneasy in a way but also, it makes her heart beat faster.
"Erin, pumunta ka muna sa kwarto mo. May pag-uusapan lang kami ni Rin."
Kaagad namang sumunod ang bata sa sinabi ng ama nito. Erin ran outside. Siguro ay nagtungo na ito sa kwarto nito na nasa tabi lang ng music room.
Nang sila na lang ang maiwan ni Grego sa loob ng kwarto ay nanatili siyang nakaupo. Ni hindi nito inaalis ang mga titig nito sa kaniya. His eyes were evident of sad emotions this time. Hindi niya lang batid kung ano at bakit.
Unti-unting naging mabilis ang mga hakbang ng binata papalapit sa kaniya. Before she knew it, he pulled her up from her seat and dived right into her face to capture her lips.
Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat na lumukob sa sistema niya at dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari. Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang magsink-in sa utak niya ang mga nangyayari.
He's kissing her!
Naikuyom niya ang kamao sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. The warmth of his lips. The taste of his mouth. Lahat ng iyon ay pamilyar sa kaniya.
Who are you, Grego? Why do you have this effect on me?
His arms were wrapped around her waist, securing her… preventing her from falling. Nanginginig ang mga tuhod niya dahil sa matinding shock at pakiramdam niya ay nanghihina siya dahil sa mga damdaming nagising mula sa puso niya.
His kisses were soft, delicate, and sweet. 'Yung tipong may ipinahihiwatig ang bawat pagdampi no'n sa labi niya.
"Oh, baby. I missed you." He whispered in between the kiss. Tila napukaw niyon abg mga pandama niya kaya tumugon na rin siya sa mga halik nito at nagpaubaya.
The feel of his lips on hers. She loves it. Para bang isa iyong bagay na matagal nawala at ngayon lang muling napasakaniya. She wrapped her arms around his nape, securing him… making sure that he'll never let go of her lips unless she said so.
She kissed him back. Tasting every corners of his mouth. Letting him know how much she longed to do this kiss with him. The funny fact is, hindi lang kiss ang gusto niyang pagsaluhan nila.
She feels so secured in his arms. She feels so at home. Pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kaniya kapag magkalapit ang mga katawan nila ni Grego. At dahil nakayakap siya sa binata, pakiramdam niya ay nagsi-synchronize ang mga tibok ng puso nila dahil sa pinagsasaluhang halik.
Nang humiwalay si Grego sa kaniya ay kaagad nitong dinampian ng mumunting halik ang noo at pisngi niya. "I missed you, baby." Muli nitong sinakop ang labi niya. "God, You're so beautiful," he said huskily.
Ang kaninang magagandang emosyon na nararamdaman niya ay biglang natabunan ng confusion dahil sa sinasabi ng binata. "Anong sinasabi mo?"
He smiled and cupped her face with his palm. Nanatili pa ring nakapulupot ang isang kamay nito sa bewang niya kaya hindi niya magawang lumayo dito ng kaunti. And besides, she likes being in his arms.
Umiling-iling ito. "Hindi na iyon mahalaga. The most important thing is you're here and you're safe, okay?"
Kanina pa siya naguguluhan sa mga nangyayari. First, umaakto si Grego na para bang matagal na siya nitong kilala. Second, ang biglaang paghalik nito sa kaniya na buong puso naman niyang tinugon. Third, ang ginagawa nitong ka-sweet-an sa kaniya kahit hindi naman sila magkasintahan.
Kaagad siyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Grego sa kaniya. Mali nga namang tingnan na naghahalikan sila kahit wala namang "sila".
"Why? What's wrong?"
Umiling siya. "W-wala naman. Baka may makakita sa ating naghahalikan dito. Isipin pa nila na ako ang ex-wife mo."
He smiled. "Are you worried about that, baby?" Hinapit siyang muli ni Grego sa bewang. "We could do it in my room. Para walang istorbo."
Kaagad siyang pinamulahan ng mukha. Hinampas niya ito sa braso at pilit na kumalas mula sa yakap nito. Pero sadyang malakas si Grego kaya ang ending, nanatiling magkalapit ang mga katawan nila.
"I missed you, Poleng," his voice was deep, tinted with longingness and love.
She froze. Nanigas siya sa kinatatayuan nang biglang umatake ang nga alaalang hindi niya batid kung saan at kailan nangyari.
~
"Poleng! Wait for me!"
"Bakit ba ayaw mo akong tantanan?"
The blurry image smiled at her. "Thank you for saving my life yesterday. Sorry din at nasugutan ka sa kamay mo. Let me make it up to you."
"Don't call me Poleng! And please, hindi tayo close."
The blurry image smiled again. "Ang ganda mo kapag naiinis."
"" NAPASIGAW sa sakit si Rin nang biglang sumakit ang ulo niya. The pain is bearable this time but it is excruciating still. Parang hinahati ang bungo niya sa sobrang sakit.
"Are you okay?" Kaagad siyang inalalayan ni Grego na tumayo ng maayos. Nang maramdaman ng binata na hindi siya makatayo ng maayos dahil sa panghihina niya ay kaagad siya nitong pinangko at dinala sa labas ng music room.
"Manang! Tawagan mo si Dr. Lim! Papuntahin mo siya dito!" Natatarantang utos ni Grego sa mayordoma ng bahay. Malakas ang naging sigaw nito mula sa second floor at nag-echo iyon sa buong bahay. She saw flashes of blue and gray kaleidoscope around the room before everything went black, kasabay no'n ay ang muling pagbisita ng isang pamilyar na lalake sa kaniyang panaginip.