Second Person's POV
Tahimik na nagdadasal ang mga taong dumadalaw sa lamay ni Elle. Pinili ng mga magulang ni Elle na gawin na lang itong closed casket sa kadahilanan, hirap silang makita na ganoon na ang itsura nang kanilang prinsesa. Muling umiyak ang nanay ni Elle habang inaalala niya ang mga magagandang alaala niya pati ng kanyang namayapang anak habang ang tatay naman niya ay may halong pagsisisi dahil kung hindi dahil sa masyado siyang naging mahigpit kay Elle edi sana mas matagal na panahon niyang nakabonding ang anak at hindi sana ito nagkaroon ng sama ng loob sa kanya. Nalulungkot din sila sapagkat ni hindi man lang nila nakita ang gwapo nilang apo.
Ang mga kaibigan naman ni Elle na sina Patty at Vanessa ay hindi din masyadong kumikibo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na wala na ang pinakamabait at pinakamasipag nilang kaibigan na si Elle.
Maraming dumalaw at nakisimpatiya sa naiwang pamilya ni Elle ngunit malaking palaisipan pa rin sa kanila ay kung bakit hindi nila makita ni anino ni Kyle ngayon..
Kahit si Mr. Albert ay hindi man lang dumalaw sa burol ng pinakamasipag niyang empleyado.. Marahil ay umiiwas pa rin sa eskandalo..
Tahimik ang paligid nang biglang nagkaroon ng bulung-bulungan dahil sa pagdating ng isang nakapulang damit na babae at may suot pa itong shades.
Nabigla sila Patty, Vanessa at mga magulang ni Elle. Ngunit agad itong napalitan ng inis si Patty at hinawakan sa braso ang babaeng nakapula.
"Who are you to come here wearing that color?! Wala kang delicadeza para magsuot ng ganyan! Respeto naman sa mga namatayan!" Inis na inis na sabi ni Patty sa babaeng bagong dating. Tinitigan lamang niya ang nanggagalaiting si Patty sabay tingin sa casket ni Elle.
"I'm here not to give my sympathy but to assure things out. And I guess, I found my answer so I better go now. Excuse me.." Aakmang lalakad na sana siya nang bigla siyang sampalin ni Vanessa.
"You b*tch! Why'd you slap me! You!" She was about to slap Vanessa nang bigla siyang kaladkarin papalabas ng tatay ni Elle na galit na galit.
"You immoral woman! Huwag na huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong ipapakulong kita! Hindi mo na binigyan ng respeto ang anak ko! Umalis ka na ngayon na mismo! Hindi namin kailangan ang simpatiya mo o kung ano pa man na galing sayo!" Galit na sigaw ng tatay ni Elle. Ngumisi ang babae habang tumatayo. Pinagtitinginan na siya ng mga tao ngayon.
"You'll pay for this.. " sabi niya at umalis na. Bumalik sa loob ang tatay ni Elle at biglang nalungkot ulit..
Samantala..
"Hello. I called just to inform you about our next target.." Sabi niya sa kabilang linya.
"Huh? Sino na naman yan? Tsaka hindi ka ba natatakot sa karma?!" Bakas sa boses nung nasa kabilang linya ang takot.. Pero hindi ito naging dahilan para matakot ang babaeng nakapulang damit.
"Why would I? Karma must know me well. I'm a living karma and I'll make people pay whoever gets on my way.." Sabi niya at ngumisi nang nakakaloko habang inaalala niya kung sino ang sunod niyang target.
"About the next target..." Muli niyang sabi at this time, lalo siyang ngumisi nang nakakaloko ng makaisip siya ng paraan para sa next target niya
"Here's the plan.."
Itutuloy....