Chereads / No Strings Attached / Chapter 68 - The Proposal

Chapter 68 - The Proposal

ELLE

Pinakilala ko na kila Claire si Kyle. At so far maayos naman yung pakikitungo nila sa isa't-isa.

"So masaya ka na?" Biglang sabi ni Claire saakin. Nandito kami ngayon sa may terrace nitong rest house namin.. Habang ang mga boys naman ay nasa kusina at nagluluto ng pagkain namin..

"I finally found my happiness in life.. Yun lang siguro yung masasabi ko ngayon.. " Nakangiting sabi ko sa kanya.

Naexplain na rin pala ni Kyle saakin yung totoong nangyari at ganoon na lang ang bugso ng kaligayahang nadarama ko kagabi.

"So wala na bang problema ang hahadlang sa relasyon niyo ngayon?" Tanong niya ulit. Huminga muna ako nang malalim bago sagutin ang kanyang tanong.

"Hindi naman natin maiiwasan yan sa isang relasyon eh. Hindi naman natin gusto na puro happiness lang, syempre may mga pagkakataon talaga na may problemang darating kasi in that way, malalaman mo if that person stays. Malalaman mo kung handa rin ba ang taong yun na lumaban kasama ka.." Paliwanag ko sa kanya. Napansin kong tumatango si Claire habang sinasabi ko ang mga yun.

"Sinasabi mo ba na si Kyle na talaga ang makakasama mo?" Biglang tanong niya saakin. I just shrugged my shoulders sa tanong niya.

"Who knows? But I'm hoping though.. Alam ko na sa hinaba-haba ng istorya naming dalawa, we'll end up in a good way.. Kung ano yun? Hindi ko alam.." Sabi ko ulit..

"Anong pinag-uusapan ninyo?" Biglang tanong ni Kyle na may bitbit na isang kaserolang nakatakip.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya saakin

"Specialty ko, tara umupo na kayo dito nang makakain na tayong lahat.." Yaya niya saamin.

"No wonder. Pakiramdam ko kayo ang magkakatuluyan sa huli.. " Rinig kong bulong ni Claire saakin. Hindi na ako sumagot pa sa kanyang tanong sa halip ay umupo na sa tabi ni Kyle..

"Ano nga yan?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Caldereta with egg.." Proud niyang sabi saakin.

"With egg?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Huwag ka munang magreklamo diyan, tikman mo muna. Masarap yan promise!" Pag-aassure niya pa.

Wala akong choice kundi ang tikman ang luto niya..

"So....?" Siya habang nag-aabang ng feedbacks galing saakin.

"Masarap.." Sabi ko.. Walang halong biro, masarap yung luto niya parang...

"Ang galing mo magluto ah!" Sabi ko sa kanya.. "Naman! Ako pa?! Eh--" Pero hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.

"Nagpatulong ka kay Clay ano??" Tanong ko sa kanya. Kita ko naman na parang nagpipigil sa pagtawa sila Clay..

"Tssk. Kumain ka na nga lang. Dami mo pang sinasabi eh." Sabi naman ni Kyle dahilan para tumawa kami..

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na si Kyle... Na bumalik na ulit siya saakin.. After those pains and tears, napalitan nang matinding kasiyahan..

"Anong iniisip mo? Mukhang ang lalim ah!" Napalingon naman ako sa kanya.

"Tama ka.. Ang lalim ng iniisip ko, hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na andito ka na ulit, Kyle.. It feels surreal na after all those pain and heartbreaks, still, we are perfectly destined for each other..." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Ang drama mo ah! Pero tama ka.. Ang daming nangyari, pero tignan mo nga naman ang pagkakataon, sadyang mabait saatin at muling gumawa ng paraan para magsama ulit tayo.." He said while smiling at me..

Niyakap niya naman mula sa likod ko.. Kinabahan naman ako bigla dahil may hindi pa ako nasasabi sa kanya.

"Kailan pa?" Biglang tanong niya saakin dahilan para mapatingin ako sa kanya. Hinalikan niya naman ako sa labi ko nung lumingon ako.

"Ang alin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Kailan mo balak sabihin saakin yung totoo?" Tanog niya ulit saakin. Lalo naman akong naguluhan sa mga tinatanong niya saakin.

"Aling totoo?" I heard him sighed..

"Na buntis ka.. You're 6 weeks pregnant right?" Literal na tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa sinabi niya.

"Paulo told me everything. Sinabi niya rin na sinubukan ka niyang ligawan pero tinanggihan mo siya.." Humarap ako sa kanya at tinignan siya na nakangiti saakin.

"Tama ka. Buntis ako. Wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang totoo dahil una sa lahat, kasal ka kay Michelle. Pangalawa, ayokong gumawa pa ng gulo, kaya mas pinili ko ang lumayo sayo, at nagdesisyon ako na palalakihin itong bata na mag-isa.. " Mahinang sabi ko sa kanya.

"But we can now be a family, Elle.. Malaya na ako, malaya ka rin. Malaya na nating gawin ang bagay na matagal na natin gustong gawin.." Biglang may tumulong luha sa mga mata niya.

"We can be together now, Elle." Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit..

Nagstay pa kami sa ganoong pwesto habang nakatanaw sa mga puno, hanggang sa bandang 3:30pm ay nagpaalam siya na pupuntahan niya lang daw si Kuya Arnold about daw kay Papa. Ako naman ay nagstay lang dito sa dining room sa rest house.

Binuksan ko ang IG ko at nakita kong nagpost ng picture si Nick.

'I never planned to meet you up, it just happened.'

Yan ang caption niya sa picture nila ng isang babae.. Masaya ako kasi finally, nakamoved on na rin siya sa nangyari saamin..

I continued scrolling down hanggang sa nakita ko ang post ni Patty.

Magkasama silang dalawa ni Vanessa. Binasa ko naman ang caption niya.

'Off to somewhere with my chaka friend. Joke! :p'

Sira talaga tong si Patty kahit kailan..

"Ms. Elle?" Tawag saakin ni Claire.

"Yes?" Sabi ko sa kanya.

"Sumama po kayo saakin. " Sabi niya. "Huh?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Pero nginitian niya lang ako. Tumayo na ako at sumama sa kanya.

"Ano bang meron?" Tanong ko.

"Sabi kasi ng mga boys saakin, dalhin daw kita doon sa playground eh.." She said that made me confused more.

"Ano namang gagawin natin doon?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya saakin. "Tara na po." Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya..

"Kumusta na kayo ni Kuya Arnold? Wala pa rin ba kayo planong magpakasal?" Biglang tanong ko sa kanya.

"H-ha? W-wala pa naman, Ms. Elle!" Namumula niyang sabi. Napatawa naman ako sa inasta niya.

"Masyado ka namang nagpapahalata, Claire.. Hahaha!" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Nandito na po tayo, Ms. Elle." Nakangiti niyang sabi saakin.

Tumingin naman ako sa harap namin, at tama nga siya, nandito na kami ngayon sa Playground.

"Saan ang iba?" Tanong ko sa kanya.

Pero pansin kong may malalaking puzzle pieces na nakakalat sa buong paligid ng playground.

"Anong meron?" Tanong ko ulit.

Maya-maya pa'y biglang sumulpot si Kuya Arnold na may bitbit na papel. Nakangiti siya saamin

"Anong nangyayari, Kuya Arnold? Bakit ang daming kalat naman dito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"For you, Ms. Elle." Sabi niya at iniabot saakin ang hawak niyang papel.. Tinignan ko naman siya na nakangiti saakin at kinuha ko ito at binasa.

'Mechanics: Level 1

Buuin ang mga puzzle pieces na nakakalat sa playground na ito.. Pagkatapos, you can now proceed to the next level.'

"Huh? Ano na naman ba to?!" Inis kong tanong sa kanila. Nagkibit-balikat lang sila at ngumiti saakin. Bumuntong hininga ako at nagsimula nang buuin ang puzzle na to.

Hindi naman ako nahirapan kasi sa likod ng bawat puzzle pieces ay may number doon.

"This will be the last piece na." Sabi ko at dinikit doon sa natitirang bahagi ng puzzle na to.

"So now, let's take a look kung anong meron sa puzzle na to!" Sabi ko at tumayo para titigan ang kabuuan ng puzzle na to.

Literal na nagulat ako sa aking nakikita. T-teka!!

"A-ako to ah!" Gulat na gulat kong sigaw sa kanila. Nakangiti lang sila saakin habang na naka-akbay si Kuya Arnold kay Claire.

"Level 2 na po tayo, Ms. Elle." Hindi pa man din ako nakakareact ay nagtungo na kami sa Level 2.. Pagdating doon....

"BAKLAAAAAA!!!!"" Bigla niya akong niyakap, sila ni Vanessa. Literal na napanganga ako dahil hindi ko alam na darating sila

"Sabi sayo bakla eh! Masosorpresa ang ate girl natin! Galing talaga natin!" Sabi naman ni Vanessa na nakipag-apir pa kay Patty

"T-teka, bakit nandito kayo? Ano bang nangyayari ah?!" Inis kong tanong sa kanila..

"Itong si bakla naman, maiinipin! Ganyan ba ang epekto ng pagbubuntis mo?! Taray ah!" Bungisngis ni Patty at may kinuha sa likod.

"Oh!" Sabi niya iniabot saakin ang isang susi?

"Aanhin ko naman itong susi ah?!" Tanong ko sa kanya.

"Nakikita mo yang box na yan?!" Tanong ni Vanessa. Tumingin naman ako sa box na tinuturo niya. May kalakihan ang box na to. Tsaka kulay Blue pa! Favourite color ko kung hindi ko nasheshare sa inyo. "Buksan mo yan tapos tignan mo kung anong nasa loob." Dagdag niya pa.

Naglakad ako patungo doon sa box na yun at binuksan gamit ang susing bigay ni Patty saakin.

"Omg!" Bulong ko pagkakita ko sa laman ng box. Teddy bear and it was from Papa. Binigay niya ito saakin nung 10th birthday ko.. Kaya favourite ko ang teddy bear na ito.

Kinuha ko ang teddy bear at napansin ko na may nakasabit na papel dito. Binasa ko naman ito...

"To the garden. Huh? Ano na naman ba to?" Takang tanong ko sa kanila.

"Tara na bakla, huwag ka nang maraming tanong pa! Daliii!" Excited niyang sigaw saakin at inalalayan na ako papuntang garden. Dahil nga parang wala silang planong sagutin ang tanong ko ay hindi na ako muling nagtanong pa.

Pagdating sa garden, nakita ko sila Clay at Paulo doon na nakangiti saakin. Lumapit sila saaking dalawa and they blindfolded me..

"Wait..." I was about to protest but its too late na.

"Relax ka lang babae, it's your moment eh.." Tumatawang sabi saakin ni Vanessa.

Maya-maya pa'y naramdaman kong parang lumayo sila saakin.

"Vanessa?! Patty?!" Sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako sinagot.

"Claire?! Kuya Arnold?!" Tawag ko sa kanila. I was about to remove the blindfold when I heard someones' playing the piano.

(I Won't Give Up by Jason Mraz (Instrumental Version))

"Elle..." Biglang tawag saakin ni Kyle habang patuloy pa rin sa pagtugtog ang instrumental version ng I won't give up as our background music.

"Kung mapupuna mo, kung paano tayo nagsimula, tiyak matatawa ka rin.. Sino nga ba namang magaakalang magkikita tayo sa one of our darkest moments of our lives, diba?" Napangiti ako sa sinabi niya.

He's right, kakahiwalay pa lang namin dalawa ni Nick dati nang makita ko siya. And dahil nga sa sobrang lungkot ko, kaya nangyari ang bagay na yun saamin..

"We healed and mended up our two broken hearts in a different way.. Sa paraang alam natin.." Kahit nakablindfold ako, alam kong nakangiti ang isang to..Tsk.

"We became workmates, friends and eventually, we're now lovers.. Alam kong hindi naging madali ang kwento natin dalawa... Ang daming humadlang sa pag-iibigan nating dalawa, ang daming beses na sinubok tayo ng panahon pero hindi tayo nagpatinag, ang daming beses na umiyak tayo dahil ipinaglalaban natin ang kung anong meron tayo, and now.." He said as his voice cracked..

"Dahil hindi tayo sumuko, dahil lumaban tayong dalawa, now we can say that, we succeed because we didn't give up.. at may nabuo dahil sa pagmamahalan nating dalawa.. Nagtagumpay tayo, Elle... We won our hearts..." Biglang pumatak ang mga luha ko dahil sa sinabi niya..

"And now, I think we're ready..." Naramdaman ko na may nagtanggal ng blindfold saakin at dumilat ako. Pero bigla akong napatakip ng aking bibig sa nakikita ko at walang humpay ang pagpatak ng mga luha ko.. Lahat sila may hawak-hawak na poster na naglalaman ng 'Will You Marry Me' tapos ang puzzle na binuo ko kanina, hawak-hawak ni Mama at Papa..

Biglang lumuhod si Kyle habang pumapatak ang kanyang mga luha at nakangiting tumingin saakin....

"Elle Lavender, my princess, my love, my world... I want to spend the rest of my life with you... Will you allow me?"Sabi niya at binuksan ang box na may ring sa loob nito.

"Will you marry me?" He said while crying... Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko, luhang dulot nang labis na kasiyahan..

"Y-yes! Yes! I will marry you!" Sigaw ko sa kanya. Isinuot niya saakin ang singsing na hawak niya at niyakap ako..

"I love you.." he whispered. Pumikit ako at tumatango sa kanya, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nagtinginan kaming dalawa at ngumiti..

"I love you too.." I whispered at hinalikan niya ako sa aking labi.

And with that, narinig namin ang hiyawan ng mga taong nandito, sa pangunguna na nila Patty at Vanessa.

Wala na akong mahihiling pa...

Sobrang saya ko dahil sa wakas...

Malaya na kami ni Kyle...

And I can't wait to face the world na kasama siya..

lalo pa't madadagdagan na kami..

Our first child..

and..

Our fruit of love..