Chereads / No Strings Attached / Chapter 69 - Strings Attached (Pre-Finale)

Chapter 69 - Strings Attached (Pre-Finale)

ELLE

Life is not about winning every time..Yan ang natutunan ko sa journey ko.

Maraming beses na nadapa ako, natalo, sumuko at piniling lumayo..

Dahil alam kong hindi yun para saakin, pero hindi ganoon ang nangyari..

Sa bawat pagdapa ko, pagkatalo at pagsuko ko, may isang tao ang laging nagpapaalala saakin na, I should fight.. Na kailangan kong lumaban kahit na walang kasiguraduhan na maipapanalo ko ang laban, dahil ang tunay na laban, hinaharap at hindi agad sinusukuan..

Isa pang natutunan ko ay ang maghintay at kalakip nito ay ang magdasal kasi kung para sayo ang isang bagay, it would be yours ano pa man ang gawin nila.

"Ang ganda mo naman anak! Ibang-iba ang glow mo!" Tinignan ko naman si Mama na nakangiti saakin.

"Nagmana lang po ako sayo, ma.. Sa genes ninyo ni Papa.." Sabi ko. Muli akong tumingin sa salamin.

I'm wearing the most beautiful gown that I ever wore.. Ballgown type ang suot kong gown na may rhinestones and swarovski crystals at pinaresan ko ito ng 3 inches gold heels. Ginawa nilang Low Bun with Mini Bouffant and Side Sweep ang buhok ko, at nilagyan ng hair accessories ito kaya may kabigatan ang ulo ko ngayon pero it will be all worth it kung para naman to sa taong pinakamamahal ko..

"Sobrang saya ko para sayo, anak.. Walang katumbas yung sayang nararamdaman ko ngayon.. I'm so happy for you..." Sabi ni Mama at niyakap ako.. Ginantihan ko naman siya ng yakap. Isang mahigpit na yakap.

"Thank you so much, Ma.. Sa inyo ni Papa. Hindi ko mararanasan ang bagay na ito kung hindi dahil sa inyo, kung hindi dahil sa pagmamahalan ninyo ni Papa.." Biglang pumatak ang mga luha ko dahilan para mataranta si Mama.

"Naku anak! Huwag ka munang magdrama! Masasayang yung make-up mo! Ang ganda-gannda mo pa naman ngayon! Diba baby?" Natatawang sabi ni Mama sabay haplos sa tiyan ko.. Napatawa naman ako sa sinabi ni Mama.

"Anong nangyayari dito? Bakit may kadramahan na naman ang nagaganap?" Biglang sulpot ni Papa at nilapitan kami.

"Masaya lang po ako, Pa. Dahil pinanganak ako dito sa mundong to.. I'm so happy, Pa.. Very happy." Sabi ko naman kay Papa. Niyakap ako ni Papa at tumatawa ng mahina.

"Sabihan mo ko kung pinapaiyak ka ni Kyle ah? Ako bahala doon, ako bahala sa inyo ni baby mo" Seryosong sabi naman ni Papa dahilan para matawa ako.

"Danilo ikaw talaga! Huwag mong papansinin yang sinasabi ng tatay mo, anak! " Sabi naman ni Mama at niyakap ulit ako.

"Tama na yan, malelate na tayo sa kasal niyo ni Kyle.. For sure excited ka nang makita nun." Papa said and winked at me. Tumawa ako at tumayo na. May official photographer at videographer kami para sa kasal namin ni Kyle.. Nagpost muna kami saglit nila Mama at Papa habang pinipicturan kami ng photographer. Kanina pa kasi nila ako pinipicturan at bini-videohan eh. Mula nung mine-makeup-an ako hanggang ngayon.

Lumabas na kami ng unit pagkatapos, at habang nasa elevator ako, panay ang pag-congrats saakin ng mga nakakasabay ko. Ngiti at thank you lang ang tinutugon ko sa kanila...

Sumakay na ako sa bridal car ko, habang sina Mama naman, nasa kotse ni Papa at siya ang nagdadrive. Habang papunta kami sa church, chineck ko muna yung phone ko kung may text at tama nga ako.

From: My Prince

'I'm already here, Princess. Can't wait to see you! I love you so much! :)'

Napangiti ako dahil sa text niya at nireplayan siya.

To: My Prince

'See you, My Prince.. I love you too!!"

-Send!

Bukod sa groom ko, siyempre excited ko na rin makita yung entourage ko. Lalo na si Vanessa na maid of honour ko. Si Patty naman, one of my groomsmen. Nakakatawa nga ang reaction niya eh kasi gusto niya sana, one of the bridesmaids siya, kaso hindi nga pwede baka mabuhusan siya ng holywater ni Father nang wala sa oras..

Makalipas ang ilang minutong biyahe, huminto ang kotse sa harap ng isang church. Nakita kong inaarrange na ng wedding coordinator ang sa entourage ko.

"This is it!" Bulong ko. At nakita kong isa-isa na silang nagmamarcha papasok ng simbahan. Hindi ko nakita ang groom ko! For sure gwapo yun! White with light blue ang motif ng wedding namin. Pinagsamang favourite colors namin dalawa ni Kyle..

Napansin kong sinarado na ang pinto ng church, cue para bumaba na sa bridal car. Naglakad na ako papuntang stairs nitong church at nagstay muna doon habang hinihintay ang pagplay ng violin para sa bridal entrance ko..

Di nagtagal, nagplay na ang background music.

*Ikaw at Ako by Moira and Jason Marvin (Saxophone Version)*

The moment na narinig ko ang kanta, parang naiiyak na ako. What more pa kaya kung maglalakad na ako sa gitna papunta sa harap?

Bumukas na ang pinto, and that's the cue.

Huminga muna ako nang malalim bago magsimulang maglakad.

Tumingin ako sa harap, at nakita ko ang taong mahal ko na naghihintay saakin doon habang nakangiti saakin.

Habang lumalakad ako, hindi ko mapigilan ang hindi maluha dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Nakarating na ako sa kinatatayuan nila Mama at hinatid na ako sa harap.

Pansin kong naluluha sina Vanessa at Patty marahil dahil sa sobrang saya rin gaya nang nararamdaman ko.

"Take care of our daughter." May banta sa boses ni Papa pero ngumiti lang si Kyle at tumango kay Papa.

"I will, Pa." Nakangiting sabi ni Kyle sa Papa ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Kyle as he leads me sa upuan namin dito sa harap.

"You're very beautiful." Bulong niya saakin. Ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya at humarap na kay Father na sinimulan na ang ceremony..

Di nagtagal, oras na para ibigay ang aming mga vows sa isa't-isa.

"Elle, my princess, my world. Thank you so much dahil dumating ka sa buhay ko. Gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil binigay ka niya saakin, ako na walang karapatan sa pagmamahal mo, sa pagibig mo pero you showed to me that I deserve you kayo nang magiging anak natin..." Sabi ni Kyle saakin. Halata sa kanyang boses na pinipigilan niya ang maluha..

"You loved me as I love you.. At wala akong ibang maipapangako sayo kundi ang mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko sa mundong to. Mamahalin kita kahit na may mga panahon na hindi ka kamahal-mahal.. Mamahalin pa rin kita kahit na may mga pagkakataong mali ka at tama ako, at patuloy pa rin kitang mamahalin kahit pa dumating ang oras na wala ka ng buhok at kulubut na yang mga balat mo.. " Napatawa ang mga bisita dahil sa sinabi ni Kyle. Ako naman ay tinignan siya nang masama.. Itong lalaking to talaga kahit kailan!

"I love you so much..." Malambing niyang sabi saakin dahilan para mapuno ng hiyawan ang simbahan..

"Bawing-bawi ka ah!" Pagbibiro ko sa kanya. He just smiled at me as his response..

"Kyle Villafuente!" Tawag ko sa kanya.

"Present!" Pagbibiro niya saakin. Tumawa naman ulit ang mga tao dahil sa inasta niya.

"Gusto ko lang magpasalamat sayo dahil you saved me noong mga panahon na wasak na wasak ako, na wasted ako at kahit na tinutulak kita palayo, wala kang ibang ginawa kundi ang mahalin pa rin ako.. Hindi ko hiniling na mahalin mo ako neither mahalin rin kita, it just happened.." Pumatak ang mga luha ko sa tuwing inaalala ko yung mga nangyari dati saamin.

"Wala akong maipapangako sayo kundi ang mananatiling ikaw lang sa buhay ko, tatanggapin kita maging sino at ano ka pa man as a person, mamahalin din kita kahit na pumangit ka pa at mawala yang charm mo pero asahan mong mananatiling gwapo at charming ka sa paningin ko.." Napatawa ako nang marinig ko ang pagtawa ng mga bisita mostly si Patty ang naririnig ko.. Napatingin naman ako sa direksyon nila at nakakapit siya sa isang groomsmen doon, side siya nila Kyle.. Tsk, Patty talaga.

"Love naman! Huwag naman ganoon!" Bulong niya saakin.

"Ikaw ang nagsimula nito, kaya magtiis ka!" Bulong ko rin sa kanya tsaka nginitian ang poging asawa ko. Feel na feel ko naman! Hahaha

"You had me at my worst. Naroon ka nung mga panahong pwede ka nang lumayo at iwan ako, pero hindi mo ako iniwan.. Nagstay ka, and you still fight for me. We held each others' hand and never let go.. Kaya in the end, God grant us to be together.. to continue our love and now... " Bigla akong umiyak, napansin ko rin na naluluha na rin siya..

"Despite all the struggles, problems that we encountered bago tayo dumating dito, we remained intact at hindi sumuko... kasama ni baby..... I'm happy to marry you, my prince.. I love you too." Umiiyak kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya saakin at niyakap ako.

Pinagpatuloy na ng pari ang ceremony mula sa pagsuot ng rings hanggang sa pinakahihintay ng mga bisita dito.

"You may now kiss the bride!" Sabi ni Father.. Ngumiti si Kyle saakin at tinaas ang belo na nakatakip sa mukha ko at dahan-dahang nilapit ang labi niya sa labi ko..

"Woooohhh!!" Sigaw ng mga tao. Tumingin naman kami sa mga tao at ngumiti. Nagpicture taking na rin una kasama si father, then family picture, principal and secondary sponsors, workmates at mga kaibigan namin..

"Congrats babae! I'm so happy for you!" Naluluhang sabi ni Vanessa saakin at niyakap ako.

"Masaya ako para sayo bakla! Sa wakas! Nagbunga lahat ng kadramahan natin sa istoryang to!" Sabi niya habang nakayakap sa isang groomsmen.

Naglakad na kaming dalawa ni Kyle papuntang bridal car namin para dumiretso na sa reception..

"I still can't believe that I finally own you, my princess." He whispered..

"Well, sanayin mo na ang sarili mo mula ngayon, my prince. " Bulong ko sa kanya at ngumiti..

Hinawakan niya ang kamay ko at muling ngumiti saakin.

And for the second time as husband and wife,

We kissed.