Chereads / SWEET BOOSTER / Chapter 6 - CHAPTER FOUR

Chapter 6 - CHAPTER FOUR

"Flowers for a beautiful jockey,"

Inulan ng kantyaw sina Cherry at Elixir ng iabot nito ang isang bungkos ng red roses. Katatapos lang ng karera at ilang araw na ring natapos ang shooting nila. Sa ngayon ay ine-edit na raw iyon at kinukumpleto na lamang ang walong video.

Nakikipaghuntahan pa siya sa mga kasamahan ng dumating ito at sinorpresa siya. Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin siya kay Elixir sa mga ipinakikita nito. Hindi na niya napiglang maginit ang pisngi. Kung sabagay, hindi na niya iyon kayang pigilan pa.

"Naks! Si Che-che, nakabingwit ng manliligaw!" tudyo sa kanya ni Mang Efren, ang may katandaang hinete doon.

"Mang Efren naman!" angal niya saka napakamot ng ulo. "Pati ba naman kayo?"

Natawa ang mga kalalakihan at nahawa na rin siya. Pagtingin niya kay Elixir ay naitakip na lamang niya ang bulaklak sa mukha! Paano'y nakangiti nga ito pero iba naman ang sinasabi ng mga mata nito. Na parang gandang-ganda ito sa kanya kahit suot pa niya ang buong riding gear niya.

"Titingin ka pa!" asik niya rito at pinagigi ang pagtakip ng bulaklak sa mukha.

Kinabahan siya ng dahan-dahan nitong ibinaba iyon at napahalakhak ito. Paano'y pulang-pula na siya! "Tatawa ka pa! Naiilang na nga ako, eh…" angal niya rito saka ito pabirong sinuntok sa balikat. Gusto niyang mapangiwi dahil ang tigas noon! Taliwas iyon noong niyakap siya nito. Hindi niya nadamang may sa bakal ang bisig nito.

"I was just staring at you," natatawang saad nito pero hayun pa rin ang mga mata nito wagas kung tumtitig! Tila nais nitong tunawin maging ang buto niya!

"Nakakailang…" angal niya rito saka ito inirapan. "Okay fine! Para akong natutunaw kaya tama na,"

"Naks! Nagiging lambutin rin si Che-che!" tukso ni Empoy, ang payatot na hinete doon na kasing edad niya. Numero uno itong alaskador doon at hindi ito manalo-nalo sa kanya pero sa pagkakataong iyon, mukhang matatalo siya rito.

"Hindi!" tanggi niya at hinila na paalis doon si Elixir. "Tara na. Dalian mo at makakantyawan lang nila ako,"

Dahan-dahan siya nitong hinawakan sa kamay at pinagsalikop ang mga palad nila. Kumabog ang dibdib niya at nandoon na naman ang pamilyar na boltahe ng magtama ang mga balat nila. Napatitig siya rito at napalunok ng masuyo itong ngumiti sa kanya. "I just want to hold your hand,"

"In public?!" bulalas niya! Ang daming tao at ang daming tumitingin sa kanila. At alam niya, ito ang tinitingnan ng ilang kababaihan doon. Ang guwapo naman kasi nito kahit simpleng polo lang suot nito. Araw ng linggo at wala itong pasok. Nagkasundo silang doon na lamang magkikita para makaiwas sa tudyo ng mga kuya niya.

"Yes, in public." Seryosong saad nito at hinigpitan pa ang hawak sa kamay niya.

"Nakakahiya!" bulalas niyang muli at iginala ang paningin. Hindi lang iilang beses na nag-holding hands sila nito pero iba ang pagkakataong iyon! Napakaraming tao at maliwanag pa kaya nahihiya siya.

"Ikinahihiya mo ako?" seryosong tanong nito saka siya tinitigang maigi.

Gusto na niyang sabunutan ang sarili! Mabilis na gumana ang isip niya para hindi ito magdamdam hanggang sa napabuga siya ng hangin. "H-Hindi ako sanay sa ganito,"

"You will get used to it because I will always hold your hand," anito saka ngumiti ng masuyo sa kanya. Hinigpitan pa nito ang pagkakahawak. "Just like this,"

"Pero ang daming nakatingin sa'yo. Baka mamaya… isipin nilang tayo…" aniya saka napatingin sa malayo. Hindi niya mapigilang makaramdam ng panliliit dahil si Elixir ang tipo ng lalaking pansinin samantalang lubugin siya. Napailing siya sa naisip.

Napamulagat ito. "Bakit? Ayaw mo bang isipin nila 'yon?" anito saka napabuntong hininga. "I am holding your hand. That only means you're the only woman I want,"

Napasinghap siya dahil napatigil pa ang isang matandang babae sa sinabi nito at nilingon silang dalawa. Kapwa sila hinagod nito ng tingin hanggang sa napailing!

Sabay silang natawa ni Elixir hanggang sa magkakangitian sila nito at magtitigan saka muling matatawa. Hanggang sa dahan-dahan siya nitong hinila para gawaran ng hugs. Ay! Kinikilig siya sa kabanguhan nito!

"I am hugging you and I don't care about them, Cherry. Regardless of how many people surrounding us and whatever they may think of, I don't give a damn. All I care was the contentment I had being with you…"

Bigla na yata siyang nanigas sa dibdib nito. Hindi niya alam kung paano tutugunan iyon. Gusto niyang yakapin ito pero nahihiya siya! Peste! Bakit ba nauso ang hiya? Letsugas! Hanggang sa hindi na rin niya kayang tagalan iyon at nahihiyang tinugon niya iyon.

Napasinghap siya ng hawakan ni Elixir ang dalawang braso niya at mahigpit na iniyakap sa katawan nito. Naturete ang buong sistema niya at napatanga siya rito. "Ba't ang higpit?"

Ngumiti ito sa kanya. "So that every man here will see that I am the only man you will hug. Don't complain or I'll kiss you here until dawn, hmm…"

Hindi na nga siya nag-complain kahit gusto na niya! Aba! Kiss until dawn? Masarap kaya? Gusto niyang kilabutan sa naisip! Ang lalaking ito, nagiging polluted ang virgin mind niya ng wala sa oras! Wala pa man din itong ginagawa, nagkakaganoon na siya!

Wala siyang ibang ginawa kundi ang magpakalulong sa mga bisig nito. Magiinarte pa ba siya? Gusto rin naman niya kaya sige na nga! Hinigpitan pa niya ang yakap dito kesehodang madama ang bahagyang pagtawa nito.

"Hindi ka ba naiinip?" nakangiting tanong ni Cherry kay Elixir habang inaayos niya ang kabayong si Chuckie. Brown ang kulay nito. May katandaan na kaya hindi na nailalaban sa karera.

Kasalukuyan silang nasa Rancho Villegas para ipasyal doon si Elixir. Gusto niyang matawa dahil kabayo pa rin naman ang idinayo nila. Gayunman, ipinakilala rin niya ito kay Sir Arturo at pumayag naman itong umikot sila saka mag-horse riding.

Nakangiti itong umiling saka siya tinulungan sa paglalagay ng riding equipment para sa kabayo. "I am enjoying. What makes you think I'm bored, huh?"

Napasinghap siya ng samyuhin nito ang gilid ng leeg niya. Tumayo ang balahibo niya sa katawan at bigla siyang nahiya! Mainit ang panahong iyon at pawisan na siya! Yikes! Medyo maasim na siya! "Ano ka ba? Amoy-pawis na ako!" angal niya rito.

Natawa ito at inulit ang ginawa. Parang pati buhok niya ay tumayo na sa paglalambing nito. Dama niya ang kuryenteng kumiliti sa gulugod niya at naginit ang pakiramdam niya. "Amoy malinis naman… I do really love your scent. It's sweet and clean…"

"Tse!" asik niya rito saka lumayo. Dahil kundi niya gagawin iyon, baka bawian niya ito at gawaran rin ng hugs! Aba, gusto rin niya itong amuy-amuyin. Kahit hindi ito magpabango ay gusto niya ang personal nitong amoy.

"You're just affected. Come here… let me prove that,"

Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil gusto nga niyang lumapit at bigyan ito ng pagkakataong patunyan iyon. Pero letsugas! Nahihiya naman siya!

Napatili na lamang siya ng sa isang iglap ay nahuli siya nito sa baywang. Pumalag siya pero nawalan sila ng balanse at napahiga sa mga dayami. Hinalikan siya nito sa mukha at leeg. Hindi niya mapigilang mapatili dahil nakikiliti siya!

"Tama na!" sigaw niya kesehodang umalingawngaw na ang boses niya. Pero hindi ito tumigil kaya nanlaban na siya. Hindi siya makakapayag na hindi makabawi! Mukhang hindi ito handa sa 'resbak' niya kaya sa isang iglap siya na ang nakapaibabaw rito at ngising-ngisi rito. "Sabi ko, tama na. Gaganti ako," aniya sa tonong nagbabanta. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito, astang rapist pa siya, jusme!

Nanliit ang mga mata nito at hindi nga lumaban. Mukha na sila sigurong engot doon dahil kahit malaki ang katawan nito at kaya nitong bumawi ay hindi ito kumilos. Feel na feel na maging victim! "Ano'ng gagawin mo? Parurusahan mo ba ako ng halik?"

Napasinghap siya sa sinabi nito. Huli na para umalis siya sa ibabaw nito dahil nayakap na siya nito sa baywang at ang isang kamay nito ay mabining humaplos sa pisngi niya. Hindi na naman siya humihinga! Nang mapatingin siya mga mata nito ay nadarang siya sa init noon. Nang bumaba ang mga mata niya sa labi nito ay napalunok siya. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pagkauhaw.

"Cherry…" anas nito at awtomatikong naipikit niya ang mga mata ng masuyong hawakan ng palad nito ang batok hanggang sa madama niya ang pagdampi ng labi nito sa labi niya.

Tila huminto ang lahat ng sandaling iyon. Naliyo siya at umikot ang sikmura. Pakiramdam niya, mayroong kumikiliti sa gulugod niya kahit pa sabihing hindi naman malalim ang halik nito. Tila nanantya iyon… dinadama siya.

Napaungol siya ng lumipat ang isang palad nito para hawakan ang tagiliran niya. May kiliti siya roon pero hindi niya makuhang tumawa bagkus, dama niyang tila umigting ang init at nagkaroon ito ng pagkakataon para palalimin ang halik. Tuluyang nag-shut down na ang lahat sa utak niya at ang atensyon niya ay nasa matatamis nitong labi…

Pinagsawa nitong saliksikin ang labi niya. Sinimsim nito… kinabisado ang buong labi niya hanggang sa nagkaroon sila ng ritmo. Magmula sa paghinga hanggang sa mga kilos ng mga labi nila. Iyon ang una niyang halik at agad siyang natuto dahil sa mga eksperto nitong labi.

"God Cherry… I could kiss you until my last breath…" anas nito at naginit ang puso niya ng titigan siya nito ng ubod suyo. Kapwa sila hinihingal sa tagal ng halikan nila pero dama niya na ayaw na siya nitong tigilan.

Napahagikgik na lamang siya at isinandal ang noo sa noo nito. "Mangangabayo pa tayo…" anas niya.

Natawa na ito at muli, sa huling pagkakataon ay ginawaran siya nito ng malalim at mainit na halik bago sila lumabas. Ilang sandali pa ay angkas na sila ni Chuckie at iniikot na nila ang buong rancho. Habang nakaupo siya sa harapan nito ay hawak nito ang renda, nagkwento siya rito ng tungkol sa kabataan niya sa rancho roon.

"Nakikita mo ang mga tabla doon?" natatawang itinuro niya ang ilang tablang magkakapatong malapit sa kamalig. "Kapag walang nakakakita, pinapatalon ko si Champoy doon." Tukoy niya sa kabayong kanyang sinasakyan noong bata siya. "Wala lang… natutuwa lang talaga ako kapag napapatalon ko siya."

Napahalakhak ito at malambing na humalik sa pisngi niya. "You're such extreme. Tumatalon ba naman si Champoy?" interesadong tanong nito. Iyon ang isa sa mga gusto niya rito. Lagi itong all-ears sa tuwing mayroon siyang sinasabi.

"Noon pero natiklo din ako ni tatay at pinagalitan ako," napabungisngis siya sa naalala.

"Pero magiingat ka," mahigpit nitong bilin at hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya kaya napasandig siya sa dibdib nito. "I am really worried everytime you have a race."

Natawa siya ng madama ang pagbuntong hininga nito. Bahagya niya itong siniko saka ito nilingon. "Dala ko lagi ang rosary. Iingatan ako ni Lord. Ano ka ba? Masyado kang nagaalala…"

Hinagod nito ang buhok niya at nginitian siya. "I couldn't help it. Alam ko na kaya mo at eksperto ka. Just take care always, okay?"

Tumango siya rito at pumikit siya ng gawaran siya nito ng halik sa labi. Natawa na lamang siya ng siya mismo ang tumapos noon at halatadong bitin ito! "Mangangabayo o maghahalikan?" aniya rito saka ito minulagatan.

"Of course I would choose the latter," anito saka napangisi.

Sabay pa sila nitong natawa pero sa huli'y pinagbigyan niya ito. Nang makarating sila sa isang malaking puno ay itinali nila si Chuckie saka siya nito ginawaran ng matagal, mainit, malalim at masarap na halik. Saksi ang malaking puno ng aksya sa mga labi nilang hindi mapaghiwalay kahit anong pilit nila.

"Bunso! Nasa TV ka!" sigaw ng kuya Colin ni Cherry. Patakbo rin siyang nagtungo sa harapan ng telebisyon. Muntik na siyang masamid ng makita ang itsura sa telebisyon. Ang ganda niya kasi roon at hindi siya makapaniwala! Sa susunod na linggo gaganapin ang product endorsement nila. Magkakaroon sila ng presscon sa isang hotel sa Maynila.

Nakaramdam siya ng kakaibang yabang sa sarili. Lalo na't una siyang ipinakita sa walong kababaihan. Ang Wild Cherry ang unang flavor na ipinakita at sumunod ang Violet Dew hanggang sa panghuling flavor. In fairness sa ine-endorso nila. Nakailang inom siya roon at totoong nakaramdam siya ng kakaibang lakas at ang maganda pa ay hindi iyon lasang gamot. Lasang flavored water lang iyon.

Hindi na niya pinansin ang pangaalaska ng mga ito at naligo na. Habang naliligo ay napangiti siya at naisip si Elixir. Mukhang na-adik na ang lalaki sa kanya. Hindi nito pinalilipas ang araw ng hindi siya nito nahahalikan ng matagal. At dama niya sa mga halik nito ang respeto at paglalambing na naghahatid ng kakaibang ligaya sa puso niya.

Ilang sandali pa ay naghanda na siya para magpunta sa Sta. Ana. Mayroon silang karera sa araw na iyon at alam niyang hindi siya masusundo ni Elixir. May kalayuan ang bagong project nito at dahil naawa siya rito ay hindi niya ito inobliga.

Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa Sta. Ana at laking gulat niya ng mayroong mga tao doon na may placard pa at siya ang hinihintay! Mayroong ilang press at agad siyang sinalubong. Gusto siyang kuhanan ng interview pero agad siyang tumanggi. Mahigpit na bilin iyon sa kanya na huwag munang tatanggap. Kailangang sa presscon sila tumanggap ng mga tanong. Sa huli'y nagpa-picture na lamang ang ilan sa kanya.

Pagpasok niya ay napahalakhak na lamang siya ng salubungin siya ng mga kasamahan saka kinamayan. Binati siya ng mga ito at halatadong proud ang mga ito sa kanya.

"Mga sira! Kung makaasta naman kayo, para na akong artista?" biro niya.

"Para na ring ganoon 'yon! Nakow! Kaya nahuhumaling sa'yo si Elixir, eh. Siya nga pala pinaabot niya sa'yo," ani Mang Efren saka inabot ang isang maliit na kahon. "Dumaan kanina rito pero mukhang nagmamadali kaya pinaabot na lamang niya,"

Namasa ang mga mata niya ng makitang mga ilang riding equipment ang mga iyon at pawang orihinal. Kahit matitino pa ang mga gamit niya ay hindi niya mapigilang ma-touch dahil nagbigay pa ito ng mga bagay na magagamit niya tulad ng riding goggles, mesh gloves, legs sleeves at race whip. Napangiti siya ng makita ang maliit na note sa loob ng kahon.

My Cherry,

Hope you love it. A kiss is enough to get even. Take care on your race. I'll be there before sunset. No buts. Okay?

Your Elixir

Naginit ang puso niya at nakangiting itinago iyong maigi. Kahit napakasimple ng mensahe nito ay gabundok na ligaya ang hatid noon. First time din niyang masulatan kaya masa nakadagdag iyon sa kanyang kaligayahan. Nakangiting itinago niyang maigi iyon sa wallet niya.

At para makabawi rito, iyon ang ginamit niya sa karera. Magaan ang kalooban niya at Ganado talaga siya. Pakiramdam niya, parang hawak niya ang kamay nito sa mesh gloves na hawak. Kinikilig siya kaya lalo niyang pinagigi ang pangangabayo.