Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 18 - LIFE WITHOUT DEM

Chapter 18 - LIFE WITHOUT DEM

"HINDI MO ito sinabi sa kanya," malamig na saad ni Elmer ng matapos niyang iguhit ang inverted pentagram. Ayon sa itim na libro na nakuha nito sa kaibigang pari, iyon ang kailangang simbolo para maisara ang gate ng Avernus. Magsisimula na sila ng sermonyas dahil iyon na ang gabi ng full moon, ang araw ng kasal nila ni Kaye.

Nasa harapan sila ng bahay ni Elmer kung saan siya nakita nito. Isa iyon sa instruction kung papaano isasara ang Avernus. Kailangang ganapin iyon mismo kung saan lumabas ang ascended demon. Swerteng kita ang buwan doon kaya kumpleto ang sermonyas at magiging epektibo iyon lalo na't iyon ang magiging kapalit ng kanyang... buhay.

"Hindi ko nagawang sabihin. Papaano ko magagawa? Pinanghihinaan ako ng loob sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya at pagasa? Papaano ko sisirain ang positibo niyang pananaw na magiging maayos ang lahat? Kanina, gusto ko ng sabihin pero makita ko pa lang ang mga mata niya... shit. Ang hirap!" hirap na bulalas niya saka napahagod sa mukha. Taas baba ang dibdib niya at umaasang gagaan iyon sa ganoong paraan pero bigo siya...

"Kung may mangyayari sa akin, pakibigay na lang ito sa kanya," malamig niyang sagot kay Elmer at ibinigay ang puting envelop. Alam niyang malabo na rin siyang makabalik ng buhay sa gagawin at iyon lang ang paraang alam niya para makapagpaalam kay Kaye.

Damn. Magpaalam? Ni hindi nga niya iyon nagawa ng maayos. Papaano ba niya iyon magagawa? Ngayon niya napatunayan na hindi 'sorry' ang pinakamahirap sabihin kundi 'goodbye'. Saying goodbye was like breaking Kaye's heart and it was so damn hard for him to do that.

Aminadong naging duwag siya. Ni hindi niya iyon nagawang sabihin ng harapan kay Kaye. He knew she would be really devastated. Maisip pa lang iyon ay nadudurog na ng husto ang puso niya at hindi niya iyon kayang makita. Natatakot din siya na manaig ang damdamin niya at huwag ng gawin iyon para magkasama sila nito—bagay na hindi naman puwede dahil hindi naman sila puwedeng magtago habangbuhay...

Pero sa kabilang banda, alam niyang iyon lang ang paraan para hindi na ito madamay pa. Kilala niya si Kaye. Matigas din ang ulo nito. Alam niyang oras na malaman nito ang totoo, gagawa ito ng paraan para makatulong kesehodang kahit sino na ang mai-summon. At hindi niya hahayaang ibuwis pa nito ang buhay. Bago pa nito gawin iyon ay gagawa na siya ng paraan para mawala ang mga banta nito sa buhay kahit ikamatay pa niya...

Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ni Elmer bago nito kinuha ang sobre at ibinulsa. Malungkot itong nakatingin sa kanya at pailing-iling. "Dem, magagalit si Kaye sa gagawin mo,"

Napayuko siya at napatango. "I know," anas niya. Ang bigat-bigat noon sa dibdib niya. Maisip pa lang niya kung gaano na iyon kahirap kay Kaye, nasasaktan na siya.

Gayunman, inisip na ni Dem na iyon ang pinakatamang gawin. In order to have peace, he needed to go. But before that, he needed to secure everything.

"Alright. Let's first summon Deumos," pigil hininang saad niya saka lumuhod na. Si Elmer naman ay naglagay ng asin sa paligid nito para hindi ito magalaw ng demon na dadating. Kagaya ng naging spell ni Kaye noong tawagin siya, iyon din ang ginamit niya para matawag si Deumos.

"I call upon a demon to be sent up from hell, make them a watcher of this irrevocable spell..." anas na dasal ni Dem. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy. Kinakabahan man sa gagawin, nilakasan pa rin niya ang loob.

Nahigit ni Dem ang hininga ng humangin ng malakas. Pagmulat niya ng mga mata ay nandoon na si Deumos sa harapan. Naka-anyong unano ito pero unti-unti rin itong nag-transform dahil sa pulang usok nakapalibot dito. Napalunok si Dem ng magkatawang demon na ito.

At kitang-kita ang gigil nito sa kanya. Matatalim ang titig ng dilaw nitong mga mata sa kanya. Umaalingasaw din ang nabubulok na amoy nito. Halos maubo na sila ni Elmer sa lakas noon. Gayunman, hindi niya pinansin iyon. Agad siyang umusal ng spell para sa panandaliang pagkaka-seal ng kapangyarihan nito.

"What did you just do—!" gigil na singhal ni Deumos ng hindi nito magawang makaalis sa bilog na napapalibutan ng holy oil. Kahit ano'ng pitik din nito ay hindi nito nagagamit ang kapangyarihan.

Hindi niya ito kinibo. Agad na niyang sinenyasan si Elmer para dasalan si Deumos. Agad namang tumalima si Elmer. Nagsalita ito ng latin at idinasal ang orasyong makakapagpabalik kay Deumos sa underworld.

"No—!" sigaw ni Deumos at tumindi ang pagusok nito. Nagwala ito sa loob ng bilog. Nagpaikot-ikot at ikinaskas ang katawan sa semento hanggang sa tuluyang naging pulang usok. Sa huli ay nagkaroon ng iisang direksyon ang usok at napunta sa lupa hanggang sa tuluyang nawala.

Taas baba ang dibdib nila ni Elmer. Siguradong wala na si Deumos. Nakabalik na ito sa underworld. Gayunman, hindi siya nagpatumpik-tumpik pa. Muli siyang nagdasal at isi-numon pa ang mga demons na nasa mundo na naghahanap sa kanya.

Ganoon ang ginawa niya hanggang sa tuluyang maipadala ang mga demons sa underworld. Nang wala na siyang matawag na demons ay agad na siyang nagdasal para isara ang Avernus upang wala ng demons ang makakalabas pa mula underworld.

"My life, my soul. Use it to seal the door..." pigil hininang pinal na saad niya at pumatak ang luha. Damn it. He was so heart broken. He felt sorry for Kaye. He kept whispering how sorry he was, he couldn't be with her forever...

"Dem!" sigaw ni Elmer at napamulat siya ng mga mata. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang mayroong nakaitim na lalaking nakatayo sa harapan niya. Nakasuot ito ng itim na cloak na mayroong hood. Bungo ang mukha nito at alam niyang hindi iyon maskara. Iyon ang totoong mukha ni 'death'. Mayroon itong hawak na psyche na walang pagaalinlangang pinadaan sa katawan ni Dem.

Sa isang iglap ay bumagsak si Dem. Dilat ang mga mata at wala ng buhay. Palibhasa, nang madaanan ng scythe ang katawan nito ay tuluyang naalis na rin kaluluwa nito sa katawan.

At ng sandaling maalis ang kaluluwa ni Dem ay automatic iyong napunta sa Avernus. Nagsara ang gate ng underworld at lumapat ang kaluluwa nito doon. Nagkaroon ng mahinang pagyanig. Kasabay noon ay unti-unting lumubog ang Avernus hanggang sa tuluyan iyong nawala at natahimik ang mundo...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"DEM? DEM?" paungol na tawag ni Kaye sa asawa dahil hindi niya ito nagisingan. Napabangon siya ng hindi ito sumagot. Napakunot ang noo niya ng makitang wala siyang kasama sa kuwarto. Muli, tinawag niya ang asawa at biglang kumabog ang dibdib niya ng makita ang tatlong singsing nito sa sidetable.

Ayaw man niyang magisip ng iba ay hindi niya mapigilan. Kahit kailan ay hindi hinubad iyon sa daliri ni Dem. Maliban sa wedding ring, ang mga dati nitong singsing ang naiwanan doon. Ipinilig ni Kaye ang ulo. Pinaalala niya sa sarili na hindi mawawala si Dem. Nasa labas lang ito ng kuwarto. Baka nasa kusina lang o kahit saang sulok ng simbahan.

Napabuntong hininga siya at nagbihis na. Nang masigurong maayos na ang sarili ay tumayo na siya at lumabas ng kuwarto. Panay pa rin ang tawag niya kay Demetineirre. Nagbabakasakali at umaasang sasagot ito.

"Dem?" takang tawag niya ng makita itong nakatayo sa dulo ng pasilyo. Gusto niyang matawa sa sarili. Napa-paranoid siya kakaisip kay Dem, nandoon lang pala ito. Nakatayo at masuyong nakangiti sa kanya.

Maglalakad na sana siyang papunta dito ng mayroong tumapik sa balikat niya. Agad siyang napalingon sa likuran at nakita niya si Elmer. Bahagyang napakunot ang noo niya ng makita ang matinding kalungkutan at hiya sa mga mata nito. Halatado din na puyat ito dahil nangingitim ang paligid ng mga mata.

"Kailangan nating magusap," malungkot nitong saad.

Nagtataka man, napatango si Kaye. "Tayo lang? Hindi natin tatawagin si Dem?" takang tanong niya.

Doon ito nagiwas ng tingin. Ilang beses itong napabuntong hininga hanggang sa malungkot siyang tinitigan. "Iyan nga ang kailangan nating pagusapan."

Napaangat ang dalawang kilay niya. Naguguluhan siyang bigla. Si Dem ang paguusapan nila? Ah, wala siyang maisip na dahilan para pagusapan nila ang asawa. "Bakit natin kailangang pagusapan si Dem? Alam mo, tawagin na lang natin siya," natatawang sagot niya saka nilingon si Dem. Napakunot ang noo niya ng makitang wala na doon ang lalaki. Takang iginala niya ang paningin at naglakad ng mabilis papunta sa kinatatayuan nito kanina.

"Dem? Dem?" malakas na tawag niya at panay linga. Nagtaka siya ng hindi ito makita sa pasilyong puwede nitong daanan. May kahabaan iyon. Kung naglakad ito alinman sa direksyon, nasisiguro ni Kaye na makikita pa rin niya dapat si Dem.

"Kaye," tawag ni Elmer sa kanya.

Hindi niya ito nilingon. Panay pa rin ang linga niya at tawag kay Dem. "Nakita ko siya dito kanina. Baka nagpunta siya sa CR. Sige na. Puntahan mo doon at titingnan ko naman siya sa terrace—"

"Kaye!" mariing tawag ni Elmer sa kanya at hinawakan siya sa siko. Natigilan siya ng makita ang paghihirap sa mukha nito. Biglang kumabog ang dibdib ni Kaye. Hindi niya nagugustuhan ang nakikitang reaksyon ni Elmer. Napailing-iling siya at bumangon ang inis sa dibdib.

"Hanapin muna natin si Dem!" giit niya.

"Wala na siya!" nagtitimping bulalas nito saka napabuga ng hangin. Tumingin ito sa malayo habang bumabalatay ang matinding sakit at lungkot sa mukha. Napakurapkurap ito bago siya hinarap at parang piniga ang dibdib ni Kaye ng mapansing nagpipigil lang na umiyak si Elmer. "W-Wala na siya..." nanghihinang anas nito.

Kumibot-kibot ang bibig ni Kaye. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Papaanong wala na si Dem? Nakita lang niya si Dem kanina! Imposible ang sinasabi nito! Ah, hindi niya matatanggap iyon!

"N-Nakita ko lang siya dito... h-hindi totoo 'yan..." nanginigig at pigil hiningang anas ni Kaye habang nangingilid ang luha. Ayaw niyang isipin pero mukhang nagpapaalam na si Dem kanina kaya niya ito nakita. Halos sumabog na ang puso niya sa sobrang pait...

"Kaninang madaling araw, isinara niya ang gate ng underworld. Kailangang siya ang gumawa noon dahil kaluluwa ng isang ascended demon ang dapat gamitin para mai-selyo iyon," pigil hininang paliwanag ni Elmer.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bigla siyang nanghina. Bigla siyang tinakasan ng lakas. Bigla siyang... namatay. Pakiramdam niya, hindi na niya kakayanin ang katotohanang iyon...

"H-Hindi t-totoo 'yan..." luhaang anas niya. Ni hindi na niya kayang magsalita ng malakas. Siguradong mapapahagulgol na siya oras na gawin iyon. Ang sakit-sakit ng lalamunan niya kakapigil sa sariling damdamin!

"Kaye, I'm so sorry. Pinabibigay niya ito sa'yo..."

Impit siyang napaiyak ng iabot ni Elmer ang isang puting sobre sa kanya. Parang ayaw na niyang basahin iyon. Walang ibang laman ang isip ni Kaye kundi ang daya-daya ni Dem. Itinago nito ang lahat sa kanya. Pakiramdam niya, tinakasan siya nito...

"Kaye, gusto kong sabihin sa'yo na hindi ginusto ito ni Dem." malungkot na komento ni Elmer.

Napahagulgol siya sa mga palad. Ang sakit-sakit ng dating noon sa puso niya. Doon niya naisip at naalala ang mga aksyon ni Dem. Kaya pala bigla itong nagayang magpakasal. Kaya pala madalas niya itong mahuling nakatitig sa kanya at sa mga huling araw nito sa mundo ay wala itong ibang ginawa kundi ang pasayahin siya. Aalis na pala ito at nagiwan lang ng magandang alaala...

"N-Nasaan siya?" luhaang tanong niya kay Elmer. Durog na durog hindi lang ang puso kundi pati na rin ang mga pagasa at pangarap. Sobrang sakit ng ginawa ni Dem sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makaka-move on...

Malungkot siya nitong tiningnan. "Nasa labas. Kasama nila father,"

"G-Gusto ko siyang makita..." umiiyak na saad niya. Panay siya hikbi. Hirap na hirap siyang huminga. Agad naman siya nitong iginiya papuntang likuran ng simbahan. Agad naman niyang nakita sina father. Si Cris ay naghuhukay at sa tabi ng lupang hinuhukay nakalagay ang isang taong nakabalot ng kumot.

Napahagulgol si Kaye sa mga kamay. Hindi pa niya iyon tinitingnan ay nasisiguro na niyang si Dem iyon. Hindi na niya namalayang nanghina na siya at napasadlak sa damuhan habang humahagulgol sa mga palad.

Iyak siya ng iyak. Durog na durog siya. Nakaramdam siya ng halo-halong emosyon. Galit na galit siya. Kasabay noon ay nagrerebelde ang puso niya. Bakit kailangang mangyari iyon? Nagmahal lang naman sila ni Dem. Bakit kailangan pa nitong mamatay para magkaroon ng kalayaan?

"Dem..." luhaang anas niya. Sabog na sabog ang puso sa sobrang sakit. Parang saglit siyang tinakasan ng katinuan. Napapaiyak siya ng malakas. Natutulala at maiiyak ulit. Walang ibang laman ang isip ni Kaye kundi si Dem. Okupado nito ang isip niya at ang mga katanungang papaano nito nagawang itago iyon sa kanya...

"Kaye, ililibing na siya," ani Elmer saka siya hinawakan sa balikat at pinisil. Doon pa lang niya nagawang magangat ng paningin. Dahil lulong sa sariling isipin, hindi na niya namalayang natapos na ang paghuhukay ni Cris.

Pinunasan niya ang mga luha at nilapitan si Dem. Naiiyak na binuksan niya ang kumot at muling napahagulgol. Putlang-putla na ito. Nakapikit na rin. Gayunman, pansin niyang walang bakas ng paghihirap sa mukha nito at lungkot. Para nga lang natutulong si Dem.

Luhaang hinaplos niya ang mukha nito. Hindi siya nakaramdam ng takot kundi pagmamahal. Nandoon din ang tampo at galit sa sitwasyon. Ang sakit-sakit ng dibdib niya. Gusto niya itong awayin, singhalan at sisihin pero sa huli, nauwi ang lahat ng damdaming iyon sa pagmamahal at unawa para sa lalaking mahal. Ganoon marahil niya kamahal si Dem. Hanggang sa huli ay nanaig pa rin ang damdamin niya rito...

"Dem..." luhaang anas niya ng makitang suot nito ang wedding ring. Mukhang iyon lang talaga ang gusto nitong baunin sa pagalis. Nagdesisyon din siyang hayaan na iyon. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan. "I love you," anas niya at ipinikit ang mga mata.

Nagdasal siya. She prayed for his soul. Hindi man iyon nakarating sa langit, umasa siyang matatahimik na rin si Dem. Masakit mang isipin, mukhang matatahimik lang talaga ito sa ganoon: sa paraang hindi niya ito kasama...

"Kaye, dadasalan na siya ni father," malungkot na untag sa kanya ni Elmer.

Luhaang tumango siya. Inayos na niya si Dem. Mabigat ang kaloobang binalot niya ulit ito ng kumot. Gayunman, hindi na siya umalis sa tabi nito. Naupo lang siya doon habang nakapatong ang kamay sa dibdib ni Dem.

Dinasalan na ito ni father. Nang matapos ay naiyak siyang muli habang ibinababa na sa hukay si Dem. Sa sobrang sama ng loob ay hindi na nakayanan ni Kaye ang lahat, nagdilim ang kanyang paningin. Nagising na lang siyang nagiisa sa kuwarto.

Naiyak siya ng makita ang sulat. Nakapatong iyon sa unan na dating ginagamit ni Dem. Luhaang kinuha niya iyon at binasa...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

My dearest Kaye,

First, I want to say sorry for not being with you. I'm sorry kung hanggang sa matapos ang buhay mo, hindi na kita masasamahan. I'm sorry kung hindi na kita maalalagaan. I am so sorry kung bitin na bitin ang mga araw na magkasama tayo. Patawarin mo ako kung hanggang doon lang ang kinaya kong ibigay sa'yo...

I have to do this. Alam kong oras na malaman mo ang totoo ay hindi mo ako papayagan. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Mas gugustuhin kong maging ligtas ka pero hindi ako kasama kaysa ang magkasama nga tayo pero alam kong madadamay ka. I have to close the Avernus. My soul is the only thing that can seal it. Kailangan ko iyong gawin para wala ng demon ang gumulo sa'yo.

Sana, maintindihan mo ang ginawa ko. Naiintindihan ko kung magagalit ka sa akin at magtatampo. You have all the rights to be mad at me. Besides, I hide everything from you. Pero sana, huwag kang magalit sa buong mundo. Hayaan mong lumipas ang galit mo at huwag iyong kimkimin sa matagal na panahon.

Second, I want to say that I love you. Ikaw ang nasa isip ko hanggang mamatay ako. Sana, maging okay ka kahit wala ako. Iniwan ko ang mga singsing ko. It costs millions. Ibenta mo at gamitin mo ang halaga para makapagsimula ka. Please, umalis ka na sa dati mong unit. Lumipat ka sa mas safe. Gamitin mo ang mapagbebentahan para maging maayos ang buhay mo. Kahit sa ganoon paraan man lang, makabawi ako sa'yo...

Third, I want to thank you. Salamat dahil minahal mo ako sa kabila ng katauhan ko. Salamat, hindi nagbago ang pagtingin mo sa akin. Salamat dahil sa'yo ay natuto akong sumaya, magpakumbaba, magpakatao, maging matatag at magmahal. Salamat sa pagaalaga at pagmamahal na ibinigay mo sa akin. I am forever indebted to you because of that.

Last, alam kong marami ka pang makikilalang lalaki bukod sa akin. Kung may makikilala kang iba na magmamahal sa'yo at mamahalin mo, huwag mong isipin na magagalit ako. Ang mahalaga sa akin, mamahalin ka niya. Magiging masaya ako para sa'yo kung mayroong lalaking mamahalin ka ng higit pa sa kaya kong ibigay sa'yo...

Be happy, my Kaye. Be well. Don't cry. Please, don't ever do that. I don't want you to cry. Huwag mong iyakan ang pagkawala ko dahil ang pagkawala ko ay simbulo ng katahimikan mo. I'm sorry if this is the only way I know how to save you. It was a drastic move. It was insane decision. Mahal kita, Kaye. At kahit gaano pa kabaliw ang mga paraan para mailigtas ka, gagawin ko basta maging ligtas ka lang...

Demetineirre

Hilam na hilam ang mga mata ni Kayesa luha matapos basahin ang sulat. Gusto niyang sumbatan si Dem. Papaano paniya magagawang magmahal ng iba kung dinala na nito ang puso niya? Ah,imposible na iyon. Ramdam ni Kaye na wala na siyang ibang mamahalin pa kundi siDemetineirre lang, ang accident hero niya...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AFTER SIX MONTHS...

"Oo na. Nandito na naman ako. Araw-araw na lang, lagi na lang kitang dinadalaw. Masisisi mo ba ako? I miss you, Dem. Gusto kong makasama ka sa kahit ganitong paraan lang," nakangiting saad ni Kaye saka inilapag ang isang bungkos ng puting rosas at naupo sa damuhan. Tinapatan niya ang maliit na tablet ni Dem. Demetineirre lang ang nakasulat doon. Sa unang pansin, para lang iyong simpleng tablet. Hindi kapansin-kapansin na doon nakalibing ang isang ascended demon...

Anim na buwan na ang nakakalipas magmula ng mawala si Dem. Naging mahirap para kay Kaye ang paglipas ng mga buwan dahil walang araw na hindi siya umiiyak. Hanggang ngayon naman ay hirap pa rin siya. Gayunman, habang tumatagal ay nare-realized din niyang hindi siya gustong umiiyak at nagmumukmok ni Demetineirre. Iyon ang ginamit na motibasyon ni Kaye para magpatuloy sa buhay.

Sa kabilang banda, tuluyan ng nag-resign si Kaye sa Sonics. Gaya ng bilin ni Dem, ibinenta niya ang mga singsing na nagkakahalaga ng sampung milyon para bumili ng simpleng bahay at lupa sa isang tahimik na subdivision sa Manila. Nagtayo din siya ng maliit na negosyo. Dahil mahilig siya sa mga novelty items, iyon ang itinayo niyang negosyo. Maganda naman ang kita ng Demetineirre's, ang novelty shop na itinayo niya malapit sa mga university. Matao sa lugar na iyon kaya hindi siya nawawalan ng customers. Sa ngayon ay mayroon na siyang dalawang tao na kasama niyang tumitingin doon.

Sina father Arman at Cris ay nasa simbahan pa rin. Madalas niyang makakwentuhan ang mga ito at welcome pa rin siyang nagpupunta doon. Si Elmer naman ay nagpatuloy pa rin sa dating gawi. Patuloy pa rin ito sa pagtulong sa mga kakaibang elemento ng mundo. May mga pagkakataong nagkikita pa rin sila nito doon dahil dinadalaw pa rin nito sina father.

Lahat ng bilin ni Dem ay ginawa ni Kaye maliban lang sa isang bagay: ang magmahal ng iba. Dahil sa negosyo, hindi maiwasan ni Kaye na mayroong makilalang ibang lalaki. Pero ang lahat ng iyon ay tinatanggihan niya. Una, mahal pa rin iya si Dem. Pangalawa, ito lang ang lalaking gusto niyang mahalin at pangatlo, mamahalin pa rin niya si Dem kahit wala na...

"Dem, maayos na ako. Saan ka man naroroon ngayon, wala kang dapat na ipagalala. Hindi na ako kagaya ng dati na punung-puno ng problema. Maraming salamat sa'yo." nakangiting saad niya saka napahinga ng malalim. "Pero sobrang miss na kita. Nakakabaliw ang pangungulilang nararamdaman ko. Pero naisip ko, magkikita pa rin naman tayo. Hintayin mo na lang ako d'yan sa kinaroroonan mo ngayon," nakangiting saad ni Kaye saka napahinga ng malalim.

Napapikit si Kaye ng humangin. Napangiti siya. Pakiramdam niya ay dinadampian siya ni Dem ng halik. Alam niyang natutuwa ito kahit saan man naroroon...

***