Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 21 - THE WISE DEMON

Chapter 21 - THE WISE DEMON

"THE UNBEATABLE business tycoon is in coma..."

Naiyak si Sierra Manaois sa narinig na anunsyo sa TV. Pinalabas muna siya sa ICU dahil hysterical na siya habang pinanonood ang ama na nire-revive ng mga doktor. Hindi siya masisisi ng kahit na sino. Everything was so sudden. Isang masaganang dinner ang pinagsasaluhan nilang magama habang pinagpaplanuhan ang ika-animnapu't limang kaawaran nito nang bigla na lang matumba.

Ayon sa mga doktor ay stroke ang nangyari. Severe iyon at nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa loob ng utak nito. Agad itong na-operahan pero hindi iyon nakatulong sa kalagayan nito. Paglabas nito ng OR ay sa ICU ito idiniretso. Wala pang isang oras ay nag-arrest na ito.

Hinding-hindi makakahuma si Sierra. Never niyang nakitaan ng sakit ang ama. Every year ay mayroon itong general checkup. Healthy ito sa edad na sixty four. Hindi rin ito dumanas ng matinding depression noong iwanan ng nanay niya sa edad niyang kinse. Sumama ito sa ibang lalaki. Ngayon ay nakatira na sa ibang bansa. Nalungkot ang daddy niya sa nangyari pero sa huli ay minabuti nitong maging positibo. Ibinuhos na lang ang atensyon sa kanya at sa negosyo kaya lumago pa iyon nang lumago.

Sa ngayon ay magkasama nilang pinapatakbo iyon. Ang daddy niya ang presidente at VP for Finance siya nito. Pinagre-retiro na nga niya ito dahil kabisado na niya ang pasikot-sikot sa negosyo. Ayaw nga lang nito dahil ano na lang daw ang gagawin nito kapag retirado na? Wala. Ayaw din naman nitong mag-travel ng nagiisa. Gusto nito ay kasama siya. Habang nabubuhay daw ito ay gusto nitong ubusin ang oras kasama siya.

Naiintindihan naman ni Sierra iyon dahil bilang magulang na tumatanda na, gusto nitong ubusin ang nalalabing oras kasama siya. Dahil doon ay pinagbibigyan niya ito. Ganoon niya kamahal ang ama at gusto rin itong makasama. Kaya kahit inaaya na siyang pakasal ni Elderson noon, ang isang taong nobyo ay tumanggi siya.

Nakilala niya si Elderson sa isang convention. Agad silang nagkagustuhan kaya sinagot niya ito. Dahil parehong stable, makalipas ang isang taon ay nagaya ito ng kasal na tinanggihan niya sa huli. Una, gusto nito ay oras na makasal sila ay bubukod agad sila ng bahay. Pangalawa, gusto nitong mag-concentrate siya sa pagaasikaso dito. Alam niyang hindi siya magugutom kasama si Elderson. Nai-turn over na dito ang negosyo ng pamilya nito. Sila ang mayari ng Wilder Sons—ang kumpanya na pawang mga dairy products ang produkto. Kayang-kaya siya nitong buhayin kahit pa sampu ang maging anak nila.

Hindi naman niya ito masisisi sa demand nito. Nagiisang anak lang si Elderson at hindi nasubukang mabuhay kasama ang mga magulang. Maagang naghiwalay ang parents nito. Ang sabi ng daddy nito, kasalanan iyon ng ina nito na ayaw paawat sa career. Sa huli, pinili ng mommy nito ang magtrabaho sa sariling kumpanya at iniwanan sila. Dahil sa nangyari ay halos tumira na rin ang ama ni Elderson sa opisina. Hanggang mamatay pareho ang mga magulang ni Elderson ay hindi nagkasundo ang mga ito.

At naiintindihan ni Sierra na iyon ang mga factors kung bakit ganoon ang gustong mangyari ni Elderson matapos silang ikasal. Gayunman, hindi niya iyon gusto dahil may ama siyang nagiisa na rin sa buhay. She explains her point and instead of having an agreement, they broke up.

Sa ngayon ay isang taon na sila nitong hiwalay at masasabi niyang naka-move on na siya. Naging masaya naman siya sa piniling desisyon dahil nakasama pa niya ang ama. Kung magiging hanggang dito na lang ang buhay nito, naisip niyang tama lang na hindi niya ito iniwan dahil nakasama pa niya ito sa nalalabing oras ng buhay nito...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Miss Sierra Manaois?"

Napasinghap siya at agad na pinunasan ng mga luha. Agad siyang napatayo ng makitang ang doktor ng daddy niya ang lumapit sa kanya. Kasama nito ang ilang nurse. Kasalukuyan siyang nasa lobby ng ospital kung saan siya dinala ng isang nurse para pakalmahin ang sarili. Sisila lang ang tao doon dahil madaling araw na at tulog na ang ilang watchers.

"Yes? How's my father?" sisigok-sigok niyang tanong.

Seryoso siya nitong tinitigan. "Na-revive namin siya pero tatapatin na kita. Don't put your hopes too high. Kailangan pa rin natin siyang obserbahan hanggang sa maka-recover siya. Sana, huwag na siyang mag-arrest. The next would be fatal. Baka hindi na siya maka-survive."

Parang binagsakan siya ng langit. "D-Diyos ko..."

"Prayers, Miss Manaois. Ginawa namin ang lahat kaya dasal na lang ang makakatulong sa daddy mo sa ngayon. Magdasal ka. Malaki ang maitutulong noon sa paggaling niya," seryosong payo nito.

Tumango siya. Kung kinakailangang tawagin niya ang lahat ng santo, gagawin niya basta gumaling lang ang daddy niya. O baka nga pati demons, tatawag na siya. Basta sa huli ay mabigyan siya ng pagkakataong mabuhay ang daddy niya.

Baliw na siguro siya sa paningin ng iba dahil sa naisip pero para sa kanya ay hindi. Marami pa siyang plano para ama. Gusto niyang ito mismo ang maghatid sa kanya sa altar, makita nitong lumaki ang mga anak niya at magabayan pa siya ng husto sa kumpanya.

Iilan lang ang mga iyon sa mga gusto niyang mangyari pero kung kukuhanin ito ngayon ng Maykapal, papaano pa niya iyon magagawa? Pakiramdam din niya ay hindi siya handa sa pagiisa. Sino ba naman ang handa sa ganoon? Siguro naman ay wala. And she was desperate; she was willing to do everything just to make her father's health okay...

At bilang anak na nagmamahal sa ama, anumang paraang maiisip niya para makatulong dito ay gagawin niya...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"THE GATES of hell is close. Demetineirre is dead." malamig na imporma ni Baldassare kay Inconnu matapos ang mahabang katahimikan. Napailing si Inconnu sa sinapit ng kasamahan. Demetineirre was so feeble. He knew he'll die that way.

Bakit naman hindi? The bastard fell in love with a mortal. Dahil doon ay automatic ascend ang nangyari dito. Bumukas ang Avernus—ang gates of hell—at iniluwa ang kaluluwa. Nakasama nga nito ang babaeng mahal na sa huli ay iniwanan din dahil iyon lang ang tanging paraan para mailigtas. Ang tanging makakapag-seal lang ng pinto ay ang kaluluwa ng dating demon na naging dahilan kung bakit iyon nabuksan.

Alam na alam niya ang mga nangyari. He was watching everything discreetly, sighing and shaking his head. Kung sa kanya iyon mangyayari ay masasabi niyang hindi mauuwi sa ganoon ang lahat. Hindi siya kailanman puwedeng imaniobra ng isang mortal.

He was the wisest among three devils. He knew every technique. He thinks before he acts. He was the son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. He appears as a red soldier on a red horse. Berith died in a battle twenty years ago. Pero bago ito namatay na naipamana sa kanya ang mga techniques sa lahat ng pakikipaglaban.

At ngayong patay na si Demetineirre, automatic na sa kanya ang 66th legion. He will govern it. He was so sure of it. Any minute, the King of Underworld would declare it. May posibilidad din na ilipat na si Baldassare para bigyan ito ng sariling legion. Ang sabi ni Hades noon sa kanila ay maganda ang tandem nilang tatlo at habang buo pa sila ay hindi sila nito paghihiwalayin. Habang magkakasama sila, imposibleng matalo sila. Tama nga naman ito. Never iyong nangyari. Kaya nga sila tinawag na Legendary Devils. Because of their well-known skills and been the greatest demon of their time.

At oras na mayroong mamatay isa sa kanila ay paghihiwalayin sila para mapalakas nila ang dalawang puwersa. Hindi naman sila umaangal sa plano ni Hades. Tiwala naman sila sa desisyon nito at plano dahil alam nilang ginagawa lang nito ang sa tingin nitong makakabuti.

Day and night, it was disaster. Every demon wants to be a leader, trying to fight for the position. Every demon tries to win in the battle but unfortunately, because of two legendary left on the field, it was impossible for them to win...

"He was fucked up," sagot ni Inconnu at pumitik. Nagsipagsabugan ang mga ulo ng mga demons na nagtatangkang akyatin sila sa tore ng Avino. Isa sa mga pinakamataas na tore na pinoprotektahan nila sa loob ng maraming buwan. Nasa hilaga siya at si Baldassare ay nakatoka naman sa silangan at kanluran. Nakapag-summon na ito ng mga evil spirits na tatao sa dalawang sulok ng Avino kaya nagawa nitong puntahan siya. Ang puwesto namang iniwanan ni Demetineirre ay mga mandirigmang demons naman ang nagbabantay. Inutusan niya iyon noong biglang ma-ascend si Demetineirre limang buwan ng nakararaan.

"Right. How about you? Kung ikaw ang nasa lugar ni Dem? Ano ang gagawin mo?" usisa ni Baldassare.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Gagawin? Simple. I would never let any human influence me."

Napangisi sila ni Baldassare. Iyon ang sa tingin niyang naging pagkakamali ni Demetineirre. Hinayaan nitong maimpluwensyahan ng tao at sa huli ay nasiraan ito ng ulo. Para sa kanya, sino'ng matinong demon ang hahayaan itong malubog sa kalokohan ng pagibig? Wala! Masarap maging demon. Mayroong kapangyarihan. Mas higit silang nakakaangat sa mga tao. At hinding-hindi niya iyon ipagpapalit sa kahit na ano.

Para sa kanya, ang mga tao ay mahihinang nilalang. Ginagamit lang ang kanilang katawan pero hanggang doon na lang. Aaminin niya, nasubukan na niyang makatikim ng tao. Noong nabuksan ang pinto ng Avernus dahil kay Demetineirre, pumuslit siya. Matalino siyang diablo kaya nagawa niya. Gumawa siya ng replica noon sa tore at iyon ang iniwanan para makapasyal sa mundo ng mga tao. Itinago niya ang aura para hindi siya ma-trace ng mga kapwa demons.

May nakilala siyang babae, Nadia ang pangalan. Tubong Cebu. Maganda ito at taglay ang amoy na pangkaraniwan. Isa itong prostitute na mayroong kakaibang talento: isa itong psychic. Kakaiba ang abilidad nito dahil nakakakita ito ng mga anghel at demon. Alam ni Inconnu iyon sa unang tingin lang. Bilang demon, ramdam din niya kung sino ang tunay na nakakakita sa kanya kahit hindi pa niya pahintulutan.

Gayunman, ang kwento nito ay ayaw ni Nadia ng abilidad kaya kadalasan ay nagpapanggap ito ng walang nakikita. Hindi rin agad napansin ni Nadia na isa siyang demon dahil nasa katawang tao siya at itinago ang aura. Isa siyang guwapong lalaki sa paningin nito kaya ibinigay ng libre ang 'aliw' na ibinibenta nito.

And he gave what she wanted. He banged her until his heart's content, until she begged him to stop. Hindi lang langit ang ibinigay niya kundi namatay din ito sa ligaya. At mukhang natakot ito sa ligayang kaya niyang ibigay. Or maybe because Nadia felt that he's not just a regular human. Hindi iyon imposible. Walang normal na tao na kayang tagalan ang sex! Lima lang yata ang kinaya ni Nadia at matapos noon ay sumuko na ito.

Lust. He possessedthat deadly sin. It was normal for a demon like him. Iyon na lang yata ang tanging bagay na nakikita niya sa mga tao: ang gamitin sila ng paulit-ulit. Wala siyang ibang makitang gamit ng tao kundi iyon na lang. Bakit niya hahayaang magpakababa sa mga ito kagaya na lang ng ginawa ni Demetineirre?

"My lords, Hades summon you," anang isang mandirigmang demon na nakaluhod sa likuran nila.

Napalingon silang dalawa ni Baldassare at nagkatinginan. Nang maisip nila kung bakit sila pinatawag, napatango sila. Agad silang nagpunta kay Hades. At hindi sila nagkamali: tuluyan nitong ibinigay ang 66th legion sa kanya at binigyan ng bagong grupo si Baldassare, ang 55th legion. Namatay daw kanina ang pinuno ng grupo at si Baldassare ang napili nitong pumalit.

"Never fall in love," malamig na pagpapaalala ni Hades sa kanila. "I let Demetineirre suffer. Pero oras na mayroon pang maging ascended demon sa inyo, ako mismo ang magpaparusa. Nagkakaintindihan ba tayo?" babala nito.

"That's impossible," sagot niya saka napangisi.

"Right. Impossible," segunda ni Baldassare.

Kuntentong tumango si Hades saka siya hinarap. "Okay then. Attack this legion. I want Buer's head. Nakatanggap ako ng impormasyon na nangongolekta siya ng mga kaluluwa kaya siya lumalakas. Naghahanda siya para maatake ang kaharian ko nang tuluyang pagharian ang impyerno. Hindi ko alam kung papaano siya nakakakolekta dahil ang lahat ng kaluluwang pumapasok dito ay sa akin dumidiretso para mabinyagang demons." seryoso nitong tukoy kay Buer na siyang nagco-command ng 50th legion.

Napatango siya. "Consider it done,"

Napatango na ito at mukhang nakuntento. Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalaman na. Naghiwalay na sila ni Baldassare pagdating sa labas ng kaharian ni Hades. Si Baldassare ay nagpunta na sa legion nito at siya naman ay sa sariling legion. Hinati niya ang grupo na maiiwan sa Avino at dinala ang iba para atakehin ang 50th legion. Marami at malaki ang grupo ni Buer kaya nasisiguro niyang aabutin siya ng siyam-siyam bago makuha ang ulo nito.

But that what's important. Makukuha pa rin ni Inconnu ang ulo ni Buer kahit abutin siya ng siyam-siyam.