Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 22 - THE TRUTH

Chapter 22 - THE TRUTH

"D-DAD? DAD!" luhaang bulalas ni Sierra ng marinig itong umungol. Nataranta siya. Natutuwa at hindi alam kung papaano ito hahawakan. Alam niyang masyado pang maaga para magdiwang dahil iyon ang unang pagkakataong nagkamalay ang daddy niya. Limang araw na ito sa ICU. Hindi na ito muling nag-arrest pero hindi naman nagkamalay.

"Ugh... uhmm..." ungol ulit ng matanda. Doon na parang binuhusan ng malamig na tubig si Sierra. Agad niyang pinagana ang isip. Mabilis niyang pinindot ang buzzer na nagkokonekta sa nurse station at hindi pa naglipat segundo ay nandoon na agad ang doktor at mga nurse.

Agad nilang sinuri ang matanda. Si Sierra naman ay pilit na kinakalma ang sarili. Panay ang pahid niya sa mga luha hanggang tumalon ang puso niya ng matapos itong suriin ng doktor ay hinarap naman siya nito.

"This is a good sign. He was responding. Ipagpatuloy lang natin ang medication hanggang sa maging okay na siya," anito.

Naiyak siya sa tuwa. Sa unang pagkakataon magmula ng ma-stroke ang daddy niya, iyon ang unang pagkakataong napangiti siya. Nang mapagisa, agad siyang naupo sa tabi nito at hinawakan ang kamay nito.

"Dad, you're responding. Please, don't stop fighting. Nandito lang ako. Aalagaan kita basta huwag kang susuko. Malapit na ang birthday ninyo. Sa darating na Friday na iyon. Magpagaling kayo para hindi kayo mag-celebrate dito sa ICU," lumuluhang pampalakas niya ng loob sa ama.

"Hmmm... S-Sierra..." hirap na ungol nito. Tingin niya ay mas lalo itong hirap dahil sa nakasaksak na suction sa bibig nito. Gayunman, naiintindihan niya pa rin itong magsalita kahit pautal.

"Dad, huwag ho muna kayong magsalita. Baka makasama ho sa inyo," awat niya.

"L-Libro... b-black bible... n-nasa drawer ko sa kwarto... k-kuhanin mo... i-ikaw ang kumuha... h-huwag mong iutos sa iba..." hirap nitong bilin. Sa bawat pagsasalita nito ay ramdam ni Sierra ang kumbiksyon doon. Dama niya ang pagdidiin nito na gusto nitong masunod at gawin niya ang iniuutos nito.

"B-Black bible? A-Ano ho iyon?" takang tanong niya. Wala kasi siyang ideya sa sinasabi nito. Ni minsan, hindi niya nakitang hawak iyon ng ama kaya hindi niya alam.

Naubo na ito ng magtakang magsalita kaya hindi na niya ito pinilit. Dahil sa pagod nito kakaubo, nakatulog na ito. Napabuntong hininga na lang si Sierra. Gayunman, habang nakatitig dito ay hindi niya mapigilang mapaisip. Ano ang black bible na iyon at mukhang napakahalaga dito? O baka naman iyon ang naisip nitong paraan para gumaling ito?

Lalo siyang napaisip. His father wasn't religious. Hindi ito palasimba. Mabibilang lang ang pagkakataon nagsisimba ito. Dahil sa ideyang iyon kaya siya nagtataka ngayon.

Napahinga siya ng malalim at tinawagan ang mayordomang si Nana Lilith. Fifty five years old na ito at twenty years nang naninilbihan sa kanila. Pinapunta niya ito sa ospital para ito muna ang magbantay. Nang dumating si Nana Lilith ay umalis na siya. Wala pang ilang minuto ay nasa mansion na siya. Sa kuwarto siya ng ama dumiretso at kinalkal ang mga drawer doon.

Hanggang sa nabuksan niya ang isang drawer malapit sa bintana. Napasinghap siya ng maramdamang tila mayroong kakaibang aura ang biglang lumabas doon at nakita niyang itim na bibliya ang laman noon.

Napalunok si Sierra habang nakatitig sa libro. Nakaramdam siya ng takot at kilabot. Ni hindi niya iyon magawang hawakan! Papaano niya magagawa? Itim na itim iyon at parang mayroon siyang nakikitang itim na usok na pumapalibot doon.

Napalunok ulit siya ng sunod-sunod. Kinakalma niya ang pusong nagwawala hanggang sa nagawang kuhanin iyon at inilagay sa bag. Gusto niyang mapabuga ng hangin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang takot na nararamdaman niya sa libro. Napapaisip tuloy siya kung saan iyon nakuha ng daddy niya at kung para saan iyon. Ayaw niya namang buklatin iyon para usisain. Pakiramdam niya, hindi niya magugustuhan ang laman noon.

Napabuntong hininga si Sierra sa naging epekto ng libro sa kanya. Minabuti niyang bumalik agad sa ospital para makausap ng ama tungkol sa libro. Ito na lang ang tatanungin niya tungkol doon.

.

"Ano?! Ito ang dahilan kung bakit matagumpay tayo ngayon sa negosyo at nagkaanak kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Sierra sa ama matapos nitong ipaliwanag ang ginawang pakikipag-deal sa demon gamit ang itim na biblya. A part of her was awe to her father's guts to talk to a demon but a part of her too was so shocked, she couldn't even think how her father did that.

A part of her was sad too. Dahil sa kabila nang sakripisyo ng ama, iniwanan pa rin ito ng mommy niya. Her mom fell in love with other man. Enough reason to make her father realized that he could never have it all. Ganoon siguro ang bagay na iyon. May mga bagay na kahit gaano katindi ang ilaang sakripisyo ay mananatiling kulang, mananatiling hanggang doon na lang dahil hindi iyon nakalaan para sa isang tao.

"I-I'm sorry for having a deal with a demon... I-I'm sorry, anak... i-ito lang ang paraang alam ko noon para i-save ang marriage namin..." hirap at lumuluhang paliwanag ng matanda. Naiyak na rin si Sierra. Pinisil ng daddy niya ang kamay niya. "P-Pero alam mo... K-Kung nagkamali man ako sa desisyong ginawa ko... s-sa tuwing nakikita kita ay naalala kong mayroong tama sa lahat ng iyon... I-Iyon ay dahil naging anak ko ang isang mabuting tao na kagaya mo..."

"Dad..." luhaang anas niya. "Masaya din ako dahil sa lahat ng tao, kayo ang ibinigay sa akin. You've been a perfect parent for me. You loved me unconditionally. At mahal na mahal ko rin ho kayo... kahit anuman ang nagawa ninyong desisyon noon, who am I to judge you, dad? Naiintindihan ko kayo. I salute you for that..."

Luhaang ngumiti ito. "T-Thank you for your understanding..."

"A-Ano nang mangyayari sa inyo n'yan?" lumuluhang tanong ni Sierra.

Doon nagseryoso ang daddy niya at sinabi ang mga conditions ng demon noon. Malungkot itong ngumiti ng matapos. "I'll die on Friday. We only have three days, anak. Please, be with me until then."

"Oh my God..." anas niya at napabunghalit na ng iyak. Masakit para kay Sierra na isipin iyon. Mamatay na ang daddy niya sa Friday! Papaano niya magagawang harapin ang araw na iyon?

"I-Ibaon mo ang libro... N-Never, ever use it... H-Hindi ko ito ipapasa sa'yo kagaya nang ginawa ng nanay ko sa akin... W-Wala na rin sana akong planong ipakita ito sa'yo... S-Sinunog ko, binuhusan ng asido at kung anu-ano'ng paraan ang ginawa ko para masira pero hindi iyon nangyari... N-Naisip kong sa'yo ito ipabaon dahil ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko. A-Alam kong hindi mo ako susuwayin kapag sinabi kong ibaon mo..." paliwanag nito.

Napatango si Sierra at tinitigan ang libro. Doon niya ganap na naiintindihan kung bakit bad vibes ang pakiramdam niya sa libro. Pagaari pala iyon ng isang demon. She felt it was tainted with darkness and there's an eerie presence.

"T-Tama ng sa akin magtapos ang pakikipag-deal sa demon... I-Ibahin mo ang buhay mo, Sierra..." hirap na dagdag na bilin nito at nagkadaubo-ubo na.

Nagalala siya at agad na tinawag ang nurse. Agad nitong sinuri ang daddy niya at kinuhanan ng vital signs. Nang makatulog ang daddy niya ay doon na nagpaalam ang nurse at nanatili naman siya sa tabi nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang ama hanggang sa mayroong nabuong ideya sa isip.

What if I save my father now? Ako ang makikipag-deal para hindi pa ito mamatay? Papayag kaya ang demon?

Napalunok siya at kumabog ang dibdib dahil sa naisip. Napatingin siya sa libro at humigpit ang hawak doon. Biglang nagtalo ang kalooban niya. Naglalaban ang ideya na gamitin iyon para maisalba ang ama sa pagkakalubog sa deal o ang sundin ang kahilingan nito.

Napabuntong hininga si Sierra at mariing ipinikit ang mga mata. Naalala niya ang pagasam ng ama at natunaw ang puso niya. No. She'll never do that. She'll never break her father's heart...