Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 20 - THE DEAL

Chapter 20 - THE DEAL

"I AM here, ready to have a deal. Please... show me your true identity and I shall surrender my body..."

Nanigas ang katawan ni Silvestre Manaois ng biglang nagkaroon ng mahinang lindol matapos sabihin ang incantation na nabasa mula sa itim na biblya. Naglalaman iyon ng mga sumpa, orasyon at kung anu-anong dasal para makapag-summon ng mga kakaibang elemento sa mundo.

Galing iyon sa ina ni Silvestre bilang pamana. Noon, hindi niya iyon pinapansin. Sino ba naman maniniwala sa isang babaeng baliw? Nakamulatan ni Silvestre na itinatali ng ama ang nanay niya gamit ang kadena. Sa paa iyon nakakabit at nakatali iyon sa kama.

Laging nagwawala ang nanay ni Silvestre. Ang sabi ng kanyang ama, nagkaganoon daw ang nanay niya dahil sa paniniwala sa mga bagay na superficial. Madalas daw itong makitaang nagsasalitang magisa at tumatawa. Ang paliwanag nito: may mga nakakausap daw itong anghel o demons. Lahat sila ay hindi naniniwala hanggang sa tuluyan itong nabaliw.

Bago namatay ang nanay ni Silvestre, ibinigay sa kanya ang itim na biblya. Kung kailangan nang tulong ay iyon daw ang basahin niya. Makakatulong daw iyon. Hindi nito ipinaliwanag kung papaano napunta ang libro dito. Gayunman, sa kahuli-hulihang pagkakataon naman ay nakuha siya nitong paliwanagan tungkol sa mga nangyayari dito.

Ang sabi ng ina ni Silvestre ay hindi magkaanak ng mga magulang niya at iyon ang naging sandalan nito. Tumawag daw ito ng demon para magkaanak. Sa madaling salita ay nagtagumpay naman ito pero mayroong kapalit: ang katinuan nito. Pumayag ito. Hindi nagtagal ay nagbuntis ito sa kanya at pagkapanganak ay nabaliw.

Matapos sabihin ang lahat ay namatay na ang nanay ni Silvestre. Gimbal na gimbal din siya pero hindi niya magawang sabihin iyon sa ama. Silvestre kept that secret. Alam niyang pati siya ay masasabihang baliw oras na sabihin iyon.

Pero ngayon ay ganap na naiintindihan ni Silvestre ang sakripisyong ginawa ng ina. Kagaya nito, desperado na siya. Nanganganib na bumagsak ang negosyo niya na minana pa sa mga magulang—ang Silverware Inc., isang consumer goods company. Softdrinks, toiletries at ilang processed food ang kanilang produkto. Pati na rin ang pagsasama nilang magasawa ay malapit na ring magtapos. Natuklasan nila sa doktor na wala siyang kakayahang magkaanak. Dahil doon ay kinausap siya ng asawa at ginusto na nitong makipaghiwalay dahil sa kanyang kakulangan.

Nakakagalit dahil kung kailan kailangan ni Silvestre ang asawa ay doon siya nito iiwanan. Gayunman, dahil mahal niya ito at iyon pa rin ang matimbang ay isinatabi niya ang galit at humingi ng pangalawang pagkakataon. Sinabi niya na magpapa-second opinion sila pero sa loob-loob ay iniisip niya ang tungkol sa itim na biblya. Iyon na lang ang huling pagasa niya. Sana lang ay matupad.

Kasalukuyang nasa ancestral house si Silvestre. Doon siya agad nagpunta pagkatapos nilang magusap na magasawa. Itinago niya ang itim na biblya sa sariling kuwarto at nakahinga siya ng maluwag ng makitang nasa drawer pa rin iyon kung saan niya inilagay noon. Ni minsan ay hindi niya iyon binuklat kaya nagulat siya ng makitang kailangan niya ng mga ritual kit. Mabuti na lang ay madali lang kumuha ng dugo ng itim na pusa, itim na manok at ahas. Inilagay niya iyon sa mangkok at tinirikan ng itim na kandila sa magkabila. Mayroon din mga letrang latin na nakasulat sa paligid. Sinundan lang niya ang nakalagay sa biblya at sa tingin niya ay tama ang kanyang ginawa. Isang dasal lang, yumanig na!

"You called me,"

Napatayo si Silvestre ng marinig ang baritonong boses sa likuran. Nangatog agad ang tuhod niya. Ni hindi pa niya ito nililingon, dama agad niya ang presensya nito. Isang madilim na presensya dahil nanayo ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa takot. There was this eerie ambiance and it affects the hell out of him.

"Silvestre Manaois, forty years old. Owner of Silverware Inc. Married. Walang anak. Ano pa ba ang mga bagay na hindi ko nalalaman?"

Doon biglang napaharap si Silvestre sa nagmamayari ng tinig. Biglang kumabog ang dibdib niya ng makita ang isang itim na lalaking napapaligiran ng pulang usok. Nangilabot siya ng makitang pula ang mga mata nito. Hindi iyon kasing pula ng mga taong mayroong sore eyes kundi mapula iyon pati na rin ang mga iris. He could also smell him. He smelled like a rotten meat! Damn... he wanted to throw up!

"S-Sino ka?" pigil hininang tanong ni Silvestre.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "I am the reason why you are alive now. I am the demon your mom made a deal to..."

Parang tinadyakan ang dibdib ni Silvestre. Doon niya napatunayang totoo ang sinasabi ng nanay niya! Nadaan siya sa deal! And just like his mom, he was destined to follow her footsteps...

Kumabog ang dibdib ni Silvestre dahil sa takot. Hindi niya sukat akalaing kinaya ng ina na harapin ito. He was a demon for Christ's sake! His mom made a deal with a demon! At siya na ang susunod!

Pero naalala ni Silvestre si Sarah. Iiwanan siya nito dahil sa kakulangan niyang magkaanak. God knows how much he loves Sarah. She was his life. Noon at ngayon, ito lang ang babaeng gusto niyang makasama. Bata pa lang, minahal na niya ito. Lahat ng gusto nito, ibinibigay niya. Wala itong kahilingang hindi niya gagawin sukdulang isangla pa niya ang kaluluwa sa demonyo...

"I-I want a deal too." lakas loob niyang saad. Pinipigilan niyang huwag mangatal ang buong katawan dahil kahiya-hiya kung mao-obvious iyon dito. Mukha pa naman itong cool na cool. Balewala dito kung naistorbo man lang niya ito.

"I know. That's why you called me. Lahat ng taong tumatawag sa akin gamit ang itim na bibliya ay iyon lang naman ang gusto. Noong magbukas ang gate ng hell, pasimple kong itinapon iyan sa mundo ng mga tao para na rin makatulong," anito saka napangisi.

Napalunok si Silvestre. Gusto niyang sabihing may kapalit naman ang lahat ng tulong nito kagaya na lang ng ginawa sa kanyang ina pero sa huli ay hindi na niya sinabi. Mayroon siyang kailangan at baka maunsyami iyon oras na sagutin niya ito ng pabalang.

"Tell me what you want. Kahit gaano pa karami 'yan, gagawin ko basta maibigay mo rin ang kapalit na hihingin ko..." makahulugang anas nito.

Napalunok siya. Natatakot man sa papasukin, nilakasan ni Silvestre ang loob. Inisip niya si Sarah at negosyo. Para sa future nila ng asawa ay lulunukin niya ang lahat ng iyon... "K-Kailangan ko ng anak. Kailangan ko ring isalba mo ang negosyo ko. M-Marami akong kakumpetensya at natatabunan na ang kumpanya. M-Magagawa mo ba iyon?"

"Of course!" mayabang nitong saad saka siya nginisihan. "Paguwi mo, nagbago na ang lahat basta ba willing kang ibigay ang... kaluluwa mo sa akin."

Napatanga siya rito. Napahalakhak ito sa nakitang pagkagulat niya. Sino'ng hindi magugulat? Kaluluwa niya ang gusto nito! Ah, natatakot talaga siya.

"Alam mo, ang iyong kaluluwa ang katumbas ng kahilingan mo. Ayaw mo ba?" nakangising tanong nito.

Mariing naipikit ni Silvestre ang mga mata. Nagtalo ang isip niya. Kaluluwa niya ang magiging kapalit sa pagsasama nilang maayos ni Sarah. Magkakaanak sila nito. Bubuti ang kanilang negosyo. Sa tingin niya ay sapat ng kabayaran ang kaluluwa niya para sa lahat ng iyon.

Huminga siya ng malalim saka tinitigan ang demon. "K-Kailan mo kukuhanin ang kaluluwa ko?"

Natawa ito. Gayunman, hindi makuhang matawa ni Silvestre. Pakiramdam niya ay bibitayin na siya.

"Twenty five years. After that, your soul is mine," nakangisi nitong sagot.

"A-Ano'ng gagawin mo sa kaluluwa ko?" hindi mapigilang usisa ni Silvestre.

Nagkibitbalikat ito. "Well, isasama ko sa mga koleksyon ko. Human souls give me unending wisdom and power." anito sabay taas ang damit. Napamaang siya ng makita ang mga tila kapsula ng bala ng baril na nakadikit sa sintron nito paikot. Ang lahat ng iyon ay naglalaman ng itim na usok. Tingin niya ay iyon ang kaluluwa ng mga taong kinuha nito.

At base sa narinig at obserbasyon niya, mukhang doon kumukuha ng kakaibang kapangyarihan ang demon. Dahil doon ay mas lalo siyang natakot dito. Sa dami ng mga kapsula sa sintron nito, nasisiguro niyang napakalakas na nitong demon.

"What? Do we have a deal?" untag nito saka siya nginisihan.

Napalunok si Silvestre. Walang itinago ang demon sa kanya. Mula simula, alam na ni Silvestre ang papasukin niya kay wala siyang ibang puwedeng sisihin sa kapangahasan niyang iyon kundi ang sarili.

Pero naisip niya ulit si Sarah at ang buhay na makakasama pa ito. Sapat na sa kanya iyon sa kabila ng magiging kapalit ng buhay niya. Dahil doon ay lumakas ang loob niya.

"O-Okay. We have a deal," pigil hiningang sagot niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Lumawak ang ngiti ng demon at pumitik. Sa isang iglap, bumagsak sa palad nito ang isang itim na scroll. Ibinuklat nito iyon at nagulat siya nang sa isang iglap ay nakuha na nito ang daliri niya, sinugatan sa pamamagitan ng matulis na kuko nito saka idinikit sa papel. Sa bilis ng pangyayari, hindi pa rin nakatakas sa paningin ni Silvestre ang nakasulat na pangalan ng demon doon. Tatandaan niyang maigi iyon...

Maang siyang napatitig dito nang matapos markahan ang scroll sa pamamagitan ng dugo niya.

"Now. We have a deal," nakangisi nitong sagot saka tuluyan ng naglaho...