"SIGURADO KA ba sa gagawin mo?" seryosong tanong ni Elmer kay Dem. Madaling araw na itong dumating at dala nito ang libro na siyang susi para maibalik niya ang mga demons sa underworld. Ibinigay iyon ng pari na kaibigan ni Elmer na pinuntahan pa nito sa Pampanga dahil doon na na-destino. Ipinaliwanag nito ang mga gagawin: isang delikadong paraan na alam niyang kailangan niyang gawin para matahimik sila ni Kaye.
"Oo. Sigurado na ako. Alam ko naman na walang ibang option kundi ito. Kundi ko ito gagawin, bukas o makalawa ay ganoon din ang mangyayari sa akin. Ang mahalaga, mawala ang mga demons na siguradong gugulo sa buhay ni Kaye," malamig na sagot ni Dem pero sa loob-loob ay tunaw na tunaw siya sa lungkot.
Ang dami na niyang nabuong plano para sa kanila ni Kaye. Oras na matapos ang gulo, tutulungan niya nito. Hawak pa rin naman niya ang tatlong singsing niya. Alam niyang milyon ang halaga noon. Alam niyang makakapagsimula sila oras na maibenta iyon. Ayaw din naman niyang maging pabigat kay Kaye kaya nakahanda siyang ibenta iyon para makapagsimula sila ng maliit na negosyo. Isa pa ay ayaw na rin niya itong pumapasok sa call center dahil napupuyat lang ito. Mas magandang sarili na lang nito ang negosyo at wala pa itong magiging boss.
Pero papaano nila magagawa iyon kung nanganganib ang buhay nila? At papaano pa niya magagawa iyon kung kailangan niyang... mawala?
Napatikhim siya at isinara ang itim na libro. Kasya iyon sa bulsa niya sa dibdib at doon na iyon inilagay.
"Ikaw na ang bahala d'yan," ani Elmer saka napabuntong hininga. "Si Kaye—"
"Ako ang bahala sa kanya," malamig niyang sagot saka ito tinitigan. "Let me say this to her, okay?"
Muli, napabuntong hininga si Elmer at tumango. Inubos na niya ang kape at tumayo na. Bumalik na siya sa kuwarto at napahinga siya ng malalim ng makitang himbing pa ring natutulog si Kaye.
Tumabi siya rito at naginit ang puso niya ng automatic itong umunan sa dibdib niya. Pigil-pigil niya ang hininga. Ayaw niya itong magising kaya halos hindi siya makagalaw. Dahan-dahan ang naging kilos niya hanggang sa nakuhang yakapin ito ng mahigpit.
Damn. He didn't want to let her go. He didn't want to leave her. All he wanted to do was to be with her until the last drop of his life...
But it just so sad that there are things didn't happen the way they want them too. Napahawak si Dem sa itim na libro sa dibdib. Naiintindihan niya ang sinabi ng pari kay Elmer: mapatay man niya ang lahat ng demon na darating sa mundo ng mga tao ay wala pa rin iyong katapusan.
Magkakaroon lang ng katapusan ang lahat kung maisasara ang pinto ng underworld: ang Avernus. Maisasara lang iyon kung mawawala lang siya dahil siya ang dahilan ng pagbubukas noon. At kailangan niya iyong gawin sa kabilugan ng buwan na mangyayari sa katapusan ng buwan.
Papaano niya iyon sasasabihin kay Kaye? Linggo na lang ang bibilangin bago ang full moon. Ah, hindi niya alam kung papaano. Nanghina siya at niyakap ng mahigpit si Kaye. Sana, magkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ang buong katotohanan dito.
Katotohanang alam niyang ikagagalit ni Kaye ng husto...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"A-ANG DAMI naman nito." natatawang angal ni Kaye dahil sa napakaraming pagkaing nakahain sa mesa. Mukhang binili ni Elmer iyon dahil kaninang umaga pa ito wala. Ang sabi ni Dem ay naghahanap pa raw ito ng ibang taong makakatulong sa kanila para makagawa ng paraan maharap ang mga demons.
Gayunman, mukhang isiningit ni Elmer na makabili ng mga pagkain. Natutuwa siya na namangha. Isang bilaong pansit, puto, inihaw na manok, inihaw na karne at fruit salad. Mayroong mga softdrinks din sa mesa. Kaya pala pinaligo na siya ni Dem ay para masorpresa siya dahil ihahanda nila ang kusina. Bukod kasi sa mga pagkain at inumin ay malinis din ang kusina. Mukhang hinugasan ni Dem ang lahat. Siya dapat ang maghuhugas noon!
"Did you like it?" nakangiting tanong ni Dem kay Kaye.
Ngumiti siya ng matamis dito. "Oo naman. Nabibigla nga lang ako. Ano ba'ng mayroon?"
Natigilan si Dem hanggang sa masuyong ngumiti. "Wala namang okasyon. I just wanted to make you happy,"
Napangiti si Kaye. Napatikhim naman si Elmer at napakamot ng ulo. Natawa tuloy sila sa reaksyon nitong parang nailang sa kanilang dalawa ni Dem.
"Ang mabuti pa, kumain na lang tayo. Tatawagin ko lang sina father," ani Elmer at lumabas na.
Nagkangitian sila ni Dem. Ilang segudong lumipas iyon. Pakiramdam niya ay nagusap ang mga puso nila. Madalas mangyari sa kanila iyon ni Dem. Pansin niyang madalas siya nitong titigan ng matagal hanggang sa matunaw siya sa hiya.
Habang tumatagal na nakakasama niya si Dem, tuluyan na ring nawawala ang bakas ng pagiging demon nito. Tuluyan na itong naging tao. Nakakatuwa na hindi lang ito basta naging tao kundi taglay din nito ang mga kabutihang loob na naging dahilan kung bakit lalo niya itong minahal.
Hindi man perperkto si Dem—dahil alam ni Kaye na taglay din nito ang katigasan ng ulo ng kahit na sino'ng tao—ay mamahalin pa rin niya ito hanggang huli. Kundi nga lang siya nakapangako dito, magsa-summon siya ulit ng demon. Ngayon pa na alam na niya ang totoo? Siguradong makakapag-summon siya.
Pero dahil nakapagusap na sila nito, inaasahan din niya ang pangako nito. Iginagalang din niya ang kagustuhan nito na ito ang gagawa ng paraan. Alam niyang gagawin nito iyon at nasa likod naman siya nito sa lahat ng plano nito.
"Mahal kita." anas niya at hinaplos ang pisngi nito.
Naginit ang puso niya ng halikan nito ang palad niya. "I know. And I love you too. Always remember that, okay?" masuyong bilin ni Dem.
Tumango si Kaye. Nagiinit ang puso. Doon naman dumating sina father at Elmer. Kasama din nila ang sakristan. Sama-sama nilang pinagsaluhan ang hapunan. Magagaang kwentuhan ang pinagusapan nila hanggang sa natapos ang hapunan.
Nagpaalam sina father at ang sakristan na magpapahinga na dahil maaga pa ang misa kinabukasan. Si Elmer ay ganoon din. Maaga pa ang magiging lakad nito para maghanap ng taong tutulong sa kanila.
Natawa siya ng mapansing titig na titig si Dem sa kanya. Natatawa man, nandoon pa rin ang ilang at pagikot ng sikmura sa tuwing tinitigan siya ni Dem. Namumula ang pisngi niyang inihilamos ang kamay sa mukha nito dahil hindi niya matagalan ang titig nito. Mukhang hindi nito inaasahan iyon dahil napaigtad ito sa gulat.
Napabungisngis si Kaye. "Titig ka kasi ng titig, eh,"
Bahagya itong natawa pero hindi pa rin inalis ang tingin sa kanya. "I just want to stare at you."
Naginit na naman ang pisngi ni Kaye. Minulagatan niya si Dem para hindi nito mahalatang lalo siyang naiilang. "Makatitig ka naman kasi, parang wala ng bukas," aniya saka tumayo. Hinawakan niya ang kamay nito at napasinghap siya sa init na nagmumula dito.
"W-Where are we going?" takang tanong ni Dem nang hilahin ni Kaye.
Ngumiti siya ng matamis dito. "Sa langit," anas niya saka ito kinindatan.
Natawa ito at sumunod na lang. Hinila na niya ito palabas ng kusina. Panay ang tanong ni Dem ng lampasan nila ang mga kuwarto ni father, Elmer at sakristan hanggang sa binaybay nila ang papasok sa simbahan. Nakabisado ni Kaye iyon dahil inilibot na sila ni father doon.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ni Dem ng sumampa siya sa hagdan papuntang second floor kung saan pumupuwesto ang choir kapag mayroong misa. Natawa si Kaye ng pigilan siya ni Dem. Mukhang kailangan na niyang ipaliwanag ang dapat nilang puntahan.
"Sa may kampana lang. Tara," anas niya. Lihim siyang napangiti ng tumango si Dem at umakyat na sila. Pareho silang tahimik hanggang sa marating ang pinakaitaas ng simbahan.
Nahigit ni Kaye ang hininga ng makita ang halos buong Manila. Madilim na kaya panay ilaw ng mga gusali ang nasa paligid nila. Napapikit siya ng humangin. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang buhok niyang nakalugay at dampian noon ang mukha niya.
"You are really beautiful, Kaye." buong paghangang anas ni Dem saka siya niyakap mula sa likuran.
Naginit ang puso ni Kaye at matamis na napangiti ng halikan ni Dem ang gilid ng leeg niya. Pansin niyang paborito nitong gawin iyon at pinakagusto rin niyang ginagawa ni Dem sa kanya.
"Kaye, will you marry me?" masuyo nitong anas.
Napasinghap si Kaye ng ipakita ni Dem ang isang simpleng singsing. Simple man, alam ni Kaye na diamond pa rin ang maliit na batong nasa ibabaw ng manipis na band ng singsing. At sa kabila ng kasimplehang iyon, ramdam niya na nababalutan ang singsing ng pangakong mamahalin siya ni Dem magpakailanman...
"Dem..." naluluhang anas niya at nilingon ito. "Bakit ka ganyan? Bakit kaya mo akong biglain ng minsanan? Kanina, mga pagkain. Ngayon naman, singsing. Ano ang kasunod?"
Natigilan si Dem pero masuyong ngumiti rin ng makahuma. "Of course. Kung papayag kang pakasalan ko, kasal ang susunod."
"Oh, Dem..." naluluhang anas niya ng lumuhod si Dem at hinalikan ng ubod tagal ang palad niya. Pakiramdam talaga ni Kaye ay hawak na niya ang kaligayan at hindi iyon kailanman mawawala sa mga kamay...
"Please, let me marry you, Kaye. Payag ka bang maging asawa ng isang dating demon? I know I don't deserve someone like you. I was tainted. I was evil. Wala akong karapatang magmahal at mahalin—"
"Dem, don't say that," agad na awat ni Kaye at nagkandailing. Aba, hindi siya makakapayag na sabihin nito iyon. "You deserve me. I deserve you. We deserve to be happy, Dem. So yes. I will marry you. Sabihin mo lang kung kailan. Pakakasalan kita. Sa simbahan man o kahit na saan. Mahal kita, Dem. Mamahalin kita kahit gaano ka pa naging masama..." sinserong saad ni Kaye at hinalikan si Dem ng buong alab.
Naluha siya ng tumugon si Dem ng buong init. Ipinaramdam niya sa pamamagitan ng halik na wala itong dapat na ikatakot at ipagalinlangan. Ang mahalaga, mahal nila ang isa't isa at hindi sila bibitaw kahit na ano'ng mangyari.
"Oh, Kaye. I love you," anas ni Dem at siniil siya ng halik.
Lihim na napangiti si Kaye. Sapat na sa kanya na marinig iyon. For her, I love you was the sweetest word. And it will always be the sweetest word she'll ever hear from Dem who use to be a demon...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"I now pronounce you, husband ang wife. You may kiss the bride," nakangiting deklara ni father Arman kina Dem at Kaye matapos ang wedding ceremony. Nagpalakpakan ang dalawang witness na sina Cris at Elmer. Si Kaye naman ay halos hindi na naalis ang magandang at kinikilig na ngiti sa mukha. Kahit napakasimple ng kasal nila Kaye at Dem, sobrang saya pa rin niya. Wala ng mas sasaya pa sa araw ng kasal nila ni Dem...
Matapos nitong nag-propose ay agad nilang sinabi ang plano sa mga kasama. Natutuwa siya dahil pinayagan sila. Iyon nga lang ay hindi iyon katulad ng ibang normal na kasal. Wala silang papeles dahil hindi naman lehitimong tao si Demetineirre. Gayunman, hindi iyon naging dahilan para hindi sila maikasal.
Ang mahalaga, na-blessed ni father ang kanilang kasal at kuntento na siya doon. Simple lang naman ang naging sermonyas. Isang bestidang puti din ang suot niya at simpleng white polo naman ang suot ni Dem. May hawak din siyang isang bungkos ng puting bulaklak. Ginawan din siya ng korona ni Dem gamit ang mga bulaklak sa labas ng simbahan. Ang sabi ni Dem ay nagmukha tuloy siyang cute fairy. Tawa tuloy siya ng tawa dahil doon.
Bumilis ang tibok ng puso ni Kaye ng iharap na siya ni Dem. Napalunok siya ng makita ang init ng mga mata nito at paghanga hanggang sa dahan-dahang bumaba ang mukha para gawaran siya ng isang magaang na halik. Magaan man, dagsa pa rin ang dalang saya sa puso niya.
"I love you," anas ni Dem saka siya buong suyong tinitigan. "Always remember that, okay?"
Biglang kumabog ang dibdib ni Kaye sa sinabi nito. Pakiramdam kasi niya, nagbibilin si Dem. Madalas mang sabihin ni Dem iyon, pakiramdam ni Kaye ay iba ang pagkakataong iyon dahil nakabakasan niya ng lungkot ang mga mata nito na tila dinaya lang siya ng paningin.
Huminga si Kaye ng malalim at ipinilig ang ulo. Napa-paranoid lang siya dahil hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sila.
"Mahal din kita, Dem. Lagi mo ring tatandaan na kahit ano ang mangyari at kahit na maging ano ka pa, 'yan ang mararamdaman ko para sa'yo. Mamahalin kita hangga't nabubuhay ako," pangako niya.
Niyakap siya nito. Napapapikit si Kaye. Pinigilan niyang magisip ng kahit na ano dahil pati yakap ni Dem, nagiba. Pakiramdam niya ay parang ayaw na siya nitong pakawalan hanggang sa natatawang tinapik na lang niya ang balikat nito.
"I-I'm sorry..." nahihiyang saad nito saka siya hinalikan sa noo.
Ngumiti lang siya rito at hinarap na nila ang mga kasamahan. "Tara na?" aya niya. Nagsitanguan na sila at tumalima. Nagpunta sila sa kusina at nagsalo-salo sa isang simpleng handa na binili pa nila Cris at Elmer sa labas para huwag na silang magluto.
"Natutuwa ako para sa inyo. Sana, matapos na ang gulong ito para tuluyan na kayong makapagsimula," ani father Arman.
Napangiti siya. Iyon din naman ang gusto niya para magkaroon na sila ng happy ending ni Dem. Ayaw na rin niyang mamoroblema pa ito. Sana lang talaga ay matapos na iyon para hindi na sila magtago.
Tahimik lang sina Elmer at Dem. Siniko niya si Dem at mukhang doon lang ito nagising. Biniro niya ito. "Ano ka ba? Parang ang lungkot mo. Kakakasal lang natin. Nagsisisi ka na yata,"
Bahagya itong natawa at napailing. "I am just overwhelmed. Ako? Magsisisi? Ah... imposible. Marrying you is the best thing happened to me. Huwag mong iisipin 'yan kahit wala na ako, okay?"
Siya naman ang natigilan sa huling sinabi nito. Kinilabutan siya at parang mayroong sumuntok sa dibdib niya. "Dem naman. Ayoko ng huling sinabi mo," angal niya.
Huminga ito ng malalim at napatikhim. Napaungol siya at bahagya itong natawa. "Okay, okay," sumusukong saad nito. "I'm sorry. Come here," anito saka siya kinabig kesehodang nakaharap sina father. Hinalikan siya nito ng matagal sa noo at pinisil ang pisngi niya. "Ang lakas mo talaga sa akin. Hindi kita kayang biguin..."
Napangiti siya at pinisil din ang pisngi nito hanggang sa nagkatawanan sila. Nauwi sa masayang kwentuhan ang lahat hanggang sa matapos ang kainan. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sina father at Cris.
"Ako rin. Aalis muna." paalam ni Elmer saka siya tinanguan. Bahagyang napakunot ang noo ni Kaye dahil napansin niyang umiwas ito ng tingin sa kanya. Gayunman, hindi na niya iyon pinansin at hindi binigyan ng meaning.
"Dem, mauuna na muna ako," malamig na saad ni Elmer saka tuluyang umalis.
Napatingin tuloy si Kaye kay Dem na bigla ulit itong tumahimik. Napakunot ang noo niya ng makitang nakatitig ito sa wedding ring at sinasalat iyon sa daliri.
"Dem? Bakit?" tanong niya at hinawakan ang kamay nito. Nagtaka siya ng bahagya itong napaigtad. Mukhang nagulat sa ginawa niya pero bahagyang natawa ng makabawi.
"N-Nothing." ani Dem saka napabuga ng hangin. Ilang beses nitong ginawa iyon saka napailing. "I am just tired. Tara na sa kwarto?"
Napatili si Kaye ng buhatin siya ni Dem! Natatawang pinalo na lang niya ang dibdib nito at yumakap sa leeg. "Nakakainis ka!" natatawang asik niya rito.
Napangisi ito. "I am just excited,"
Natawa siya. "Akala ko ba pagod ka?"
"Akala ko nga rin. But guess what? Inilabas ko na ang extra energy ko para... alam mo na," anas ni Dem saka siya siniil ng halik.
Agad siyang tumugon. At bago pa sila nakalimot, agad na siyang dinala ni Dem sa kuwarto. Agad siya nitong ibinaba pagkasara ng pinto at isinandal doon saka siniil ng halik. Mainit na mainit ang mga kilos nila. Kapwa mayroong pagmamadali iyon. Magkasanib ang mga labi nila habang inaalis ang saplot ng isa't isa at napasinghap siya ng maramdama ang init nito sa kanya...
"Oh, Dem..." naliliyong ungol niya ng tumbukin nito ang leeg niya. He sniffed her, lick her skin. She groaned in pleasure...
And just like what always happened, she gave herself to Dem. She just found herself making love with him. He was behind her and she was leaning on the door. Napuno ng mga halinghing at anas ang kuwartong iyon. Naging saksi ng paulit-ulit ang kuwartong iyon sa maiinit nilang pagniniig.
Nakatulog siyang mayroong ngiti sa mga labi. Nakaunan siya sa dibdib ni Dem at magkahawak ang mga kamay nilang parehong mayroong suot na wedding ring. Amoy na amoy niya ang mabango nitong dibdib. Nakapalibot ang mainit nitong bisig sa kanya. She felt like she was home. She wanted to stay there forever...
Oh well. Ano ba'ng iniisip niya? Kasal na sila ni Dem. Iyon na ang simula ng kanilang forever. Napangiti siya sa naisip.