Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 10 - Count Me In

Chapter 10 - Count Me In

>Sheloah's POV<

Sinarado ko yung pinto at nilapitan namin si Sir Jim. "Sir… paano kayo napadpad dito," tanong ko sa kanya at sumandal siya sa kalan.

"I could ask you the same thing," sagot niya lang sa tanong ko at tiningnan niya kami at bigla niya kaming nginitian.

Yung ngiti ni Sir kakaiba. Yung mysterious yung smile, hindi mo alam kung may balak siya, o wala. Medyo nakakatakot din.

"Paano kayo napunta rito," tanong ni Sir Jim sa amin at nilapitan niya kami. Nawala bigla ang iniisip ko dahil nakuha niya ang atensyon ko.

"Sir… nakatago kami sa—" Hindi pinatapos ni Veon yung sinabi ko kasi bigla niyang hinawakan yung bibig ko para mapatahimik ako.

"Veon, ano ginagawa mo," tanong ni Josh sa kanya. Halata sa mukha niya na gulat siya dahil pinigilan ako ni Veon.

Binitawan ako ni Veon at napatingin ako sa kanya. Pati rin ako nagtataka kung bakit niya ako pinigilan.

Tiningnan niya ng masama si Sir Jim. "Kung ayaw sagutin ni Sir yung tanong natin kung bakit siya nandito, edi 'wag din nating sagutin yung tanong niya," sabi ni Veon at napabuntong-hininga siya. "Besides… sa way ng pagtrato niya sa atin ngayon, sa tingin niyo ba dapat natin siyang bigyan ng tiwala," dagdag sabi pa ni Veon at tiningnan namin ng seryoso si Sir Jim at tinawanan niya kami.

"Mga bata talaga, oo," sabi niya at sumandal naman siya sa kitchen counter at nginitian niya kami.

Oo nga… tama si Veon. Kung ayaw niya sagutin yung tanong namin, bakit namin sasagutin yung tanong niya? Nakakapagtaka rin talaga. May zombie apocalypse at nandito si Sir Jim sa home economics room? Hindi ba sa first period niya, nasa section 4E siya, sa taas pa ng section 4B? Paano siya nakarating dito, eh ang layo?

Tiningnan lang namin siya at nagsalita ulit si Sir Jim. "Don't get me wrong. Wala akong balak na manakit ng tao. Zombies, oo," sabi ni Sir at hindi parin namin siya pinansin.

Tinitingnan lang namin siya. He gave us a sigh. "Hindi talaga kayo magsasalita, 'no," sabi pa niya at tiningnan niya ako at tiningnan naman namin ni Veon ang isa't-isa, not reading and not knowing what he's up to.

"Sir naman kasi… nakakapagtaka. Nagtuturo ka sa 4E, first period in the morning at ngayon nandito ka sa home economics room. Math teacher ka," sabi ko sa kanya and he shook his head.

Pumunta siya sa likod ng counter at kumuha siya ng axe na punong-puno ng dugo. Nagulat kami at agad pumunta sa harapan yung mga kasama kong boys. They seem to be protecting me from Sir Jim.

"Chill lang," sabi ni Sir at binaba niya yung axe na hawak niya. "'Yan lang yung ginamit kong weapon papunta rito sa home economics room para kumuha ng knives," dagdag sabi ni Sir pero hindi parin gumalaw ang yung boys.

Narinig namin tumunog yung tiyan ni Sir Jim at tiningnan namin siya ng seryoso. Hinawakan ni Sir yung tiyan niya. "At para magluto rin ng merienda dahil nagugutom ako," sabi na niya at nag calm down yung boys at nilapitan ni Veon si Sir.

"Sir… yung totoo, paano ka napunta rito," tanong ni Veon at huminga si Sir ng malalim.

"I can handle myself. Ginamit ko yung axe at pinatay ko yung mga zombies," sagot naman ni Sir at tiningnan pa ni Veon ng mas seryoso si Sir.

"Hindi ba marami yung zombies," tanong pa ni Veon at sumandal siya sa wall.

Totoo nga. Ang daming zombies. Imposible naman na mapapatay lahat ni Sir 'yon with just an axe. Hindi ba mabigat ang isang axe? Can he swing that one simultaneously and repeatedly over and over again?

"Hit and run. Tatamaan ko sila at no'ng marami na, tumakbo na ako pababa rito," sagot ni Sir sa tanong ni Veon and he just shrugged his shoulder.

"I'm not still convinced," sabi na lang ni Veon at nilapitan niya ako. Hindi talaga siya naniniwala kay Sir. Well, pati rin naman ako hindi masyado naniniwala.

Umupo si Tyler at Josh sa upuan at tiningnan rin nila ng seryoso si Sir. "Well, what brings you here," tanong naman ni Sir sa kanila at umupo rin siya sa upuan malapit sa kanilang dalawa.

"Getting things for our way out of here," sagot ko na lang para kay Tyler at Josh. Ayaw ko ibigay yung full information kay Sir dahil ang suspicious niya.

"Count me in," sabi naman ni Sir at tumayo siya. Nagulat kami.

"Ha!?" Sabay sumigaw si Josh Tyler at Veon.

"Well, you need a grown up with you. Parental guidance during violence," sabi ni Sir Jim and he gave us a wink habang nginingitian niya kami. Bigla akong na creep out dahil bigla na lang nag iiba ang mood niya; from mysterious to playful.

"Err… sa tingin mo pagkakatiwalaan ka namin agad," tanong ko kay Sir at nginitian niya lang ako.

"Bahala kayo. Basta sasamahan ko kayo," sagot niya lang sa akin.

"You couldn't possibly handle those zombies alone," sabi na lang ni Sir Jim at tinitingnan lang namin siya.

Tinuro niya yung pinto at tiningnan namin. May limang zombies na ang nakaabang sa labas and our eyes grew wider tsaka namin binalik ang atensiyon namin kay Sir.

"Can you kill all of them with just the four of you," tanong ni Sir at nginitian niya kami lalo.

Inirapan ko siya. "Fine… you're in," sabi ko at tumawa siya ng onti.

Kumuha si Tyler ng maraming knives at nilagay niya sa bag ni Josh. Kumuha pa kami ng pwede naming weapons na mabibgay sa kaklase at nilagay rin namin sa bag. No'ng prepared na kami, tumingin kami sa pinto at huminga ng malalim.

"That's the spirit," sabi niya at sabay kaming pumunta sa pinto.

Hindi pa namin binubuksan. Hinawakan ni Sir Jim ang axe niya at bigla rin naging seryoso ang expression ng muka niya habang nakatingin sa mga zombies sa labas.

Can we seriously trust this guy?