>Sheloah's POV<
Yung mga zombies na tumataas dahil medyo mababaw yung roof, tinatapakan niya yung kamay at sinisipa niya yung ulo. Minsan, tatamaan niya ng stick. Gagamit rin siya ng kutsilyo. Sinasaksak mismo ni Josh diretso sa ulo niya.
Nakapasok na si Veon guard's house. No'ng nakapasok siya, sinarado niya agad yung pinto para hindi makapasok yung zombies. Yung mga zombies na nasa labas ng guard's house, binabaril ko para pagbukas ni Veon ng pinto, clear na.
No'ng konti na yung mga zombies malapit sa guard's house, sinamahan ako ni Sir Jim sa taas at sumama si Josh sa akin. Tumaas kami ni Tyler at Josh at sumisigaw na rin kami para ma-distract mga zombies na papunta sa amin.
After two minutes, napagod na kami sa kakaatake. Nakita namin yung sasakyan kung saan sila tito at family ko. Sinagasaan nila yung ibang zombies at napangiti ako sa tito ko.
"Tito," sigaw ko at kumaway siya sa amin.
Tinignan ako ni Sir Jim. "I-distract niyo para makuha ko yung family mo at tataas kami sa roof para makatakbo kami sa rooftop," sabi ni Sir at bumaba siya ng playground.
Patuloy pa rin kaming nag iingay sa taas at bigla ko nakita si Veon, palabas ng guard's house na may dalang baril, isang pouch, at susi na nakakabit sa couch. Tumatakbo si Veon papunta sa kotse, at pinagbabaril niya yung mga zombies na malapit sa kanya.
Tiningnan ko yung mga kasama ko. "Baba nalang tayo. Melee! Gamitin natin yung sticks at makipaglaban tayo on land kaysa sa mag long-range tayo rito," sabi ko sa kanila at nginitian nila ako.
"Now we're talking," sabi nilang sabay at sabay kaming tumalon, at tumakbo papunta sa mga zombies na malapit sa family ko, at pinagtatamaan namin ng malakas gamit ang stick namin.
Nagsitakbuhan yung family ko sa taas ng roof, papunta na sa rooftop. Buti naman natulungan ni Sir Jim family ko na tumaas. Sana yung ibang families din, makakapunta rito.
Lumabas ng kotse tito ko, at pinagbabaril niya mga zombies na malapit sa amin. Lumingon ako at nakita ko si Veon na nakasakay na ng service car ng school. Yung service car ng school parang jeep na white.
"Loah! Bilisan niyo at susunod kami ng teacher mo," sabi niya at may hinagis siya sa akin na naka-pouch. Tiningnan ko at nakita ko, isang grenade. Lumaki yung dalawa kong mata.
"T-tito! Hindi ako marunong gumamit ng grenade," sabi ko sa kanya at narinig ni Tyler at Josh.
"Grenade!?" Sigaw nilang sabay habang inaatake nila yung ibang zombies.
Patuloy pa rin na binabaril ni tito yung mga zombies na malapit sa amin. "Just twist and pull the pin and then throw! Pagsama-samahin niyo muna yung mga zombies sa isang grupo," sabi ni tito at tumakbo si Josh at Tyler sa tabi ko.
Tumabi yung tito ko sa akin, at papunta yung mga zombies sa amin in groups. I held the grenade tightly. Medyo kinakabahan ako kasi they come in big groups.
"Ibato mo pag sinabi kong ibato mo," sabi ni tito at tumango ako habang nagbabaril siya.
Pinunta ni Veon yung sasakyan sa likod namin at bumaba siya. "Ano na ang ginagawa niyo," tanong niya at nilapitan niya kami. Nagulat siya nang makita niya papunta ang group of zombies sa amin na medyo mabilis.
"Uy," sabi niya at hinawakan niya yung balikat ko. "Nagpapakamatay ba kayo," tanong niya and I shook my head. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa concentration at kaba ko sa sitwasyon na ito.
I'm gonna throw a grenade, dammit!
No'ng malapit na yung mga zombies, nagre-react si Tyler at Josh. "Shit, shit, shit," sabi nila ng paulit-ulit at nairita ako.
"Shut up," sigaw ko at tiningnan ako ng tito ko at tumigil naman sila sa kakasalita.
"Ibato mo na," sabi niya and I twisted the pin, hinila ko, binato ko at tumakbo kami sa likod ng service car to take cover.
Hinawakan ko yung kamay ni Veon at hinila ko siya sa likod ng service car at nagtago kami roon para hindi kami madamay sa pagsabog ng grenade.
Nakatago kami sa side ng service car at no'ng pagka upo namin sa sahig, and the moment we covered our heads, sumabog yung grenade at medyo nag shake yung ground dahil sa impact. Medyo masakit sa tainga at naging smokey yung paligid namin. Ang daming alikabok na lumilipad.
No'ng tumayo kami, bigla tumahimik yung paligid. Walang masyadong grunt ng zombies ang naririnig. Hindi pa kami umaalis sa side ng kotse dahil hindi pa masyado clear yung paligid namin dahil sa smoke ng grenade.
Ano na ang nangyari? Nawala na ba?
Safe na bang lumabas?
Bigla nawala yung iniisip ko nang biglang may nagtapik ng balikat ko. "Ah," sigaw ko at lumingon ako at bigla kong sinuntok yung nagtapik ng balikat ko kung sino man 'yon.
Nakita ko si Sir Jim na hinahawakan yung panga niya.
"Grabe ka Sheloah… hindi ako zombie," sabi niya at patuloy pa rin niyang hinahawakan ang panga niya.
I sighed at tiningnan ko siya ng seryoso. "Sorry Sir. Nabigla lang po," sabi ko sa kanya at nilapitan ako ni tito, Josh, Tyler at Veon.
"Alis na tayo. Nandito na teacher mo," sabi ni tito at tumango si Sir Jim.
Tumakbo na sila papunta sa sasakyan na dala ni tito. Pumasok si Veon sa driver's seat. Si Josh at Tyler pumasok sa likod at sinarado nila yung pinto. Yung sinakyan naming service car, isang jeep na pwede mong isara sa likod dahil may pinto.
Nawala na yung smoke at nakita namin yung mga zombies na nasa sahig pero may mga zombies din na nakatayo; yung mga hindi natamaan ng granada. Pinaandar ni Veon yung kotse at nagmaneho na yung tito ko paalis ng school.
Sinundan namin ni Veon. Pero no'ng pagkalabas namin ng school, we noticed that this is no longer the peaceful world that we know. Zombies are everywhere. This is no longer the world that we used to live in…
Welcome to "Zombie Land."