Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 1 - Paano Nga Ba?

Army of True Salvation (TagLish)

🇵🇭MysticAmy
  • 216
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 571.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Paano Nga Ba?

>Sheloah's POV<

Sinarado ng classmate namin yung pinto. Class president namin, si Dean. No'ng sinarado niya yung pinto, maraming natatakot dahil sa mga dugo na tumatalsik sa bintana namin. No'ng maraming sumigaw, yung section sa tabi namin sumigaw na Habang tumatagal, lahat na ng tao sumisigaw. Mabilis kumalat yung contamintion.

"Ano na ang gagawin natin? Mamamatay na tayo," sigaw ng isa naming kaklase at napikon ako.

"Guys, pwede ba! 'Wag kayong mag panic," sigaw ko at lahat sila tumingin sa akin. Nilapitan ako ng isang classmate namin. Si Edward.

"'Wag magpanic? Gusto mo bang mamatay, ha," sabat niya sa akin at napatawa ako.

Sinuntok ko siya sa mukha at nagulat yung mga classmates namin. Hindi pa nila ako nakita na ganito. Ang ayaw ko naman kasi sa lahat ang masyadong mainitin na tao. Eh, wala naman kagandahan ang maidudulot kung lagi kang galit.

"Mas mamamatay tayo kung pinapairal niyo ang galit niyo kaya pwede ba... 'wag tayo masyadong maingay," sabi ko at napabuntong-hininga ako.

"May plano ako. Ibaba niyo nga ang kurtina para 'di tayo makita," sabi ko at pumunta ako sa harap ng classroom.

Sinara ng ibang classmates namin yung bintana then they drew the curtains. Tumayo si Veon at pumunta siya sa may teacher's table. Willing siya makinig sa akin at alam ko mag vo-volunteer 'yan na samahan ako kahit hindi niya alam yung plano ko.

No'ng nasa harap na ako ng blackboard, maraming nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at tinignan ko sila ng seryoso.

"Alam ko na may'ron sa inyo ang nag iisip kung bakit ako nasa harap at nagfi-feeling na leader pero pakinggan niyo ako. Walang mangyayari kung wala sa atin ay mag vo-volunteer kaya ako na lang ang magsasalita for now," sabi ko at umupo sila sa sahig, para pakinggan ako.

"Wala nang arte-arte. Nangyayari na ang hindi nating inakala mangyari. Kung gusto nating mabuhay, 'wag na tayong umarte. Survival na ito. Sana maintindihan niyo," sabi ko at kumuha ako ng chalk.

Sinulat ko yung word na zombies sa harap.

"Alam niyo naman kung ano ito, 'di ba," tanong ko at tumango yung iba naming kaklase at tinuloy ko pagsasalita ko.

"Wala tayong kaalam-alam sa mga zombies pero sa mga games, animes at movies na napapanood natin, subukan natin i-apply ang kaalaman natin sa sitwasyong ito," sabi ko at nagtaas ng kamay yung isa naming classmate.

"Sheloah, tanong. I-apply natin? Paano," tanong niya sa akin at lahat ng classmates namin binalik yung tingin sa akin.

"Sa mga games na nalaro ko, napapansin ko na yung zombies pwede gumamit ng weapons, at sa una, mabagal sila maglakad at bigla na lang bibilis," sabi ko at lumapit ako sa isang window at sumilip ako ng onti. Tiningnan ko nang mabuti yung mga zombies.

Yung iba tumatakbo, yung iba naka-stable at yung iba naglalakad. Ang darning sumisigaw. Ang darning nagtatakbuhan sa labas. Marami na ang nagiging zombies at kinakagat na nila ang mga schoolmates namin.

Bakit ba kasi nagsimula sa school namin? Paano ba ito nagsimula? Dahil lang sa kagat ng isang aso? Ano bang meron sa asong 'yon?

Bumalik ako sa harap ng blackboard. "Tiningnan ko kung ano'ng nangyayari sa labas. It seems na yung mga zombies varied yung speed nila," sabi ko at yung iba nagbubulungan na.

"Paano na tayo makakatakas," tanong ng isa naming classmate. Kumuha ako ng chalk.

"One thing is proven sa mga nakikita natin in games, animes and movies," sabi ko at nagsulat ako ng malaking word na "noise" sa blackboard.

"All zombies react to noises," dagdag sabi ko at in-underline ko yung word na noise sa harap at nakuha ko yung attention ng classmates ko.

Nilapitan ako ng adviser ko at tinignan niya ako. "So what do you advise that we do," tanong niya sa akin.

"Unang-una sa lahat, 'wag tayo maingay. Onting tap ng pen, magre-react na sila. Mag pa-plano muna tayo kung paano tayo makakalabas dito," sabi ko at yung classmates ko tumango and the room fell into silence. Lahat sila tumahimik. Naririnia na lana yung bulong ko.

Ako na muna ang tumatayong leader ng section namin. Kung sino man ang ibang gamers at otakus dito na may alam tungkol sa zombies, lalapitan nila ako. Isa na kilala ko ay si Veon at ang iba ring kilala ko na gamer at okaku tulad ni Tyler at Josh.

"Tyler, Josh, Veon... tayo muna magle-lead ng klase since may alam rin kayo about zombies due to games and animes na napapanood natin," sabi ko at tumango sila. Pumunta sila sa teacher's table at nakatingin sila sa akin.

"May naisip akong plano," sabi ko at lahat ng classmates namin tumingin sa akin. "For now, ang safest place na pupuntahan natin is sa rooftop," dagdag sabi ko and I wrote the word "rooftop" sa board. "Pero... nandito tayo sa baba at nasa new building yung rooftop," sabi ko pa at nagbubulungan nanaman classmates ko sa isa't-isa.

"Paano natin mapupuntahan 'yan," tanong ni Dean, class president namin at nag drawing ako sa board.

"Sa roof ng building na ito, tatakbo tayo papunta sa rooftop," sabi ko at tumango naman sila.

"But, Sheloah... how can we do that when there are zombies around," tanong ng teacher ko at napaisip ako.

Paano nga ba?