>Sheloah's POV<
Pumunta ako sa bintana at sumilip ako. No'ng tumitingin ako sa labas, tiningnan ko yung surroundings ng school. May nakita akong mic sa harap ng section 4C. Medyo malapit yung section 4C sa section namin. 4A kasi kami. Nasa left side ang 4A, at nasa right side ang 4B, 4C, at 4D. Sa side na ito, 4A, 3A, at 3B.
Pumunta ako sa kabilang bintana at sumilip ako. Nakita ko yung bell na kailangan i-ring by moving the string. Maingay 'yan. We need that. Tumingin ako sa baba at nakita ko yung speaker room nakabukas at nakakabit pa siguro yung isang speaker diyan sa speaker ng covered court. Eh, yung covered court namin sa labas pa ng building na ito. With these sights, may naisip akong idea.
Bumalik ako sa blackboard. "Kailangan ko ng three volunteers. Three BRAVE ones," sabi ko and I emphasized the brave word. "Yung tatlo na tinawag ko kanina hindi kasama kasi kami mag a-assist ng iba papunta sa rooftop," sabi ko at tiningnan lang ako ng classmates ko.
"Any brave souls," dagdag tanong ko pa and after a few seconds, someone raised his hand.
"Ako... volunteer ako," sabi ni Dean at tumango ako.
For a class president, he knows his job well. Kahit hindi naman siya class president, alam kong magvo-volunteer parin siya. He's the type of guy who would help people in need pag seryoso siya at pag kailangan talaga nila ng tulong.
"Sino pa," tanong ko at tinaas ni Edward kamay niya, habang yung isa niyang kamay naka hawak sa ilong niya dahil sinuntok ko kanina. Hindi ko na lang pinansin na nasasaktan siya so I just nodded at him.
Naglalakad ako sa harap, at tinaas ni Ace kamay niya. "Ako, magvo-volunteer," sabi niya at nagulat kami sa initiative niya.
Si Ace? Nagvo-volunteer? Eh, bihira siya mag-volunteer! At isa pa... loko-lokong student 'yan! Siya yung student na hindi seryoso na palatawa. Nakakagulat na nagvo-volunteer siya para sa gan'tong trabaho. Nakakapanibago... pati pala ito, pwede magseryoso.
"Err... Okay. So 'yan na ang three volunteers," sabi ko na lang at nagsulat ako sa board.
"So nakita ko sa labas na may mic sa harap ng 4C, yung bell na kailangan papatunigin by string, at yung speaker room one floor down," sabi ko at tiningnan ko yung three volunteers. "And that's where you guys, show up," sabi ko at tiningnan ako ng three volunteers.
"Zombies are attracted to noises. So ang gagawin natin, ang three volunteers, gagawa ng ingay. Dean, ikaw sa may mic. Magsasalita ka roon and get the zombies attention. Pag malapit na yung mga zombies kay Dean, Edward, patunigin mo yung bell. Pag malapit na ang zombies kay Edward, Ace, tatawagin kita by phone at magpapatugtog ka ng kanta sa phone mo. Ikakabit mo sa speaker para magpatugtog yung speaker na nandoon sa covered court. Para yung zombies, pupunta roon. Turn the volume up sa speaker ng covered court," sabi ko at tumango yung mga volunteers.
I hope they understood most of my plans and I hope we won't fail later on.
"Will it be safe for the three of them," tanong ng adviser namin and I nodded at her.
"It will, miss. Kami na ni Veon ang bahala," sabi ko at tiningnan ko si Veon and he nodded at me. Binalik ko yung tingin ko sa iba kong classmates.
"As for us, habang dini-distract nila yung zombies, dadaan tayo sa roof ng building na ito papunta sa rooftop. So expect that we will do a lot of climbing. Girls, walang arte. Kung maarte kayo, mamamatay kayo," sabi ko at hindi makapagsalita yung ibang babae.
Everyone of us shouldn't be too choosy now that the unexpected had just happened. Ang pangit naman kung mayro'ng iba na maaarte. Eh, lahat naghihirap at lahat nakiki-cooperate. Madadamay ang iba kung isa sa amin ang hindi tumulong.
"Okay... gagawin na natin 'to. Pero yung school magazines natin, please i-disrtribute at i-tape ito sa right and left arm ng students. Para kung sakali kagatin kayo sa arm niyo, hindi kayo masyado makakagat. Usually, 'yon ang kinakagat pag tinutulak mo sila," sabi ko and they followed my instruction.
"Remember to keep quiet," pag papaalala ko sa kanila at pinakinggan nila ako.
Napabuntong-hininga ako at tiningnan ko ng seryoso ang mga classmates ko. No'ng natapos na, tiningnan nila ako, and they were waiting for the instructions.
"Okay... iiwan natin ang mga gamit natin dito. Kunin niyo lang yung mga kailangan niyo. Money and especially gadgets. Kailangan natin yung phones natin to call for help. Put your gadgets on silent mode para hindi natin ma-attract yung mga zombies," sabi ko at lahat sila nagsilabasan ng gadgets at nilagay ito sa silent mode.
Tiningnan ko ang isa sa brave three na nagvolunteer. "Ace, tingnan mo phone mo mamaya kasi tatawagin kita pag gagawin mo na ang part mo," sabi ko at tumango siya.
"Next, kailangan natin ng dalawang malaking bag na walang laman. Kung sino may dalang lunch and water bottles, ilagay sa dalawang bag na 'yon. Survival ito. Yung mga walang lunch, makikikain sa mayro'n mamaya. Mga guys, mag share na. Walang dapat madamot," sabi ko sa kanila and they nodded at me.
I checked everything at naka-ready na sila. I nodded at the readiness of our section.
"Okay... ito na," sabi ko at sumilip ako. "Yung dalawang zombie guards naka-stable sa harap ng pinto natin," dagdag sabi ko at tumingin ako sa classroom to look for weapons.
Napatingin ako sa bintana at napansin ko na pwede kami makakuha ng pwedeng melee weapons dito sa classroom namin.
"Veon... Bigay mo nga sa akin yang bakal ng curtain natin. 'Wag yung curtain malapit sa door. Yung curtain doon sa pinakalikod. Dalawa 'yan. Isa para sa'yo," sabi ko at kinuha niya tsaka binigyan niya ako.
Pumunta kami ni Veon sa harap ng pinto and we both took a deep breath.
"Guys... Pagbukas namin ng pinto, tataas agad si Tyler at si Josh. Lahat kayo, tataas with their help. Kung sino man yung mga nasa taas, magtulungan kayong maghilaan pataas para walang mamatay. Kami ni Veon... papatayin namin yung guard at kukunin namin yung baril. Tataas kami agad para habang papunta kayo sa rooftop, babarilin namin yung mga zombies papunta sa three volunteers." sabi ko at tumango yung mga classmates ko na nasa likuran namin ni Veon.
"Three volunteers, be quick," dagdag sabi ko at tumango din sila. Pumunta sila sa tabi namin.
Hinawakan ko yung doorknob ng door namin. This is it... once I open the door, it's the real thing.
The real survival.