Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 5 - Next Plan

Chapter 5 - Next Plan

>Sheloah's POV<

Tumingin ulit ako sa baba at tiningnan ko yung mga nangyayari. "Veon... kailangan natin gumawa ng plano. Hindi tayo magtatagal ng isang linggo dito. Maximum natin is three days, estimated," sabi ko sa kanya.

"Oo. Pansin ko nga rin pero paano natin ito masisimulan," tanong niya sa akin at napaisip ako.

Kung ang estimated time namin dito is three days, paano kami makaka-survive at paano kami makakatakas dito in three days?

Tiningnan ko yung mga classmates ko na patuloy paring nagkukwentuhan at nagtatawanan. Kung hindi talaga kami kikilos, ang kasiyahan namin ngayon mawawala rin lang.

Tiningnan ko si Veon. "Kuha muna tayo ng resources fit for three days and then habang nandito tayo for 2 days, gagawa tayo ng plano para sa 3rd day, aalis na tayo," sabi ko sa kanya.

"Saan tayo kukuha ng resources? Food, water, clothes..." Binibilang niya mga kailangan namin at napaisip ako. Saan nga ba?

Tumingin ako sa paligid namin. Since nasa taas kami ng rooftop, kitang-kita ang ibang parte ng Baguio City at ang unang nakita ko ay sa SM. Mayroon nga ibang lugar kung saan ka pwede kumuha ng resourecs but if we're talking about complete resources at walang kulang, it's better kung pumunta kami sa isang malaking mall. Hindi naman kami gagastos ng pera so pwede naman kami kumuha ng unlimited items fit for three days.

"Sa SM," sagot ko na lang kay Veon at napamulagat siya sa sagot ko.

"SM? Sheloah, malayo ang school natin sa SM," sabi niya sa akin at sumandal ako sa railings ng rooftop.

"Alam ko, pero mostly lahat ng kailangan natin nandoon," sabi ko sa kanya at sumandal din siya sa railings ng rooftop.

"Kung doon tayo, paano naman tayo magiging ligtas? Alam mo naman, 'di ba... SM, isa siyang malaking mall at ang malaking mall, maraming tao. Ngayon na may zombie apocalypse, onti na ang tao doon, pero maraming zombies," explain niya sa akin at tiningnan ko siya.

"You have a point," sabi ko sa kanya at napaisip ako mas lalo. Nilapitan kami ni Josh at Tyler at tiningnan namin ni Veon.

"Guys, ano'ng next plan?" tanong ni Josh sa amin at tiningnan niya ako.

"Nag iisip pa nga ako, eh," sagot ko kay Josh at tiningnan ni Tyler si Veon.

"May napag usapan na ba kayo," tanong naman ni Tyler kay Veon at napabuntong-hininga naman itong isa.

"Kukuha tayo ng resources fit for three days. Para sa 3rd day natin dito sa rooftop, aalis na tayo. Kukunin natin yung resources mamaya sa SM," sagot ni Veon sa tanong ni Tyler at nagulat sila ni Josh.

"SM!?" Parehong gulat si Josh at si Tyler.

"Alam ko, malayo ang lugar. Since zombie apocalypse, marami na rin sigurong zombies doon," sabi pa ni Veon sa kanila at tiningnan nila ako.

"Sheloah… mukhang—" Hindi ko pinatapos yung sasabihin ni Josh sa akin.

Hindi naman sa selfish ako at hindi ko sila pinapakinggan pero gusto ko talaga gawin itong planong ito. For the sake of everyone, for our survival… para lahat ng pangangailangan namin nandito lang sa tabi namin.

"Sa SM talaga tayo pupunta," I said finally kasi may nagawa na akong plano.

"Give me a reason why sa SM tayo pupunta," sabi ni Tyler sa akin at tiningnan ako nila Josh at Veon seriously.

"Kasi doon natin kukunin yung resources," sagot ko sa sinabi ni Tyler and I heard him sigh deeply.

"Pero bakit doon? Gusto mo mamatay tayo ng maaga? May iba pa namang lugar, 'di ba," sunod-sunod na tanong niya sa akin and I shook my head at him. Halata sa reaction niya ang takot at kaba niya.

"Hindi tayo mamamatay. May plano ako," sabi ko sa kanya at tiningnan nila ako ng seryoso.

"Ano'ng plano," tanong ni Josh at tumingin ako sa baba at tsaka ako humarap sa railings ng rooftop at hinawakan ko ito habang pinapanood ang mga nangyayari sa baba.

"Lahat kukunin natin sa SM. Mga pagkain, tubig, damit, gamot, at iba pang mga kailangan natin. Mayro'n pang pwede pagkuhanan pero bakit sa SM ang tanong niyo, 'di ba," sabi ko at tumango yung mga kausap ko.

"Kasi hindi lang resources ang kukunin natin doon," dagdag sabi ko sa kanila at tiningnan ko sila at nginitian ko sila ng medyo masama. "Kukuha rin tayo ng mga baril at iba pang weapons," I said finally and I saw their excitement in their eyes.

"Ayun pala ang rason, eh," sabay na sabi ni Josh at Tyler at napatawa kami ni Veon.

"Problema nga lang... kung paano tayo makakapunta roon, eh, ang layo," sabi naman ni Veon at sumandal ulit siya sa railings ng rooftop.

"Gagawan natin ng paraan 'yan. For now, 'wag na muna natin bigvan ng pansin. Lalabas tayo mamayang gabi," sabi ko at tiningnan ako ni Veon, Tyler at Josh.

"Gabi? Hindi ba doon magiging wild ang zombies," tanong ni Josh sa akin.

"Well, generally true pero sa gabi usually tahimik and you know, zombies react to sound. Pupunta tayo sa SM, quietly," sagot ko sa tanong ni Josh.

"At sana naman makakapunta tayo roon ng mabilis at tahimik at the same time kasi seriously... nakakakaba," sabi naman ni Tyler at tumango ako.

"Magagawan natin 'yan ng paraan. For now, samahan na muna natin yung classmates natin," sabi ko at tumango si Tyler at Josh at pinuntahan nila yung mga classmates namin.

Umupo ako sa sahig at napabuntong-hininga ako. Tinabihan ako ni Veon. "Hindi ka rin ba pupunta sa kanila," tanong ni Veon and I shook my head.

"Pag iisipan ko muna ang lahat ng ito," sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako.

Habang nag uusap kami ni Veon, bigla kami nilapitan ng isa naming classmate with his laptop. Tiningnan namin siya ni Veon.

Yung classmate na lumapit sa amin ay si Jules, yung classmate namin na may dalang iPod, iPad, or laptop palagi. Ang classmate namin na masyadong advance pag dating sa teknolohiya. Pag may bago man na teknolohiya, alam niya na agad ang information at details pag dating doon.

"Ano'ng problema, Jules," tanong ko sa kanya at umupo siya sa harapan namin ni Veon at binuksan niya yung laptop niya.

Anong problema nito? Actually, ayaw ko 'tong guy na ito. Since pati siya, alam ko, ayaw niya sa akin. Wala akong ginagawa sa kanya at siya pa yung may ganang nagsasabi sa ibang tao ng something negative sa akin pero since ganito ang nangyayari, I will not be picky. 'Di ako tulad ng iba na sobrang nakikipag-plastikan. Ako kahit may ayaw ako, I treat them normally how I treat other people.

Nung nag-start yung laptop niya, tiningnan niya ako. "Since ganito ang nangyayari, gusto ko tumulong," sabi niya sa akin at nag type siya sa laptop niya.

"Ano naman ang maitutulong mo," tanong ko sa kanya in a nice manner at pinakita niya sa akin yung laptop niya. Nakita ko na nasa isang PDF file siya at nasa loob ang mga information about sa zombies.

"Na-download ko ito noon. Pati rin ako mahilig sa mga phenomenon tulad nito kaya nakapag-research ako," sabi niya sa akin at kinuha ni Veon yung laptop. Tumingin din ako sa laptop.