Chereads / To Get Her / Chapter 16 - "Wedding Picture"

Chapter 16 - "Wedding Picture"

Chapter 16. "Wedding Picture"

Ethina's POV

Nagising ako sa tunog ng doorbell. Kaya naman nilabas ko kung sinong nagdo-doorbell ng ganito kaaga. Paglabas ko, isang lalaki na naka-uniform ng JRS express.

"Bakit po Kuya?" Tanong ko habang nagkakamot pa ng buhok.

"Ma'am, delivery po, pa-sign na lang po." Sabi niya, nagtaka naman ako sa sinasabi niyang delivery. Pinirmahan ko ang receiving document at nilapag ng dalawa niyang kasama ang isang malaking parihabang bagay na nakabalot sa manila paper at may styrofoar pa, parang naka-frame na ewan. Ano naman kaya 'to?

"Kuya ano po ba'to?" Tanong ko tsaka hinawakan ang binaba nilang delivery.

"Wedding picture niyo po Ma'am, congrats nga po pala." Ani Kuya tsaka ngumiti. Napatango naman ako sa sinabi niya, wedding picture pala namin. "Sige po Ma'am, mauna na po kami."

"Ah, sige po." Sabi ko't nginitian sila. Pagalis nila, tinignan ko naman ang bagay na 'to, ang laki ah. Parang painting sa gallery. "Maipasok na nga." Sinubukan kong buhatin ang frame kaso, mabigat pala. "Paano na 'to? Ay, teka!"

Pinuntahan ko si Sanjun sa kwarto niya, kaso naka-lock. Baka naman tulog pa, kaya naman kinalabog ko ang pinto niya at nagsisisigaw na may problema kami. Baka kasi di siya tumayo at utusan lang ako magisang magbuhat nun.

"Sanjun, may problema tayo!" Natatarantang sigaw ko habang kinakalabog ang pinto niya. Mayamaya pa, bumukas din ang pinto niya at inis ang mukha niyang bumungad sa akin.

"Anong problema?" Singhal niya.

"Sa labas!" Sigaw ko tsaka tumakbo palabas. Naramdaman ko namang sumunod siya. Pagdating sa labas, salubong ang kilay niya akong tinignan habang nililibot ng tingin ang buong gate namin.

"Oh? Anong problema dito?" Inis niyang sabi. Ngumiti naman ako at pinaningkitan siya ng mata tsaka tinuro ang daliri ko sa baba.

"Tingin sa baba."

Sinunod naman niya ang sinabi ko at halos umusok ang ilong niya sag alit. "What the fuck is the meaning of this! Ginising mo ako dahil sa isang basura? Anong gagawin ko dito?" Sigaw niya sa akin, napatakip naman ako ng tainga sa sigaw niya. Para siyang may mega phone sa lalamunan.

"Wag ka ngang sumigaw! Hindi 'yan basura! Wedding picture natin 'yan tungak! Ang bigat eh, kaya tulungan mo akong ipasok 'yan sa loob." Sagot ko sa kanya tsaka siya tinaasan ng kilay.

"Wedding pic—Ugh! Itapon mo na 'yan!" maktol niya tsaka padabog na pumasok sa loob. Napasinghap na lang ako sa inasal niya.

"Gago? Itatapon ko lang 'to? Aba'y abnoy talaga siya!"

Since hindi niya 'rin ako tinulungan. Pinagtyagaan kong buhatin mag-isa ang life size picture frame. Successful ko namang naipasok sa loob ng bahay kaso wala na akong matres. Hayop na Sanjun na 'yan, kahit katiting na pagka-gentleman walang dumapo. Nakakainis talaga siya, gusto niya talaga akong nahihirapan.

Naupo ako sa sofa at binalatan ng manila paper ang frame na dinala ko. Pagbukas ko sa frame, namangha ako sa ganda ng kuha ko. Ang taray ng pose ko, sabi ko na nga dapat nag-audition ako sa Asia's next top model eh, ang ganda ko. Pinagmasdan ko pa ang picture ko habang nakangiti nang biglang nabaling ang tingin ko sa katabi ko na nasa picture, agad na nagdilim ang mukha ko at naningkit ang mga mata ko sa pagmumukha ni Sanjun.

"Tignan mo nga, hindi man lang ngumiti sa harap ng camera? Nakabusangot na parang janitor fish sa Pasig river, Gsh! Nakakainis ka!" Kinausap ko pa ang picture at inambahan ang pagmumukha ni Sanjun.

"Oh, isabit mo na 'yan." Napalingon ako sa likod ko, inirapan ko siya at binuhat ulit ang photo frame, hindi niya talaga ako tutulungan. Aba, kapag ako nabaog, kukulamin ko siya, paano na lang kakalat ang magandang lahi ko.

Tinanya ko ang pagsasabitan ko ng frame. Habang tinatanya ko, panay naman ang comment ni Sanjun na ke baliko raw, ke tagilid daw, di raw pantay. Ako naman sa sunod sa kanya kahit na gusting gusto ko ng ihagis sa kanya ang frame.

"Oh? Hindi pantay, ayusin mo naman!" Utos niya, binagsak ko ang fram at sinamaan siya ng inis, kanina pa ako nagpipika sa mokong na 'to eh.

"Hinayupak ka! Ayoko na! Itapon mo na lang 'yan kung gusto mo! Bahala ka na sa buhay mo!" Sigaw ko sa kanya tsaka padabog na pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na siya pinansin at naligo na, nagbihis na rin ako para pumasok sa trabaho ko. Paglabas ko, nandon pa rin siya sa sala, nakabihis na at handa ng pumasok sa office. Inirapan ko siya at naglakad na palabas ng bahay, pero nagsalita siya kaya napahinto ako.

"Umuwi ka ng maaga, kapag wala ka pa dito, di kita pagbubuksan ng pinto." Napanganga ako sa sinabi niya, aba, talaga bang wala siyang puso?

"Opo Sir Sanjun." Sarkastiko kong sabi tsaka siya inirapan at lumabas na ng bahay.

Habang naglalakad ako pasakay sa sakayan. Panay ang isip ko ng mga masasamang bagay kung ano magandang gawin kay Sanjun. Ibintin ko kaya siya ng patiwarik tsaka ihagis sa dagat? O di naman kaya isako tsaka palu-paluin ng tabla. Pwede ring iposas tapos ikulong sa kulungan ng mga buwaya. Ano kaya? Grr! Nakakainis talaga siya.

Natigil ako sa pagiisip ko ng biglang may kotseng huminto sa tabi ko. Pagtingin ko kotse ni Sanjun. Tinignan ko siya habang bakas ang pagkaurat sa mukha.

"Hoy may nakalimutan ako, isabit mo mamaya 'yung frame na 'yon. Kapag di mo nasabit 'yon, ikaw ang isasabit ko 'don." Napasinghap ako sa sinabi niya tsaka mabilis niyang pinaandar ang kotse dahilan para mausukan ako. Napaubo ako dahil sa usok ng sasakyan niya.

"Hayop kang baliw ka! Grr! Nakakainis ka na talaga!"

Pagdating sa set, pinilit kong ayusin ang sarili ko dahil umpisa pa lang ng araw, nasira na agad ng magaling kong asawa ang araw ko.

"Oh, mukhang hindi maganda ang gising mo ah?" Bati sa akin ni Direk tsaka may inabot sa aking tasa. "Kape ka muna." Nakangiti niyang sabi.

"Salamat Direk." Sabi ko't tinanggap ang kapeng binigay niya.

"Mukhang marami ka ng natututunan sa filming ah?"

"Oo nga po Direk eh, magaling ka kasing magturo, halatang marami kang alam sa paggawa ng mga pelikula." Uminom ako ng kape habang nakatingin sa kanya, tumawa naman siya.

"Ito na rin kasi ang pinangarap ko noon pa, kumbaga, ito na rin ang buhay ko. Kung wala ako sa lugar na 'to, pakiramdam ko patay na ako." Aniya't natawa sa sinabi niya, natawa rin ako sa kanya.

"Direk, close ba kayo ni Sanjun? Para kasing malayong malayo kayo sa isa't-isa, ikaw anghel siya naman demonyo." Nakita ko ang pagkabigla sa hitsura ni Direk. Patay baka isipin niyang nagpapanggap lang kami. "I mean, kakaiba siya, suplado tapos ang arte." Paglilinaw ko.

"Masasanay ka rin, kakakasal niyo pa lang eh. And I know that my brother really love you, ganun lang siya pero deep in his heart, mahal ka nun." Sabi ni Direk, sa isip-isip ko, asus, asa pa, hindi mangyayari 'yon dahil rule no. 6, bawal ang ma-inlove. Kailan ba matatapos ang pagpapanggap na ito. "Osya, back to work!"

Pagkatapos ng shooting namin ngayong araw, kasabay ko si Direk. Nagpapasama siyang bumili ulit ng noodles. Habang nasa noodle house kami naitanong niya si Raichu.

"Ayun, hindi sila magkasundo ni Pikachu, pero tahimik lang si Raichu, alam mo kung sinong maarte? Si Pikachu, ang arte, ayaw niya ng may kasama sa fishbowl niya, manang-mana sa amo niya. Buti pa si Raichu mana sayo." Sabi ko sa kanya, natawa naman siya.

"Magkakasundo rin 'yan sila, same species naman sila eh, dapat kapag ganun magkasundo kayo." Sabi ni Direk.

"Excuse me? Lalagyan po ban g peanut sauce?" Tanong ng babae sa noodle house.

"Ah opo Miss." Nakangiting sabi ko. Napabalik naman ang tingin ko kay Direk at napansin kong nakatulala siya. "Direk ayos ka lang?" Tanong ko.

"Ethina, alam mo bang—" Hindi ko na pinatapos si Direk sa sasabihin niya at dali-dali kong kinuha ang pina-take out kong noodles.

"Direk, dali na gagabihin na ako baka saraduhan ako ng pinto!" Taranta kong sabi at dali-daling lumabas ng noodle house.

Nakauwi ako kaagad at wala pa si Sanjun. Nawala ang kaba ko sa dibdib ng makauwi ako sa oras, paano na lang kung nauna siyang umuwi sa akin. Baka sa labas ako matulog. Iniwan ko muna ang noodles ko sa sala at pumunta sa kwarto para magbihis. Pagbalik ko sa sala, wala na ang noodles ko.

"'San na napunta 'yon?" Hinanap ko sa sala at sa ilalim ng sofa wala naman. Wala naman kami pusa o aso dito sa bahay. Biglang nanlaki ang tainga ko ng makarinig ko ang sunod-sunod na slurp, mukhang tunog ng kumakain ng noodles.

Pumunta ako agad sa kusina kung saan nanggagaling ang tunog na naririnig ko. Pagtingin ko, napanganga ako sa panghihinayang ng makita kong nilalantakan na ni Sanjun ang noodles ko.

"Hoy! Akin 'yan eh!" Singhal ko rito. "Bakit mo kinain?!"

"Sayo? Eh nasa sala lang eh, tsaka wala mo naman pangalan." Dahilan niya habang masarap na kumakain. Sinamaan ko lang siya ng tingin sa inis. Noodles ko yun eh.

Tinalikuran ko siya at palabas na sana ng kusina ng biglang nakarinig ako ng nabasag na bagay. Mabilis akong napalingon kay Sanjun at nakita kong wala na siyang malay habang namumula ang mukha at may mga pantal. Nanglaki ang mata ko sa nakita ko at dali-dali ko siyang nilapitan, nagkalat pa sa sahig ang basag na mangkok na may lamang noodles.

"Sanjun! Hoy Sanjun? Anong nangyari sayo? Sanjun!" Tinatapik-tapik ko ang pisngi niya pero di siya magising. Natataranta na ako. "Gosh, anong gagawin ko?" Natataranta na ako sa nangyayari at nangangatog ang tuhod sa takot at kaba. "Sanjun, gumising ka."

Wala na akong nagawa, kailangan ko siyang dalhin sa ospital. Sinubukan ko siyang buhatin, pero ang bigat niya.

"Hindi, 'yung frame nga nakaya ko eh, ikaw pa kaya?" Determinado kong sabi sa sarili ko at buong lakas ko siyang pinasan sa likod ko.

Paglabas ng bahay, hinanap ko agad ang kotse niya, kaso naalala kong hindi ako marunong magdrive, ito na nga bang sinasabi ko, dapat nag-aral akong magdrive para sa ganitong mga case.

Pasan-pasan ko pa rin siya sa likod ko habang naghihintay ng taxi sa labas ng compound namin.

"Ano bang nangyari sayo? Ano bang nakain mo?" taranta kong sabi. Narinig ko namang umungol siya. "May malay na siya."

"N-Nuts?" Mahina niyang sabi, hindi ko naman siya maintindihan.

"Ano?"

"N-Nuts." Paguulit niya. Inisip kong mabuti ang sinasabi niya.

"Allergic ka sa nuts? Bakit di mo naman sinabing allergic ka sa mani?" Sigaw ko sa kanya. May pumara naman sa aming taxi at sinakay ko siya.

Pagdating sa ospital. Dinala siya sa emergency room, maayos na daw ang lagay niya at pinainom na siya ng gamot sa allergy. Tinawagan ko si Direk since kapatid naman siya ni Sanju, hindi ko pwedeng tawagan ang Mama at Papa niya dahil baka mag-alala sila.

Nakaupo lang ako rito sa waiting area habang hinihintay ang paglabas ng doctor. Mayamaya pa, dumating na si Direk.

"Direk," napatayo ako at sinalubong siya.

"Kamusta na siya?" Nag-aalalang tanong niya.

"Maayos naman na po, pero natatakot ako." Para akong maiiyak sa kaba at takot. "Akala ko mamamatay na siya sa allergy niya."

"Ano?" Nabiglang sabi ni Direk. "Ethina, pinakain mo sa kanya 'yung noodles?" Tanong ni Direk, napatingin naman ako sa kanya at malungkot na tumango.

"Kinain niya eh, akin naman talaga 'yun, tsaka di ko naman alam na allergic siya sa mani."

"Bata pa si Sanjun may allergy na siya sa mani. Wag ka ng magalala, he'll be fine." Ani Direk at tinapik ang balikat ko.

Ilang sandali lang lumabas na ang doctor.

"May malay na siya." Sabi nito sa amin, pumasok naman ako sa loob ng kwarto at nakita ko siyang seryoso ang mukha habang nakapaling sa kanan. Nilapitan ko siya.

"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko. "Pasensya na, di ko alam na may allergy ka sa mani, ikaw naman kasi kinain mo eh." Sabi ko rito pero di niya ako pinansin. Tinignan niya ako, isang seryosong tingin.

"Sorry." Nabigla ako sa sinabi niya, hindi ko inaasahan ang sinabi niya. "Sorry Ethina."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa narinig ko. Totoo ba 'to? Bakit siya humihingi ng sorry.

"Ah, nandito nga pala si Direk." Sabi ko rito't pinapasok si Direk. Bigla namang nagsalubong ang kilay ni Sanjun at matalim na tinignan si Direk.

"What are you doing here?" Tanong ni Sanjun kay Direk.

"Ethina called me na nandito ka raw, nagalala ako Sanjun."

"Psh, sa tingin mo maniniwala ako? Maayos na ako, makakaalis ka na." Pabalang niyang sabi kay Direk. Hindi ko naman makuhang magsalita sa namamagitan sa kanilang dalawa.

"Sige, Ethina, I have to go. Take care of him." Sabi ni Direk tsaka lumabas ng kwarto.

Paglabas ni Direk, tinignan ko ang mukha ni Sanjun, nakita kong may galit sa mga mata niya. Nakita kong nasasaktan siya. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa?