Chereads / To Get Her / Chapter 20 - "To get you"

Chapter 20 - "To get you"

Chapter 20. "To Get You"

Siren's POV

Maaga akong pumunta sa office ni Sanjun to know what happened after kong isumbong si Ethina sa nangyari. Pagpasok ko, wala si Sanjun sa office niya at ang nakita ko lang ay ang secretary niya.

"Hi Ma'am Siren." Bati sa akin ng secretary niya. Tumaas naman ang kilay ko tsaka siya tinignan.

"Where's Sanjun?" Tanong ko tsaka siya nginitian.

"Ay Ma'am, wala po si Sir Sanjun." Sagot niya, nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Anong wala? Where he is?" I asked in pissed.

"Ma'am nag-take po ng leave si Sir Sanjun for three days, ang sabi niya po pupunta silang Baguio kasama si Ma'am Ethina." Paliwanag ng secretary niya.

"What?" Gulat kong sabi. "This can't be!" Maktol ko tsaka lumabas ng office ni Sanjun.

Paanong kasama niya Ethina? Tatlong araw? No way!

Habang naglalakad ako palabas ng building, bigla kong naisip ang nangyaring paguusap namin ni Caress noong nakaraang araw sa boutique ko.

"So, susuko ka na kay Shawn? After all those years na hinintay mong bumalik siya?" Ani Caress habang namimili ng dress na susuutin niya.

"Wala naman na akong magagawa Caress, hindi ko pipilitin ang isang tao na magustuhan pa ako, I'm so tired." Sagot ko sa kanya tsaka siya inirapan. Narinig ko namang natawa siya.

"Stop rolling your eyes on me my dear." Nakangisi niyang sabi. "Anyway, ayaw mo na nga at pagod ka na, so? Hindi mo na mahal?" Natahimik naman ako sa tanong niya at tinignan siya habang nakataas ang isang kilay.

"I still love him, and I admit it. But what should I do? He refused me, he rejected me for how many times!" Maktol ko tsaka naglakad papunta sa table ko at naupo.

Naglakad naman papunta sa akin si Caress dala ang isang black dress at nilapag sa table sa harap ko. Tinignan ko naman siya habang tagpo ang dalawang kilay sa inis. Pero si Caress nakangiti pa rin.

"How about Sanjun Alcantara? Di ba feeling mo, gusto ka niya?" Mas lalong nagtagpo ang kilay ko sa sinabi niya at napuno ng pagtataka ang mukha ko.

"What do you mean?"

Naglakad papunta sa likod ko sa Caress at may binulong sa akin. "Get Sanjun Alcantara and make Shawn jealous." Nanglaki ang mata ko sa binulong saken ni Caress.

"You know what, may utak ka rin pala Caress."

"Darling, wag mo kong ismolin." Aniya't tumawa.

Nakarating na ako sa parking area at sumakay sa kotse ko.

"Sa Baguio tayo." Utos ko sa driver at mabilis niyang pinaandar ang sasakyan.

Ethina's POV

Ang lamig naman. Anong oras na ba? Minulat ko ang mata ko para tignan ang oras sa orasan sa side table ko. Pero pagdilat ko, nabigla ako ng mukha ni Sanjun ang bumungad sa akin. Doon ko lang naalala ang nangyari kagabi. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya habang natutulog, ito na ang pangalawang beses na ginawa ko 'to, pero hindi ko alam may kung anong naguudyok sa akin gawin ko 'to. Para bang attract na attract ako sa mukha habang natutulog, pero kapag gising naman siya at nakabusangot ang mukha, never mind, ang sarap niyang hambalusin.

Habang nakatingin ako sa mukha niya, bigla naman siyang nagising at dumilat na rin, nagbanggaan ang mga tingin naming dalawa habang nakahiga sa iisang kama. Ang lapit ng mukha namin sa isat-isa, para ring umurong ang dila ko at hindi ko makuhang magsalita.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya, marahan naman siyang tumango bilang pagsagot sa akin. Napangiti ako dahil maayos na ang pakiramdam niya. "Mabuti naman." Sabi ko't nginitian siya, napansin ko naman ang pagseryoso ng mukha niya at pagsasalubong ng kilay niya.

"Pwede bang wag mo na akong tignan? Lumabas ka na." Supladong sabi niya, napasinghap ako bigla sa narinig ko.

"Aba, ikaw pa may ganang maginarte?" Ani ko't tumayo na sa kama. "Mukha ngang magaling ka na." Singhal ko tsaka siya inirapan.

Padabog akong lumabas ng kwarto, pero napahinto ako ng bigla kong narinig ang sinabi niya.

"Salamat, Ethina." Nilingon ko naman siya.

"Aba, naging anghel naman ngayon? Walang anuman. Sige papasok na ako." Sagot ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.

Nagbihis na ako para magtrabaho, ang next naming place ay sa Botanical Garden. Paglabas ko ng unit namin, nakasalubong ko na si Direk at ang ilang staff na palabas na.

"Good morning Ethina." Masayang bati ni Direk.

"Good morning din po Direk." Nakangiti kong bati.

"Tara na, marami pa tayong gagawin." Aya niya sa akin at sabay na kaming lumabas ng hotel. Hindi na ngayon sumama si Sanjun dahil baka mabinat lang siya, tinamad na rin siya kaya makakapagtrabaho ako ng maayos.

Pagdating namin sa Botanical Garden, nag-set up na kami agad para sa 3 scene na kukunan dito. Kahit pala tanghaling tapat malamig pa rin sa Baguio lalo pa't patapos na ang August. Habang nagte-take kami, parang dir in yata maganda ang pakiramdam ko, puyat din kasi ako kagabi dahil sa pagbabantay kay Sanjun, isama mo pa ang malamig na panahon.

Bigla akong nabahing sa tabi ni Direk kaya naman napatingin ako sa kanya at nakita ko ang gulat niyang mukha.

"Are you alright? Mukha magkakasakit ka ah?" Tanong ni Direk.

"Hindi ayos lang ako Direk don't mind me." Sagot ko tsaka bumahing ulit. "Pasensya na."

Nagpatuloy ang pagsho-shoot namin, hapon na ng matapos namin ang tatlong scene. Pero ngayon gabi naman kailangan namin i-shoot ang dalawa pang scene sa Burnham Park. Habang nag-aayos kami ng set, pabigat ng pabigat naman ang nararamdaman ko. Mukhang na-bluetooth sa akin ni Sanjun ang sakit niya ah.

"Ethina? Ayos ka lang ba?" Tanong ng isa naming staff, tumayo ako ng maayos para magmukhang masigla.

"Oo naman!" Natatawang sabi ko, pero parang nanghina ang tuhod ko at nagdilim ang paningin ko, huli ko na lang narinig ay sigaw ng mga katrabaho ko.

Pagdilat ng mata ko, nakahiga na ako sa isang kama. Napaupo ako sa kama at nilibot ng tingin ang paligid. Nasaan na ako? Sa kakatingin ko sa paligid, nabaling ang tingin ko sa labas, nakabukas kasi ang pinto. Doon nakita ko ang isang taong nakatalikod habang nakaharap sa loptop. Tinignan ko kung sino, hanggang sa mapalingon siya sa akin. Si Direk pala.

"Gising ka na pala Ethina." Nakangiting sabi niya tsaka tumayo at pumasok sa kwarto. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Ah, maayos na, medyo masakit lang ang ulo ko." Nahihiya kong sabi. "Kwarto mo 'to?"

"Hindi, sa hotel 'to." Natatawa niyang sabi. "Biro lang, naka-lock kasi ang kwarto niyo ni Sanjun kaya naman dito na lang kita dinala, sa tingin ko wala si Sanjun sa kwarto niyo."

"Wala?" Nagtatakang tanong ko. Paanong wala siya 'don eh may sakit din 'yun. "Ah, Direk, salamat pero kailangan ko ng bumalik sa kwarto ko." Mabilis akong bumaba sa kama at nagpunta sa pinto, bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang hawakan ni Direk ang kamay ko.

Natigilan ako sa ginawa niya at tinignan siya. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa aking mga mata. Ngayon ko lang siya nakitang ganito makatingin, kadalasan, nakikita kong nakangiti at masaya ang mata niya.

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko habang mariin niyang hawak ang kamay ko. Dahan-dahan niyang inilapit ito sa labi niya at hinalikan. Nabigla ako sa ginawa niya.

"Take care of yourself Ethina." Sabi niya sa seryosong boses. Kakaiba ang kinikilos ni Direk. Hindi ko naman makuha ang magsalita, o hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko. Unang beses na may humalik sa kamay ko na parang prinsesa. Ano ba itong nararamdaman ko.

Marahan kong kinuha ang kamay ko sa kanya at lumabas ng kwarto na hindi nagiiwan ni isang salita sa kanya.

Pumasok na ako sa kwarto namin ni Sanjun, pagpasok ko napasandal ako sa likod ng pinto habang malakas ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at dinamdam ang pintig ng puso ko. Anong nangyayari?

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Direk, type niya ba ako? Naaala ko ulit ang mga titig niya kanina. Ang hot ni Direk, pakiramdam ko kanina sobra akong namumula.

Natigil ang pagiisip ko ng may marinig akong kakaiba sa kwarto. Parang may nahulog, kaya naman pinuntahan ko, pagpasok ko sa kwarto, bigla akong napako sa kinatatayuan ko at halos mahulog ang panga at mata ko sa gulat sa nakita ko.

Pero ang pinakanaramdaman ko ay ang mga panang tumama sa dibdib ko. Nang makita ko 'yon, parang naramdaman ko rin ang naramdaman ko noong nakita ko si Jazzsher na may kahalikang hipon.

Since hindi naman nila ako napapansin dahil sa paglalampungan nila, tumalikod ako at mabilis na lumabas ng kwarto.

Totoo ba ang nakita ko? Si Sanjun at Siren, magkahalikan.

Tumambay muna ako sa isang park dito habang kausap sa phone si Jenina.

"Ano? Seryoso?"

"Oo, kitang kita ng dalawa kong mata." Nakabusangot kong sabi.

"Edi tapos na ang kontrata?" Nabigla naman ako sa sinabi ni Jenina.

"Anong tapos?" Nagtataka kong tanong.

"Hello, ano bang goal niyo ni Sir Sanjun? Hindi ba maipakita kay Siren na importante siya, and by the way, alam mo ba ang nangyari sa ex mo?"

"Oh? Ano? Namatay na ba?" Naninigkit ang mata kong sabi.

"Hindi, grabe ka naman, sobrang bitter naman niyan. Well, may kinakaharap siyang kaso, tax evasion."

"Oh, tignan mo? Tax lang niya di pa mabayaran."

"At si Sir Sanjun ang nagpaimbistiga sa kanya, actually noong nakaraang araw, pinaimbistigan niya lahat ng mga employee niya kung nagbabayad ba ng tamang tax, and voila, huli ang ex mo." Bigla naman akong natahimik ng mabanggit niya si Sanjun.

"Pwede ba Jenina wag mo ngang banggitn yang demonyo mong boss, naiinis lang ako eh."

"Asus, hoy don't tell me, iba na 'yan Ethina?" Pangookray ni Jenina.

"Anong iba? Tigilan mo nga ako, diyan ka na nga! Babalik na ako sa hotel." Sigaw ko't ibababa n asana ang tawag pero pinigilan niya ako.

"Sandali, Ethina ito lang ang masasabi, kung may nararamdaman ka na, get him. Yun lang babush!" Siya na mismo ang nag-end ng call. Natulala naman ako habang nakalagay pa rin sa tainga ko ang phone.

"Nararamdaman?"

Bumalik na ako sa hotel, pero pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto namin. Napaisip ako kung papasok pa ako, nasa loob si bisugo. Baka nag-eenjoy na silang mag-sex. Pero saan ako matutulog?

Wala na akong nagawa, kaya naman.

"Ethina? May nangyari ba?" Gulat na tanong n Direk. Nakayuko naman ako sa harap niya at marahan na tumingala para tignan siya.

"Direk, pwede bang makitulog?"