"Saang kalawakan na naman napunta iyang isip mo, Luna?"
Napakislot si Luna nang maramdaman ang pagsiko sa kaniya ni Dani.
Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop sa bayan nang hapon na iyon. Doon sila dumiretso pagkatapos ng klase nila.
She was thinking about how Ryu was doing and if he had started to recover.
Sa loob ng isang linggo ay hindi pa siya nakatatanggap ng balita mula kay Iris Donovan tungkol sa lagay ni Ryu. Hindi rin niya ma-contact sina Marco at Grand upang pagtanungan. They were the only ones she could call dahil ang mga ito lang ang may number siya. Ang huling beses na nakausap niya si Marco ay noong hingan niya ito ng tulong para sa psychological assistance and rehabilitation para sa mga estudyante ng CSC.
Dalawang buwan makalipas ang ginawa niyang iyon sa harap ng mga estudyante ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa unibersidad.
The students used to depend on the Alexandros when dealing with bullies that they never thought it was possible to solve the issue in a more diplomatic way.
Sa tulong ng mga estudyanteng nagtiwala at naniwala sa mithiin niya ay nag-petition sila na ipatupad ang batas sa CSC na naglalayong parusahan ang mga estudyanteng lumalabag sa Republic Act No.10627 sa pamamagitan ng community service na iminungkahi rin niya. Malaki ang naitulong ng video na kuha ni Dani upang ma-kumbinsi ang school officials.
Ang mga batas ay kasalukuyan nang nakalathala sa mga bulletin boards ng campus at kasama na rin sa revised policy ng unibersidad.
Isang beses sa isang linggo naman ay naglalabas siya ng featured story sa pamamagitan ng school newspaper katulong sina Kaki at Dani tungkol sa issue ng bullying at ang epekto niyon sa mga target/biktima at pamilya ng mga ito. Nakuha niyon ang simpatya ng karamihan na naging dahilan upang tumulong ang mga ito sa pagsugpo ng ganoong gawain sa buong campus.
Lahat ay matapang na ngayon. Matapang na ipaglaban ang tama.
Noong nakaraang buwan ay nakausap niya si Marco tungkol sa plano niyang magbigay ng tulong sa mga naging biktina ng bullying. Hindi ito nagdalawang isip na tumulong, sinabi nitong kakausapin ang grupo upang makapag-abot ng assistance na kailangan niya. At wala pang beinte-cuatro oras at may natanggap nang tawag ang unibersidad mula sa mga institusyong nais tumulong sa pagbibigay ng psychological assistance at rehabilitation sa mga taong involved.
She was thankful that the Alexandros were willing to support. Hindi naging mahirap sa kaniya na ipatupad ang nais sa pagsugpo ng napapanahong problema ng mga estudyante.
"Kanina pa kami nagsasalita pero kanina ka pa rin tulala sa ere," sabi pa ni Dani na gumising sa malalim niyang iniisip.
She took her cup of coffee and sipped. "Iniisip ko lang kung kumusta na ang kondisyon ni Ryu ngayon. Mag-iisang linggo na kaming hindi nakakapag-usap ni Tita Iris kaya nag-aalala ako."
Nangalumbaba si Kaki at sinuyod siya ng tingin. "Now, I am convinced that you are in love with Ryu Donovan."
Kinunutan siya ng noo sa sinabi ng kaibigan. "Ngayon mo lang napag-tanto 'yan?"
"Yeah. At first, I thought your guilt was just eating you. Ngayon ay talagang kombinsido akong may tama ka na nga sa kaniya."
Huminga siya ng malalim at inilapag ang tasa ng kape sa mesa bago nangalumbaba. "Bago ko pa nalaman na niloko lang ako ni Stefan ay nag-umpisa na akong hanap-hanapin ang presensya ni Ryu. Eventually, I realised that it wasn't just a normal thing. I realised that I made a big mistake. That Ryu Donovan is actually someone I want to stay in my life."
Si Dani ay ginaya rin sila at nangalumbaba rin. "I hope Ryu wakes up soon. Gusto kong makita ang reaksyon niya kapag narinig ka niyang sinasabi iyan."
Ngitian niya si Dani at muling kinuha ang tasa ng kape upang humigop. Napatingin siya sa labas ng glass wall pinagmasdan ang mga taong naglalakad sa gilid ng daan.
Yeah... I wonder how Ryu would react if he learns that I love him? Bumuntong-hininga siya nang maisip ang kalagayan nito. But before anything else, gusto kong magising muna siya.
"Ngayon ko lang napansin iyang shop na iyan d'yan sa harap," sabi ni Dani na muling kumuha ng pansin niya. Ibinalik niya ang atensyon sa dalawang kaharap at doon niya nakitang nakatingin ang mga ito sa labas ng glass wall.
"What shop?" aniya saka hinayon ng tingin ang mga nakahilerang shop sa tawid ng kalsada.
"That one." Itinuro ni Dani ang isang bagong tayong musical instrument store sa tapat ng coffee shop. Sa pamamagitan ng glass wall ay nakikita niya ang mga naka-display na iba't ibang klase ng mga instrumento— mula sa musical keyboards, drums, trumpets at gitara.
Napa-tuwid siya sa pagkaka-upo nang may ideyang pumasok sa isip. Ibinaba niya ang tasa ng kape sa mesa, hinablot ang bag sa tabi, saka tumayo.
Sinundan siya ng tingin ng dalawa.
"Where are you going? Maaga pa para umuwi," sabi ni Dani.
"Gusto kong sumilip doon," aniya sabay turo sa bagong shop. "Wanna come with me?"
*****
"A ukulele, really? Sa dinami-rami ng instrumento roon sa loob, iyan ang napili mong kunin?" nakataas ang kilay na tanong ni Dani nang makalabas sila ng store matapos niyang bilhin ang instrumentong binanggit nito.
She smiled at her friend. "May kanta akong gustong matutunan. At ang ukulele na ito ang instrumentong kailangan ko. Salamat sa pagpapahiram ng cash, Dani, babayaran kita bukas. May mga naipon ako mula sa allowance ko—"
Ipinaypay ni Dani ang palad sa ere. "Nah, keep your cash—I have plenty of it."
Umikot ang mga mata ni Kaki sa sinabi ni Dani dahilan para matawa siya. "Thank you, pero—"
"No, really. It's okay." Humalukipkip ito. "So, bakit bigla kang nagka-interes sa music? Isa ba ito sa mga hidden talent and skills mo? My gosh, Luna, paano maging ikaw?"
Bahaw siyang natawa sa naturan ng kaibigan, bago niyuko ang bitbit na malaking paperbag kung saan naka-silid ang binili niyang instrumento. "There's a certain Japanese song that I want to learn singing."
"Oh..." naitakip ni Kaki ang mga palad sa bibig. "Is it for Ryu?"
Tumango siya.
"I didn't know na ganito ka ma-in love," pumalatak si Dani. "Hindi ko ito nakita sa'yo noong kay Stefan ka nahumaling."
Hindi na siya sumagot pa at ibinaling na lang ang pansin sa daan. Hinihintay nila ang sundo ni Dani na maghahatid din sa kanila ni Kaki sa mga tinutuluyan nila.
Stefan Burgos left CSC after his sister's conviction. Ang huling narinig nila tungkol dito ay ipinasara nito ang negosyong pinamamahalaan dati ni Stella at ibinenta ang ilang mga ari-arian. He left the town and went somewhere else, malayo sa mga mata ng mga taong nakaalam sa mga nangyari.
"By the way, wala ka bang natanggap na imbitasyon mula sa Alexandros na bumalik sa Philadelphia para dumalaw kay Ryu?" tanong ni Kaki makalipas ang ilang sandali.
Umiling siya at bahagya lang nilingon ang mga ito. "Everybody's busy with their own lives now. Noong huling nakausap ko si Marco ay sinabi niyang magiging abala siya sa susunod na mga buwan kasama si Kane Madrigal dahil nagpa-plano ang mga itong magtayo ng negosyo. Si Grand Falcon naman ay kasalukuyang nagte-training na pamahalaan ang multi-billion airline business ng pamilya nila sa ilalim ng kaniyang ama. Whilst Blaze Panther is busy with his own business, and Jet Yuroshi went back to Japan. Si Seann Ventura naman ay umalis muli ng bansa para magliwaliw, alam niyo na... he's probably cruising around Carribean islands now. Si Raven Worthwench naman ay umuwi sa bayan nila. May nangyari yata at kinailangan nitong umalis muna ng Carmona. Binanggit ni Marco na plano nilang bumalik sa Philadelphia upang dalawin si Ryu, they probably haven't set a schedule yet."
Hindi na nakasagot pa ang dalawa nang humimpil sa harap nila ang sasakyang sundo ni Dani. Naunang pumasok ang dalawa, at sinenyasan siya ni Dani na sumunod na rin.
Tumango siya at umikot sa front seat. Saktong pag-upo niya sa loob ay tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya iyong inilabas mula sa kaniyang school bag at nang makitang hindi naka-register ang number ay kunot-noo niyang sinagot ang tawag.
"Hi, this is Luna."
"Luna? It's Mrs. Daria. Can you please come to the restaurant and see me? There is something I need to tell you."
*****