Pagpasok sa opisina ni Mrs. Daria ay natigilan si Luna nang makita ang anyo ng ginang. She was sitting in her executive chair, her elbows were on the table, and her hands were clasped together. Ang mga mata nito'y namumula na tila kagagaling lang sa pag-iyak.
"Mrs. Daria?" aniya sa mahinang tinig. Kanina pa siya kinakabahan. Kanina pa simula nang matanggap niya ang tawag na iyon mula rito. Pakiramdam niya'y tatalon ang puso niya sa sobrang kaba. Lalo ngayong nakita niya ang anyo ng ginang.
She was certain that it had to do with Ryu's conditon.
"Is... everything all right?" her voice almost croaked. Kaya ba niyang marinig ang dala nitong balita?
Nakita niya ang pagpakawala ng pilit na ngiti ng ginang. "I think so... Please have a sit, Luna."
Lumapit siya sa mesa nito at naupo sa silyang nasa harapan niyon. She gulped. "May... nangyari po ba kay Ryu?"
Nakita niya ang pagbagsak ng mga luha nito. At nang tumango ito ay halos malaglag ang mundo niya sa sobrang kaba. Subalit pilit siyang nagpakatatag.
"Ryu woke up."
"Oh!" she gasped and almost collapsed on the floor. Anong takot niya sa pag-aakalang may hindi magandang nangyari kay Ryu.
Ang mga luha niya'y unti-unting namuo sa kaniyang mga mata. She was just so happy she wanted to celebrate. Pero hindi niya maintindihan ang pangamba sa mukha ni Mrs. Daria.
"Aren't you happy, Mrs. Daria? Nagising na rin sa wakas si Ryu!"
Mrs. Daria softly sniffed and then looked away.
Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi kasunod ng pagkunot ng noo.
Huminga ng malalim si Mrs. Daria at nagpahid ng mga luha bago siya muling hinarap.
"Ryu has came out of a coma and thank God for that. But that isn't it, Luna."
She held her breath.
"He is currently in a vegetative state."
She frowned. And when Mrs. Daria saw her confused face, she continued,
"It means he is awake but shows no signs of being aware of his surroundings or himself, Luna."
Pakiramdam na naman niya ay para siyang mauupos na kandila. What else could go worse than a coma?
A vegetative state.
Napahawak siya sa armset ng upuan at napayuko. "What... will happen to Ryu now?"
"The... doctors told Iris and Ken that there is a fifty percent chance Ryu would eventually recover consciousness."
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang paghinga saka muling nag-angat ng tingin, "And what happens if he didn't?"
"He will remain in the vegetative or minimally conscious state for an extensive period of time until his body gets infections or multiple organ failures, and eventually... die."
"No..." umiling siya. She could not take all the information, pakiramdam niya ay masusuka siya sa tindi ng takot, kaba, at pag-aalalang naghalu-halo na sa isip at katawan niya.
Mrs. Daria teared up again, "I know exactly how you feel, Luna. Hindi madaling tanggapin pero ang magagawa na lang natin ngayon ay ang ipagdasal si Ryu."
Napayuko siyang muli at tahimik na umiyak.
"According to Iris, Ryu will be transfered and treated in an acute care hospital in Germany. The medication there will focus primarily on saving his life and stabilizing him medically. Kapag napagtagumpayan ni Ryu ang lahat ng gamutan, he will eventually undergo a high intensity program and therapies, including physical, occupational, speech and language.
Iris and Ken will do their best to bring back Ryu. Kahit pa ba ang kapalit noon ay lahat ng pera at pag-aari ng pamilya. They can't just let Ryu die. They won't let him die."
He can't die... she said in her mind. Marami pa akong kailangang sabihin sa kaniya!
"Sa ngayon ay nais na lamang ng mag-asawa na ibuhos ang lahat ng oras at atensyon kay Ryu. They will be unreachable in the next couple of weaks.. or months."
Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Naramdaman na lamang niya ang pagdantay ng kamay ni Mrs. Daria sa balikat niya.
"Pinapasabi ni Iris na nagpapasalamat siya sa mga dasal mo, Luna. Let's all hope that Ryu will recover soon."
Pinahiran niya ang mga luha saka tumango. "Thank you for... giving me an update, Mrs. Daria. I hope there is something I could do to help Ryu recover."
"Pray harder."
She inhaled softly, and then nodded her head. "I will."
"I have already told Marco about this, kausap ko siya sa telepono bago ka dumating. He is currently in Australia to visit his sick father. Sinabi niyang susunod siya sa Germany kasama ang iba pa para puntahan si Ryu. Are you coming with them?"
Sinalubong niya ang mga mata ng ginang saka tumango. "Yes. I wouldn't miss it for the world."
*****
Sa kasamaang palad, ay hindi matutuloy ang planong pagsama ni Luna sa grupo patungong Germany upang bisitahin si Ryu.
Ilang araw bago ang nakatakda nilang pag-alis sakay ng private plane ng Falcon Air patungong Germany ay muling dinala sa ospital ang daddy niya dahil sa sakit nito.
Ganoon ang laging nangyayari sa tuwing naka-schedule siyang umalis upang puntahan si Ryu. Laging nagkakasakit ang ama niya, na tila siya pinapapili ng tadhana kung kaninong tabi siya mananatili. She was torn between her father and Ryu. At gustuhin man niyang piliin ang huli ay hindi niya kayang iwan ang Mommy niya na matindi rin ang pag-aalala para sa daddy niya.
She was worried about her father, too. Pakiramdam niya ay nauubusan na rin siya ng lakas dahil sa loob ng maraming gabi ay hindi na siya nakatulog sa pag-iisip sa kalagayan ng dalawang lalaking mahalaga sa kaniya.
Pero imbes na sumama ang loob niya ay inisip na lamang niyang hindi pa marahil takdang panahon para magkita sila ni Ryu. Na may nakalaang araw— pagkakataon— para sa kanilang dalawa na magkita at magkaharap muli. At iyon ang panghahawakan niya.
"I'm sorry if I can't come," sabi niya kina Marco at Kane nang puntahan siya ng mga ito sa ospital kung saan kasalukuyang naka-confine ang daddy niya.
Ang araw na iyon ang schedule ng pag-alis ng mga ito patungong Germany, at nagsabi siya kay Marco na dumaan muna sa kaniya bago dumiretso sa airport.
"Don't worry, naiintindihan namin," sagot ni Marco sa sinabi niya. Napa-sulyap ito sa pinto ng private unit ng daddy niya. "Kumusta ang lagay ng daddy mo?"
"Nagising na siya at nakaka-usap na rin namin. Hindi naging maganda ang lagay niya sa taong ito, pero ang sabi ng doktor ay hindi naman kritikal ang sakit niya. Masyado lang kasi rin siyang naging abala sa trabaho ay nakalilimutang inumin ang maintenance na gamot."
Tumango si Marco. "Let us know if you need anything."
"Thank you, Marco." May dinukot siya sa bulsa ng suot na pantalon saka inabot iyon sa binata. "Please hand this over to Tita Iris."
Si Marco ay kinunutan ng noo nang makita ang isang memory card.
"I have emailed Tita Iris about it." Pilit siyang ngumiti sa dalawa. "Thanks for dropping by and have a safe flight."
*****
"Ryu, honey, how are you feeling...?" tanong ni Iris sa anak nang makitang nagmulat ito.
It was a cold morning in Munich, at nagising si Iris nang marinig ang mahinang pag-ungol ni Ryu. He had been in a vegetative state for a week now.
Simula nang magising ito at sabihin sa kanila ng doktor ang kondisyon ni Ryu ay hindi sila nagsayang ng panahon ng kaniyang asawa. They flew Ryu to the most equipped hospital in Germany to seek advance treatment there.
Ryu had shown signs of progress in the passed couple of days. And according to his doctors, he would recover in no time.
Simula nang madala si Ryu doon at madapatan ng medikasyon at treatment na kailangan nito sa kasalukuyang kondisyon ay nakitaan ni Iris ng magandang progreso ang anak.
Ryu would often go back to sleep-wake cycle with periods of eye opening and eye closing, but she could see improvement in his condition as days passed by. May pagkakataong nakikita niyang sinusundan na ng tingin ni Ryu ang ilaw at napapaiyak siya sa tuwa. Somehow, little by little, Ryu was making progress. And for Iris— it's better than nothing.
"Do you need anything, honey? Do you want some music played?" muli niyang kausap sa anak.
The doctors have suggested to always play music in the room as it can spark some form of consciousness from the patient. Kaya sa tuwing nakikita niyang nakamulat ang mga mata ng anak, she would always open the speaker and play all his favorite songs, mostly in Japanese.
Ibinalik niya ang pansin sa anak na nakatingin lang ng diretso sa kisame. Sinuyod niya ito ng masuyong tingin bago ito hinalikan sa noo.
That tragic incident had left scars on Ryu's face. Sa ulo nito ay naroon pa rin ang malaking pilat mula sa pinag-daanang mga operasyon. At nanlulumo pa rin siya sa tuwing nakikita ang mga pilat na iyon, subalit pilit na lamang niyang tinatatagan ang sarili. At least, Ryu was able to live.
Muli niyang hinalikan sa noo ang anak bago tuwid na tumayo at lumapit sa speaker na nasa ibabaw ng cabinet sa harap ng hospital bed nito. Akma niya iyong bubuksan nang marinig ang marahang pagbukas ng pinto. Napalingon siya at napangiti nang makita ang asawa. Sa likuran nito ay sina Marco at ang iba pa.
Sinalubong niya ang mga bagong dating ng mahigpit na yakap.
Ilang sandali pa'y lumapit na ang mga ito sa hospital bed ni Ryu, all looking happy but worried still at the same time. Isa-isa ang mga itong nagsalita at nagpakilala kay Ryu, hoping that he could hear them. Lahat ay nabuhayan ng loob nang makitang kumurap ito.
A small reaction from Ryu meant a lot to them.
Ilang sandali pa, habang kinakausap ng iba si Ryu ay nilapitan ni Marco si Iris at may inabot rito.
"Luna asked me to hand you this."
Iris smiled tenderly as she took the memory card from Marco. "Thank you." Nilingon nitong muli ang anak bago nagpaumanhin kay Marco at lumapit sa speaker.
Ilang sandali pa'y binuksan nito ang malaking flat screen tv na nakadikit sa wall, kaharap ng hospital bed ni Ryu, at doon ay hinanap ang files na nasa loob ng card.
Later on, Iris opened the folder called 'Voice of the Sea' and played the only video that's in there in full volume. Doon natuon ang pansin ng lahat.
Sa video, ay naroon si Luna at nakaupo sa sahig at nakangiting nakaharap sa camera. May hawak-hawak itong ukulele.
"Hey, Ryu. I hope you are listening and watching this right now. How have you been? I would love to be there and see you but fate didn't allow it to happen. I needed to stay and be with my family. I hope you understand."
Luna paused for a while and looked down. Later on, she sniffed and faced the camera again, forcing a smile.
"I bought this ukulele so I could practice and learn how to play it for you. I... could still remember the song you sang to me that stormy night when we got stuck in the library. I was so scared of the thunder and lightning so you played me a song..." Luna paused again, sniffing and biting her lower lip. Halata ang pagpipigil nitong umiyak.
"Little did I know that you were also scared of the thunder and needed comfort. You were afraid, too, but you chose to stay calm just to comfort me. And... I'm sorry for not asking how you felt that time."
Again, she paused to take a deep, calming breath. "Now, if it isn't too late, I want to ask you— How are you feeling, Ryu? Are you okay? Are you scared?"
Doon nag-umpisang maglaglagan ang mga luha ni Luna.
"Because I am scared, Ryu. Scared that you may not be able to wake up and not hear what I wanted to say." Pinahid nito ang mga luhang naglakbay sa magkabilang pisngi at pilit na ngumiti.
"I'm sorry—I didn't mean to cry, it's just that.... I am feeling lonely and scared." Muli, ay napasinghot ito at inayos na ang sarili.
Ilang sandali pa'y muli itong pilit na ngumiti saka tinipak-tipak ang ukulele.
"Ryu, please hear this."
She started to strum the strings and then, a melody came in.
Ang lahat ay nakatutok lang sa screen, waiting for Luna to start singing. Nakailang tikhim ito bago nag-umpisang kumanta.
sora no koe ga kiki taku te
(I wanted to hear the sound of the sky)
kaze no koe ni mimi sumase
(So I listened to the wind)
umi no koe ga shiri taku te
(I wanted to know the sound of the sea)
kimi no koe o sagashiteru
(So I looked for your voice)
aenai sou omou hodo ni
(We can't meet, but the more I think about it)
aitai ga ookiku natte yuku
(I want to see you even more)
kawa no tsubuyaki yama no sasayaki
(the murmurs of the river, the whisper of the mountain)
kimi no koe no youni kanjirun da
(reminds me of your voice)
me o tojire ba kikoete kuru
(If I close my eyes, I can hear it)
kimi no korokoro shita waraigoe
(your lilting laugh)
koe ni dase ba todoki sou de kyou mo utatteru
(If I say it loud, it might reach you, so Im singing)
umi no koe ni nosete
(along with the sea)
"Iris, look..."
Napalingon si Iris nang marinig ang pagtawag ng asawa. Nakita niyang nakayuko ito kay Ryu.
"What's wrong?" aniya saka mabilis na lumapit.
Subalit bago pa man siya masagot ng asawa ay narinig niya ang mahinang pag-ungol ni Ryu. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may mga luhang dumaloy sa mga mata nito.
Napasinghap siya ng malakas. "Oh God!"
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE