NAKAUPO sa balkonahe ng condo ni Jeyrick si Madison habang nagkakasayahan naman sa loob. Katatapos lang ng meeting nila tungkol sa paparating na events ng lalaki gaya ng concert nito at ni Paloma pati na rin ang speaking engagement nito para sa mga Lumads sa Mindanao. Kasama na siya sa team ng adviser ng binata at tumutulong sa mga speech nito. Kasama din siya sa nagde-develop ng image ng binata. Malaking role iyon. Labas na iyon sa trabaho niya pero masaya siya na nakakatulong sa transformation ni Jeyrick. Na nagge-gain ito ng confidence.
"Madison, ikinuha na kita ng cake at kape. Ako mismo ang nagtimpla niyan," sabi ni Jeyrick nang samahan siya sa balkonahe.
"Nag-abala ka pa," gulat niyang usal.
"Malakas ka sa akin."
"Thank you."
Isang matabang na ngiti ang ibinigay niya sa lalaki. Kung noon siguro ay baka kinikilig na siya sa gestures ni Jeyrick. Ngayon, hinihiling niya na ibang lalaki ang gagawa niyon sa kanya. Isang lalaki na di naman niya kasama.
"Madison, parang distracted ka na mula nang manggaling tayo sa Cordillera," siwalat ng lalaki. "Isang buwan ka nang ganyan. Parang wala sa sarili. May sakit ka ba?"
Umiling siya. "W-Wala." Wala lang talaga siya sa mood nang nagdang mga araw. Parang wala sa puso niya ang ginagawa niya. Parang robot siya nagagawin lang niya ang kailangang gawin. "Sorry. Di ko ba nagagawa nang maayos ang trabaho ko?"
"Hindi naman. Marami ka ngang naitulong sa akin mula nang ma-interview mo ako. Maraming akong natutunan. Nariyan ka pa rin para protektahan ako sa mga isyu sa akin. Pero pakiramdam ko di ka na masaya na i-cover ako."
Umiling siya. "H-Hindi. Gusto ko ang trabaho na ito."
Mataman siyang tinitigan ni Lerome. "Yung totoo? Ito ba talaga ang gusto mo? Gusto mo ang trabaho mo pero masaya ka ba dito? Iba ka kasi noong nakita kitang nagha-handle ng travel program. Kahit noong nahuli ka namin ni Lerome na naghajhanap ng marijuana plantation. Kahit pa palpak ka noon, buhay na buhay ka nang ipinagtatanggol mo ang trabaho mo. Iyon ang Madison na kilala ko."
Huminga nang malalim ang dalaga at inisip kung ano ang kalagayan niya ngayon. Para sa isang reporter na galing sa probinsiya, maganda ang kalagayan niya. Bukod sa nakakapag-report siya sa national news tungkol kay Jeyrick at may report din siya sa regional news dahil si Jeyrick ang paboritong anak ng Cordillera sa ngayon. Isama pa ang mobile channel ni Jeyrick kung saan siya din ang nagre-report para dito. Hindi man iyon kontrobersiyal at investigative news o pang-Pulitzer pero magandang hakbang na iyon patungo sa pangarap niya. Pero bakit di siya masaya? Bakit di siya makakuha ng satisfaction sa mga accomplishments niya ngayon? Hinahanap niya ang malamig na simoy ng hangin, ang pagbaba ng ulap sa kabundukan, ang mga pine trees at ang sintunadong boses ni Lerome. Ngumiti siya nang maisip ang binata. Iyon ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanya. Alam na niya kung ano ang gusto niya. Alam na niya kung ano ang magpapasaya sa kanya.
Dahan-dahan na dumilat si Madison at ngumiti kay Jeyrick. "Sa palagay ko hindi na ako ang dapat na mag-cover sa iyo."
Nagulat ang lalaki. "Akala ko ba pangarap mo na mag-cover dito sa Manila. Pwede ka naman magpa-assign sa ibang assignment kahit hindi sa akin. Kahit police beat siguro kung gusto mo talaga sa news."
Umiling si Madison. "Hindi. Akala ko ito ang gusto ko. Na dito magtrabaho sa Manila, ang sumikat at makilala. Akala ko ikaw ang gusto kong makasama... Kasi gusto kita."
Natilihan ang lalaki. "Gusto mo ako?"
"Dati. Bago kita awayin dahil itinutukso mo ako kay Lerome," pag-amin niya at nagkibit-balikat. "Pero wala na iyon. Di dahil may girlfriend ka na o di mo ako magugustuhan. Di ito personal, Jeyrick. Gusto kong i-cover ka. Nakikita ko kung paano ka mag-improve at kung paano ka pa lalong sumikat. Masaya ako na nakikita kung paano mo binibigyan ng inspirasyon ang out of school youths at mga katutubo sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Tinuturuan mo rin na mawala ang diskriminasyon sa mga indigents sa bansa. Masaya ako na naiaahon mo ang pamilya mo sa kahirapan. You represent a lot of good things in life."
"Pero hindi ako si Lerome."
Nagsalubong ang kilay ni Madison. "Bakit sa kanya napunta ang usapan?"
"Tumatawag si Lerome sa akin para kumustahin ka." Ngumuso ito. "Siya ang laging nagbibilin sa akin na alagaan ka. Sabi ko nga ligawan ka na lang niya at tigilan na niya ang pagiging torpe niya. Pero di ka naman daw niya gusto."
Nakuyom ni Madison ang palad. "Sinungaling siya! Sabi niya sa akin sa Lake Tufub gusto niya ako..." Natigilan siya nang makitang nakangisi ang lalaki.
"Ahhhh! Sinabi naman pala niya."
Yumuko siya. "Pero ayaw na daw niya akong magustuhan dahil ayaw daw niyang pigilan ako na abutin ang mga pangarap ko. Bakit ba ganoon siyang mag-isip?"
"Mahal ka ni Lerome. Para sa isang tao na ayaw magmahal dahil takot na masaktan, handa siyang isakripisyo ang kaligayahan niya para sa iyo. Sinabi niya na mahal ka pa rin niya kahit sa huli alam niyang aalis ka."
Tumayo siya. "Hindi ako umalis. Nag-walkout siya sa akin."
Jeyrick gave her a kind smile. "Kailangan niyang gawin iyon para sumaya ka."
Humalukipkip siya. "At paano mo naman natiyak iyan?"
Lumungkot ang mga mata nito kahit na may ngiti sa labi. "Alam ko ang pakiramdam ng magparaya para sumaya ang taong importante sa akin. Makita ko lang siyang masaya at natupad ang pangarap, masaya na rin ako."
Tumaas ang kilay niya. "Bakit di mo ata ikinukwento sa akin iyang love life mo?"
Iniwas nito ang tingin. "Tungkol sa pamilya ko iyon..."
"Love life pinag-uusapan dito. Magkaiba ba iyon. May kinalaman ba kay Paloma iyan?"
Tumaas ang kilay nito. "Bakit ko naman ikukwento sa iyo samantalang di mo na ako iko-cover. Hindi ito ang mundo para sa iyo, Madison. Alam ko na di ka na masaya dito. At ang pangarap mo, di mo mahahanap sa lugar na ito."
"Anong gagawin ko?" tanong niya at pinagsalikop ang palad.
"Masaya ka ba kapag kasama si Lerome??"
"Oo."
"Gusto mo ba siyang makasama kaysa sa akin?"
"Yes."
Alam niya kung ano ang gusto niya. Alam niya kung ano ang magpapasaya sa kanya pero hindi niya alam kung paano iyon makukuha.
"Gusto mo ba siyang makasama kahit na wala ka sa Manila?"
"My heart is not here. Gusto ko siyang makasama."
"Mas gugustuhin mo bang bumalik sa bundok kahit na i-cover ang pagsikat ko?"
"Oo. Maisip ko lang ang ngiti niya, sumasaya na ako. I miss his voice. Ang totoo, noon pa sana ako sumuko sa coverage dito sa Maynila kundi dahil sa pagpapalakas niya sa loob ko. Gusto niya bantayan kita. Gusto niya alalayan kita. Pero kung may pagkakataon, gusto ko ng mas simpleng buhay. Malayo sa kontrobersiya. Tahimik na buhay kasama si Lerome."
Tumango si Jeyrick at tumayo. "Alam mo na kung anong gagawin mo. Desisyon mo na lang ang kailangan. Naghihintay lang si Lerome sa iyo kung saan mo siya iniwan."