Chapter 122 - Chapter 42

NAKAUPO sa balkonahe si Madison habang nagkakape. Pinapanood niya ang pagbaba ng fog sa ibabaw ng pine trees. Nakaupo siya sa kahoy na bench sa gitna ng hardin ng Eagle's Point. Matapos ang mahigit kalahating araw na biyahe, sa wakas ay nakabalik na siya sa Barlig at nakapag-relax. Malayo sa ingay ng Maynila at hectic na schedule ni Jeyrick. It was perfect. Mapapahiga na rin siya sa wakas na ilang buwan na rin pala niyang hinahanap.

Nag-ring ang cellphone niya. Isang imbing ngiti ang sumilay sa labi niya nang makita kung sino ang tumatawag. "Hello, Lerome."

"Nasaan ka? Bakit wala ka na sa mobile show ni Jeyrick? Hindi kita nakita. Are you sick or something?" nagmamadaling tanong nito.

Nagkibit-balikat ang dalaga. "Or something."

"Madison, seryoso ako sa tanong ko. Nasaan ka? Kung kailangan mo ng tulong o may nangyaring di maganda sa iyo, I need to know. Ang sabi ni Lolo Pio, hindi na daw ikaw ang magko-cover kay Jeyrick mula ngayon."

Hinalo niya ang kape. "Lerome, pumunta ka na lang sa meeting mo. Huwag mo na akong intindihin. Alam ko naman na importante ang kakausapin mo."

"Paano mo nalaman ang tungkol sa meeting ko?"

"Bye," sabi lang niya at pinutol ang tawag. Dali-dali niyang in-off ang cellphone bago pa ito makatawag muli.

Ine-enjoy niya ang wild berry pie na in-order niyang miryenda nang marinig ng dalaga ang yabag sa likuran niya. "Ma'am, I am sorry. I need to cancel our meeting. Alam ko na importante na pag-usapan ang tourism project. There is an emergency."

"At anong emergency iyon?" tanong niya at hinarap ang binata.

Naestatwa sa kinatatayuan ang lalaki. "Madison? Nandito ka?"

"Oo. Kanina pang tanghali."

Lumapit ito at hinawakan ang balikan niya. "Hahanapin dapat kita. P-Paluwas na ako ng Maynila."

"Para saan?" inosente niyang tanong.

"To check if you are okay. Hindi ka basta-basta aalis sa dream job mo kung wala kang pinagdadaanan. Nag-iba ka ba ng assignment? Ibinalik ka ba nila sa Baguio?"

Umiling siya. "No. I decided to leave my job. Nag-resign na ako sa Star Network."

"What's wrong? Kung may pinagdadaanan ka, gusto kong malaman kung may maitutulong ako. I am always here as your friend."

Humalukipkip siya. "Aaliwin mo ako. Tutulungan mo ako sa pinagdadaanan mo. Tapos magwo-walkout ka na naman sa akin dahil ayaw mong mahulog ang loob mo sa akin."

Umungol ito. "Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit kailangan kong lumayo."

"Wala akong pakialam sa rason mo pero di ka na pwedeng mag-walkout sa akin ngayon. Wala ka na ring emergency dahil nandito na ako. Shall we start with the meeting?" aniya at umupo sa bench.

Napanganga ang lalaki sa kanya. "Ikaw ang ka-meeting ko?"

"Yes. Kaya ako nandito para tulungan kayong i-launch ang Barlig at ang Mountain Province sa international market," puno ng kompiyansang wika ng dalaga.

Marahang umupo si Lerome sa tapat niya, bakas pa rin sa mukha ang pagkamangha. "Akala ko si Miss Franz ang tutulong sa akin para sa promotion materials ng tourism ng Barlig."

Ikiniling niya ang ulo. "Pinakiusapan ko lang siya para mag-set ng appointment. Ako ang tutulong sa iyo."

Binuksan niya ang laptop. "May idea ka na ba kung anong approach ang gagamitin mong approach para sa Barlig?"

"Bakit ka umalis? Bakit ka nandito? Hindi ba gusto mong makasama si Jeyrick at sa Manila magtrabaho?"

"Hindi na ako masaya doon," kaswal niyang sagot at itinipa ang password sa laptop niya. "Masyadong maingay at traffic sa Manila. Hindi na healthy ang schedule. Pakiramdam ko magkakasakit ako."

Ginagap nito ang kamay niya. "Madison, makakatulong iyon sa career mo..."

"Ano ba ang mas mahalaga sa iyo, ang career ko o ang kaligayahan ko?"

Natigilan ito. "Ang kaligayahan mo siyempre."

Direkta niyang tiningnan ang mga lalaki sa mata at isinalikop ang isang palad sa kamay nitong nakahawak sa kanya . "Nandito ako. Dito ako masaya, kasama ka. Ikaw ang gusto kong makasama. I am in love with you, Lerome."

Naghalo-halo ang saya, pagkagulat at pati na rin kalungkutan at panghihinayang. Inilapat nito ang kamay niya sa pisngi nito. "Madison, nagsasakripisyo ka ba para sa akin? Iba ang gusto mo para sa malayo ito sa pangarap mo."

"Inisip ko kung anong makakapagpasaya sa akin. Sabi ni Papa, kahit ano na makakapagsilbi sa bayan. Di ko naman siguro kailangan ng Pulitzer Prize. Di ko rin kailangan na mag-cover ng malalaking events para lang mapasaya ang sarili ko o maramdaman ko na may silbi ako. My heart is here with you. Gusto kitang tulungan sa mga pangarap mo. Na-hire na ako ng provincial office para sa pag-improve ng tourism. Di ba pagsisilbi din iyon sa bayan?"

"Pero di mo kailangang gawin ang sakripisyo na ito."

"Maliit na bagay lang ito. Sa loob ng ilang taon, hinahanap ko kung ano ang totoong magpapasaya sa akin. Sinikap ko na lumipad nang mataas, ang abutin ang langit. Pero kahit anong taas pala ng lipad ko, di ko pala doon mahahanap ang kaligayahan. Isang pugad na makakanlungan pala ang kailangan ko - sa piling mo, sa mga bisig mo. Gusto kong makasama mo na mula ngayon."

Ikinulong nito ang magkabilang pisngi niya sa palad nito at kinintalan ng mariing halik ang labi niya. Nang magtagpo ang labi nila, napawi ang lungkot niya sa mga panahon na hindi sila magkasama. Parang buhay na buhay ulit siya. Ito ang pakiramdam na matagal na niyang hinahanap. Parang nagkaroon ulit siya ng bagong buhay. Ito ang pinili niya - ang maging masaya sa piling ni Lerome.

"Madison, hindi ko inaasahan ito. Sanay naman akong mag-isa. Kaya ko naman na tiisin kahit malayo ka sa akin. Hindi ko inaasahan na pipiliin mo ako," maluha-luhang usal ng binata.

Umiling siya. "Di ka na mag-iisa ngayon."

"Sigurado ka ba na ayaw mo na ng Pulitzer nomination o makabungguang-siko ang mga sikat na artista?"

Umikot ang mga mata niya. "Lerome, masaya na ako sa pinili ko. I can still write articles and do special feature for Star News. Dadalaw pa rin si Jeyrick dito sa Cordillera kaya gusto pa rin ni Jeyrick na ako ang gumawa ng special feature para sa kanya." Yumakap siya sa leeg ng binata. "Sa ngayon, masaya ako na ikaw ang pinili ko. Ikaw ang gusto kong makasama kahit matigas ang ulo mo minsan at minsan di maganda ang reputasyon ko sa iyo. Sa huli nagtiwala ka sa akin at nirespeto mo ako. At ngayon, gusto ko na tuparin din ang pangarap mo. Makakatulong mo na ako."

"Hindi ako si Jeyrick," paalala nito.

"Hindi nga ikaw si Jeyrick kaya kasama mo ako ngayon. We can do great things together, Lerome. Basta huwag mo lang akong itaboy. Baka hindi ko na kayanin."

Kinintalan nito ng halik ang mukha niya. "Hindi. Dahil di na kita pakakawalan. I love you, Madison Jane Urbano."

"I love you, too, Mr. Sungit."

Pinanlakihan siya ng mata ng lalaki. "Anong sabi mo?"

Humalakhak si Madison. "Ang sungit mo na naman. Buti pogi ka."

Nang muli siyang halikan ni Lerome para patahimikin ay lalong umapaw ang saya sa puso ni Madison. Home is where the heart is. Hindi ang kasikatan o ang dati niyang pangarap ang nagdadala ng kaligayahan sa kanya kundi ang isang pusong mapagmahal at mapag-alaga gaya ni Lerome. As long as they were together, they could do great things together.

Related Books

Popular novel hashtag