Chapter 120 - Chapter 40

Nahuhulog na ang loob ni Lerome sa kanya. Nang marinig iyon, pakiramdam ni Madison ay umihip ang hangin at umulan ng bulaklak sa paligid niya. Sa puso niya, matagal na niyang hinihintay na sabihin iyon ni Lerome sa kanya. Naiinis siya kapag sinasabi ng ibang lalaki na gusto siya pero welcome na welcome sa kanya ang nararamdaman ni Lerome. She had never seen a man so atuned to her. Na kasundo niya kahit na minsan ay di sila makasundo. Ang lalaki na nagpapapuyat sa kanya gabi-gabi at una niyang mine-message sa umaga. Ang lalaking nagpapasaya sa kanya. Ang lalaking dahilan kung bakit nabugnot siya nang inakala niya na may kasama itong iba. Ang lalaki na iiwan ang mga kaibigan para sa kanya.

"Gusto mo ako? Talaga?" usal ng dalaga.

"And I hate that."

Nawala ang saya sa puso ni Madison. "Iniinsulto mo ba ako? Masama ba kung mahulog ang loob mo sa akin?" Di naman siya magagalit kung magsutuhan nito. Isa pa, deserving din naman siyang magustuhan nito.

Lumamlam ang mga mata ng lalaki. "You are that celestial maiden on the swamp, Madison. Lumilipad ka ngayon palayo. Tinutupad mo ang mga pangarap mo. Magkaiba ang mundo natin. Doon ka nabibilang sa mundo ni Jeyrick. Alam ko naman na gusto mo siya. At mas makakatulong siya sa pangarap mo."

Mariin siyang pumikit. "Lerome, di mo pa nga sinusubukan kung magugustuhan din kita pero sumusuko ka na."

"Anong susubukan? Di mo nga dapat malaman na gusto kita. Pero dahil alam mo na ang nararamdaman ko, wala rin naman magbabago. Masaya ako kung nasaan ka ngayon. Masaya ako na tinutupad mo ang mga pangarap mo."

"Bakit? Bakit hindi mo na lang sinubukang magbaka-sakali na baka gusto rin kita?" iritadong tanong niya. Iniisip ba nito na hahadlang ito sa mga pangarap niya? Na mas matimbang si Jeyrick dahil mas sikat ito? May pinagsamahan din sila.

"Because I don't want to like you anymore."

Napalunok si Madison. "Ibig sabihin kahit na gusto kita, ayaw mo na rin sa akin?"

Umiling ito. "No, Madison. Di ko iipitin ang mga pakpak mo. Gusto kong lumipad ka. Mataas, malayo, gaya ng pangarap mo. Marami ka pang pwedeng makilala. Marami ka pang pwedeng gawin."

"At paano ka? Paano ang nararamdaman mo? Ganoon na lang? Dahil lang gusto mong tuparin ang pangarap ko, ayaw mo na sa akin? Di ba natin pwedeng gawin iyon nang magkasama? Paano namang magkaiba ang mundo natin? Magkasundo tayo sa maraming bagay, Lerome."

Nakaka-frustrate. Di niya kayang basta na lang tumalikod. She just couldn't letl him walk away. She couldn't let him go.

Bumuntong-hininga ang binata. "Because you are destined for greater things. Hindi ako kailangan mo ngayon. I just want you to be happy." Hinaplos nito ang mukha niya. Napapikit si Madison. That simple caress sent a melancholy in her heart. "So be happy, Madison."

Nang dumilat ang dalaga ay tinalikuran siya ng lalaki saka naglakad palayo. That was her love story. Di man lang tumagal ng five minutes. Ni hindi ma lang siya nagawang ipaglaban ng lalaking gusto niya. Basta na lang siyang pinawakawalan. At naiwan siya sa limbo. Na parang wala namang mali. Wala siyang ginawang mali. Pero bakit kailangan siya nitong iwan?

Binato niya ito ng nuts sa inis. "Di mo sasabihing gusto mo ang isang babae sabay sasabihin mo na ayaw mo na siyang magustuhan. Gusto mong maging masaya siya sabay walk out. Hoy, Lerome! Di pa tayo tapos mag-usap." Pero di pa rin siya pinansin ng lalaki. At di man lang ito tinamaan ng nuts sa inis niya.

"Gusto mo pa ng nuts?" tanong ni Paloma sa kanya at inilahad ang palad na puno ng nuts. "Mukhang di tinamaan ang target mo."

"Huwag na. Sayang lang."

"Ipapakain ko na lang sa mga usa," anang babae at umuklo sa harap ng mga usa. Nakasuot ito ng dress na nilala sa tradisyunal na habi ng Bontoc.

Napasalampak si Madison sa damuhan. "Bakit sira ulo ang mga lalaki? Iiwan ka na lang basta pagkatapos sabihin na mahal ka nila. Di ba kung mahal ka, susubukan kang ipaglaban? Di 'yung parang sagabal ang love life sa career. Ang masaklap, di man lang nagtanong kung natutuwa ka sa desisyon nila."

Hindi malapit si Madison kay Paloma kahit na gaano kaganda ang pakikitungo nito sa kanya. Siguro dahil pakiramdam niya noon ay karibal ito kay Jeyrick o ginagamit lang nito si Jeyrick para mapag-usapan. Pero nang mga oras na iyon ay ito lang ang pwede niyang hinangahan ng sama ng loob. Tutal ay nakita naman sila nito ni Lerome.

"Yung nagsasakripisyo para sa iyo kahit di mo naman gusto o hininga pero iiwan ka nila? Di ko rin maintindihan kung bakit may ganyang mga lalaki. Akala nila nakakatuwa ang pagpapakamartir nila. Sarap batukan, di ba?" anang babae at hinaplos ang noo ng usang si Bamboo.

Nahigit niya ang hininga. "Naranasan mo rin iyon?"

Ngumisi ang babae. "Oo naman. Lakas makapagpaasa. Mahal ka daw pero iiwan ka para suportahan ang mga pangarap mo. I don't really get it."

"Anong ginawa mo?"

"Wala. Itinuloy ko ang buhay ko kahit wala siya. Pero bata pa ako no'n. Wala naman akong choice. Tama rin naman siya. Priority ko ang mga pangarap ko noon. Pero kung ganitong edad na ako, ipaglalaban ko siya at ang nararamdaman ko."

"At nasa edad na ako para magdesisyon sa sarili ko, tama?"

"Pag nasa edad ka na, di na ganoon kakaunti ang options. Matured ka na rin para masolusyunan ang mga problema.  Ikaw, piliin mo kung ano ang magpapasaya sa iyo. Saan ka ba talaga masaya? Kung may taong handang magsakripisyo para sa iyo dahil sa pag-ibig, ano naman ang handa mong isakripisyo para sa taong mahal mo?" tanong nito. "Babalik na ako sa pictorial. Baka mainip na si Jeyrick."

"Salamat, Paloma," usal niya at ngumiti. "May cafe na nagse-serve ng masarap na lemon pie sa Sagada. Gusto mo bang puntahan pagpunta natin doon?"

"Sure," masiglang wika ng babae at patakbong umalis.

Napaisip siya sa sinabi ni Paloma. May mga pangarap siya. May mga pangarap din si Lerome. Kailangan din nito ng isang babaeng mag-aalaga dito at kasama nitong tutupad sa mga pangarap nito. He needed a partner who could help him improve. Maisip lang niya na may ibang babaeng gagawa ng role na iyon ay parang gusto na niyang maghurumentado.

But I don't own him. Walang kami. Ayaw na nga niyang magustuhan ako. Kung ayaw niya sa akin, e di huwag. Okay naman akong mag-isa. Magfo-focus na lang ako sa career ko. Kaya kong maging masaya kahit wala siya.