Patay! Ingat na ingat si Madison sa kilos niya at pasimple ang pag-iimbestiga. Ayaw niyang malaman ni Lerome. Tiyak na kontrabida na naman ito.
"Para saan ang tinatanong mo tungkol kay Jeyrick?" tanong nito sa magaang boses pero may himig ng pagbabanta sa mga mata nito.
Ibinaling ng dalaga ang mga mata sa telebisyon. "Wala. Napagkwentuhan lang namin. Normal lang naman siguro na mapagkwentuhan si Carrot Man lalo na't di naman kayo palaging dinadayo ng mga reporter o may internet sensation na dito nakatira."
"Akala ko umalis ka na para hanapin si Jeyrick. Kahit grupo ni Paloma nakaalis na rin para sumunod sa Tabuk," kwento ng lalaki at humigop ng kape.
"Di nila ako kasama. Nandito ako para magbakasyon. At kaya ako nagtatanong kung saan naglalagi si Jeyrick dahil nangako siya sa akin na ipapasyal niya ako sa mga lugar na di ko pa napupuntahan. Nang nakaraan di ako nakapasyal sa lake, sa hot spring, sa burial cave..."
"O umaasa ka na mahahanap mo si Jeyrick sa mga lugar na iyon?" pananalakab ni Lerome.
Tumirik ang mga mata ni Madison. "Heto na naman tayo. Nakita mo ba si Reda Belle? Sa palagay mo ba papayag iyon na makuhanan ko siya ng scoop? Kakalbuhin ako kapag no'n. At kung gusto ko ng scoop, kahapon pa ako nagpilit pumunta sa Tabuk para unahan ang iba. Wala ako dito at kausap mo ngayon."
Ikiniling nito ang ulo. "O baka naman may tamang hinala ka katulad sa marijuana plantation."
Maasim siyang ngumiti. Kontrabida talaga si Lerome kahit na kailan. Sinusubukan siya nitong paaminin pero di siya nito mapipiga.
Sinapo ng dalaga ang batok. "I am stressed out. Ang huling gusto ko ngayon ay pag-usapan ang trabaho. Gusto kong magpahinga at makalanghap ng sariwang hangin. Ang mag-camping at titigan ang mga bituin. 'Yung ipinangako ninyo sa akin na Barlig experience, gusto kong maranasan mag-enjoy nang hindi nagtatrabaho. Gaya ng sinabi sa akin ni Jeyrick dati. Kaya nga nagtatanong ako saan naglalagi si Jeyrick dahil mukhang wala sa tourism map ang iba."
"Gusto mo talagang mag-tour?" tanong nito.
"Oo. Tatawagan ko na nga si Jhen para magpakuha ng guide na makakasama ko nang ilang araw. Gusto ko talagang i-explore ang Barlig. Plano ko na ilagay ito sa travel blog ko. New experience different from the first one," nakangiti niyang sabi.
She could practically hear the rush of adrenaline running through her body. Kailan ba nang huli niyang maranasan ang ganitong klase ng assignment. Huling beses ay nang magtangka siyang maghanap ng marijuana plantation. Parang napakatagal nang panahon iyon kahit isang buwan pa lang ang nakakalipas.
Huwag ka sanang kontrabida. Please. Huwag mong sabihin na ayaw mong mamasyal ako dito sa Barlig. Hahampasin talaga kita ng Philippine Constitution.
"I can be your guide."
Natigagal si Madison sa lalaki. "A-Ano?"
"Ako na mismo ang magiging guide mo. For free. Saan-saan mo ba gustong pumunta?" kaswal na tanong nito.
Biglang uminom ang dalaga ang tubig para palisin ang kaba niya. Umiiwas nga ako sa iyo. Tapos gusto mo pang maging guide ko.
"Hindi naman basta isang araw lang ang tour ko. Gusto ko na matagal nang isang linggo. Kunyari over night sa lake, pwede din immersion sa mga bukid, maglakad-lakad sa rice terraces, observe the locals... Ganoon. I want the whole Barlig feels. Gusto kong ma-relax nang walang ibang iniisip o inaalalang oras. Kaya kukuha na lang ako ng ibang guide. Ayoko nang abalahin ka pa dahil alam ko na busy ka."
"Hindi ka malaking abala sa akin lalo na kung para naman sa turismo ng Barlig.Ako na nga ang nagpi-prisinta sa iyo. Ako na ang magiging guide mo. Marami akong maise-share sa iyo na di alam ng ibang guide. Libre pa."
"Isang linggo akong mamamasyal. May trabaho ka," giit niya. "Hindi mo naman pwedeng iwan iyon para sa akin nang ganoon katagal."
"I have able staffs to handle it. Hindi pa naman dumadagsa ang tourists. I can also use a vacation of sort," anito at inunat pa ang dalawang kamay.
Muntik nang umatungal si Madison at sabunutan ang sarili. Magbabakasyon na lang ay sasabay pa ito sa kanya. Pinagsalikop niya ang mga palad. "Alam mo, baka mas okay kung makasama mo sa bakasyon ang babaeng gusto mo. 'Yung mae-enjoy mo talaga ang company. Kasi alam naman natin na nato-toxic ka sa akin.
Naging maamo ang mukha ni Lerome. "Alam ko na hindi maganda ang unang pagkakakilala natin. Gusto kong makabawi. Hindi naman talaga ako ganoon kasama. Kailangan ko lang protektahana ang reputasyon ng Barlig. Sa palagay ko naman pwede tayong maging mabuting magkaibigan dahil labas naman ito sa trabaho natin."
"Talaga?" It was a just a word but it was loaded.
Di maiwasan ng dalaga na haluan iyon ng sarkasmo. Parang di siya naniniwala sa pakikipag-kaibigang inaalok nito. Samantalang kahapon lang ay halos kaladkarin siya nito palabas ng Barlig.
Inilahad ng lalaki ang palad. "And I am the best guide to show you around. Para din naman sa Barlig ang gagawin mo, hindi ba?" Tumahimik siya. Dapat ba niyang tanggapin ang inaalok nito. "Come on. Huwag ka nang mahiya. I want you to experience the real Barlig. Isipin mo na lang na ito ang pambawi ko dahil hindi ka naipasyal ni Jeyrick."
Keep your friends close. Keep your enemies closer.
Hindi naman tanga ang dalaga para di malaman ang motibo nito. Hindi siya malayang makakagalaw. Maari pa siyang iligaw ng lalaki. Titiyakin nito na hindi sila magkikita ni Jeyrick. But I am smart. Definitely smarter than him. Kung ganito lang kasimpleng pagsubok di ko malalampasan, paano pa sa ibang projects na mas matindi?
Itinaas ni Madison ang baba at sinalubong ang tingin nito. "Sige. Pumapayag na akong ikaw ang maging guide ko."
Lumapad ang ngiti ng lalaki. "Hintayin mo ako dito. Ihahanda ko lang ang mga gamit ko. Thirty minutes?"
Nag-thumbs up na lang siya at pinagmasdan ang pag-alis ng lalaki. Hindi niya alam kung tama o mali ang desisyon niya. It was a double-edge sword. Maaring si Lerome ang maglapit sa kanya kay Jeyrick o tuluyan na siyang mapalayo dito. Magiging anino niya ang lalaki. Nakabantay ito sa bawat galaw niya dahil wala itong tiwala sa kanya. But it was a risk that she must take. Si Lerome pa rin ang pinakamalapit na Kahit ano pang pananabotahe ang gawin nito, hindi siya papayag na di makuha ang exclusive interview kay Carrot Man.
I am Madison Jane Urbano and I can nail this. Bring it on!