Chapter 89 - Chapter 9

Pinag-krus ni Madison ang daliri. Matapang ang tanong na iyon pero kailangan niyang harapin ang realidad at ihanda ang sarili. Konting habag naman sa akin. Hindi naman ako ganoon kasama. Ginagawa ko lang naman ito para sa bayan.

"We should," sagot agad ni Lerome nang walang pag-aalinlangan. "Isang krimen ang trespassing. Idagdag mo pa ang insulto sa bayan namin na pinaghihinalaan mong may plantasyon ng marijuana dito. Dapat ideklara kang personan non grata."

"Persona non grata agad? Kinukumpirma lang namin ang isang tip na may marijuana plantation sa area na ito," depensa ni

Umupo ito sa tapat niya habang di inaalis ang tingin sa kanya. "Bisita ka namin. Tinanggap ka namin ng maayos. Tapos magbibintang kayo. Pang-aabuso iyan sa hospitality namin. Akala namin kaibigan ka pero lihim ka palang kaaway."

"Humahanap ng ebidensiya at hindi paninira. Big difference. At bakit naman ako magiging masama at nang-aabuso ng hospitality ninyo samantalang ako pa nga ang nagmamalasakit sa bayang ito lalo na sa mga taong nasisira ang pamilya dahil sa ilegal na droga? Kung wala kang kinalaman sa marijuana plantation, di mo ako kaaway. Ginagawa ko lang ang trabaho ko," mariin niyang sabi.

"Wala ka pa ring respeto sa host na nag-imbita sa iyo dito. Plano mo kaming siraan," giit nito.

"Siraan? Hindi paninira iyon kung totoong may marijuana sa bayan ninyo. Kung wala namang marijuana plantation dito, ano naman ang masamang ibabalita ko? Hindi ba wala naman? Maliban na lang kung may itinatago ka sa akin," paghahamon ni Madison kay Lerome at matapang na sinalubong ang mga mata nito.

Dinukwang siya nito hanggang magpantay ang mga mata niya. Kung apoy lang ang bumubuga sa mga mata nito kapag galit ito, baka kanina pa siya tupok. "Wala kang maibabalita. Come on. Kilala ko ang mga katulad mo. Madali para sa inyo na umimbento ng malisyosong balita para lang makakuha ng audience at sumikat. Ayos lang kahit walang basehan ng katotohanan. Gusto lang ninyo na maging maingay.  Wala kayong pakialam sa buhay na sisirain ninyo."

"Hindi ako ganoon. May ethics akong sinusunod. Di ako maglalabas ng isang balita kung hindi naman totoo."

"Ethics? What ethics? Sa ginawa mo ba ngayon may ethics ka?" mapaghamong tanong ng lalaki.

Hindi agad nakakibo si Madison. Hindi niya kayang ipaunawa sa ibang tao na para makakuha sila ng matitinik na balita ay uunahin nila muna na magsaliksik nang di dumadaan sa protocol. Kung ganito kaselan na isyu ay di basta-basta maipapadaan sa protocol. Di niya alam kung sino ang masasagasaan niya. Mahirap iyon intindihin ng isang katulad ni Lerome.

Hinawakan ito ni Jeyrick sa balikat. "Lerome, di natin kalaban si Miss Urbano. Kaibigan natin ang mga reporter."

Itinuro siya ni Lerome. "Not this one. She wants promotion. She wants fame. At gusto niyang gamitin tayong tuntungan para maabot ang pangarap niya."

Mangali-ngali niyang kagatin ang daliri ng lalaki sa inis. Mainit talaga ang dugo nito sa kanya. Sino ba naman ang ayaw ng kasikatan o ma-promote sa trabaho niya? Kung ayaw niyang sumikat, di na lang sana Mass Communication ang course niya. Nag-ermitanyo na lang sana siya sa kabundukan at nagtanim ng kamote.

"Baka pwede natin itong pag-usapan nang maayos," anang si Jeyrick sa malumanay na boses. Isa talaga itong bayani. Kung wala ito ay baka kanina pa sila nagkagatan ni Lerome.

"Wala na kaming pag-uusapan. Gusto kong makausap ang boss niya. I want her suspended or dismissed. At bahala na rin ang mga pulis sa kanya," sabi ni

"Ituloy mo. Parang sinabi mo na rin na may itinatago kayo," anang si Madison at umingos. Di siya magpapahalata na natatakot siya.

Naglabanan sila ng tingin ni Lerome. Totoo naman ang punto niya. Galit na galit ito samantala wala pa siyang ibinabalitang makakasira. Kung kuntodo ang reklamo nito, baka nga may sinesekreto ito.

"Nandito siya para i-promote ang bayan natin," mahinahong sabi ni Jeyrick. "Zero crime rate nga dito. Wala naman talaga tayong marijuana plantation. Ang meron lang tayo ay rice terraces na ilang daang taon nang ginawa ng mga ninuno natin, malinis na lake, hot spring geyser, virgin forest, mabubuting mga mamamayan na maipagmamalaki ng lahat. Iyon lang ang makikita sa atin. At iyon lang ang ire-report ni Miss Urbano." Nakangiting bumaling si Jeyrick sa kanya. "Tama ba, Miss?"

Nahawa na rin si Madison sa magandang ngiti ng lalaki lalo na't litaw na naman ang malalim nitong dimples. "Oo naman."

Magaling sa diplomasya si Jeyrick. Hindi ito basta-basta nanghuhusga at laging mahinahon magsalita. Naa-appreciate niya ang proteksiyong ibinibigay nito sa kanya.  Lalo tuloy nitong nabihag ang puso niya.

Napamaang si Lerome. "Ibig sabihin pakakawalan lang natin siya?"

"Ano naman ang mangyayari kung dadalhin natin siya sa pulis? Wala rin naman siyang maire-report na di maganda. Tama?" tanong ni Jeyrick at bumaling sa kanya.

Tango naman agad si Madison. "Y-Yes. Wala naman akong nakitang marijuana plantation." Sa ngayon. I won't let this rest. Wala akong tiwala kay Lerome. At kung ayaw niya sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanya.

"Kaya mas mabuting ihatid na natin siya sa lake para sa simula ng tour. Nauna na ang ibang reporters doon. Kailangan pa rin niyang gawin ang trabaho niya. Kailangan pa rin natin ang exposure sa television. We can also tap their international cable channel," paalala ni Jeyrick sa lalaki. Star Network lang naman ang nag-iisang TV station sa tour na iyon. Malawak din kasi ang sakop ng network nila di lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Magandang exposure iyon  

"Di pa rin tama ang ginawa niya. Gusto kong makausap ang boss niya. Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa niya," matapang pa rin na sabi ni Lerome at pasimple siyan binigyan ng mabalasik na tingin.

"I understand," sabi na lang ni Madison sa mapagpakumbabang tono at yumuko. Mas mabuti nang gisahin siya ng boss niya kaysa naman maghimas ng rehas na bakal.

"Pero wala pa rin akong tiwala sa kanya," giit ng kontrabidang si Lerome. "Someone must keep an eye on her. She's dangerous."

"Ako na ang magbabantay sa kanya," prisinta ni Jeyrick.

Gumanti rin ng ngiti si Madison. Di naman pala ganoon kasama ang araw na ito.