Chapter 87 - Chapter 7

Iyon ang hudyat para magsunud-sunod ang tahol ng aso at sinugod sila. Nanlaki ang ulo ni Madison nang marinig ang sigaw ni Janz.  

Walang nagawa si Madison kundi magtatakbo din. Anng gusto lang niya ay magkaroon siya ng distansiya sa aso. Bahala na kung saan siya humakbang hanggang mahiwalay siya kay Janz. At sa kasamaang-palad ay siya ang sinundan ng aso sa halip na ang lalaki.

She could practically feel its breath against her heels. Malapit na malapit na ito sa kanya. Bumagal lang siya ng bahagya ay maaabutan na siya nito.

Bakit ako ang hinahabol mo, doggy? Di naman ako ang unang tumakbo. Inosente ako. Wala akong ginagawang masama.

Okay. She was trespassing a bit. Pwede naman niyang sabihin na namamasyal lang siya. Hindi siya handa sa pagtakbo. Handa siyang humarap sa mga taong de-baril at mangatwiran. She had a way of charming people. Pero wala sa plano niya ang makipagtuos sa aso, lalo na sa asong handang lumapa sa kanya.

Kasalanan ito lahat ni Janz.

Masasakal kita talaga oras na makaligtas ako dito Janz. Mata mo lang ang wala ng latay sa akin. Sabi ko huwag kang tatakbo pero tumakbo ka pa rin. Bakit ba napakamalas ko sa ka-partner? At pag namatay ako sa panlalapa ng aso o sa rabies, mumultuhin talaga kitang unggoy ka!  

Nagsimula nang bumagal ang pagtakbo niya at habol na niya ang hininga. Isang makitid na daan  ang tinahak niya para makaiwas at may mataas na damo sa magkabilang bahagi. Di na niya makita ang dinadaanan niya. Pataas iyon. Bahala na. Di niya alam kung saan siya papunta pero may mga puno doon. Baka pwede siyang umakyat para matakasan niya ang aso. Hindi na siya masusundan ng aso sa taas ng puno at makakapapahinga pa siya.

Subalit tumalon ang aso para mahabol siya at nag-side step siya para makaiwas. Dumausos ang paa niya at isang malakas na tili ang pinakawalan niya. Isang malaking pagkakamali pala ang ginawa niyang pag-iwas dahil sa halip na lupa ay hangin na ang natapakan niya. Bangin na pala ang kinatataniman ng matataas na damo na iyon. Dahil na rin sa matataas na damo kaya di niya alam. Isang malaking pagkakamali iyon dahil sa halip na lupa ay hangin na ang natapakan niya. Bangin na pala ang kinatataniman ng matataas na damo na iyon. Dahil na rin sa matataas na damo kaya di niya nakita.

Maagap siyang kumapit sa damo pero alam niyang di rin naman magtatagal ang proteksyong pwedeng ibigay niyon sa kanya. Nararamdaman niya ang dahan-dahang pagkabunot ng damo mula sa lupa. Nakaligtas nga siya sa aso pero mamamatay naman siya sa bangin.

Sinubukan niyang umakyat ng bangin pero lalo lang nabubunot ang damo kaya kinailangan niyang kumapit sa iba pang damo. Mariin siyang pumikit. Kahit naman makaahon siya sa bangin ay nakaabang pa rin sa kanya ang aso.

"Help! Tulong!" sigaw ni Madison at tinangkang pangibabawan ang kahol ng aso. "Janz, tulungan mo ako dito! Tulungan mo lang ako, di na kita gugulpihin." Kahit minsan naman ay magkasilbi ito at bumawi sa kanya.

Pero makalipas ang ilang sandali ay parang di naman naririnig ang paghingi niya ng tulong. Pumikit siya ng mariin habang nararamdaman ang dahan-dahan niyang pagdausdos pababa.

Nakita na lang niya na nagfa-flash sa harapan niya ang buong buhay niya. Ito na ba ang katapusan niya? Ganoon na lang ba iyon? Di pa niya natutupad ang mga pangarap niya sabuhay. Di pa siya nagkaka-love life. Masyado siyang naka-focus sa career. Ni wala pa siyang first kiss. Kung alam lang sana niya na ganito ang kalalabasan niya, di sana siya nagkulong muna sa kuwarto kagabi at nag-one to sawa na sana siya sa company ni Jeyrick. Di sana siya nagpa-bad trip kay Lerome.

Nangangalay na ang braso niya. Humuhulagpos na ang damo sa mga kamay niya. Hanggang dito na lang siguro ang buhay niya. Oras na para makasama niya ang mga magulang niya. Siguro nga ay wala din naman siyang forever.

Nabingi na siya sa kahol ng aso. Nag-shut down na ang senses niya at pumikit na lang siya habang hinihintay ang pagbulusok sa bangin ng kamatayan.

"Madison, kapit ka lang," narinig niyang sabi ng isang boses sa ulunan niya.

Inangat niya ang tingin at parang nakakita ng aparisyon nang mapagmasdan si Jeyrick sa gilid ng bangin. Si Jeyrick nga ba ito o baka naman anghel na tagasundo para dalhin siya sa kabilang buhay. Kung ganito kaguwapo ang anghel, di na rin siguro masama kung iwan na niya ang malupit na mundong ito.

"Hawakan mo ang sanga, Ma'am," utos nito at malaking sanga ng puno ang inaabot nito sa kanya. "Kaya mo iyan."

Hindi ito anghel na dadalhin siya sa kamatayan. Si Jeyrick ito mismo at puno ng determinasyon ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Gagawin nito ang lahat para lang tiyakin na mabubuhay siya.

Humawak siya sa sanga na nagsilbing lifeline niya at saka siya hinila ng binata. Itinukod ni Madison ang paa sa lupa para magkaroon ng pwersa upang makaangat. Mabubuhay pa siya. Salamat kay Jeyrick. Ito lang ang hero niya. Ito ang anghel na padala sa kanya ng langit. Ito ang kanyang forever.

Subalit nakaapak siya sa buhaghag na lupa at dumulas ang paa niya. nanlaki ang mata niya nang humulagpos ang kamay niya sa pagkakahawak sa sanga. Di niya alam kung saan kakapit. Ano ba naman ang forever niya? Hawak na niya, makakawala pa.

Isang kamay ang sumambilat sa kanya at humila sa kanya pataas. Si Lerome. Naging mabilis ang pangyayari. Ubod-lakas siya nitong hinatak. Sa tindi ng pwersa ay natumba ito sa lupa at pati siya ay nawalan ng balanse.

Natagpuan na lang niya ang sarili na nakadapa sa ibabaw nito. Ang mukha niya ay nakatapat halos sa mukha nito. She could feel the steady beat of his heart under her palm. Nanlalaki din ang mga mata nito at sumasalamin sa reaksyon niya. Napalunok si Madison. Konti na lang at pwede na niya itong mahalikan.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo, Madison?" nag-aalalang tanong ni Jeyrick.

Dali-dali siyang bumangon at yumakap sa binata. "Salamat sa pagliligtas sa akin. Akala ko talaga mamamatay na ako kanina."

Si Jeyrick ang dapat na niyayakap niya. Iniligtas naman siya ni Lerome pero di ibig sabihin ay ito ang pagpapantasyahan niya sa first kiss niya. Ito ang totoo niyang hero.

"May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Jeyrick.

Umiling siya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Pilit niyang binubura ang alaala ni Lerome. "W-Wala. Ang mahalaga buhay ako."

"Patingin nga ng gasgas mo," sabi nito at inilayo siya dito. Mariing nagdikit ang labi nito at lumalim ang biloy sa pisngi nang hawakan ang baba niya at ipaling. Sumunod ay ang braso naman niya. "May sugat ka. Kailangang magamot iyan."

Umuling siya. "Okay lang talaga ako."

"Kailangan ba lahat na lang kontrahin mo?" tanong ni Lerome sa kanya at inabot ang bote ng tubig sa kanya. "Drink."