Chapter 83 - Chapter 3

Masayang kausap si Jeyrick at  maraming kwento. Feeling dalaginding tuloy siya habang naglalakad sila sa gitna ng gubat. Kung ganito naman kaguwapo ang magiging guide niya, baka araw-arawin niya ang pagpapa-tour sa Barlig. Ikinuwento nito sa kanya ang iba't ibang folktale ng Barlig.

Nalilibang siya nang nalilibang sa kwento nito nang makaramdam ng pagod na naman. "Malayo pa ba?" hinihingal niyang tanong.

"Malapit na lang, Ma'am."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sinabi rin sa akin iyan kanina ni Lerome pero halos isang oras na tayong naglalakad."

"Malapit po iyan. Basta umuusad tayo, makakarating din tayo sa paroroonan. Isipin na lang ninyo ang magandang lugar na naghihintay sa inyo. Parang pag-ibig. Na sa kabila ng hirap ninyo, makakamit mo rin ang kaligayahan," paliwanag nito.

Kailangan pa ba talaga niyang pumunta sa falls at maglakad ng pagkalayo-layo samantalang heto na nga si Jeyrick kasama niya? Pwede namang ito na ang pag-ibig niya. Masaya na siya kahit sumalampak lang sila sa gitna ng gubat. Ayaw niya sa pag-ibig na nakakapagod.

Madison, nasa trabaho ka. Hindi ka nakikipag-date. Hindi ka nandito para magpa-cute. Hindi ikaw si Arbie. May misyon ka. Ang maging astiging broadcast-journalist. Do you really want to mess up your mission by gallivanting around?

Pasimple niyang nilingon si Jeyrick at di maiwasang ngumiti nang makita ang dimples nito habang nagsasalita at nagkukwento tungkol sa kung bakit mabundok daw ang Barlig. Hindi naman siya masyadong interesado sa kwentong-bayan na iyon at pwedeng niyang i-refute gamit ang scientific explanation. But he was a good story teller. Really charming. Di naman siguro masama kung i-enjoy niya ang company ni Jeyrick kahit sandali.

Na-excite siya nang makita ang waterfalls. Di iyon kataasan pero ilang cascade iyon mula sa taas at malawak ang last cascade. Malinis ang tubig at nakaka-relax ang tunog ng agos nito. May mga bata din na naliligo at abala naman ang kasamahan niya na kumuha ng video.

"Wow!" usal ni Madison. "This is magical."

"At bagay ang diwata na gawa ninyo sa ganito kagandang lugar," humahangang sabi ni Jeyrick sa kanya.

"Really? Mukha akong diwata?" kinikilig niyang tanong.

Ang haba ng nanlalagkit na buhok ni Madison. Partida, di pa siya nagsuklay nang maayos at di rin siya nakapag-retouch ng make up. Pwede na rin siguro siyang maging dealer ng mantika sa pagka-oily pero mukha pa rin siyang diwata sa paningin nito. Ayaw niyang maniwala pero dahil si Jeyrick ang may sabi ay naniniwala siya. Paano pa kaya kapag nasa normal na siyang ganda?

"Yes. Diwata na naligo sa talon pero nawalan ng pakpak kaya hindi na nakalipad pabalik sa langit," singit ni Lerome na parang nakapaghilamos na sa tubig ng alls at mukhang preskong-presko sa basa nitong buhok na nakahawi sa mukha.

Nakatulala lang si Madison dito. "Diwata ako?"

Bakit ba nagkalat ang mga guwapo sa lugar na ito? At bakit ako affected samantalang wala naman siyang dimples at di siya kahawig ni Hua Zhe Lei? At bakit nahihipnotismo ako sa kanya samantalang parang hindi siya masaya na makita ako?

He had a bored look in his eyes when he looked at her. "Diwatang nawawala. Akala ko kung saan na kayo napunta ni Jeyrick o kung ano nang nadisgrasya ka na. Ipapahanap ko na sana kayo."

"Napagod lang ako. Nabigla kasi ako sa ganito kahabang lakaran. Pero okay na ako. Nakarating na ako dito sa falls," sabi niya at naghilamos ng tubig. "This is nice. Malamig ang tubig. Pwede bang inumin ang tubig dito?"

"Kung ngayon pa lang hindi mo na kaya, paano pa sa mga susunod na destinasyon natin. Baka hindi mo kayanin ang terrain. Sayang naman kung susukuan mo agad," sa halip ay sabi ni Lerome.

Napikon siya nang mahimigan ang iritasyon sa boses nito. Tiningala niya ito, He was glowering at her. Nakapamaywang sa likuran niya na parang hari ito ng mundo. Parang napakalaking kasalanan ang konting delay sa pagdating niya. Magagawa pa rin naman niya ang trabaho niya lalo na't nakakuha siya ng information kaninang kasama niya si Jeyrick.

"Hindi ako susuko, Mister. Alam ko kung ano ang trabaho ko. At wala pa akong trabahong inurungan. Huwag mong maliitin ang kakayahan ko dahil di ko mo naman alam kung ano ang kaya kong gawin," palaban niyang sagot sa head ng tourism. Ano bang problema nito sa kanya? Guest pa rin naman siya doon at di naman niya ito amo para kwestiyunin ang trabaho niya.

"Lerome, baka gusto ni Madison na makita ang falls mula sa taas. Nandoon ang kasamahan niya at maganda ang anggulo doon," singit ni Jeyrick at inilahad ang kamay sa kanya. "Aalalayan na kita, Madison."

"Excuse me. Gagawin ko lang ang trabaho ko," malambing na sabi ni Lerome at saka nakangiting tinanggap ang kamay ni Jeyrick. She was still there to enjoy her job. At hindi niya hahayaan ng impaktong head ng tourism para sirain ang araw niya.

Related Books

Popular novel hashtag