Chapter 84 - Chapter 4

KNOCKOUT si Madison nang makabalik sa sasakyan. Hindi biro ang nilakad nila pabalik kahit pa sabihing mas magaan na iyon dahil nag-enjoy siya sa company kasama si Jeyrick. Sakay ng sasakyang provided ng network ay umidlip siya habang patungo sa kung saan sila magpapalipas ng gabi. Magaganda pa rin ang shots na nakuha nila at nakatulong ang kwento ni Jeyrick tungkol sa folklore ng lugar na iyon. Pero alam niya na kailangan niyang bumawi kinabukasan at patunayan sa mayabang na head ng tourism na si Lerome na ipinadala siya ng istasyon niya sa trabahong iyon dahil magaling siya at higit pa ang kaya niyang gawin.

Pagtigil ng sasakyan ay kusa naman siyang nagising. Di pa man siya nakakababa ay nakahanda na si Jeyrick para tulungan siya sa mga gamit niya. "Ako na ang magbubuhat ng gamit ninyo, Ma'am," prisinta ni Jeyrick at binuhat ang maleta niya.

"Hindi na. Kaya ko na ito. Saka may gulong naman iyan."

"Madudumihan pa ang maleta ninyo kapag pinagulong sa lupa, Ma'am. Iingatan ko ang gamit ninyo." At idinala na ng binata sa malaking log cabin ang maleta niya. Parang walang anuman dito ang bigat ng dalahin.

"Wow! What a hunk!" usal ni Arbie na nakisabay sa sasakyan nila. "Napaka-gentleman naman ng F4 mo. Gusto ko rin yatang magpabuhat kay Lerome."

"Wow! What a hunk!" usal ni Arbie na nakisabay sa sasakyan nila. "Napaka-sweet naman ng F4 mo. Close na close na kayo."

"Hindi siya sweet. He is just a gentleman. At kasama siyempre iyan sa pagpapakita ng hospitality nila," paliwanag ni Madison sa kaibigan. Hindi naman niya aaminin dito na kinikilig siya o may malisya ang pag-aalaga ni Jeyrick sa kanya.

"Nakuha mo na ba ang number niya? Ideal girl? Kung ilan ang gusto mong maging anak ninyo?" tanong nito at humagikgik.

Siniko niya ang kaibigan. "Huwag ka ngang ganyan. Baka may makarinig sa iyo."

Nanlaki ang mata nito. "Hindi mo pa rin nakukuha ang number niya? Bakit hindi mo paganahin ang pagiging astig mong broadcaster? Come on, friend."

"Basta tumahimik ka lang."

Naipon silang lahat sa bungad ng cabin at nagsalita ang isa sa mga tourism officer na nag-welcome sa kanila sa conference. "Good evening, everyone! I am Jhen Arud of Barlig Tourism. Welcome to Eagle's Nest. This is the first campsite and guesthouse in Barlig. It is five hectares with sweet ponkan orchard, citrus farm and this log cabin which has twenty rooms and we will have native cottages around the area soon. Noong una ay hirap pa ang Barlig na mag-welcome ng tourists dahil ilang inns at homestay lang ang mayroon kami, pero hindi na ngayon. We now have Eagle's Nest, your home here at Shangri La at the Edge. You will be the first guests. Enjoy your stay."

Pumikit siya at sinamyo ang mabangong hangin kung saan humahalo ang amoy ng pine trees. It was the most welcoming and relaxing scent after a tiring day of hiking.  Gabi na noon kaya di na niya nakikita ang paligid. Pero sa palagay niya ay maganda iyon sa umaga lalo na't napapaligiran ng mga puno.

Napaawang ang labi ni Madison nang makapasok sa log cabin. She was impressed. It was not the rustic type cabin. May higanteng chandelier pagpasok at may locally woven rug na nag-welcome sa kanila sa lobby. Sa isang tabi ay may red sofa set at fireplace kung saan pwedeng magpainit habang nakikipag-kwentuhan o nagbabasa ng libro. She suddenly had that homey feeling. At matagal na niyang hindi nararamdaman iyon.

"Who owns this place?" tanong ng dalaga kay Jeyrick na nakatayo sa di kalayuan.

"Family ni Lerome," sagot naman nito habang nakalagay ang kamay sa likuran. "Ang plano kasi ng parents niya ay magkaroon ng maraming mga anak."

"E bakit ginawa niyang guesthouse itong cabin?" tanong ni Madison. "Wala ba siyang planong mag-asawa?"

 May tumikhim sa likuran nila. "Why are you interested to know, Miss Urbano?"

Napapitlag siya at dahan-dahang nilingon si Lerome. May malisya at iritasyon sa mga mata nito. Malamang ay iniisip na naman nito na gusto niyang punuin ng anak nila ang malaking bahay nito. Feelingero!

"Naitanong ko lang naman dahil kasama iyon sa trabaho ko. It would be interesting to know the history of this place," sabi niya at kunwari ay inilabas ang smartphone para mag-take ng notes. "After all, this is the first of its kind in your town."

"Lerome, nasaan ang kuwarto mo dito?"  tanong ni Arbie at pinapungay ang mga mata. "Kasi baka may kailangan kami ni Madison sa iyo. O baka mamaya may multo sa kuwarto namin."

Sabay pang natawa sina Lerome at Jeyrick. "Walang multo dito, Ma'am," sabi naman ni Jeyrick na parang di yata nahalata ang pasimpleng ninja moves ni Arbie para lalong mapalapit kay Lerome.

"I already have my own place. Mas madali akong mapupuntahan doon kung kailangan," anang si Lerome sa di kapormalang boses. "At huwag kayong mag-alala dahil magagaling ang mga staffs dito at maalaga. The people of Barlig are known for our hospitality. If you'll excuse me, I have to check on the other guests."

Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Hindi naman ito suplado sa iba. Kahit kay Arbie na obvious na sumisimple dito ay di man lang ito nagagalit. Ano bang ginawa niya dito at mainit ang ulo nito sa kanya?

"Dapat siguro magpahinga muna kayo. Nakahanda na daw po ang dinner at aasahan na tayo sa dining area," sabi naman ni Jeyrick at inilahad ang kamay patungo sa direksyon ng hallway. Nag-aabang naman ang binatilyong staff ng guesthouse na may dala sa mga gamit nila ni Arbie.

"I'll see you at dinner," sabi niya kay Jeyrick at kumaway pa dito bago siya tumalikod. Sa lahat ng stress na pinagdaanan niya sa araw na iyon, Jeyrick's presence was the only saving grace. She was looking forward to meeting him again. At hindi niya hahayaan si Lerome na sirain ang magandang mood niya.

WALANG maipipintas si Madison sa hospitality ng mga taga-Barlig pati ang serbisyo ng mga taga-Eagle's Point Guesthouse. Sa malawak na dining area na mistulang indoor garden ginanap ang buffet dinner. It was relaxing. Pawang organic food ang naka-serve sa kanila mula sa gulay at prutas hanggang sa native boar at native chicken na nakahain.

"This is really great," sabi ng dalaga kay Jhen na isa sa mga tourism officer na hawak ni Lerome.

Pinagkiskis nito ang mga kamay. "Pero hindi pa po tapos ang ihinanda namin para sa inyo."

Nagpalakpakan ang lahat nang umakyat ang ilan sa mga guide kasama na si Jeyrick na may dalang gitara. Kumanta ang mga ito ng country songs na bagamat di pamilyar sa kanya ay masarap naman pakinggan.

"Bakit ganoon? Mas mahal ko na sila kaysa sa One Direction," sabi ng kaibigan niya sa kanya at nangalumbaba. "Si Lerome kaya kakanta rin?"

"Hintayin na lang po natin."

Tumaas ang kilay niya at pinunasan ng napkin ang labi. Di naman siya interesado kay Lerome. Kay Jeyrick lang siya interesado. Kaya naman kahit na taga-gitara lang ito at di kumakanta ay masaya na siyang pagmasdan ang lalaki.

Nagsimula na siyang lamigin at antukin kaya pumunta siya sa buffet area para magtimpla ng sarili niyang kape. Mukhang mahaba-haba pa ang gabing ito. Ayaw naman niyang ma-miss ang ihinandang programa sa kanila lalo na't magpe-perform si Jeyrick. Tumayo lang siya nang ang guide na si Rexan ang naggitara at kumanta.

"Ma'am, ako na ang magtitimpla ng kape ninyo," prisinta ni Jhen.

"Hindi na. Kaya ko na ito."

Natapos ang kanta ni Rexan at ipinakilala nito ang susunod na magpe-perform. "Isang Igorot song mula kay Jeyrick Sigmaton"

Binilisan niya ang pagtitimpla ng kape. Kailangang makahabol siya sa performance nito at sa harap mismo ng stage para makikita agad siya nito. Pero nang magsimula itong kumanta ay natigilan na lang siya habang hawak ang tasa ng kape at pinakinggan ang boses nito. It was a sad song. A song about a love that he had to let go. Saka niya naalala ang babaeng minsan na nitong minahal. Para ba sa babaeng iyon ang kanta ni Jeyrick?

Naglat na lang siya nang biglang hawakan ni Jhen ang braso niya. "Ma'am, kumakanta na siya," kinikilig na sabi ng dalaga at niyugyog ang braso niya.

Lumigwak tuloy ang kape na hawak ni Madison.