Chapter 75 - Chapter 37

Natatawang tumayo si Hero at ibinuka ang bisig para i-welcome ang yakap niya. She was tired. She was stressed. Pero sa mga bisig nito, parang nabuhay ulit siya. As if she was home in his arms.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at tiningala ito.

"Naisip ko kasi baka nami-miss mo na ako."

Kumunot ang noo ni Sunny. "Yung totoo? May conference ka ba? Speaking engagement?"

"I just want to see if you are okay." Hinaplos nito ang ilalim ng mata niya. "I don't like those bags under your eyes. Ilang kilo na iyan?"

Hinawi niya ang kamay nito. "Isang linggo ka na di nagpakita tapos lalaitin mo lang ako. Isang buwan akong puro trabaho. No day off."

"Di ka ba inaalagaan ng Carrot Man mo?"

"Hindi niya ako kailangang alagaan. Kaya kong alagaan ang sarili ko."

Tinitigan siya nito. "Are you sure?"

"Yes. Pagod lang ako."

"And what do you want to do?"

"Breathe. Escape. I want fresh air. Sleep. Bumalik sa Cordillera. Sleep some more. Pero imposible iyon ngayon."

Pumikit ang dalaga at naisip ang event ni Jeyrick bukas. Photoshoot. A red carpet premiere that he must grace at night.

"I can make your wish come true with a little adjustment, of course." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Trust me?"

Di na siya nagsalita at humawak sa kamay nito. Tinawagan nito si Mang Berting sa cellphone at saka lang sila lumabas ng building. "Hi, Manong! Kumusta po? Saan po tayo pupunta?" tanong niya.

"Secret daw po sabi ni Sir Hero."

Kinabig nito ang ulo niya pahilig sa balikat nito. "Basta matulog ka."

Awtomatiko siyang pumikit nang maamoy ang mabangong amoy ng pine sa katawan ng lalaki. Ngumiti siya. He had the scent of Cordillera in him. Kung ibabalik siya nito sa Cordillera at ilalayo sa magulong lungsod na iyon, ayos lang sa kanya.

Nang magising siya ay nakahiga siya sa malambot na four poster bed. May manipis na kulambo pang bumabalot sa kanya. Makapal ang comforter na bumabalot sa kanya. Gawa sa pine wood ang dingding. Dama agad niya ang lamig at natitiyak niyang di iyon galing sa aircon. Naririnig din niya ang musika mula sa flute.

Ang huling naalala niya ay nakasakay siya sa kotse ni Hero at pinatulog siya nito. Ni di man lang niya naramdaman na dumating sila sa destinasyon nila. Nakayapak siyang naglakad at sinundan ang pinagmumulan ng tunog ng flute. Hanggang makarating siya sa hagdan. Mula doon ay nakita niyang nakasalampak si Hero sa tabi ng fireplace habang tumutugtog ng bamboo flute.

Marahan siyang sumalampak sa baitang ng hagdan. Maingat siya sa pagkilos para di nito malaman na naroon na siya. Pinanood lang niya ito at pinakinggan ang musika habang nakayakap sa barandilya ng hagdan. Her heart was beating painfully. Hindi niya ito naramdaman sa maraming pagkakataon na kasama niya si Jeyrick.

Nasa gitna ng pagtugtog si Hero nang tumigil ito at tumingala. Naramdaman na marahil nito ang presensiya niya. "O! Bakit ka tumigil?" angal niya.

"Gising ka na pala. Nabulahaw ka sa pagtutog ko?" tanong nito at tumayo. "Dapat natutulog ka pa."

"Hindi naman ako sumama sa iyo para matulog." Bumaba siya ng hagdan. "I want to spend more time with you. Nasaan tayo?"

"Isang log cabin na minana ni Amira sa lolo niya sa Tagaytay. Pinaparentahan niya at nang malaman niyang luluwas ako, sabi niya dalhin kita dito. Di ko kasi alam kung saan ka dadalhin kapag kinidnap kita."

"Nasa Tagaytay pala tayo kaya malamig."

"Di pa naman kita maidadala sa Baguio. Mas mapapagod ka sa biyahe. Pero may pine trees sa labas. May magandang view sa labas ng Taal Lake. But it is still two in the morning. Madilim pa sa labas."

Iginala niya ang tingin sa paligid. "I love it. It is rustic. Parang nasa Baguio din ako. Wala ka pang naikukwento gaano tungkol sa akin. Kumusta?"

"I have a new project. Gusto ko lang sabihin sa iyo dahil baka di mo ako ma-contact sa mga dadating na araw. I will be exploring Letang Burial Cave."

"Burial Cave? Katulad ng sa Kabayan, Benguet?"

"This cave is an unexplored one. Di pa napag-aaralan ng kahit sinong academic o anthropologist. Malayo iyon at walang signal."

"Sa Kadaclan iyan! Diyan ang tribe nila Jeyrick," usal niya nang maalala. "Pupunta kami sa Kadaclan next week para i-cover ang iba't ibang tourist spot sa Mountain Province. That is soooo exciting. Sama ako!"

"Hindi mo pwedeng iwan si Carrot Man. Kailangan mo siyang i-cover."

"Sasama na ako iyo. Mag-a-AWOL na ako."

Mababaliw na siya sa trabaho niya. Senyales na ng stress ang pakikipagtalo niya kanina sa nanay niya at manager ni Jeyrick. Hindi na siya natutuwa sa trabaho niya.

"Paano na ang destiny mo?" tanong ni Hero at tumaas ang dalawang kilay.

"Sinabi ko naman sa iyo na hindi ko destiny si Carrot Man. Mabait si Jeyrick. Maalalahanin. Pero wala akong maramdamang spark. Pag nakikita ko siya, hindi nagfa-fun run ang heartbeat ko. Kapag ngumiti siya sa akin, gusto ko lang siyang kuhanan ng picture pero di ako kinikilig. At kapag nag-uusap kayo, iniisip ko lang kung paano iyon ilalagay sa caption ng picture niya. Trabaho lang, walang personalan."

"Wala ka nang ibang nararamdaman sa kanya?" paniniyak nito.

"Protective siguro ako. Siguro dahil alam ko ang personalidad niya bilang subject ko. Gusto kong protektahan ang identity niya. May mga tao na gusto siyang ihulma na malayo sa personalidad niya. Gusto siyang gawing generic na artista o celebrity. Gustong alisin sa kanya ang kulturang nakagisnan niya. Naiintindihan mo ba ako?"

"That's showbusiness for you."

"Nagpapasalamat ako na hindi ikaw si Carrot Man ngayon. Isipin mo na lang kung gaano karami ang karibal ko sa iyo kapag nagkataon. Mapapaaway ako."

Noong isang araw lang ay nagkasagutan sina Chacha at ang nobya ni Jeyrick na si Beliza. Masyado nang pakialamera ang fans ni Jeyrick na akala mo ay pag-aari na ang lalaki. No, she didn't want that kind of life for Hero.

Ngumisi si Hero. "Alam ko na ngayon kung bakit ayaw mong mag-stopover sa Bauko at parang ingat na ingat ka na may ibang makakita sa akin. Ipinost mo pala ang picture na nagbubuhat ng carrot ni Carrot Man at naging viral."

Nag-peace sign siya dito. "Ang guwapo mo kasi. I mean, si Carrot Man. Kasi baka kapag sumikat ka, baka makalimutan mo na ako."

"Ikaw nga ang sikat ngayon, hindi ba? Nakita ko may sarili kang page."

"Parang di naman sila sa pictures ko interesado kundi kay Jeyrick."

"Sa una lang iyan. Binubuo mo pa lang ang pangalan mo. Kalaunan makikita rin nila kung ano ang worth mo bilang photographer." Ginagap nito ang kamay niya. "Ang mahalaga, alam ko kung ano ang kaya mong gawin. Di ka lang magaling na artist. Masipag ka rin at matapang. At sa ngayon, sa palagay ko kailangan ka ni Jeyrick sa tabi niya. Hindi mo pa siya pwedeng iwan."

"Ipinamimigay mo talaga ako sa kanya," aniya at umingos.

"No. We have cultural advocacy, remember? Jeyrick is the cultural center person right now. Malakas ang impluwensiya niya. As part of his publicity team, malaki ang maitutulong mo para di siya lumayo sa ugat ng pagkatao niya. This is not just about our personal lives, Sunny. Gusto ko ring makita ang growth mo as a person and as an artist. At kapag alam mo na kung ano ang totoong gusto mo..."

"Then I can choose you."

"Then we can be together. Ang isang relationship, hindi kailangang lagi mong kasama ang taong mahal mo. It is also about growing apart as individuals. Kahit na gusto kong magkasama tayo sa trabaho, mas makakatulong din sa iyo kung matututo ka nang malayo sa akin. Do you get my point?"

Naglaro ang ngiti sa labi ni Sunny. "So, you want a relationship with me?"

"Yes. When you are ready."

"I am ready. Dahil lahat ng hindi ko nararamdaman kay Carrot Man, sigurado ako na sa iyo ko nararamdaman. Ever since you gave me that shining star, alam ko nang magiging espesyal kang bahagi ng buhay ko."

"Shining star?" tanong nito.

Kinuha niya ang wallet at ipinakita dito ang star na ibinigay sa kanya noong photo exhibit. "Remember this? Ikaw ang unang nagtiwala sa akin. At hanggang ngayon, mas inuuna mo pa rin ang pangarap ko kaysa sa sarili mo. Any girl would be lucky to have you."

"No. Ako ang maswerte dahil dumating ka sa buhay ko."

Hinawakan nito ang pisngi niya at idinikit ang labi sa labi niya. The kiss was tentative at first. As if Hero was asking permission from her. Pero nang yumakap siya sa leeg nito ay nagsilbing permiso para palalimin nito ang halik. Akala niya ay overrated kapag idine-describe sa kanya ang halik. That her toes would curl and she would forget even her own name.

No, Hero's name was not overrated. Parang gusto na lang niyang kalimutan ang lahat sa paligid niya at hayaang lumipas ang oras. Parang idinuduyan siya. She didnt' want the kiss to end.

"So this is official?" tanong ni Sunny matapos ang halik.

"Yes, I am officially yours and vice-versa. Mukhang di rin naman kita matatakasan, di ba? Noong una, di kita maalis sa buhay ko. Pero ngayon, ako mismo ang sumusunod sa iyo."

"Pero di natin pwedeng sabihin sa iba ang relasyon natin. I mean, at least hindi sa social media. Baka kasi ikaw naman ang pagkaguluhan ng mga babae dahil kamukha mo si Jeyrick. Ayoko ng maraming karibal."

"Don't worry. I am not big on social media. Ayoko rin ng pinagkakaguluhan ng mga tao. I am all yours." At kinintalan siya ng halik sa noo.

Nakayakap siya sa baywang ni Hero habang tinutugtugan siya ng bamboo flute. Susulitin niya ang panahon na magkasama sila. Her heart was settled now. Alam niyang nasa puso na siya ni Hero.