Chapter 48 - Chapter 10

"LOLA, sa Sagada po ba talaga kayo nakatira?" tanong ni Sunny kay Madam Caroline habang nakasakay sila sa passenger seat ng SUV nito. Palagay agad ang loob niya sa matanda dahil mabait ito sa kanya at di siya tinatratong iba. Mabait din ang mga mata nito katulad ni Hero, ang kanyang Carrot Man.

"Galing sa Sagada ang pamilya ko. Mga ninuno ko. Pero nag-migrate ako sa Canada kasama ang pamilya ko. Doon na nagkaasawa at bumuo ng pamilya ang mga anak ko pero mga Pilipino din ang napangasawa niya. Nang nag-retire ako, sa Pilipinas ko na rin piniling tumira."

"Si Hero po sa Canada din po lumaki?" tanong niya.

"Yes. Pero taon-taon naman silang umuuwi sa Pilipinas. Si Hero bumalik lang sa Pilipinas nang maka-graduate ng Anthropology sa University of Toronto. Kumuha siya ng units para sa local anthropology sa UP Baguio. Nagre-research siya sa mga katutubo dito sa Pilipinas. I am glad that he finally decided to write a book on indigenous groups here in Cordillera. Ayaw daw niyang tuluyang mabaon sa limot ang kultura ng mga tao sa Pilipinas lalo na ng mga Igorot dahil unti-unti nang nilalamon ng globalisasyon.

"Wow! That's interesting. Kaya pala nagustuhan niya ang photo entry ko." Inilabas niya ang cellphone at ipinakita dito ang larawan ng mag-iina habang nasa background ay ang rice terraces. "Pareho po pala kami na interesado na i-preserve ang kultura ng mga Pilipino. Pero sa pictures lang po ang forte ko."

Amaze na amaze si Sunny sa mga impormasyong nalalaman tungkol kay Hero. Kahit na lumaki ito sa ibang bansa ay di nito nakakalimutan na i-appreciate ang kultura ng bayang pinagmulan ng mga ninuno nito. Habang ang ibang tao naman na ay mas gustong talikuran ang sariling kultura dahil baduy daw, si Hero naman ay mas gustong itaguyod iyon.

"Magkakasundo nga kayong dalawa. Ayaw niya sa mga babae na walang alam sa culture at tradisyon ng Pilipinas. Maraming babae nang halos ligawan ang apo ko pero mas gusto daw niya ang babae na nai-stimulate ang utak niya."

Sunny, take note. Paganahin ang lahat ng brain cells pag kaharap si Hero. Ayaw niya sa walang sense na kausap. Please, brain cells, don't leave me. Kailangan kita.

"At natutuwa ako na sa wakas nagka-interes siya sa mga babae," dugtong ni Madam Caroline.

"Po?"

"Ang ibig kong sabihin, di mahilig makipag-usap ang apo ko sa mga babae. Pili lang ang nakakausap niya at tungkol sa trabaho. Pero nasabi mo sa akin na kinausap ka niya sa photo exhibit sa Baguio."

"Opo. Nilapitan po niya ako at nag-comment siya sa picture ko. Sa huli po ibinoto niya ako pero di naman niya iniwan sa akin ang pangalan niya. Tapos nakita ko po siya noong isang linggo sa Bauko pero di rin po kami nagkausap mabuti. Ngayon, magkikita na po talaga kami at magkakausap," kwento ni Sunny.

Pinagsalikop nito ang mga kamay. "Oh! How romantic! Gusto mo ba ang apo ko?" walang kagatol-gatol na tanong ng matanda.

Nanlaki ang mga mata ni Sunny. Ngayon lang siya natanong n ang ganito kadirekta. Pero di naman niya magawang maipagkaila. "Naku! Masyado pa pong maaga para pag-usapan iyan. M-Mabait po s-si Hero sa akin.

"You like him!" Naumid na lang ang dalaga at di alam ang sasabihin lalo na nang titigan siya ni Madam Caroline. Parang kayang-kaya nitong bumasa ng iniisip at nararamdaman ng isang tao. Ginagap nito ang kamay niya. "Wag kang mahihiya. Di ka na iba sa akin."

Kinagat ni Sunny ang labi. "Gusto ko po munang alamin kung tatanggapin ako ni Hero bilang photographer niya. Hindi pa naman po kami nag-uusap."

"Kung nagustuhan niya ang pictures na kuha mo, ibig sabihin hinihintay na lang niya ang tawag mo sa kanya. Naiwala mo lang ang contact number niya, di ba?"

Napilitan ang dalaga na ngumiti at tumango. Sana lang ay di siya ibitin nang patiwarik ni Hero kapag nalaman ito. She was desperate. Ito na ang pag-asa niyang makalapit dito. Interesado di siya na mag-apply na photographer dito. Photographer naman talaga siya. Kung maipapakita lang niya ang mga gawa niya sa lalaki, siguro naman ay may tsansa siyang makatrabaho ito.

Kami ang itinadhana para sa isa't isa. Nararamdaman ko na para talaga sa akin ang trabaho na iyon. Kahit siguro tagatimpla lang ni Hero okay na ako.

Di nagtagal ay pumasok na sila sa Sagada. Kahit na malapit iyon sa resthouse ng nanay niya ay madalang siyang mapunta doon. Ang huli ay noong high school sila at huling pagkakataon na ipinasyal silang magkapasyal sila at nag-picnic sa lake. Those were the days. Noong akala niya ay okay pa ang lahat. Nang pinipilit pa ng nanay niya na normal silang pamilya. Na legal silang pamilya.

Nagulat siya sa laki ng kaibahan ng Sagada ngayon kaysa nang huli niyang pagdalaw. Ang dating mayayabong na pine trees na nagbibigay ng malamig na panahon sa lugar ay napalitan na ng mga hotel at guesthouses. Kahit ang ibabaw ng mga limestone formation ay may bahayan na ngayon.

"Ganito na pala ang Sagada," usal ng dalaga.

"Nakapunta ka na dito dati?" tanong ni Madam Caroline.

"Opo. Dati po akong ipinapasyal dito ng magulang ko noong teenager po ako. Kami ng kuya ko." Hanggang magbago na ang lahat. Hanggang mamulat siya sa katotohanan kung ano ang katayuan nilang mag-iina sa buhay ng kanyang ama.

"Malay mo may oras si Hero na ipasyal ka ulit. Marami nang nagbago sa Sagada. Tapos mag-dinner tayo mamaya. May buffet dinner si Chef Aklay. Siya ang celebrity chef namin dito. Nasubukan mo na ba ang luto niya?"

Umiling siya. "Hindi pa po."

"It is a must try. Di ka pwedeng umalis ng Sagada nang di natitikman ang buffer niya. Isa iyon sa dinadayo dito sa Sagada. Makikilala mo rin ang asawa niya na si Amira dahil siya ang may hawak ng project para sa research ni Hero."

It felt great. Ngayon pa lang ay parang bahagi na siya ng buhay ni Hero. Welcome na welcome siya. It was a good sign. Sabi ni Mea sa kanya, kung magkaka-love life man siya, mas maganda kung kasundo niya ang mga tao na nakapaligid sa taong gusto niya para mas mabilis siyang matanggap sa pamilya at circle of friends.

Makalipas ang kalahating oras ay tumigil sila sa harap ng Caro Wine Shop na nasa poblacion ng Sagada. "Dito na po ba tayo?" tanong niya at bumaba ng sasakyan.

"Hindi. Ibababa lang ang supplies at ihahatid kita sa log cabin." Ginagap ng matandang babae ang kamay niya. "Doon ka na tumuloy, ha? Tayo-tayo lang naman ang magkakasama doon dahil wala naman kaming nagiging bisita."

Tumango na lang ang dalaga. Nahihiya man siya pero kinapalan na rin niya ang mukha. Mas malapit siya kay Hero, mas pabor sa kanya.

Lampas ng bayan ang dinadaanan ng sasakyan nila at puro kakahuyan na ang nakikita niya. "Malayo po pala ang tinutuluyan ninyo sa bayan," nausal ni Sunny.

"My grandson prefer it this way. Mas gusto niya na malayo sa mga tao. Mas gusto daw niyang makapagtrabaho nang tahimik. Napapalibutan ng kalikasan. Tiyak na mag-e-enjoy kang kumuha ng pictures dahil ten minutes lang kami sa Lake Danum."

Nang sa wakas ay pumasok na ang sasakyan sa gate ay natanaw agad niya ang rustic log cabin na nasa gitna ng pine forest. It was beautiful. Parang nasa gitna siya ng isang fairy tale. Isang lalaki ang hangos na lumabas mula sa loob ng cabin. Nakasuot lang ito white T-shirt, nakatupi ang pantalon hanggang sa gitna ng binti at nakayapak. May suot din itong salamin at medyo magulo ang may kahabaang buhok.

Si Hero. Her shining star. Her Carrot Man.

"Lola, dala po ba ninyo ang libro na ipinapadala ni Amira?" tanong ng lalaki.

Mula sa likod ni Madam Caroline ay pinagmasdan niya ito. Guwapo pa rin ito lalo na't mukha itong geek. Wala itong pakialam sa itsura dahil mukhang abala ito sa pagsusulat. Her chest constricted painfully. He was beautiful still.

Heto na siya sa harap ko. Abot-kamay ko na. Oh, Hero! Kung alam mo lang kung ano ang kailangan kong gawin para lang makasama ka.

"Hindi ko nakuha ang libro sa store pero pwede naman mamaya kapag nag-dinner tayo sa bayan," kaswal na sabi ng lalaki.

"Lola, dito na lang po ako magdi-dinner," angal ng lalaki.

"At maglalaga ka lang ng alugbati at kulitis. No! I want you to have a proper dinner, young man. May bisita tayo," anang matandang babae at nilingon siya.

"Hi, Hero!" aniya at ikiniling ang katawan para makita siya ng binata mula sa likuran ni Madam Caro.

Nawala ang ngiti ng lalaki nang makita siya. "What are you doing here?"