Chereads / Marry Me Or I Will Marry You / Chapter 9 - Kabanata 7

Chapter 9 - Kabanata 7

SAMANTALA sa harap ng kuwarto ni Franki, kanina pa nakatayo sa labas ng pinto ang kasambahay na si Teresa. Muli itong kumatok sa pinto pero walang sagot mula sa loob ng kuwarto ng dalagang amo.

"Ma'am Franki, gising na po! Hinihintay ka na sa komedor ng iyong mga magulang. Mag-almusal na raw po kayo." Pero wala pa ring sagot. Kaya naman napilitan bumaba ng hagdan ang kasambahay at bumalik sa komedor.

"O, nasaan si Franki?" agad na tanong ni Frederico sa kasambahay nang makitang nag-iisa itong bumalik ng komedor.

"Sir, kanina pa po ako kumakatok sa pinto pero hindi po sumasagot si Ma'am Franki," nakayukong sagot ni Teresa.

Naalarma naman si Mabel sa narinig, napatayo bigla.

"Ako na ang gigising sa anak natin," ani Mabel, hindi na hinintay magsalita ang asawa.

Lumabas ng komedor si Mabel. Tumayo na rin si Francine upang sundan ang ina. Maang naman na naiwan mag-isa sa hapag kainan si Frederico. Nasundan na lang nito ng tingin ang mag-ina.

ABALA silang magkaibigan. Nakaupo sila sa harap ng malaking salamin. Tinulungan siya ni Angela na mag-disguise.

"Isuot mo itong wig," mungkahi sa kanya ni Angela. Tinignan niyang mabuti ang hawak nitong wig. Maiksi iyon at kulay itim.

"Kailangan ko pa ba niyan?" Tukoy niya sa hawak nitong wig.

"Oo. Makakatulong ito para lalong hindi ka makilala ng kahit sino," ngiting sagot nito.

"Infairness, hindi halatang ayaw mo akong mamasukan bilang kasambahay. Tila excited ka pa nga, e. 'Yung totoo?"

Natatawa na binatukan siya ng kaibigan. "Puro ka kalokohan. Syempre, ayoko. Pero bilang kaibigan susuportahan kita. Kaya kung mag-di-disguise ka rin lang din naman, lubus-lubusin mo na."

Tinali ni Angela ang mahaba niyang buhok, pinaikot iyon at pinatungan ng makapal na wig.

"O, bagay pala sa 'yo ang short hair, friend!" pumapalatak nitong puri sa kanya.

Tama ang sinabi ng kaibigan niya, bagay sa kanya ang short hair. Nagmukha siyang mas bata kumpara sa totoong edad niya.

"Paano ko naman maitatago ang aking totoong mukha?" tanong niya rito.

"Don't worry, gagawan natin ng paraan 'yan. Marami akong nakatagong salamin sa mga mata. Naalala mo ang araw na gumanap akong nerd sa short acting workshop sa school?"

Tumango siya. Ang kaibigan pa nga niya ang nanalo sa ginawa nilang project sa school noong high school pa sila. Gumawa kasi sila ng maikling pelikula. "Pero matagal na 'yon, ah?"

"Oo nga. Itinago ko ang mga iyon bilang remembrance sa sarili. Pero ngayon, ikaw naman ang gagamit. Ingatan mo, ha?"

"Huwag na. Baka mamaya niyan mabasag ko pa," tanggi niya. May pagka-clumsy pa naman siya.

"Loka! Okay lang," ngiting sagot nito. "Sandali, kukunin ko lang."

Tumayo si Angela. Kinuha nito ang isang storage box at kinuha lang ang salamin na sinasabi nito.

"Heto na, friend!" Pagmamalaking ipinakita ni Angela ang hawak nito.

"Baka naman lumabo ang paningin ko kapag ginamit ko 'yan?"

Naupo sa tabi niya si Angela. "Haller? Walang grado ang salamin na ito. Sa sobrang kapal nito, baka hindi na makita ang pupil ng mga mata mo."

Isinuot nito ang salamin sa kanyang mga mata, napapangiwi siya dahil inaalala niya na baka mabigat iyon. Pero sa kanyang pagtataka, magaan lamang ito.

Humarap si Franki sa salamin. Tama nga si Angela, nakatulong din ang makapal na salamin upang maitago ang maganda niyang mga mata.

Pero kung ang mga classmate niya noong college pa siya ay nagmumukhang genius kapag nakasuot ng salamin sa mga mata, siya naman ay mukhang manang sa suot niya. Sa laki at kapal ng salamin na suot niya, iisipin ng kahit sino na malala ang grado ng kanyang mga mata.

"Tanggalin mo muna ang salamin," utos sa kanya ng kaibigan. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Hinubad niya ang suot na salamin.

"Close your eyes," muling utos nito sa kanya.

"Okay, their close." Iniisip niyang baka lalagyan siya nito ng kolorete sa mukha. Naramdaman niyang parang may idinikit sa kanyang mga kilay si Angela. May idinikit din ito sa kanang pisngi niya.

"Ngayon ay buksan mo na ang iyong mga mata," tila natutuwa pang sabi ni Angela. Nagustuhan nito ang ginawang pag-di-disguise kay Franki.

Bigla naman napaatras si Franki nang pagdilat niya ng mga mata ay nagulat sa sarili niyang repleksyon.

"Hindi na nga ako makikilala, pero baka katakutan naman ako ng amo ko!" Napatawa siya sa kinalabasan ng pag-di-disguise niya sa tulong ng kaibigan.

Infairness, ang galing ng kaibigan niya. Hindi ito nahirapan baguhin ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng maikling wig, may nakapatong na mga kilay na makapal sa totoong mga kilay niya. May fake pa na nunal sa kanang pisngi niya, nakasuot pa siya ng malaki at makapal na salamin sa mga mata. Mukhang sapat na iyon para maitago ang totoong wangis niya.

"Hindi ka makikilala ng kahit sino. Hindi pa magkaka-interest sa iyo ang magiging amo mo."

"Sira!" Natatawa na tinampal niya ang noo nito.

"Siyempre, lalaki pa rin ang magiging amo mo. Ayoko naman mapahamak ka," sincere na sabi nito.

"Ang sarap naman pakinggan." Natutuwang mahigpit niyang niyakap ito.

Gumanti ng yakap sa kanya si Angela. Biglang tumunog ang alarm clock na nakapatong sa dresser.