Chapter 2 - Panimula

[Panimula]

"Gumising ka na Thalia" huling mga salitang aking narinig bago ko imulat ang mata ko.

Nandito ako sa mundong may nabubuhay na mga hari, reyna, prinsesa at prinsipe. Higit sa lahat, hndi ko inaasahan na isa pala akong prinsesa?!

"Prinsesa Cyndriah, ano ang iyong iniisip? Maaari mo ba itong ibahagi."

Nabalik naman ako sa realidad nang marinig ko ang tinig ng lalaking bumihag sa aking puso. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng matitigan ko ang kabuuan ng kanyang mukha.

"Hadrian, I love you."

Alam ko sa sarili ko na hindi niya mauunawaan ang mga katagang aking binibigkas, ngunit gusto kong maging totoo ako sa harap niya.

"Prinsesa, ano ang iyong tinuran? Hindi ko batid ang mga salitang iyong binigkas."

Napayuko na lang ito kaya hindi ko na lang napigilan ang mapatawa. Nang makita niya akong nakangiti ay gumuhit din ang matatamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Hadrian, sana ituring mo ako ngayon bilang isang dalaga na kauri niyo lamang at hindi isang prinsesa."

"Ano ang gumugulo sa iyong isipan mahal ko?" Malambing na saad niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

"Hadrian, paano kung matapos ang lahat ng ito. Huwag mo akong kakalimutan, tandaan mo palagi na minahal mo ang isang dalagang nag ngangalang Cyndriah." Hndi ko na napigilan pa ang mga luhang kanina pa nagkukubli sa aking mga mata. Pinahid niya ang mga luha sa aking mata at naramdaman ko ang kaniyang pagyakap.

"Hindi kita makakalimutan,Cyndriah. Mamahalin kita hanggang ngayon at magpakailanman. Paghiwalayin man tayo ng tadhana ngayon, dadating ang panahon na muling magtatagpo ang ating landas."

Ipinikit ko na ang aking mga mata at hindi ko napansin na umiiyak nanaman pala ako. Hindi ko lubos maisip na ito ang istoryang bigay sa akin ng tadhana.

******

"Best, umiiyak ka nanaman. Lagi ka na lang ganiyan simula ng magising ka."

"Pasensiya na may naalala lang ako"

"Tigilan mo na nga yan kadramahan mo, sumama ka na lang sakin may ipapakilala ako sayo." Hindi na niya ako hinayaan pang makapag react at mabilis niya akong hinila patungo sa kaniyang sasakyan.

Nang makarating kami sa mall ay iginala niya ang kaniyang paningin na ikinainip ko naman.

"Sino ba kasi yang hinahanap mo?"

Inirapan niya lang ako kaya hindi na ako muli pang nagtanong.

"Tsk. Nakakainis naman! Hindi daw makakarating." Inis niyang sabi.

"Sino ba kase yon?" Ayaw pa kasi sabihin.

"Wala! Basta ha sa birthday ko, wag mong kakalimutan! 2 days nalang, Ipapakilala din kita sa iba ko pa na friends."

Oo nga pala.

"Sure, makakarating ako asahan mo yan." Tsaka ko siya nginigtian at napangiti nalang din siya.

*****