Chapter 524 - Chapter 15

TAHIMIK na pinagmasdan ni Liyah si Thyago habang pinatatakbo ang kabayo nitong si Cerro Rico para sa morning exercise. It was five thirty in the morning. Umaga pa lang ay nasa paddocks na siya at pinanonood ito. Pangatlong araw na niya iyon sa Stallion Riding Club kung saan pansamantala siyang tumutuloy sa guesthouse.

Maya maya pa ay naglalakad na lang si Cerro Rico at pinalakad ni Thyago palapit sa kanya. "Good morning! Masyado naman yatang maaga ang fan ko na dalawin ako," nakangi nitong sabi.

Hinaplos niya ang ulo ni Cerro Rico. "Excuse me. Hindi ikaw ang gusto kong makita kundi si Cerro Rico."

Dalawang linggo na si Thyago sa Stallion Riding Club nang sumunod siya. Tinapos lang niya ang major polo competition bago umalis sa team. Marami ang nagprotesta at nanghinayang. Subalit buo na ang desisyon niya na pumunta sa Pilipinas para baguhin ang buhay niya.

She needed to reassess her self. Ano ba talaga ang gusto niya? She knew that she loved working with horses. Pero di niya tiyak kung gusto nga ba niyang maglaro ng polo o dahil iyon lang ang gusto ng kapatid niya.

Tumutol din ang kapatid niya subalit huli na. Buo na ang desisyon niya na lumayo dito. Pinili niya ang walang katiyakang buhay sa Pilipinas.

"Teka, ibig sabihin karibal ko pa ang kabayo ko sa iyo?" bulalas nito.

"Why not? He is a certified stud!" nakangiti niyang usal.

"Well, gusto ko lang ipaalala sa iyo na ngayon ang araw ng interview mo. You have to meet Saskia at eight in the morning at Artemis Riding Center."

Sa Artemis Riding Center siya na pag-aari ng world-renown equestrian na si Saskia siya nag-apply bilang instructor at horse trainer. At mamaya na ang final interview niya. Si Saskia mismo ang kakausap sa kanya.

Nasapo niya ang dibdib. "Bigla naman akong kinabahan," sabi niya habang nag-aagahan sila sa Lakeside Café and Restaurant.

"Bakit ka kakabahan? You are good, Liyah."

"Look! There's always my brother to back me up. Pero ngayon, sariling kakayahan ko na lang ang pwede kong maasahan."

Tinapik nito ang kamay niya. "Hey! I am positive that you can do it."

Ngumiti siya. Bagamat gusto niyang maging independent, di niya kakayaning mag-isa nang wala si Thyago. Lagi nitong pinalalakas ang loob niya.

"Paano kung hindi niya ako matanggap?"

Lumingon ito sa lake. "Hmmm… pakasalan mo na lang ako. Bigyan mo ako ng tagapagmana. And I will provide everything for you."

"Shut up!" bulalas niya at inirapan ito.

Subalit nagugustuhan na niya ang Stallion Riding Club. It was relaxing. Isa iyong magandang lugar para makapagsimula si Thyago. At inaasahan niya na magkakaroon din ng magandang simula para sa kanya.

"Good morning!" bati ng isang matangkad at guwapong lalaki sa kanila na parang laging nakangiti ang mga mata. Kasama nito ang isanga magandang babae na berde ang mga mata. "You must be the new polo manager. I am Reichen Alleje and this is my girlfriend Saskia."

Kadarating pa lang ng mga ito sa Austria kung saan madalas dumalaw si Reichen sa Spanish Riding School. He was a dressage master. Habang si Saskia naman ang may-ari ng pamosong Artemis Equestrian Center. A perfect combination.

Kinamayan ni Thyago ang dalawa. "It is a pleasure to meet you. This is my friend Liyah Kintanar. She used to play for King Power polo team."

Kinamayan siya ni Saskia. "You are applying for our riding school, right? Sigurado ka na ang isang promising polo player sa amin magtatrabaho."

"Yes. Nakita ko na ang school ninyo kahapon. And I like it."

"Liyah, our riding school doesn't offer any polo lesson. Leisure riding ang madalas na kinukuha sa amin. We really need instructors for young ladies and kids. Is that okay with you?"

"Yes." Pakiramdam niya ay nasa final interview na siya.

"The salary isn't that high compare to your previous job."

"I don't mind. I just need a job for now. At hindi ako mapili sa trabaho."

Gusto niyang magkaroon din ng experience na bago kumpara sa mga dati na niyang karanasan. At iyon ang ibibigay sa kanya ng Artemis Equestrian Center.

"I guess she will be a great asset, Saskia," komento ni Reichen. "Pwede rin namin siyang hiramin dito sa riding club kung kinakailangan."

Nagkibit-balikat si Saskia. "Okay. You are hired."

"R-Really? Pero mamaya pa ang final interview."

"I like you. Reichen is right. Magiging asset ka ng riding school. Please bear with us, Liyah," wika ni Saskia.

Umiling siya. "No. Ako po ang magpapasalamat dahil tinanggap ninyo ako. I promise that I won't disappoint you."

"Sinabi ko na sa iyo na pipiliin ka nila," wika ni Thyago nang maiwan sila.

"Paano? Iiwan na kita dito pero di ibig sabihin makakatingin ka basta-basta sa ibang babae. Magkapit-bahay lang ang riding school at ang riding club. Lagot ka sa akin kapag nakipag-date ka sa iba."

Tumikhim ito. "Sandali. Bakit bigla ka yatang naging possessive sa kaguwapuhan ko? Parang girlfriend na kita, ah!"

Natigilan siya. Di niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Maraming naglipanang babae sa riding club. And most of them were predators. Naghahanap ng guwapo, mayaman at tatanga-tangang lalaki na masisila. Women like Eyna who destroyed her brother.

"Ayoko lang na matulad ka sa kapatid ko, Thyago."

"Liyah, parang di mo naman ako kilala. Sa palagay mo ba tatawagin mo ba sa tanda kong ito mauuto pa ako ng babae?"

"Basta huwag ka ngang magpapaloko sa babae."

"Kung ikaw naman ang manloloko sa akin at hahabulin mo lang ang katawan ko, walang problema sa akin. Okay lang sa akin na pagsamantalahan mo."

Nagtayuan ang balahibo niya nang pumikit ito. Parang nag-aanyaya na halikan niya ito. He really looked delectable enough to eat. He was simply the kind of man that she couldn't ignore.

She wanted to kiss him but she stopped her self. Di iyon ang tamang lugar at oras para doon. Di iyon ang oras para sa eskandalo.

Tinapik niya ang pisngi nito. "Umayos ka nga! Ang aga-aga."

"Ibig sabihin kapag di na maaga okay lang?"

"Thyago Palacios, you are incorrigible!"

But she was glad that he was a part of the new chapter in her life.