Chapter 525 - Chapter 16

Excited na nag-empake ng mga gamit si Liyah. Anumang oras ay dadating na si Thyago para ihatid siya sa kalapit na Artemis Equestrian Center. Malapit na siyang matapos sa pagliligpit ng gamit nang makatanggap siya ng tawag.

"Hello!" aniya nang makitang walang numerong naka-rehistro.

"Liyah, kasama mo ba sa Stallion Riding Club si Thyago?" pagalit na tanong ng Kuya Elvin niya.

"Yes. Do you need anything?" malamig niyang tanong. Nagbago na siya ng pakikitungo dito mula nang balewalain nito ang pagmamalasakit nila ni Thyago at akusahang mga sinungaling.

"Come back to me, Liyah. Kalilimutan ko na ang lahat ng ginawa mo sa amin ni Eyna. Patatawarin na kita doon."

"Forget about it, brother. Masaya na ako dito. May bago na akong trabaho." At nagsisimula na siyang ma-enjoy ang independence niya. Isa pa, bakit siya babalik kung isang sinungaling pa rin ang tingin sa kanya ng kapatid niya.

"Ano bang relasyon mayroon kayo ni Thyago? Talaga bang sinasadya ninyong saktan ako?" pagalit nitong tanong.

"No. Ikaw ang nananakit sa sarili mo at hindi kami, Kuya. Nagmamalasakit kami sa iyo. Kung may nanloloko sa iyo, iyon ang asawa mo."

"Enough of your lies, Liyah! Tinuruan ka na talagang magsinungaling ni Thyago? Huwag mo na siyang depensahan. Di ko na siya patatawarin pero ikaw may pag-asa ka pa. Tatatanggapin pa kita ulit."

Ngumisi siya. Kung siya ang dating Liyah, maaring uto-uto siyang tatanggapin ang anumang sabihin ng kapatid niya. Pero nagbago na siya.

"Kuya, babalik lang ako kung maniniwala ka sa mga sinabi namin ni Thyago."

"Why should I? Puro kasinungalingan lang ang sinasabi ninyo."

"Then why should I come back if you won't believe me? Mas  mabuti na siguro na magkahiwalay na lang tayo, Kuya. Maging masaya ka na lang kasama ang asawa mo. Don't worry. I will take care of my self."

"Malaki na ang ipinagbago mo, Liyah," malungkot nitong usal. "Hindi ko alam kung bakit nag-iba ka na."

"No. Hindi ako ang nagbago, Kuya. Ikaw. Ako pa rin ang kapatid mo na laging nag-aalala sa iyo. Habang nabulag ka na ng sobrang pagmamahal mo kay Eyna. Sana lang tigilan na niya ang panloloko sa iyo at mahalin ka niya ng totoo. Dahil kahit ano pa ang mangyari, gusto pa rin na maging masaya ka. Sana lang magtira ka rin ng kaunting pagmamahal sa sarili mo."

Napansin ni Thyago ang pagiging tahimik niya nang sunduin siya nito. "What's wrong, Liyah?"

"Tumawag si Kuya Elvin. Bumalik na daw niya ako sa Thailand at patatawarin daw niya ako sa mga kasalanan ko."

"Pumayag ka namang bumalik sa kanya?"

Sinulyapan niya ito. "Bakit naman ako babalik kung sinungaling ang tingin niya sa akin? Sa atin. Sabi ko di ako babalik hangga't di siya naniniwala sa mga sinasabi natin. Kung hindi, hayaan na lang niya ako dito."

"I am sure he isn't happy because you are with me."

"Wala naman siyang magagawa, hindi ba? Ikaw na lang ang naniniwala sa akin, Thyago. Sa iyo na lang din ako nagtitiwala."

Hinaplos nito ang buhok niya. "And I won't leave you either. I will also try to make you happy as best as I can. Ayoko nang makita ka pang malungkot."

Ngumiti siya. Hindi na siya malulungkot. Basta makita lang niya si Thyago, masaya na siya. Sana lang ay hindi ito magbago sa kanya.

"WOW! Tama nga sila. Guwapo ang bagong polo manager ng Stallion Riding Club. Pangalan pa lang lalaking-lalaki na. Thyago!" kinikilig na sabi ni Stephanie, isa sa mga instructor ng Artemis Equestrian Center nang ihatid siya ni Thyago. At halos lahat ng babae doon ay iyon ang reaksyon nang makilala si Thyago.

"Are you available tonight?" tanong ni Jaerellin. "Kasi available ako."

"Mamaya na nga ang date namin, eh!" wika naman ni April.

Kahit saan pumunta si Thyago ay pinagkakaguluhan ang kaguwapuhan nito. Nailang tuloy siya dahil mga kasamahan pa niya sa trabaho ang nagpapantasya dito. Pinaligiran ng mga ito si Thyago na parang isang fertility god. How could they admire him openly when she couldn't look at him straight? Tutuksuhin kasi siya nito.

Tumikhim si Saskia. "Girls, behave. Nakakahiya naman kay Liyah."

Biglang tumuwid ng tayo ang tatlo at tumingin sa kanya. "Boyfriend ba niya si Thyago?" tanong ni Jaerrelin at binitiwan siya.

"Sort of," sa halip ay sabi ni Thyago.

Biglang bumitiw si Stephanie. "Taken na pala. DI man lang sinabi." Halatang nadismaya ang mga ito.

Umiling siya. "H-Hindi. Magkaibigan lang kaming dalawa."

"Ano ba talaga ang totoo? Girlfriend mo ba siya o hindi?" tanong ni April. "Dahil kung ayaw niya sa iyo, akin ka na lang."

"Ang malinaw lang sa akin, magagalit sa akin si Liyah kapag nakipag-date ako sa kahit kaninong babae. Selosa kasi iyan," wika ni Thyago.

"Hey! Hindi mo kailangang sabihin iyan sa kanila!" saway niya. Nag-init ang pisngi niya sa nakakalokong ngiti ni Thyago sa kanya. Di kasi niya pwedeng sabihin na sinungaling ito. Sinabihan naman talaga niya ito na huwag makipag-date sa ibang babae. Pero walang maniniwala na di siya nagseselos.

Tuluyan nang bumitiw ang tatlong babae dito. "Sorry, girls. Off limits!" nasabi na lang ni Saskia. "Feel free to visit Liyah anytime, Thyago."

"Ako rin, pwede mong bisitahin kung kailan mo gusto," sabi ni Stephanie.

Hinaplos ni Thyago ang pisngi niya. "Huwag mo akong masyadong mami-miss, ha? I'll fetch you tomorrow for dinner."

"Nakakainggit naman kung may ganoon kaguwapong lalaki na magyayaya sa iyo ng dinner. Ngiti pa lang ulam na," sabi ni April nang ihatid siya sa kuwarto niya. Stay in siya sa Artemis Equestrian Center. "May kapatid ba siya?"

"Wala. Nag-iisang anak lang si Thyago."

"Ikaw. May kapatid ka ba na guwapo rin?"

"Oo naman. Guwapo ang Kuya Elvin ko pero may asawa na siya."

Nalungkot siya nang maisip ang kapatid niya. Maganda na ang buhay niya pero ito ay nakakulong pa rin sa dilim. Kung may magagawa lang sana siya para sa kapatid niya, mas matatahimik ang isipan niya.