Chapter 526 - Chapter 17

"HELLO, girls! I am Miss Liyah Kintanar. And I will be your instructor for basic horseback riding. I will show you the joys of riding a horse and how to treat it as your friend. And I hope you will enjoy your lesson with me."

Iyon ang unang pagkakataon niya na makilala ang mga estudyante. Iyon ang unang klase niya para sa araw na iyon. Pawang galing sa Buena familia ang mga batang edad kinse hanggang disisais. Sa palagay ni Saskia ay kaya niyang I-handle ang mga bata. Malaki ang tiwala nito sa kakayahan niya.

Nagtaas ng kamay ang isa niyang estudyante. "Miss Liyah?"

"Yes, Rina Jelle?" Ito ang tumatayong leader ng grupo.

"Do you have a boyfriend from the Stallion Riding Club?"

Nagulat siya sa tanong nito. Wala naman kasi iyong kinalaman sa ituturo niya. "I don't think it has anything to do with our lesson."

"May kinalaman iyon sa pag-aaral namin dito, Miss Liyah. Kung wala kang boyfriend na taga-Stallion Riding Club, ayaw namin sa iyo."

"Wala nga akong boyfriend. Ano naman ang problema no'n?"

Umungol ang limang kabataan. "We don't want you to be our teacher. Hindi ka magse-set ng magandang example sa amin."

Nanlaki ang mata niya. "Now wait a minute!"

Hindi niya alam kung ano ang problema ng di niya pagkakaroon ng boyfriend mula sa riding club. Pero di naman siya papayag na magpa-insulto.

"May problema ba dito, Liyah?" tanong ni Saskia na siyang personal na nagsu-supervise sa mga sessions sa estudyante.

"Miss Saskia, we thought that she's good," anang si Rina Jelle.

"Liyah is a famous polo player from Thailand. Maswerte nga kayo dahil siya ang magtuturo sa inyo. Ni hindi pa nagsisimula ang lesson ninyo, may problema na?"

"Paano naman siya gagaling kung wala siyang boyfriend galing sa Stallion Riding Club? Hindi siya magse-set ng magandang example sa amin. Mabuti pa ikaw na lang ang magturo sa amin, Ma'am."

Malungkot siyang nilingon ni Saskia. "Liyah, ako muna ang bahala dito."

Nagpupuyos na bumalik siya ng opisina. She was a professional. And those stupid brats insulted. At dahil lang wala siyang boyfriend galing sa Stallion Riding Club ay iinsultuhin na ng mga ito ang pagkatao niya. Hindi talaga niya alam kung anong klaseng pag-iisip mayroon ang mga ito.

"Bakit nandito ka na agad?" tanong ni April na may ginagawang report.

"Ayaw ng mga estudyante ko na turuan ko sila dahil daw wala akong boyfriend mula sa Stallion Riding Club. Ano bang way of thinking iyon?"

Napailing na lang kami. "Naranasan mo na rin pala ang sumpa. Karamihan ng mga nag-aaral dito, gusto lang magkaroon ng chance para makapasok sa Stallion Riding Club. Yes, marami ang estudyante namin. Pero parang gusto lang yata nila na magkaroon ng koneksiyon dahil si Saskia ang girlfriend ng kapatid ng may-ari ng Stallion Riding Club. A bit desperate, isn't it?"

"Pero bata pa ang mga estudyante ko. Fifteen to sixteen pa lang sila. Di pa nila dapat iniisip ang tungkol sa mga lalaki na iyan."

"Wala kang magagawa dahil dala iyan ng kasikatan ng Stallion Riding Club. Problema namin ang mga spoiled brats na iyon. Masyado naman silang ambisyosa kung si Saskia pa ang magtuturo sa kanila. Kaso malapit na kaibigan ng pamilya nila Saskia ang pamilya ng batang iyon. Baka masira pa ang pangalan namin. Kaya nga pinagtitiisan na lang namin kahit mga maldita."

"Ano ang gagawin ko? Gusto ko rin naman silang turuan kahit paano." Ayaw naman niyang sukuan ang challenge na iyon sa kanya. Nagsisimula pa lang siya ay palpak na siya. Ano pa ang silbi niya doon kung di siya makakapagtrabaho?

"Kung ganoon, kailangan mo ng boyfriend mula sa riding club."

"LIYAH, kanina pa nasa paddocks ang grupo nila Rina Jelle at hinihintay ka," sabi ni April nang masalubong siya mula sa morning exercise niya.

"Sigurado ka na ako ang magtuturo sa kanila? Akala ko ba ayaw nila sa akin dahil wala akong boyfriend," nagtataka niyang usal. Baka naman hindi siya ang hinahanap ng mga ito kundi si Saskia.

"Hindi ba may boyfriend ka na nga?" tanong nito.

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"May boyfriend ka nga. Andoon sa paddocks kausap ang mga bata."

Naguguluhan siyang pumunta sa paddocks at naabutan si Thyago na pinagkakaguluhan ng mga estudyante niya. Parang fertility god ito na kulang na lang ay sambahin. Pati ang mga bata ay naaakit na rin nito.

"Thyago, what are you doing here?" tanong niya.

"Dinadalaw ka." Tinitigan siya nito na parang in love na in love ito sa kanya. "Nasa morning exercise ka pa daw kaya nagkwentuhan kami ng estudyante mo."

Saglit na nablangko ang isip niya dahil sa titig nito. Hindi na tuloy niya kung ano ang dapat na sabihin dito. Nagkasya na lang siya na makipagtitigan dito.

"Miss Liyah, bakit po hindi ninyo sinabi sa amin na may boyfriend na kayo? Polo manager pa po ng Stallion Riding Club," magalang na sabi ni Rina Jelle. Samantalang kahapon ay halos isumpa siya nito dahil nalaman na wala siyang nobyo mula sa riding club.

"Mahiyain kasi si Liyah. Ayaw niyang masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa amin," sabi ni Thyago at inakbayan siya.

"Kung ganyan kaguwapo ang boyfriend ko, hindi ko ikakahiya," sabi ni Rina Jelle at pinalamlam ang mata kay Thyago.

Pinanlakihan niya ng mata si Thyago. "Sweetheart, magsisimula na ang klase namin. Bakit di ka na muna bumalik sa riding club?"

"Sure." Nagitla siya nang kintalan siya nito ng halik sa labi. "Meet me for dinner later, okay? I love you!"

Naestatwa siya hanggang makalayo ito. Nanginginig ang buo niya katawan. Bakit kailangan pa siya nitong halikan? Kung kailan kailangan niya ang lahat ng huwisyo niya kapag hinarap ang mga estudyante niya.

At sinabihan pa siya nito ng I love you. Maaring pagkukunwari lang iyon para dito pero malaki ang impact niyon sa kanya. Noon lang siya nasabihan na mahal siya ng isang lalaki. Bakit kapag galing kay Thyago ay masarap pakinggan?

"Ma'am, kapag po ba naging magaling po ba kami sa polo magkakaroon din kami ng boyfriend na kasing guwapo ni Sir Thyago?" nagniningning ang mga matang tanong ni Rina Jelle.

"Mag-aral ka muna siguro, Rina Jelle. Ready for our lesson?"

MATIYAGANG naghintay si Liyah na matapos ni Thyago ang practice match. He was assessing the made horses' performance. Nakabase kasi sa mahal ng isang polo horse ay kung ilang beses na itong nalaro at kung gaano kaganda ang performance nito-kung gaano ito kalakas at kung gaano ito kabilis kumuha ng direksiyon.

Nilapitan siya ni Thyago matapos ang trabaho nito. "Masyado mo naman yata akong na-miss. Alas singko pa lang, nandito ka na agad. I will just take a shower. Then magdi-dinner na tayo."

"Anong pumasok sa isip mo at pumunta ka sa riding school at nagpakilalang boyfriend ko?" magkasalubong ang kilay niyang tanong.

"Bakit? May problema ba kung ginawa ko iyon? Mukha namang walang problema sa mga estudyante mo, ah!"

"Ano naman ang pumasok sa utak mo at sinabi mo sa kanilang boyfriend mo ako?" asik niya.

"Nasabi sa akin ni April na nagkaka-problema ka sa mga estudyante mo dahil gusto nila ng teacher na may boyfriend galing sa riding club. So I decided to tell them that I am your boyfriend. Maganda naman ang resulta, di ba? Pumayag na ang mga estudyante mo na ikaw ang magturo sa kanila."

"But it is not that simple. Mas marami pa yata silang gustong matutunan ang kung paano makakuha ng boyfriend mula sa Stallion Riding Club kaysa ang pag-aaral sa pagsakay ng kabayo. And it is not funny."

At ano naman ang malay niya sa pang-aakit ng lalaki? She could tame a horse but she knew nothing about taming a man.

Humalakhak ito. "Relax. Basta mag-concentrate ka lang sa pagtuturo sa kanila. Ang mahalaga naman may matutunan sila sa iyo. Kung maipapakita mo sa kanila na masaya ka sa itinuturo mo, makakalimutan na rin nila ang tungkol sa mga lalaking guwapo at sa riding club."

"You don't have to kiss me!" angal niya.

"Bakit? Was it a boring kiss? I know, hindi iyon katulad noong hinalikan kita dati. Siyempre masyado pang bata ang mga audience natin." Inakbayan siya nito. "Pero pwede naman akong bumawi sa iyo."

Itinulak niya ang noo nito. "Umayos ka nga!"

"Liyah, hindi mo maintindihan kung ano ang inirereklamo mo."

"Ewan ko. Hindi lang ako komportable na mare-recognize lang nila ako dahil may lalaki sa buhay ko member ng riding club. Naiinsulto ako. Gusto ko naman ma-recognize nila ako dahil may credibility ako bilang instructor nila."

"Hindi ko naman gustong insultuhin ka. Gusto ko lang makatulong."

Natahimik siya. Di niya pwedeng sabihin na kasalanan nga nito ang nangyari. He just tried to help her out. Masyado lang umiiral ang pride niya.

"I am sorry. It is not your fault. I am just too touchy."

"Dahil marami kang gustong patunayan? Alam ko. Kaya nga gusto ko ring makita ng iba ang kakayahan mo. Just let me help you in every way I can."

She smiled at him. "I will try not to be sensitive."

"Good. Pwede na ba tayong mag-dinner?"

Tumango siya at kinintalan ito ng halik sa pisngi. "Thank you, Thyago. And I don't regret coming here with you."

She saw him in a new light. Ito ang lalaking di mahirap mahalin.