"HIndi mahal? Sa palagay mo ba bakit ako galit na galit kay Roland? Dahil binasted mo ako para sa kanya. Damn it, Dafhny! Bata ka pa lang gustong-gusto na kita. Tapos tinanggihan mo lang ako?"
"Paano kitang di tatanggihan? Playboy ka nga."
"Di sana ako naging playboy kung sinagot mo lang ako."
Ibinaba niya ang tingin. "Akala ko kasi faithful si Roland."
"Kailan pa naging bagay ang lamanglupa sa mukhang diyosang katulad mo. Siyempre tayong dalawa lang ang bagay dahil guwapo ako."
Humalakhak siya. He really knew how to make her laugh even in the middle of a serious conversation. "Iyan ang gusto ko sa iyo, eh!"
"Ang kaguwapuhan ko?"
"Ang kayabangan mo! Kaya nga di ako mabo-bore sa iyo. You are everything. You can make me laugh and annoy me at the same time. And you made me fall for you. Ikaw na pinakahuling lalaki na gusto kong mahalin."
Tinitigan nito ang mga mata niya. His eyes full of warmth. "I love you. I am afraid to lose you. Hindi ko kaya na gumising sa bawat araw nang alam kong wala ka."
He gave her a lingering kiss. He loved her. Kahit kailan ay di niya pinangarap na mamahalin din siya nito. It was a very pleasant dream. Iyong panaginip na gusto niyang naroon pa rin sa paggising niya.
Mataman niya itong pinagmasdan. Parang may humahaplos na kamay sa puso niya sa pagtingin pa lang niya dito. "Even when I am annoyed with you, I still couldn't stop my self from loving you. Kahit nang maging boyfriend ko si Roland, hindi kasing tindi ng nararamdaman ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa iyo. You make me feel a so much. You can make me mad, happy, sad and tremble with so much anticipation every time you touch me. I dream about your touch and kisses."
He beamed happily and took her in his arms. "I like the sound of that."
"The danger is over. Pwede na siguro tayong bumalik sa Costa Brava."
ISA-ISANG tsine-check ni Dafhny ang mga na-renovate nang kuwarto. Walong buwan na lang at tuluyan nang matatapos ang project. Makukumpleto na niya ang isa sa mga magagandang pangarap niya.
Nilapitan siya ng isa sa mga tauhan niya. "Ma'am, ipinapatawag po kayo ni Sir Gianpaolo. Doon daw po kayo sa Blossom Garden."
Ang Blossom Garden ay ang natural flower garden na nasa gilid ng bangin. Iyon ang pinakapaborito nilang lugar ni Gianpaolo.
And there was Gianpaolo. He was the fulfillment of one of her dreams.
Ito na yata ang pinangaparap ng kahit sinong babae. Araw-araw ay may sorpresa ito para pasayahin siya. Ano naman kaya ngayon?
Maingat niyang tinawid ang bagong hanging bridge. Matibay na iyon at dala na rin ng paranoia sa minsang pagbagsak niyon, maya't maya iyong ini-inspect para tiyakin na nasa maayos pa ring kondisyon.
Pagdating sa flower garden ay humalimuyak ang mabangong amoy ng bulaklak. Tinatangay ng hangin ang buhok niya. Luminga siya sa paligid. Wala siyang Gianpaolo na nakita. "Gianpaolo, lumabas ka na!" tawa niya.
May kumaluskos sa likod ng puno. Isang lalaki ang lumabas doon subalit hindi iyon si Gianpaolo. "Ma'am Dafhny, good morning po."
"Rodrigo!" Ito ang pinakabata nilang trabahador. Di ito palakibo at laging ilag sa mga kasamahan. "May sakit ka, di ba? Bakit ka nandito?"
Inilabas nito ang baril at itinutok sa kanya. "May trabaho pa kasi ako na kailangang tapusin, Ma'am."
Parang sumalya sa malaking pader ang puso niya at napatitig sa baril na hawak nito. "A-Anong ibig sabihin nito, Rodrigo?"
"Wala si Sir Gianpaolo dito. Si Kamatayan ang ka-appointment ninyo, Ma'am."
Nanlaki ang mata niya at napaurong. "Ikaw ang gustong pumatay sa akin?"
Nakamot nito ang baba habang di inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kanya. "Ilang beses na akong pumalpak. Mukhang may sa-pusa kayo, Ma'am. Ngayon, sigurado na akong wala nang mintis."
Nanginig ang tuhod niya. Mas matindi pa kaysa sa takot na naramdaman niya nang muntik na siyang malaglag sa bangin. Parang si Kamatayan kasi mismo ang kaharap niya. "A-Anong kailangan mo sa akin?" tanong niya.
"Tumalon ka sa bangin." At bahagya nitong iwinasiwas ang baril.
"Ha?" Nahigit niya ang hininga.
"Padaliin mo ang trabaho ko, Ma'am. Kaysa naman pag-aksayahan pa kita ng bala. Di na nila maiisip na aksidente iyon, di ba?"
Napalunok siya. "Sino ang may gusto na mamatay ako?"