"I didn't expect that Melissa would resort to something so drastic to take me back. I am sorry, Dafhny. Kinokondena ko ang pananakit at pananakit niya sa iyo," malungkot na sabi ni Roland. Nalaman na nito ang pagre-resign ni Melissa. At di ito maaring lumapit pa sa kanya o awtomatiko itong ipapadampot sa pulis.
Nasa isang garden restaurant sila na dati nilang pinupuntahan noong magnobyo pa sila. Pinagbigyan lang niya ito dahil mukhang importante dito na magkausap silang dalawa. "Iniintindi ko na lang siya. Nasaktan lang siguro siya. Ang hindi ko matanggap kung bakit kailangan pa niya akong saktan."
Huminga nang malalim si Roland. "Ikino-consider ko pa mandin siyang balikan matapos ang ginawa niya sa akin. A part of me loves her still. Naisip ko na baka kaya pa niyang magbago. Pero ngayon, hindi na ako babalik sa kanya."
"People commit mistakes sometimes. Sa sobrang pagmamahal, nawawala tayo sa sarili natin. We do things that could hurt people. Sinayang na natin ang pagkakataon. Mare-realize na lang natin kapag huli na."
"At huli na rin ang lahat para sa atin, di ba? Wala na akong puwang sa puso mo. Hindi mo na ako tatanggapin."
"As a friend maybe but nothing more than that."
"I understand." Nilingon nito si Gianpaolo na nakabantay lang sa kabilang table. Di ito pumayag na di siya makita kahit pa nasa mesa ito sa di kalayuan. Wala daw itong tiwala kay Roland. "You love him right?"
Tumango siya. "And it is the best thing I've ever felt." Di na siya natatakot na harapin ang mangyayari bukas dahil nariyan si Gianpaolo. Di siya pinababayaan.
"Hindi ko na kayo guguluhin. Kung hindi ka komportable na makasama ako sa project, pwede namang ibang architect na ang gawing stay in."
"Don't! I respect you as a colleague. Alam kong importante rin sa iyo na hawakan ang Casa Rojo project. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari sa nakaraan at mag-concentrate sa project."
"You are so nice. I was a fool to let you go, Dafhny."
She was glad that she got away from their relationship. Kundi ay patuloy lang niyang lolokohin ang sarili niya na kaya niya itong mahalin. Samantalang isang lalaki lamang ang kaya niyang mahalin. Si Gianpaolo.
Wala itong kibo nang sumakay na sila sa kotse nito. Humawak siya sa braso nito nang makarating na sila sa villa nito sa Stalllion Riding Club at wala pa rin itong kibo. "Galit ka ba sa akin dahil di ko ipinakulong si Melissa at kinausap ko ngayon si Roland? Hindi lang kasi ako makakatagal nang may kagalit."
"Iyong kay Melissa, ayoko sana. Pero magpapakalayo-layo na siya at tiyak na matatakot na siyang lapitan ka pa. Oras na may mangyari ulit na masama sa kanya, siya agad ang dadamputin. I will let it pass for now. Si Roland naman, gusto ko nang putulin ang anumang ties sa kanya. You are mine now."
She smiled at his possessive note. Inaangkin na siya nito kahit na di pa niya ito boyfriend. But she liked the sound of it. "Alam niyang wala na siyang aasahan sa akin. Trabaho lang talaga ang dahilan para magsama kami."
"I hope you don't feel anything for him anymore. Kahit galit."
"HIndi naman ako nagtanim ng galit kay Roland."
"Good. Ayokong magkaroon ka pa ng kahit anong emotional ties sa kanya." Hinawakan nito ang kamay niya. "Gusto ko sa akin na lang ang atensiyon mo."
"Masyado ka naman yatang possessive. Hindi naman kita boyfriend."
He clutched her hand. "You told me that you love me."
"Did I? Saan?" tanong niya.
"Hindi mo ba natatandaan? Noong nasa isla tayo at natulog ng magkatabi. Don't you dare deny it. Kasi dinig na dinig ko iyon."
Wala na siyang mailulusot pa. Wala rin naman siyang dahilan para mag-deny. "Okay. I am in love with you, Gianpaolo Aragon! I tried hard to fight it. Tuwing niyayaya mo ako ng date noon, tumatanggi ako. I know that I am not that immune to your charm. And I don't want to end up getting hurt."
"But I promised not to hurt you."
"Paano ko natitiyak kung seseryosohin mo ako pagkatapos. But I don't care now. Kahit na di mo pa ako mahal. Kahit na ipagpalit mo pa ako sa iba, di ako natatakot sa nararamdaman ko. You make me feel happy and alive, Gianpaolo."