Chapter 494 - Chapter 17

MALAKAS ang kaba sa dibdib ni Dafhny nang makipagkita kina Ariel at Gianpaolo sa Mindanao function room ng Lakeside Café and Restaurant. Ilang araw na niyang hinihintay ang resulta ng ipinasa niyang design para sa Casa Rojo. And she was praying everyday that they would pick her up for the job.

"I'm impressed, Dafhny," wika ni Ariel nang ilatag ang design niya sa mesa. "Di mo lang basta nakuha ang design na gusto namin. You even exceeded our expectations. Congratulations! The project is yours."

"Really? S-Sa akin na ang Casa Rojo project?" Kinamayan niya ito. "Thanks, Kuya! Alam mo ba na hindi ako makatulog dahil diyan?"

Tumawa ito. "Well, you can sleep soundly tonight. Dahil oras na magsimula na ang trabaho mo sa Costa Brava, baka di ka na makatulog."

"This is the best news ever. I assure you that you won't regret this." Matutupad na rin ang pangarap niya. Ito na ang simula.

"Siya na ba talaga ang kukunin natin? Are you sure?" tanong ni Gianpaolo na kanina pa tahimik mula nang dumating siya.

"Her designs are the best. Ikaw mismo ang nagsabi na siya ang pinaka-magaling," sagot naman ni Ariel.

Nagsalubong ang kilay niya sa pagkwestiyon nito sa pagkuha sa kanya. "Do you have a problem with me, Gianpaolo?" Dahil kung isa na naman iyon sa biro nito, hindi siya natatawa. It was not the time for jokes when she feels like celebrating.

He pointed his pen on the paper for the estimated cost. "This one is too low. I think it is too good to be true."

"Pero hindi imposible iyan, Gianpaolo," depensa niya. "Gagamitin natin ang mga gamit na nasa bodega. Ang ilan sa kanila ay nasa magandang kondisyon pa. We just have to refurbish and restore them. Mas makakamura tayo doon kaysa naman bumili pa tayo ng mga bagong furnishings. Parang ibabalik lang din natin ang mga bagay na iyon sa tunay nilang tahanan."

"That's why we decided to hire you, Dafhny," sabi ni Ariel. "Not only you are good with designs. Practical ka rin. Some of the designers forgot one important factor. We don't want Casa Rojo to be so hotel-like. We want to give our guests the feeling of being one of the residents of the place. And you delivered it."

"One more question, Dafhny. Anong guarantee namin na di ka magba-back out tulad ng mga trabahador namin kapag may ghost sighting na naman sa Casa Rojo? We don't want to ruin the project because of that," seryosong sabi nito.

Sinalubong niya ang mata ni Gianpaolo at tinaasan ito ng kilay. "I am a professional. Mas importante ang trabaho sa akin kaysa sa multo. Isa pa, wala ka  namang napansin na natakot ako sa multo noong nasa Casa Rojo tayo, di ba?"

Naglaban ang tingin nila. Ngayon pa ba niya pakakawalan ang project kung kailan nasa kanya na? She won't live with Gianpaolo's baiting. Kung gusto lang nitong inisin siya, di siya magpapadala.

"Ipapa-book ko na ang flight mo, Dafhny. Sasama ka ba sa kanya, Gianpaolo?" tanong ni Ariel.

"Of course, Kuya. Tatapusin ko na ang bakasyon ko."

Tinapik ni Ariel ang balikat nito. "Why don't you and Dafhny celebrate? Ipasyal mo siya dito sa riding club. Wala bang game ngayon."

"Just a few practice matches," sagot ni Gianpaolo.

"That will do. Dafhny, si Gianpaolo na ang bahala sa iyo. Baka hindi ko na mahabol ang recital ng baby girl ko. Magagalit iyon," sabi ni Ariel.

"Gusto mong manood ng practice match nila Richard Don? Nandoon ang sikat na polo player na si Thyago Palacios," Gianpaolo said in a lame tone.

"Kung ayaw mo akong isama, huwag na. Uuwi na lang ako." Kanina pa nito pinabibigat ang pakiramdam niya.

Pinigilan nito ang braso niya. "Sabi ni Kuya Ariel mag-celebrate tayo."

She rolled her eyes heavenward. "Celebrate? How am I supposed to celebrate with that attitude of yours? Ayaw mo sa akin mapunta ang project, di ba? What do you have against me?"

"Look, Dafhny! I like your designs, I must admit. But you still have some unresolved issues."

Kumunot ang noo niya. "Issues? What issues?"

Tumiim ang anyo nito. "Roland Villarin, your ex-boyfriend."

"Ikaw na rin ang nagsabi na ex-boyfriend ko siya. Tapos na kami. Ni hindi ko na nga siya kinakausap. He left me for another girl. End of the story."

Ni hindi siya naghabol. Ni hindi siya nagsalita ng kahit ano laban dito. Di niya  maintindihan kung paanong magiging problema ang makatrabaho si Roland.

"I don't really care about your story, Dafhny. I just don't want your emotions to get in the way."

"We are through. Satisfied? Isa akong professional. Kaya walang multo o Roland na makakasira sa trabaho ko."

Huminga ito nang malalim at hinaplos ang pisngi niya. There was warmth in his eyes. "I just want to make sure that he won't hurt you anymore one way or another. Kung masasaktan ka lang kapag nagkita kayo, I'd better pull you out of the project. Mas importante ka kaysa sa project."

She smiled at him. Di niya alam na nag-aalala pala ito sa kanya. "I am not in love with him anymore. Saka may girlfriend na siya. Di naman ako naging kontrabida sa kanila kahit kailan. Basta magpo-focus lang ako sa trabaho ko."

Inakbayan siya nito. "Good! Manood na tayo ng match."

Tiningala niya ito. "Hindi ka ba maglalaro kasama sila?"

Pinisil nito ang pisngi niya. "Hindi na. Baka humanga ka pa sa akin."

Pinagtawanan niya ang pagyayabang nito. She was glad to know that he cared. Ibig sabihin ay magiging maganda rin ang pagtatrabaho nilang dalawa.