Chapter 495 - Chapter 18

"ANG init!" protesta ni Dafhny habang nag-I-inventory sa bodega. Inililista niya ang mga bagay na nakaimbak doon at saka niya ihihiwalay ang kapaki-pakinabang pa at dapat  nang itapon sa junk shop.

Kasagsagan ng summer noon kaya di na siya makahinga sa sobrang init. Matapos ilista ang ilang items ay nagmamadali siyang lumabas ng bodega. Naliligo pa rin siya sa pawis samantalang alas singko na ng hapon at palubog na ang araw.

"O, anong nangyari sa iyo?" tanong ni Gianpaolo na paikot-ikot sa site.

Ipinaypay niya ang palad. "Sobrang init sa loob ng bodega. Magsa-shower muna ako. Nanlilimahid na ako, eh!"

"I'll meet you for dinner then."

Kinabukasan pa dadating ang assistant niyang si Rei para tulungan siya sa inventory. Di niya alam kung matatagalan pa niya ang bukas.

Binuksan niya ang gripo at nagbuhos ng tubig sa katawan niya. Makaluma pa ang istilo ng banyo at wala pang modernong shower. Pero tiniyak ni Gianpaolo na mag-I-install ito ng modernong amenities doon.

She squeezed a generous amount of Stallion Shampoo and Conditioner on her palm. Wala siyang pakialam kung pangatlong beses na siyang magsa-shower sa araw na iyon. Gusto lang niya ay maginhawahan siya.

Enjoy na enjoy siya habang sina-shampoo ang buhok. Sa wakas ay mawawala na ang mga alikabok at pawis na nakadikit sa buhok niya. Di na siya mahihiya kapag humarap sa tanghalian mamaya.

Matapos banlawan ang buhok ay binalot niya iyon ng tuwalya. Naramdaman niyang may malamig na bagay na bumagsak sa likod niya. Nagtitili siya sa sobrang gulat at takot. Wala siyang pakialam kung marinig man ng buong isla ang tili niya. Anong klaseng nilalang ang nasa likuran niya? Multo ba? Lamanglupa?

Di nagtagal ay narinig niya ang malalakas na bayo sa pinto. "Dafhny, open up! Anong nangyayari sa iyo? Open up or I will use force."

Hinablot niya ang isa pang tuwalya at mabilis na itinapis sa katawan bago binuksan ang pinto. "Gianpaolo!" mangiyak-ngiyak niyang wika at yumakap dito.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong nito at hinaplos ang pisngi niya.

"Ano… kasi.. sa banyo… ano…" nauutal niyang wika. Wala rin naman siyang masabi sa sobrang takot.

"Teka, titingnan ko," wika nito.

Lalo pa siyang yumakap dito. "Huwag na! Baka kung ano pa ang makita mo."

She was satisfied to hold him. Nawawala ang takot niya dahil alam niyang di siya iiwan ni Gianpaolo. Pero ayaw din naman niyang masaktan ito. Paano kung ito naman ang balikan ng multo sa banyo?

Pilit siya nitong pinaupo sa kama. "Okay. Calm down. Kukuha lang ako ng tubg, ha? Huwag kang matakot. Titingnan ko lang ang banyo."

Napilitan siyang tumango. Nag-aalala pa rin niyang tiningnan si Gianpaolo. Lumabas ito sa banyo dala ang isang basong tubig at ang robe niya. Inabot nito ang baso sa kanya. "Uminom ka muna para kumalma ka."

"Thank you." At nanginginig niyang tinanggap ang baso.

Mariing magkadikit ang mga labi nito nang ipatong ang bath robe sa balikat niya. "Mabuti na lang at ako ang nakarinig sa iyo. Paano kung iba ang pumasok dito at makitang ganyan ang ayos mo." Walang ibang nakarinig sa tili niya dahil maaring pabalik pa lang sa site ang iba.

Nag-init ang mukha niya nang maalalang halos hubad siya maliban sa tuwalya. Tumayo siya agad at tumalikod dito. "I'm sorry."Saka niya inayos ang robe.

"It's okay. Iisipin ko na lang wala akong nakita."

Di na niya nagawa pang lumingon man lang dito. "A-Ano… may nakita ka ba sa loob ng banyo? Basta na lang kasing may malamig sa likod ko."

"Baka naman butiki lang iyong sumampa sa likod mo kaya malamig."

"B-Butiki? Butiki lang ba iyon?"

Pinisil nito ang balikat niya. "You are safe here. Walang multo."

"Thank you," mahina niyang usal.

"Get dressed. Ayaw ni Manang Suling na may nahuhuli sa hapunan."

"Gianpaolo, wala ka ba talagang nakita?"

Nagkibit-balikat ito. "Wala namang masyado."

"What do you mean by that?" pasigaw niyang tanong subalit halakhak lang ang isinagot nito sa kanya. Gosh! Nakita na nito ang katawan niya!